CHAPTER 3

1497 Words
Chapter 3 Hindi ko kailan man pinangarap na mapunta sa lugar na'to. Sa loob ng tatlong buwan na pananatili ko dito may mga nalaman ako hindi ko lubos maintindihan. Isa pa itong PRK na'to panay ang padala sa akin ng mga sulat ni ayaw naman magpakita o magpakilala man lang kung sino siya nagtatago lang siya sa initials na PRK. Tinanong ko din sila Hera pero hindi nila kilala kung sino. Hindi nila makikilala ang isang tao kung initials lang ang gamit nito bukod sa marami ang estudyante dito wala din silang naririnig na may ganiyang initials. Naniniwala naman ako sa kanila sa tagal nilang nag-aral dito malamang ay alam na nila lahat. Ang pinagtataka ko lang sa bawat sulat niya sa'kin may kasama iyong babala. Gaya n'ong nakaraan sinabi niya sa'kin na huwag akong akong basta-basta lumabas ng dorm at magpagala gala nang ako lang mag-isa. Hindi ko maintindihan ba't niya sinabi sa'kin yun. Napaka-weird talaga ng mga tao dito. Kung anu-ano trip sa buhay. Maaga natapos ang klase namin mas maaga sa nakasanayan. May inanunsyo kasi si Miss Jera. Isang linggo mula ngayon ay U-Day na. Taun-taon daw ginaganap ang selebrasyon na iyon dito at lahat ay kailangan makilahok. Required din sumali sa mga clubs at organization tuwing U-Day. Sa Theater Club ako sumali kasama ko si Fleigh. Tutal madrama naman na ang buhay ko why not gamitin ko ang talent ko sa pag-aact. Dati na akong sumasali sa mga acting workshop noon pati sa mga School event namin dati ay ako ang pambato nila hindi sa pagmamayabang magaling akong umarte kahit nasasaktan na ako kaya kong magkunwaring masaya. Ganiyan kadrama ang buhay ko. "Sendy, pinalista ko na ang pangalan mo dapat maaga tayo bukas. Bukas na agad magsisimula ang practice natin next week na ang event kaya nagmamadali ang mga organizer para sa mga kalahok." Ani Fleigh. Bandang alas otso ng gabi oras na ng pagtulog pero ang diwa ko gising na gising pa. Pagod ang katawan ko pero parang pang matulog ng mga mata ko. Naglalakbay ang utak ko sa mga bagay-bagay. Mariin kong pinikit ang mga mata ko saka sinubukan na makatulog ngunit nabigo ako. Sa pagpikit ko ay may naririnig akong mga boses na hindi ko mawari kung saan galing. Mga boses na nagmamakaawa. Mga boses na humihingi ng tulong. Hindi ako mapakali naimulat ko bigla ang mga mata ko saka bumangon. Nagtungo ako sa side table may maliit na ref doon kumuha ako ng tubig. Pinagpawisan ako ng hindi ko maintidihan. Possibleng nananaginip ako ng marinig ko iyon dahil gising ang diwa ko at tangging mata ko lang ang nakapikit. Gusto kong malaman ano ang mga iyon kaya wala sa sarili kong ginising ang mga kasama ko hindi ako mapakali talaga. "Ano ba Sendy, gabi na ba't hindi ka pa tulog." Iritadong sabi ni Fleigh "M-may narinig kasi ako." Saka naman dahan-dahang bumangon si Hera. "Matulog kana huwag mo ng isipin ang mga naririnig mo." "Paano ko hindi iisipin mga nagmamakaawang boses ang naririnig ko humihingi sila ng tulog na para bang kailangan talaga nila ng tulong natin." "Hindi sila totoo Sendy, gaya ko ganiyan din ako noong una kong dating dito pero maniwala ka man sa hindi. Hindi sila totoo, oo naririnig mo sila pero ilusyon lang ang mga iyan. Taun-taon sa tuwing may bagong salta dito nagpaparinig sila sainyo." Paliwanag ni Fleigh "Hah? Wala akong naintindihan bakit ko sila naririnig kung ilusyon lang sila." "Dahil ang lugar na'to ay hindi basta lang skwelahan. Lahat ng secreto nakakubli lahat ng mysteryo nakatago. This place is Hell, believe it or not. Malaya kang alamin ang gusto mo kung gusto mo pero huwag mong hayaan na ang curiosity mo na dalhin ka sa pinakailalim na bahagi ng lugar na'to. Gaya ko noong una pinilit ko si Hera na alamin ang ano ang meron dito at muntik na akong mapahamak kaya pinili kong manahimik at kusang nalaman ang mga gusto kong malaman." Hanggang sa makatulog ang dalawa nanatili pa din akong nakahiga gising na gising at mas lalong hindi ako makatulog dahil sa mga sinabi nila. Bakit kailangan marinig ko ang mga iyon. Ayokong buksan ang curiousity ko lalo na kung hindi ko naman kailangan malaman. Gaya ng sinabi ni Fleigh nanahimik nalang siya at hayaan na kusang malaman ang lahat. Sa tingin ko ay mas mabuting ganun nalang din ang gawin ko. KINABUKASAN alas singko ay gising na ako dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Matapos namin maghanda ay saka kami nagtungo sa Dinning Hall para mag-agahan naunang pumasok sina Hera. Pinili kong magpahuli nang makita kong papalapit si Phoenix. Saka ko siya hinila papunta sa gilid ng Dinning Hall. Saktong layo lang na siguradong walang makakarinig sa'min. "Huwag kang mag-imagine dahil sa paghila ko sa'yo may itatanong lang ako baka may alam ka." "Anything for you.." Sabay ngisi niyang sabi Kahit naiirita ako sa kaniya kailangan ko pa din magtanong kahit na sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako mag-uusisa sa mga bagay na pinagtatakhan ko. At least gusto ko malaman man lang ang mga iilan sa mga kawerdohan sa School na'to. "Ganito kasi iyan kagabi bandang alas otso natutulog na mga kasama ko at ako patulog pa lang pero nang pipikit na ako may naririnig ako na kung anu-ano mga boses na nagmamakaawa at humingi ng tulong. Ang sabi ng mga kasama ko guni-guni at ilusyon lang iyon pero narinig ko e paano naging ilusyon lang iyon. Please kailangan ko ng sagot hindi ako nakatulog ng maayos dahil lang dun." Seryoso siyang nakatitig sa'kin na parang pinapakiramdaman pa niya kung ano ang sasabihin niya sa'kin at napabuntong hininga siya saka hinawakan ang kamay ko. Mariin ang pagkakahawak niya hindi ko tuloy maintindihan ang biglaang kaba na naramdaman ko. "Hindi ito basta skwelahan lang, Where in the middle of Hell, this place is the nearest way to Hell. Kung ano man ang narinig mo sila ang mga taong namatay na pero hindi pa din matahimik ang mga kaluluwa nila. Hindi pa rin nila matanggap na wala na sila dito sa skwelahang ito sila nakalibing lahat. Ang mga dating guro at estudyante na namatay sa maling dahilan hindi nabigyan ng hustisya dahil wala ni isa man ang sumubok. Ayaw nilang matulad sa mga taong nilibing ng buhay ang iba ay namatay ng walang kalaban-laban. Kaya binalaan kita na huwag kang lalabas o gagala ng ikaw lang mag-isa. Pero....kung hahayaan mo akong maging kaibigan ka hindi ko ipapangako pero babantayan kita para maging ligtas ka habang nandito ka." Hindi ko alam ano ang iisipin sa mga sinabi niya. Pero ramdam ko ang senseridad sa sinabi niya. Kahit wala akong tiwala sa mga taong bagong kilala ko lang wala naman sigurong mawawala sa'kin kung susubukan kong magtiwala sa isang 'to. Tutal sobrang kulit naman nito sa'kin at ayaw talaga akong tantanan why not give him a chance na maging kaibigan. Para na rin makakuha ako ng impormasyon sa mga gusto kong malaman. "Okay deal." Sagot ko na medyo kinagulat pa niya. "Baka napipilitan ka lang?" "Ayaw mo yata e 'di wag bahala ka wag mo na akong kulitin ulit at wag ka ng makalapit-lapit pa sa'kin." Akma na akong aalis ng pinigilan niya ang braso ko. "Salamat sa tiwala, hindi kita bibiguin." Tumango ako saka pumasok sa loob. - "Saan ka galing?" Kunot noo na tanong ni Hera "Sa labas kausap ko si Phoenix." "Tungkol saan naman?" Pag-uusisa ni Fleigh. Pakiramdam ko tuloy nababasa nila iniisip ko. "Binigyan ko siya ng chance para maging kaibigan ko. Wala naman masama siguro kung magtitiwala ako sa kaniya mukhang mabait naman makulit nga lang." Sabi ko saka tinuon ang atensyon sa pagkain. Ayoko sila tingnan dahil baka iba ang makita nila sa mata ko. Hindi ko magawang magkunwari sa harap ng dalawang 'to dahil alam ko na mas may alam sila kaysa sa akin. At kahit totoo ang sinabi kong dahilan tingin ko hindi pa din sapat iyon hays. Tahimik lang akong kumain hindi na rin naman sila ulit nagtanong pa inisip ko nalang na naniwala sila sa dahilan ko. Nang sumunod na araw hindi ko inaasahan na talagang tutuparin ni Phoenix ang sinabi niya kahit hindi siya ganun nakikipag-usap sa'kin pero nandiyan lang siya sa tabi'tabi kahit ultimo pagpasok ko sa dorm ay nakabantay pa din siya. Hindi ko maiwasan na mapangiti para tuloy akong batang kailangan bantayan ng magulang. Nang makapasok sila Hera sa dorm huminto ako sa may pinto saka siya nilingon. Nilapitan ko siya nakangiti naman siya habang nakasandal sa pader. "Salamat, hindi mo naman kailangan araw-arawin kasama ko naman sila Hera wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda pag kasama ko sila." "Ayos lang gusto ko rin naman ang bantayan ka lagi. Gusto kong nakikita ka." Naestatwa ako sandali sa sinabi niya. Pilit kong huwag ipahalata ang pagkagulat ko. Hanggang sa makapasok ako ay kinakabahan pa din ako. Tss ba't kasi gan'on siya magsalita hindi ako sanay may nagsasabi sa'kin ng gan'on. Sendy, kalma wala lang iyon okay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD