Chapter 2
"Ganito ba talaga dito, ba't ang weweird ng mga tao." Wala sa sarili kong tanong.
"Hayaan mo nalang ang mga iyan ganiyan talaga sila may kaniya-kaniyang mundo dito. Sabihin na nating nasa iisang kalawakan tayo at bawat isa sa'tin ay may kaniya-kaniyang mundo. Hawakan mo lang ang sa'yo huwag kang lumapit sa mundo ng iba. Huwag mong buksan ang curiosity mo sa ibang bagay hayaan mong magbukas ito ng kusa at hayaang makita ng sarili mong mga mata."
Ang lalim ng sinabi ni Hera, pero naiintindihan ko. Pero nakakalito pa din. Ahm bahala na nga, Sabi niya ay hayaan ko nalang. Sa sabay bago pa lang naman ay nasa stage pa ako ng pag-aadjust.
"Teka? bawal ba talaga dumalaw ang mga parents natin dito or tayo ang dadalaw sa kaniya."
Bakit kasi sa lahat ng pwedeng pasukan bakit dito pa nila ako napiling ipasok. Like? This place can be called a haunted place. Sobrang tahimik, ang weird ng mga tao and lahat nalang may curfew. Oh God! how can I survived here. Kung ngayon palang ay feeling ko gusto ko ng sumuko. Kasalanan talaga 'to ng intremidita kong kapatid e. Siya nalang sana ang inenroll dito bagay naman sa kaniya pareho sila ng mga tao dito na weirdo.
"Lahat ng patakaran dito ay kailangan mong sundin. Dinidesplina nila ang mga estudyante dito, kaya kung ayaw mong sumunod ihanda mo na ang sarili mo sa detention. Hindi magiging madali ang buhay mo d'on. Matindi pa sa pagiging preso ang mararanasan mo d'on. Takot ang iba na magkamali dito. At kung sino man ang magtangkang lumabas paparusahan. Pero malabo namang mahanap nila ang lagusan dahil simula ng pumasok ka sa pintong pinasukan mo papunta dito. Binaon natin ng isip mo kung saan ang lagusang iyon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, ang hirap paniwalaan. Pero hindi ko din maitatanggi ang makaramdam ng takot. Paano kung magkamali ako? No, No, as in No way. Gusto ko pang makita ang pamilya ko.
"Pwede ko bang malaman kung bakit gan'on?"
"Malalaman mo din sa pagkakataon na 'di mo inaasahan sa ngayon kailangan na natin pumasok baka malate tayo, pareho tayong ipasok sa detention 'pag nagkataon."
Hindi ko na nagawang sumagot pa ng maglakad na siya papunta sa room sumunod naman kami ni Fleigh na deadma lang sa mga sinabi ni Hera kanina.
First day ko dito, medyo mahirap nga ang lesson nila pero nasasagot ko naman.
Hate ko talaga ang history, hindi ako interesado sa nakaraan. Mas lalong ayoko sa math, ang hirap na nga ng subject hirap pa ng mga lesson. Feeling mo nasa college kana wala naman sa libro ang ibang lesson. High tech na din ba utak ng mga teachers dito?! gumagawa ng sariling lesson na wala sa libro. E malamang hindi naman alam ang sagot kasi nga wala sa libro. Pambihira, ayoko madention utang na loob. Kanina pa ako naiinis sa teacher na'to ang dami pang sinasabi wala namang may pake.
I want to be out of this place, I don't belong here like err?
Sino naman makakatagal sa lugar na'to. Ang creepy, feeling mo out of place ka kasi kung makatingin sila akala mo naman may matindi kang kasalanang ginawa. Ang sasama tumingin, nireremind naman ako nila Fleigh at Hera everytime na mapapansin nila ako na hindi na komportable. Huwag ko na lang daw pansinin, masasanay lang raw ako. Paulit-ulit at halos mamemorize ko na ang mga sinasabi nila sa'kin.
After namin kumain nagdecide sila na pumunta muna sa library. Hintayin ko nalang raw sila dito sa Dinning Hall may kukunin lang silang libro magrereview kami para sa quiz bukas.
Sana may maisagot ako bakit pa kasi nauso ang history na subject. Ang hilig-hilig balikan ang nakaraan tapos na nga babalikan pa. History na nga 'di ba? dapat past na.
Dahil takot akong bumagsak at madetention kaya no choice ako.
"Hi! nag-iisa ka yata nasa'n ang kasama mo?"
Sino naman ang isang 'to?
"Malay ko, ako ba sila?"
"Nagtatanong lang naman kasi pwede naman sumagot nang 'di nagsusungit. Baka ika'y pumangit."
"Pake mo ba? hindi naman kita inutusan na kausapin ako."
"Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa'yo. Way ko ng pag-welcome sayo dito sa school."
Hindi yata ako titigilan nito ,'pag 'di ako pumayag sa gusto niya. Hindi masyadong halata na makulit siya. Sa lahat ng lalaki dito siya lang ang lumapit at nagsabing gusto niya akong maging kaibigan.
"Ano naman mapapala ko sa pakikipag-kaibigan sa'yo?"
"Bukod sa gwapo ako, para na rin sa safety mo."
Safety? bakit? may papatay ba sa'kin 'pag 'di ako nakipag-kaibigan sa kaniya.
"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo kaya pwede lumayo ka-- 'wag kang lalapit sa'kin dahil hindi ako interesado makipag-kaibigan kahit kanino. May kaibigan na ako hindi ko na kailangan pang dagdagan."
"One of these days, you'll regret to say those words. I know you have a few friends here. But having more than of a few friends is much better. You're in a danger zone area. Only friends will help you get out in danger. I'm not saying this to scare you, Better be prepared than to suffer by rejecting my offer."
Hindi pa siya nananakot sa lagay na iyan ah, at ano ba pinagsasabi niyang danger zone area. Wala naman kami sa gyera. Baliw ba siya sapakin ko kaya 'to.
"As what I said earlier, Wala akong pake okay?." Saka ako tumayo nang makita ko ang mga kaibigan ko papasok ng dinning hall.
Hindi ko na hinintay na puntahan ako sinalubong ko na sila.
"Halina kayo habang maaga pa makapag-review tayo agad. Maaga pa tayo bukas 'di ba?."
Nagpalitan naman ako ng tingin sa dalawa nang makita kong nagulat sila. E sa ayoko manatili sa loob nabubwesit lang ako sa lalaking iyon na hindi ko naman kilala kung sino.
-
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may narinig ako sa labas. Mga yabag ng paa nasa loob ng study room sila Hera at Fleigh habang ako nandito lang sa kama ko nagbabasa.
Dahil sa gusto kong malaman ano ang meron sa labas naisipan kong sumilip. Dahan-dahan akong lumabas, ingat na ingat para hindi magkaroon ng ano mang ingay. Mahirap na baka maistorbo ko sila 'pag narinig nila na lumabas ako.
Nang makalabas ako sa dingding na pinto. Dahan-dahan kong binuksan ng kaunti ang mismong pinto ng kwarto. Naririnig ko pa din ang mga yabag ng paa pero wala naman akong nakikita. Biglang lumakas ang hangin parang may dumaan sa harap ko naramdaman ko iyon pero wala akong nakita.
Nakaramdam ako ng matinding kaba. Pakiramdam may taong nakatingin sa'kin na hindi ko nakikita. Dali-dali akong bumalik sa kwarto. Habol hininga ako naupo sa kama. Pinagpapawisan ako ng malamig daig ko pa naligo sa yelo. Bigla ko naman naalala ang sinabi n'ong lalaki sa dinning hall. Totoo nga kaya iyon.
Am I really in a danger place. Is this place is dangerious?
"Okay ka lang ba? namumutla ka." Napalingon ako sa lumabas.
"Huh?"
"Ang sabi ko okay ka lang ba, namumutla ka kasi. Pinagpapawisan ka pa malakas naman ang aircon." Ani Fleigh
"Ah oo okay lang naman ako. Galing kasi akong banyo nanghilamos ako."
Tinaasan naman niya ako ng kilay halatang hindi kumbinsido sa dahilan ko. Pero sa halip na mag-usisa ay pinili nalang niyang pumasok sa banyo. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kasi alam paano ipapaalam sa kanila ang paglabas ko sa kwarto kanina. Mas lalong hindi ko alam paano sasabihin ang nakakalito at kababalaghan na nangyari sa'kin.
Kababalaghan kong masasabi kasi hindi ko maipaliwanag kung ano iyon. Impossible namang may multo dito? Alas syete pa lang ng gabi nang tingnan ko ang orasan. Sa ganitong oras ay wala ng lumalabas hindi rin allowed ang lumabas may schedule bawat araw at kung anong oras lang pwedeng lumabas dahil sa curfew.
KINABUKASAN pinilit kong kalimutan ano man ang nangyari kagabi. Habang naglalakad kami papunta sa room namin nakasalubong ko yung lalaking kumausap sa'kin kahapon. Nilagpasan lang niya kami na animoy walang nakita.
"Sino iyon?" Wala sa sarili kong nilingon yung lalaki sabay tanong sa mga kasama ko.
"Si Phoenix iyon Member ng Fox." sagot ni Hera
"Fox? as in fox na hayop?"
"Oo pero hindi hayop ang tinutukoy ko. Group of gangsters iyon."
"Gang.. what?"
"You heard her right Sendy, saka mo nalang iyan itanong sasagutin ka namin. Kailangan muna natin ipasa ang nakakamatay na quiz ni Miss Kenyell kung ayaw mo madetention."
Nasabi na nila sa'kin iyon kagabi na kailangan ipasa lahat ng quiz at exam dito kung ayaw mo madetention. Ganiyan raw ang paraan nila para matuto at magpursige ang mga estudyanteng mag-aral. Walang lugar ang mga bobo dito, paparusahan ka hangga't wala kang natututunan. Dahil hindi ka rin makakalabas dito kung wala kang alam at walang laman ang utak mo. Kailangan matutunan mo lahat ng tinuturo nila kung gusto mo makalabas dito.
Nalilito man ako pero may punto din naman sila. Kaya ka nga nag-aral para matuto. Kaya siguro dito ako inenroll kasi wala naman akong interest sa mga tinuturo sa dati kong school. Madalas akong tumatakas kasi ayoko pumasok sa subject na ayoko. Sa aming magkakapatid ako talaga ang sakit sa ulo ng mga magulang namin. Kaya siguro iniwan nila ako dito, siguro ay pagod na sila kakaintindi sa'kin. Siguro ay sawa na sila sa ugali ko. Siguro dahil si Avery lang mabuti sa paningin nila. Siguro nga wala na akong halaga sa kanila.