We arrived at Wesley University covered court at exactly 1:00 PM. At kagaya ng inaasahan ko ay maaga pa kami doon dahil iilan pa lang ang mga nakita kong naka jersey uniform na nagwa-warm up sa court. Although, I’ve been seeing a group of girls already sitting in front of the benches. Hindi ko alam kung estudyante ba lahat sa school na ‘to ang mga ‘yon dahil ang iba ay namumukhaan ko na galing sa dati kong school. Muntik pa akong mapaatras at mapatigil sa paglalakad nang makilala ko ang ilang pamilyar na mukha sa gawing kanan ng bench kung saan kami papunta ni Kuya Gelo. They are Arkin’s cousins! They looked so excited while looking at the two guys playing on the court. Namukhaan ko kaagad ang dalawang lalaking nakasuot ng parehong jersey uniform na suot ni Kuya. Napatigil silang pareho sa pagtatawanan at paghaharutan sa court nang pumito si Kuya para kuhanin ang atensyon nila.
“Gelo!”
Agad na binitawan ni Vaughan Montecarlo ang bola at mabilis na nag-jog palapit sa gawi namin. Ngiting ngiti ito at mabilis na nakipag high five kay Kuya. “Long time no see, dude! I heard you’re gonna stay here for good? Totoo na ba talaga?” Nakangising komento pa n’ya at nilingon ako. “Oh! You’re here, Kira?” Bati n’ya sa akin na tipid na nginitian at tinanguan ko lang.
“You’re half an hour late,” sabi naman ng pinsan ni Vaughan Montecarlo na si Triton Aldana. They are my brother’s schoolmates. At parehong sikat na businessman ang mga ito. Triton Aldana’s gaze lingered on my side. Medyo tumagal ang titig n’ya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Nagkaton na driver n’ya ang Tatay ni Arkin kaya hindi ko maintindihan ang tingin na ipinupukol n’ya sa akin ngayon. Hindi naman s’ya nagsalita at tinanguan lang ako at muling ibinalik ang tingin kay Kuya.
“You still haven’t changed, Aldana,” natatawang komento ni Kuya at nakipag high five din kay Triton. Nag-usap at nagtawanan pa sila bago nagpasyang mag warm up na ulit sa court kasama si Kuya. Nagsabi din ako sa kanya na hihintayin lang si Mitz sa labas ng covered court kaya agad na pumihit na ako pabalik sa labas pero agad na napahinto nang tawagin ako ni Rhea, ang pinsan ni Arkin. Maykaya ang pamilya nina Rhea kaya isa s’ya sa mga unang nag approach noon sa akin nang malaman n’yang boyfriend ko si Arkin.
“Hello, Kira! You don’t look good,” komento n’ya kaagad na halatang may gustong iparating base sa pagkakangisi n’ya sa akin. Nagbulungan at nagtawanan ang dalawang babaeng kasama n’ya na mukhang kaklase ng mga ito. “Anyway, malapit na ang kasal ni Arkin. You’re coming, right?” Nakakalokong patutsada pa n’ya kaya agad na nagpanting ang tenga ko at biglang nangati ang kamay na hablutin ang buhok n’ya pero pinigilan ko ang sarili ko. When I found out that Rhea was friends with the woman that Arkin is dating now, parang gusto ko s’yang sugurin at kalmutin sa mukha. Wala naman akong ginawa sa kanyang masama, maliban na lang sa pagtanggi ko sa mga hinihiling n’yang isama s’ya sa mga parties na kasama ang ilan sa mga elite friends ko. Invited lang din naman ako sa mga iyon kaya wala sa akin ang desisyon kung sino ang mga iimbitahin. Little did I know that Rhea was like a social climber who wanted so much attention. Umayos ako ng tayo at nakangiting hinarap s’ya.
“You don’t look really good, too, Rhea. In fact, you are ugly as ever,” walang gatol na sabi ko kaya kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata n’ya at ang pagsinghap ng dalawang babae sa likod n’ya. Ngumiti pa ako lalo at humalukipkip. “By the way, why would I attend my ex-boyfriend’s wedding? Hindi naman ako plastic na katulad mo,” nakataas ang kilay na sabi ko at tumalikod na pero agad ding napahinto nang marinig ko ang malutong na mura n’ya. “And please, Rhea. Stop approaching me in front of other people,” sabi ko at sinulyapan ang dalawang kasama n’ya. “You know that I am not keeping a filthy ‘b***h’ in my circle, right? So please… know your place.” I warned and glared at her. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin n’ya at agad na tinalikuran na sila doon.
Kung gaano kabigat ang mga hakbang ko palayo sa gawi nila ay ganoon din kabigat ang nararamdaman ko sa dibdib ko. This is why I can’t be with people who will constantly remind me of Arkin. This is why I have to divert my attention to something else. Kasi habang may mga taong nagpapaalala sa kanya sa akin ay mas lalo lang akong hindi nakakalimot. Mas lalo lang akong nababaon sa nakaraan. Mas lalo ko lang sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa amin. Mas lalo lang akong kakainin ng galit sa kanya at sa sarili ko. Mas lalo lang akong matatagalang maka move on at ibalik ang drive ko para ituloy ang pangarap ko, na kailangan kong simulang buuin ulit na hindi na s’ya kasama.
“Hold your emotions, Kira. You are not in your darn room! Nasa labas ka at maraming tao na makakakita sa kadramahan mo!” Inis na inis kong sita sa sarili nang maramdaman ko ang unti-unting pamamasa ng mga mata ko para sa mga nagbabadyang luha. I shook my head to forcibly stop my tears from falling. Dahil sa kakailing ko ay hindi ko tuloy napansin ang kung sinong nakasalubong ko. I just heard someone probably talking on the phone. Ilang sandali pa ay nagkadikit na ang mga katawan namin at narinig ko ang malakas na pagbagsak ng kung ano sa simento. Namilog ang mga mata ko nang makitang phone ng kung sinong nakabangga ko ang bumagsak sa sahig. Gumalaw ako at pupulutin na sana iyon pero nagsalita na ang nakabangga ko.
“Are you okay, baby?”
Napatigil ako at tiningnan s’ya. Kumunot ang noo ko dahil sa endearment na tinawag n’ya sa akin.
Baby ba ang tawag ng lalaking ito sa lahat ng nakakausap n’ya?
“Baby?” Nagtatanong ang mga tingin na pinukol ko sa kanya. I can’t stop myself from lingering on his unusually handsome face. Maliit ang mukha nito na exposed na exposed dahil nakasuot ng black metal spiral headband na madalas kong nakikitang sinusuot din ng Kuya Gelo ko kapag naglalaro o nag woworkout.
His shiny hair looked so soft and black like the color of his eyes and thick brows. Agaw pansin din ang black diamond earrings na suot nito na kumikislap sa mga ilaw na nagmumula sa buong covered court. Hindi ko matukoy kung paanong idescribe ang kabuuan ng mukha nito. He’s definitely handsome but there’s something that makes me want to just stick my eyes on his face. Charismatic? I don’t know!
“I’m sorry. I thought you’re my girlfriend,” paliwanag nito na agad ko namang inismiran. I kept my distance and crossed my arms.
“You just talked to your girlfriend over the phone, Mister,” I sarcastically spat. Mabuti sana kung hindi ko s’ya narinig na may tinatawag na baby kanina ay baka maniwala pa ako sa alibi n’ya dahil sa pagtawag n’ya sa akin ng gano’n! Nang tingnan ko s’ya ulit ay nakangisi na s’ya ng maluwang habang tinititigan ang mukha ko.
“What did you call me?” Bahagyang kumunot ang noo nito habang hindi pa rin naalis ang ngisi sa mga labi. Tumaas ang kilay ko.
“Mister-”
“Mister?” Muling ulit n’ya. Kumunot ang noo ko at hindi nagsalita. “You want me to be your Mister? So, ayaw mo ng baby at gusto mo ay… Misis? Misis ko?” Nakangising dagdag pa n’ya kaya umawang na ng todo ang mga labi ko.
How dare this guy blatantly hit on me when he just talked to his girlfriend over the phone?!
Mariing pumikit ako. Why on earth do I always have to get involved with players? Sa itsura at sa tono ng pananalita ng lalaking ito ay halatang halata na ang pagiging babaero!
Agad na napamulat ako at gulat na gulat na hinarap s’ya nang maramdaman ko ang paglapat ng mainit na bagay sa mga labi ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang hindi makapaniwalang tinitingnan s’ya.
“D-did you just… kiss me?!” Hindi makapaniwalang bulalas ko. Sunod sunod na tumango s’ya kaya lalong napamaang ako.
“Hindi ba ‘yon ang gusto mong gawin ko?” Tanong pa nito. Napakurap kurap ako at agad na ginapangan ng sobra sobrang pagkainis.
“What?!” Iritadong bulalas ko.
“I mean… you closed your eyes after staring at me. Weren’t you asking for a kiss?” Nakataas ang isang kilay at nakatagilid ang ulo na tanong pa n’ya kaya lalong kumulo ang dugo ko.
“Just why the hell would I let a stranger like you kiss me-”
Hindi ko na natapos ang paninita sa kanya nang may tumawag na sa kanya mula sa likuran ko.
“Hurry up, Dame! We only have ten minutes to warm up!” Sigaw ng kung sino sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang suot n’yang jersey uniform. He looked like he’s playing today! At base sa uniform na suot n’ya ay mukhang hindi sila magka team ni Kuya. So, this guy is probabaly one of the varsity players of this school!
Lumipad sa kung saan ang lahat ng iniisip ko nang muli kong maramdaman ang paglapat ng mga labi n’ya sa pisngi ko. Namilog ng todo ang mga mata ko.
“See you later after the game, Misis.” Nakangising sabi pa nito at walang paalam na tinalikuran ako. Awang ang mga labi at hindi makapaniwalang sinundan ko s’ya ng tingin.
“YU 07?!” Bulalas ko habang binabasa ang nakasulat sa likod ng jersey uniform n’ya.