Guy

1856 Words
“You're plain rude, Kira!” Disappointed at nagtatampong bulalas ni Mitz sa akin nang sabihin kong sina Vaughan Montecarlo at Triton Aldana at ilang sikat na artista ang makakasama ni Kuya Gelo sa team na maglalaro ngayong araw. Natawa ako. Alam naman n’ya at sanay naman s’yang madalas talaga akong makasalamuha ng ilang mga kilalang personalities dahil sa impluwensya ng pamilya ko pero iba ngayon dahil kasama ang mga crushes n’ya. Bukod kasi sa pagiging die-hard fan ng basketball ay fangirl din s’ya ng mga hot na hot na mga lalaki! Napalingon ako sa kanya at tiningnan ang suot n’ya. “Okay naman ‘yang suot mo ah? Don’t worry, they won’t notice you. Taken na pareho ‘yong dalawang ‘yon at mukhang parehong loyal sa mga girlfriends,” sabi ko at napatigil sa paglalakad nang makitang tumigil na s’ya sa pagsunod sa akin. I bit my lower lip to stop myself from laughing. “Sige pa, Kira. Ipamukha mo pa sa akin na taken na si Triton!” sarkastikong bulalas n’ya kaya hindi ko na napigilang tumawa ng tumawa. She has a huge crush on Triton Aldana and almost cried when Triton announced that he’s marrying the gorgeous model Eureka Yu. Triton Aldana is lowkey and private when it comes to his personal life. Kaya naman sa tinagal tagal na panahon na single ito at walang napapabalitang girlfriend, ginulat nito ang lahat sa isang balita na mag-aasawa na ito. At isa nga si Mitz sa mga nabasag ang puso dahil biglaang pag-aasawa nito. I smirked and walked towards her. “Single pa naman si Vaughan Montecarlo kaya doon ka muna-” “He isn’t single, Kira. Alam ko. Nararamdaman ko! Hindi s’ya single at nakikipag date lang ng palihim!” Nakairap na kontra n’ya sa sinabi ko. Nagkibit balikat ako. Well… Vaughan Montecarlo is a notorious playboy that’s why it’s really impossible for him to stay single. Kadalasan ay puro s’ya ang laman ng mga blind items and recently he was involved once again in another controversy with Shelob Aldana, na pinatanong pa sa akin ni Mitz kay Kuya kung totoo. Tumango tango ako. “That’s better. At least, when the news about him having a baby is true, you won’t get disappointed,” prangkang sabi ko at pinisil ang balikat n’ya. Inis na hinawi n’ya ‘yon at nauna ng maglakad palapit sa bench kung saan ako sinabihan ni Kuya na umupo. Halos nasa likod lang iyon ng team nila kaya paniguradong mananakit ang mga braso ko mamaya dahil sa kakahampas ni Mitz! “Oh my God!” Nagulat pa ako nang mapahinto s’yang bigla sa gagawing pag-upo sa bench. Muntik pa akong maumpog sa kanya dahil sa biglaan n’yang pagtigil sa paglalakad. Nang silipin ko ang mukha n’ya ay nakatingin s’ya sa court habang sapo sapo ng kaliwang kamay ang bibig. “Why?” Takang tanong ko dahil mukhang may nakita na naman s’yang ikinalaki ng mga mata n’ya. “Oh my God, Kira! I forgot to tell you, na dito nga pala iyon nag-aaral!” Bulalas n’ya. Kumunot ang noo ko at agad na hinatak na s’ya paupo dahil naririnig ko na ang pagrereklamo ng mga babae sa likuran namin. “Who?” Litong tanong ko nang tuluyang makaupo na kami. Humarap s’ya sa akin at excited na humilig palapit. “Damon!” Mariing bulong n’ya. “Damon?” Takang tanong ko pa. Umangat ang kilay ni Mitz at kulang na lang ay hilahin na ang buhok ko nang hindi ko makuha kung sino ang sinasabi n’ya. “Yes! Damon Yu! Iyong bunsong kapatid ng magiging amo mo!” Mariing pero mahinang sagot n’ya. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang makuha ang sinabi n’ya. I was so preoccupied these days that I even forgot about the guy Mitz was telling me. She even warned me about him because according to her, that guy is a player. Sa totoo lang ay hindi ko naman naiisip ang tungkol doon dahil pupunta lang naman ako doon para makalimot habang nagtatrabaho bilang isang yaya. At walang wala sa isip ko ang ibang bagay lalong lalo na ang pagkakaroon ng interes sa kung sino lalong lalo pa at sa isang babaero na naman na katulad ng ex-boyfriend ko! Nagkibit balikat ako at tiningnan s’ya. “And so? Ano naman ngayon kung dito pala iyon nag-aaral?” Balewalang tanong ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Mitz habang namimilog ang mga mata. “Are you really sure na hindi ka interesado kahit na malaman man lang ang itsura n’ya?” Pangungulit pa n’ya. Tumango ako. “Not at all, Mitz,” sagot ko at sinenyasan s’yang manood na ng mga nagwawarm up na players dahil hindi naman talaga ako interesado sa basketball. Sadyang sinamahan ko lang naman si Kuya para magpa good shot dahil ilang araw na lang ay magsisimula na akong magtrabaho bilang yaya at mayroon na lang akong ilang araw para ipagtapat sa kanya ang tungkol sa bagay na ‘yon. I have decided that I will be hiding it from my parents. Kaya kailangan kong sabihin kay Kuya dahil kakailanganin ko ang tulong n’ya para maisagawa ko ng maayos ang plano ko. Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang mga impit na tili ni Mitz nang tuluyan ng magsimula ang laro. Naghikab ako at naghalungkat sa bag para hanapin ang phone ko para kahit papaano ay malibang naman. Natigilan ako nang makita ang phone na may crack ang screen pero gumagana pa rin. Nanliit ang mga mata ko nang maalala ang lalaking may ari ng phone na ‘to. Sa sobrang pagmamadali n’ya kanina ay hindi na n’ya naalala ang phone n’ya na bumagsak noong magkabanggaan kami. Napangiwi na naman ako nang maalala ang estrangherong lalaking iyon na basta na lang humalik sa akin kahit na hindi pa nag lilimang minuto simula ng una kaming magkaharap! Inis na ibinalik ko ang phone n’ya sa bag ko. Kung bakit kasi pinulot ko pa ang phone ng bwisit na ‘yon! Hinalungkat ko pa ang bag ko para hanapin ang phone ko pero narinig kong nag vibrate ang phone ng lalaking nakabangga ko. Kunot noong sinilip ko ‘yon at umangat ang isang kilay ko nang makitang hindi man lang nakalock iyon at wala man lang password! How reckless! Isang message ang nag pop up at nabasa ko kaagad ang laman ng mensahe kahit na hindi ko buksan iyon. From Mommy: Anong oras matatapos ‘yang game n’yo, baby? Go straight home, okay? Tumaas ang kilay ko pagkabasa sa message ng Mommy n’ya. Sweet ha! Isang message pa ulit ang nag pop up at galing parin iyon sa Mommy n’ya. From Mommy: Don’t forget to invite your Kuya Vaughan and Kuya Triton here ha? Ingat sa laro, baby Dame. I love you always, bunso! Mwaahh! Napakamot ako sa kilay at hindi na namalayang nakangiti na pala ng maluwang matapos mabasa ang message ng Mommy n’ya. I can tell that he’s a Mama’s boy based on how his Mom treats him! Ang lakas ng loob mambabae samantalang Mama’s boy naman! Napailing iling ako at ibabalik na sana ulit sa bag ang phone nito nang may isa namang panibagong message ang nag pop up sa screen. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan na nakalagay sa contacts nito. From Girlfriend #67: I missed you, Dame. Can we see each other again? I missed you so much, baby! :(( Napaawang ang bibig ko matapos mabasa ang message nito. Girlfriend #67? What the hell with those numbers? Ano ‘yon? Naka 67 girlfriends na s’ya?! Kulang na lang ay mapahilot ako sa sentido habang iniisip kung paano s’yang nagkaroon ng gano’n karaming girlfriends samantalang mukhang hamak na mas bata pa ang lalaking iyon sa akin kahit na hanggang balikat n’ya lang halos ako! Hindi pa ako nakaka get over at hindi pa tuluyang napoproseso ng isip ko kung paano s’yang nagkaroon ng gano’n karaming girlfriends ay mayroon na namang isang message na dumating! Nang tingnan ko iyon ay halos magsalubong na ang mga kilay ko. From Girlfriend #92: Where are you? You did not even text me if you arrived there safely!!!! Ilang sandali pa ay tumatawag na iyon. Syempre ay hinayaan ko lang na tumawag dahil kung sasagutin ko ‘yon ay baka sa akin pa mabaling ang inis ng girlfriend n’ya! Yeah! That Girlfriend #92 must be his latest girlfriend base sa pagiging demanding nito sa updates about his whereabouts! Napangiwi ako at agad ng ibinalik ang phone sa bag at kinuha ang sarili kong phone. Naloloka ako sa mga nabasa ko at hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang phone ng lalaking iyon ngayon! I once again regret that I decided to keep his phone! Inisip ko lang kasi kanina na sisitahin ko s’ya sa ginawa n’yang paghalik sa akin kanina pero nagbago na ang isip ko. I don’t think I can face that guy again after what I read on his phone! “Holy s**t! Ang gwapo talaga ni Dame kahit na humihingal lang!” Muntik pa akong mapalingon nang marinig ang sinabi ng kung sinong babae sa likuran namin. Nakita kong si Mitz ang lumingon kaya napatingin ako sa kanya. “Narinig mo ‘yon? Sabi ko naman sa’yo maraming nagkakandarapa sa batang ‘yon,” sabi n’ya at ibinalik ang tingin sa court. Nagkibit balikat ako at hindi sinasadyang napatingin sa court nang marinig ko ang pasigaw ng pamilyar na boses. “I’ll get this one!” Sabi n’ya pagkatapos ipasa sa kanya ng bola. Napasinghap ako nang makita ang lalaking nakabangga ko kanina. Nangingintab ang mga balikat n’ya sa pawis habang kampanteng kampanteng dinidribol ang bola at pinapadaan pa sa pagitan ng mga binti. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan n’ya at nakita ko si Kuya na hingal na hingal habang hindi iniiwanan ng tingin ang lalaking nakabangga ko. Patuloy lang s’ya sa pag dribble ng bola na parang sanay na sanay na s’ya doon. Kitang kita ko ang mula sa mabagal na pag dribble ng bola ay unti-unting bumilis iyon hanggang sa hindi ko na halos masundan ang ginagawa n’ya. “Now, Gelo!” sigaw ni Vaughan Montecarlo pero hindi na nahuli ni Kuya dahil mabilis na nakalusot ang lalaking nakabangga ko dahil mabilis n’yang inilipat ang bola sa kaliwang kamay habang pinapadaan iyon sa likuran nito. I almost held my breath when I saw him skilfully bring the ball down the court towards the basket and faked his shot. Kitang kita ko ang pagtalon ng nasa ilalim ng basket kaya sinamantala iyon ng lalaki para makaporma ng maayos at ilang sandali lang ay umangat na ito sa ere habang maingat na shinoot ang bola. Basket! Halos mabingi na ako sa lakas ng tilian ng mga babae sa likuran namin pero sa lakas ng mga tiliang iyon ay nangibabaw pa rin ang boses ni Mitz sa tabi ko. “Nice shot, Damon!” Sigaw n’ya kaya napako ang tingin ko sa kanya. Damon? Did he just call that guy… Damon? The guy who bumped into me earlier and the youngest brother of my employer is the same person?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD