SENDY'S NIGHTMARE
CHAPTER 4
Bawat patak ng pawis sa noo ko ay matinding takot naman ang nararamdaman ko sa sarili ko. Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Ang tanging nasa isip ko lang ay makalabas sa madilim na lugar na'to. Hindi ko alam bakit ako napadpad dito. Masyadong masikip at madilim ang lugar wala akong liwanag na nakikita. Takbo lang ako ng takbo. Nauubos na ang lakas ko sa kasisigaw namamaos na ang lalamunan ko. Sobrang manhid na nang mga binti ko kakatakbo pero hindi ko pa din alam saan ang daan palabas.
Sabay na tumutulo ang pawis at luha ko. Nawawalan na ako ng pag-asang makalabas pa dito. Pero hindi ako pwedeng sumuko kailangan kong makalabas dito. Bakit ba ako napadpad dito?
Maya maya pa ay may mga naririnig akong boses sa kung saan. Tila mga kaluluwang ligaw na humihingi ng tulong. Masyadong malalim ang pinagmulan ng mga boses. Hindi ko matukoy kung saan iyon naroon.
Napahinto ako ng biglang lumiwanag. Nasa isang silid ako? Paanong nangyaring tumatakbo ako gayong nasa loob lang pala ako ng isang silid. Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito.
'Tulong, tulongan mo ako'
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Isang babaeng duguan ang mukha sa loob ng salamin. Humihingi ng tulong. Bahagya akong napaatras sa takot ko at bigla nalang naglaho ang babae sa salamin.
'Umalis kana dito, hindi ka dapat narito. Iligtas mo ang sarili mo.'
Isang matandang babae naman ang nasa may pinto katulad ng babae sa salamin duguan din ito. Gutay-gutay ang damit. At kaagad din nawala.
Sino sila? Hindi ko alam ang pinagsasabi nila.
Lahat ng tanong ko sa sarili ko ay hindi ko masagot. Gulong-gulo na ako sa nangyayari. Nasaan sila Hera at Fliegh. Bakit nila ako iniwan sa lugar na'to.
Balot ng takot ang namamayani sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay iniwan ako ng lahat. Iniwan nila ako sa nakakatakot na lugar na'to.
"Hera!!"
"Fliegh!!"
"Nasaan na kayo!!"
BAWAT sigaw ko ay hinihiling kong tutulungan nila ako. Pero nabigo na naman ako. Hanggang sa bigla na naman dumilim ang paligid. Kumakapa ako sa dilim umiiyak.
"You're not supposed to be here. Someone's is waiting you outside leave this place before its to late."
May narinig na naman akong boses saka biglang lumiwanag nasa harapan na ako ng isang malaking pinto. Bagaman nalilito ako sa kung ano ang meron sa labas at sino ang taong naghihintay sa akin. At dahil sa kagustuhan kong makabas dito sinubukan kong puntahan ang liwanag na nasa mismong pinto ng kwartong 'to. Tinaas ko ang kamay ko para magsilbing pangharang sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Hindi ko kasi halos makita ang daan sa sobrang liwanag tangging puting kulay lang ang nakikita ko.
Nasa mismong pinto na ako ng biglang..
"Sendy, gising.."
Boses ni Hera ang narinig ko habang niyuyugyog ako.
Unti-unti ko naman minulat ang mata ko at lahat sila nakatingin sa'kin na para bang alalang-alala sila.
"Anong nangyari?" Agad kong tanong
"Ikaw dapat ang tanungin namin. Pero alam namin na hindi mo alam kaya kami nalang magsasabi sayo." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Fliegh.
"Bakit nandito kayo lahat. Bakit niyo ba ako ginising."
"Kapag hindi namin ginawa iyon baka mapagkamalan ka na naming bangkay." Sabat naman ni Khloe isa sa mga kaklase ko din sa isang subject
"Ano?"
"Kahapon ka pa tulog Sendy. Ilang beses ka namin ginising hindi ka pa din nagigising. Akala nga namin wala ka na hindi namin 'to sinumbong kay Senyora dahil baka madetention kami." Paliwanag naman ni Hera.
"Hindi ko maintindihan nanaginip ako pero hindi ko talaga maintindihan anong klaseng panaginip iyon. Nakakatakot gusto ko ng kalimutan ang panaginip na iyon."
Nag-umpisa ng mangilid ang mga luha ko hindi pa din nawala ang takot sa dibdib ko. Nanginginig pa ang kalamnan ko. Pakiramdam ko ay hindi iyon panaginip parang totoong nangyari o mangyayari pa lang. Mula ng pumasok ako dito puro mga kababalaghan nalang ang nangyayari. Na para bang bawat galaw ko ay may nagmamasid sa'kin. Minsan nga ay para akong praning na sa tuwing dadaan ako sa hallway may mga matang nakatingin sa akin na anumang oras ay pwede akong hilahin. Nakakabaliw lalo na kung ikaw lang mag-isang maglakad doon.
Dahil sa nangyari pinili nilang pagpahingahin muna ako at sasabihin nalang daw nila kay Senyora na masama ang pakiramdam ko kaya absent ako sa klase kanina. Alam kong gusto nilang malaman kung ano man ang panaginip na iyon pero ayoko na isipin pa kung ano iyon dahil kinikilabutan ako tuwing naiisip ko ang nangyari.
Kinaumagahan maaga akong nagising. Mas maaga pa sa kanila. Alas kwatro pa ng madaling araw gising na ako. Linggo ngayon kaya walang pasok. Pero kailangan kong gumising dahil magsisimula na ang ensayo ng mga ibang kalahok. Sa theater play ang napili ko. Dahil iyon lang ang mas madali sa tingin ko. Ibang sports ang alam ko at hindi kasali sa list ng sports ang gusto ko.
Isang linggo nalang gaganapin na ang U-DAY taon-taun nila pinagdiriwang iyan dito bilang pagbalik tanaw sa kasaysayan ng Helveria. Hindi ko alam anong klaseng pagdiriwang iyon unang beses ko pa lang na sasali. Inaasahan kong magiging maayos at mag-eenjoy ako.
Matapos kong maligo. Naghanda na ako mag-aalas singko na ng madaling araw gising na din ang iba kong kasama.
Sabay kami pumunta sa Dinning Hall mula n'ong nanaginip ako hindi nila ako hinayaan na mag isa kahit pa hindi kami pareho ng organization na sinalihan. Hindi ko maintindihan medyo nawewerdohan ako sa kinikilos nila.
"Mahahagard na naman ako nito next week." Reklamo ni Amelie.
"Oo nga ang daming gagawin ng mga student council sa U-DAY. Kami yata ang mas hagard kaysa sa mga player." Sabat naman ni Valerie.
"Hi guys! Seryoso ng pinag-uusapan niyo ah! Ready na ba kayo sa darating na U-Day next week." Masayang sabi ni Sabrina na kadarating lang.
"Mukha ba kaming ready? E hagard na nga kami e!" - ani Khloe
Nakikinig lang ako sa kanila wala ako sa mood makisali sa usapan nila. Kailangan ko pa memoryahin ang lines ko sa play namin kasama ko si Fleigh. Mas lamang si Fleigh kasi last year lang siya sumali pero madali niyang namemorize ang mga dapat gawin kaysa sa akin na bago pa lang. Hindi naman mahirap ang mga lines. Iyon nga lang kailangan ko aralin ang dapat gawin kapag plinay na.
Natapos ang araw namin na kapwa kami abala. Ganito daw sila taon-taun pinaghahandaan talaga ng maigi. Ayaw kasi ni Senyora na wala sa ayos bukod sa may ilang bisita. Manonood ang mga School Admins. Nakabase sa performance namin kung makakapasa kami next school year. Masyado silang strikto. Bago ka makatungtong sa susunod na baitang sa pag-aaral marami kang pagsusulit na kailangan gawin. Hindi porke nag-aaral ka nasasagutan mo ang mga tanong sa exam at kay mataas kang grado ay makakapasa kana. Mataas ang standard nila sa kakayahan ng bawat mag-aaral dito. Dahil para sa kanila walang silbi ang pinag-aralan mo kung hindi mo naman sinaulo. Anong silbi ng tinuro ng guro mo kung konti lang ang natutunan mo.
Nakakabilib ang estilo nila sa pagtuturo makikita mo talaga na sinisigurado nila na lalabas ka dito na may natutunan. Na makakapagtapos ka ng pag-aaral dito na kaya mong ipagmalaki kung ano man ang mga natutunan mo sa tinuro nila.
Oo sa umpisa nahirapan ako. Hindi naman kasi gan'on kadaling mag-adjust lalo na't hindi ito ang nakasanayan ko. Kumpara sa dati kong eskwelahan kahit hindi ka mag-aral mangungopya ka lang sa katabi mo makakapasa kana. Hindi tulad dito na kapag nahuli kang nangopya sa katabi mo madedention ka. Hangga't 'di ka natuto hindi ka pwedeng makalabas.
Bawat kamalian mo dito ay may katumbas na parusa. Parusa para matuto ka na hindi lahat ng mali ay tingin mo ng tama. Dahil kahit kailan ang isang mali ay mananatiling mali kung hindi mo itatama. Huwag mong gawing tama sa paningin ng iba kung alam mong mali naman talaga. May mga mali na pwedeng itama, ngunit hindi lahat ng mali ay pwede pang gawing tama.
Naguguluhan pa din ako sa sistema nila dito. Pakiramdam ko minsan hindi ako nabibilang sa kanila. Na isa lang akong salimpusa na napadpad sa werdong eskwelahan na'to. Nakakapangilabot minsan dito lalo na paggabi at madaling araw. Marami akong naririnig na mga boses na humihingi ng tulong. Mga boses na nagmamakaawa. Ang sabi nila sa'kin huwag ko daw pakinggan kung ano man ang marinig ko. Paano ko naman hindi papakinggan e halos hindi ako makatulog ng maayos kapag naririnig ko sila. Pakiramdam ko tuloy nasa sementeryo ako at puro mg kaluluwang ligaw ang mga kasama ko dito. Para akong nasa isang lugar na hindi lang tao ang kasama ko. Nag-umpisa ng magsitayuan ang balahibo ko sa tuwing humahampas ang malakas na hangin galing sa bintana.
Siguro guni-guni ko lang iyon. Dala lang ito ng pagod kaya kung ano-anu na naiisip kong hindi maganda.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko sabay ng pagdadasal na sana hindi ko sila marinig gusto kong matulog ng mahimbing. Ang bigat ng katawan ko kahit wala naman akong masyadong ginawa pero parang pagod na pagod ako.
Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog..