CHAPTER 7

1528 Words
Chapter 7 MAAGA natapos ang exam namin mabuti nalang at gumana ang utak ko at nasagutan ko ng maayos ang mga tanong. "Anong iniisip mo?" Napaigtad ako ng bigla siyang magsalita. "Ano ba? Bakit ka ba biglang sumusulpot diyan kabute ka ba? Aatakihin ako sa'yo sa gulat e!" Inilapit niya ang mukha niya sa'kin. Natulala akong napatitig sa kaniya. Ang lakas ng t***k ng puso ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Kanina pa ako dito, hindi mo lang talaga naramdaman presensya ko. Nakakalunod yata sa sobrang lalim iyang iniisip mo kaya hindi mo nahalata na kanina pa ako nasa tabi mo." Ngumiti siya saka umalis. May iniisip ba ako? Parang wala naman akong naalala? Tss pinagloloko na naman ako ng lalaking iyon grr!.. "Guys! Nabalitaan niyo ba? Nakalabas na ng detention si Tyron." Ani Khloe Napatingin naman ang iba sa kaniya."Seryoso ba iyan?" Biglang tanong ni Fleigh. Nanatili lang akong tahimik hindi ko naman kasi kilala ang pinag-usapan nila. Gaya din ng sinabi nila Hera huwag akong basta makikisali sa usapan 'pag 'di ko alam. "Seryoso nga, at ito pa may mga kasama siya at ang balita ko din bumuo siya ng grupo ng mga gangster." Mukhang seryoso nga si Khloe halata sa pananalita niya. Binalot naman ng takot ang iba. At nagkaniya-kaniyang bulongan na naman sila. Hindi ko lubos maisip paano sila nakatagal sa lugar na'to. Nang sumapit ang gabi. Maaga kaming naghapunan saka bumalik sa dorm huling exam na namin bukas kaya kailangan namin mag-aral. "Sendy.." Sambit ni Hera sa'kin. "Bakit?" Paglingon ko sa kaniya. "Alam ko narinig mo kanina na bumalik na si Tyron. Hangga't maaari huwag kang lalayo sa amin. Kapag nakasalubong mo si Tyron at ikaw lang mag-isa baka wala kami para tulungan ka. Walang sinasanto si Tyron lalo na kung hindi niya kilala. Dahil bago ka lang dito hindi ka talaga niya kilala. Hayaan mong kami mismo magpakilala sa'yo sa kaniya. Basta huwag kang palakad-lakad sa campus kung ikaw lang mag-isa. Ayaw ka namin mapahamak hangga't maaari." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Napaisip na naman ako kung anong klaseng tao ang sinasabi nilang Tyron. Galing siya sa detention malamang may nalabag siyang batas dito. Apat na buwan na ako dito at ang sabi ng iba matagal ng nadetention si Tyron. Sobrang bigat yata ng kasalanan niya kaya gan'on nalang katagal ang inilagi niya sa detention. Iniisip ko din ano ang meron sa detention. Lahat ay takot mapunta doon maliban sa iba na halos pabalik-balik na raw doon. Hindi rin pwedeng sabihin kung ano ang pwedeng mangyari kapag nadetention ang isang estudyante. Kapag nalaman ng nakakataas na may nagsabi ano ang meron sa loob ng detention ay ipapatapon raw sa Sanctuary ay kailanman hindi na palalabasin pa. Ilan lang iyan sa mga naikwento nila sa akin. Hindi ko raw kailangan malaman lahat baka ikapahamak ko lang. KINABUKASAN habang papunta kami sa Dinning Hall. Napansin namin na nagkukumpulan ang mga tao. Parang bang may pinagkakaguluhan sila. Aakma na sana akong lalapit ng pigilan ako ni Fleigh. "Huwag kang lalapit doon. Dito tayo dumaan." Sabay hila niya sa'kin. Sa side door ng Dinning Hall kami dumaan embis na sa harap dumaan. "Bakit dito tayo dumaan ano bang meron doon sa harap?" Tanong ko "Sila Tyron ang nand'on. Mas mabuti huwag tayo makisawsaw doon. Wala din naman tayong mapapala." Ani Hera. Napalingon naman ako sa gawi ng sinasabi nilang Tyron. Tanaw ko mula dito sa pwesto namin. Mga nakapulang damit sila at nakablack leather jacket sa likod noon ang isang larawan kung hindi ako nagkakamali isa iyong fox. "Kumain kana Sendy. Huwag mong bigyan ng pansin ang grupo nila hindi mo pa sila kilala. Kung mong mapahamak ituon mo ang sarili mo sa mga bagay na dapat pagtuonan ng pansin." Naguguluhan na naman ako sa sinabi ni Hera. Embis na isipin kung bakit niya iyon sinabi kumain nalang ako. Muntikan na kaming malate dahil sa mga estudyanteng nakaharang sa daan. Pinagkakaguluhan pa din nila ang grupo ni Tyron. Nasa kalagitnaan kami ng klase ng biglang pumasok si Tyron. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniya. Masyadong seryoso halos hindi mo mabasa kung anong klaseng ekspresyon ang meron sa mukha niya. Kung titigan mo siyang maigi ang tangos ng ilong niya. Napakaganda ng hulma ng mukha niya na kaaakitan ng mga kababaehan. Hindi na ako nagtataka kung bakit pinagkakaguluhan siya kanina. "Class, starting today Mr. Regall will be your new classmate. And please do welcome him back. Alam naman siguro ng iba dito na isang taon siyang nadention." Sabi ni Miss Barbara. Kinikilig naman ang ibang mga kaklase namin. Saka naman naglakad si Tyron. Napayuko ako bigla nang dumaan siya sa gilid ko. Saka ko lang napagtanto na sa gilid ko siya mismo nakaupo. Naiilang tuloy ako, hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang nararamdaman ko sa presensya niya. Matapos ang klase namin. Nakaabang sa labas ang asungot na ayaw kong makita. "Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" Tanong ko. "Meron, lumabas lang ako saglit para makita ka. Sige alis na ako." Saka ako tinalikuran at naglakad na siya pabalik sa room nila. Sinapian ba iyon? Aish! Bahala siya sa buhay niya wala naman akong pake kung anong trip niya sa buhay niya. Buti nga hindi niya ako kinukulit nitong nakaraang araw. Habang papunta kami sa library.. "Fleigh--" napalingon kaming tatlo nang may tumawag sa pangalan ni Fleigh. Nagulat naman ako ng makitang si Tyron iyon. Nakatayo siya ilang hakbang lang ang distansya niya sa'min. "Nakabalik na hindi mo man lang ba ako kukumustahin." Nakangiti kay Fleigh. "Anong silbi ng pangungumusta ko kung maayos ka naman?" Halata sa pananalita ni Fleigh na ayaw niya kay Tyron. May something kaya sa kanila?hmm "Tch! Ang sungit mo pa rin." Saka naman siya napatingin sa gawi namin ni Hera. "Hey Zaimin." Ngumiti lang si Hera sa kaniya. "And who's this girl--" Hahawakan na sana ako ni Tyron ng bigla siyang tinapik ni Phoenix. Hindi ko naramdaman na nasa likod pala namin siya. "Hindi mo siya kailangan hawakan. At hindi mo siya pwedeng hawakan Regall." Kalmadong sabi ni Phoenix ngunit mahahalata mo sa boses niya na nagpipigil siya ng inis. "Hmm. Bagong chix mo ba ito? Not bad she's pretty." "Phoe--" Pipigilan ko pa sana si Phoenix pero huli na nasa sahig na si Tyron habang pinupunasan ang labi niyang dumudugo. "Huwag na huwag mo siyang babastusin sa harap ko Regall." "Ano ba! Tama na nga para kayong mga bata!" Sigaw ni Fleigh. "Phoenix, Tyron. Sumunod kayo sa'kin." Napalingon ako ng makita si Miss. Kenyell nagalit na galit. "Tch!" Singhal ni Tyron. Nag-aalala ako sa mangyayari. Bakit pa kasi niya sinuntok si Tyron. Maya maya pa ay pinatawag din kami ni Miss. Kenyell sa office niya. Papasok palang kami rinig na rinig na namin ang boses ni Miss. Kenyell na sinisermonan ang dalawa. "Hanggang kailan ba kayo ganiyan? Puro kayo bangayan. Ikaw naman Tyron kalalabas mo lang sa detention gumawa kana agad ng gulo. Isa kapa Phoenix hindi kana ba talaga magtitino." Pagpasok namin saka tumahimik si Miss. Kenyell napatingin naman siya ulit sa dalawa. "Kayong tatlo. Hindi niyo man lang pinigilan ang dalawang ito lalo kana Zaimin Hera..Anong silbi ng pagiging Council mo kung hindi mo magawa ang trabaho mo." "Sorry Miss. Hindi na mauulit." "Ikaw naman Yoda. Hindi ba't sinabihan na kitang iwasan itong si Tyron." "Tsk! Huwag mo nga siyang pagalitan ako ang lumapit sa kaniya." Pagtanggol ni Tyron kay Fleigh. "Kahit kailan talaga pinapasakit mo lagi ulo ko pareho kayong dalawa." Tumingin naman si Miss. Kenyell sa'kin. "Ikaw naman kay bago-bago mo lang din dito sumali ka na sa gulo." Napayuko naman ako bigla. Nakakahiyang pagalitan sa harap ng mga kaibigan mo. "Ano ba Ma, pinagtanggol ko lang siya sa gagong 'to huwag mo nga siyang isali dito wala siyang kasalanan." Naiangat ko ang ulo ko sa sinabi ni Phoenix. Tinawag niyang Ma si Miss. Kenyell... Ilang minuto bago ko napagtanto na pareho pala sila ng apilyedo. Aish! Nakakahiya. Ano ba itong gulong pinasok ko. Matapos ang mahabang sermon ni Miss. Kenyell samin nagtungo na kami sa Dinning Hall. Bigla akong hinila ni Phoenix. "Hera mauna na kayo kakausapin ko lang muna saglit si Sendy." Tumango naman sila Hera. Hinila niya ako papunta sa labas."Ano ba bitawan mo nga ako." Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.Pilit akong nagpumiglas pero malakas siya at mas hinigpitan niya lalo ang pagyakap sa'kin. "Kahit saglit lang gusto kitang mayakap." Hinayaan ko nalang siya kahit nagtataka ako sa inaasal niya. Nang bitawan na niya ako. Saka naman siya tumalikod at naglakad palayo.Sinubukan ko siyang tanungin pero nakalayo na siya. Akala ko ba ay kakausapin niya ako? Bakit umalis agad? May sapi talaga siya. Kanina pa siya gan'on. Hindi ko alam anong trip niya. Kanina pinuntahan ako sa room. Pagkatapos pinagtanggol ako kay Tyron, tapos ito ngayon niyakap ako bigla. Wala man lang sinabi kung bakit? Aish! Bibigyan ba niya ako ng iisipin? Hindi pa nga ako makamove on sa kahihiyan kanina e. Nakakahiyang pagalitan sa harap ng mga kaibigan mo ito pa hindi ko akalain na Mama niya pala iyon. Napakamot nalang ako sa ulo ko at naglakad pabalik sa Dinning Hall.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD