Hindi ko alam kung paanong kinaya ko na tapusin pa rin ang game na ‘yon kahit na nakumpirma ko mismo kay Mitz ang lalaking nakabangga ko at nanghalik na lang basta sa akin ay ang bunsong kapatid ng magiging employer ko na si Anika Yu! I saw his jersey uniform but I didn't really expect that damn coincidence would happen to me today!
Napasapo ako sa noo at dahan dahang umupo sa gilid ng kama. I can’t really think straight! Hindi ko alam kung paano akong titira sa bahay ng mga Yu na hindi ako nakikilala ng Damon na ‘yon! That was just impossible for him not to recognize me! I know and I am fully aware that I don’t have very common facial features. Kahit anong isip ang gawin ko ay hindi ko alam kung paanong hindi n’ya ako makilala kung magkaharap na ulit kami.
I stood up and faced the large mirror in my walk-in closet. I stared at myself specifically at my face. Inilapit ko pa ang mukha ko at tinitigang mabuti. I have long, straight hair with little and unnoticeable waves at the tip. I don’t usually tie my hair or put it up in a bun. Hindi rin ako iyong tipo ng babae na madalas na magbago ng hairstyle. I am just letting my hair down most of the time- No. I am always letting my hair down! Kahit kailan ay hindi pa ako nag tali ng buhok.
I took a deep breath and looked at my reflection again. Umayos ako ng tayo at sinubukang itaas ang buhok ko. I tried to put my hair up in a bun to see if I would look any different with my hair up! Sa ginawa ko ay agad na naglalaglagan ang mga baby bangs ko, highlighting my round and small face. Namilog ang mga mata ko nang makitang ibang iba ang itsura ko nang bahagyang ma-exposed ang mga tenga ko. Hindi pa ako nasiyahan ay kumuha na talaga ako ng hair tie at ilang hair pins sa closet. Mabuti na lang at mayroon akong stocks doon kahit na hindi ginagamit!
Ilang sandali pa ay paikot ikot na ako sa harapan ng salamin habang titiningnang mabuti ang reflection ko.
Whoa! I looked really different with my hair up in a quite messy bun!
“Oh my God… I think, I can face him now,” bulong ko habang manghang tinitingnan pa rin ang mukha ko. Napangiti ako. Even my smiles became different! They look more genuine than before. Hindi pa ako nakuntento at kinuhanan ko pa ng ilang pictures ang sarili ko para gayahin iyon sa araw ng pagpunta ko kina Anika Yu. I even sent it to Mitz to see how she will react. I bit my lower lip. Hindi ko sinabi sa kanya ang naging engkwentro namin ng Damon na ‘yon kanina. I just made an alibi that I am not feeling well after the game and immediately headed to our car.
Tatayo na sana ako para mag shower bago matulog nang magchat s’ya.
Mitz:
Wow, Kira! I almost didn’t recognize you!
Napangiti ako nang mabasa ang chat n’ya. I told her about my plan that I will also hide my identity to my employers. Hindi naman sa gusto ko silang lokohin kaya ako maglilihim. Katulad ng pag-aalinlangan kong sabihin kay Kuya ang plano ko, I don’t think they will understand it. Isa pa, paano naman nila akong ituturing na ibang tao kung malalaman nilang isa akong Lopez. I would go and work there to have a peace of mind and to occupy my mind with something else. Ayaw kong maburo sa kakaisip ng tungkol sa kinahantungan ng relasyon namin ni Arkin. I want to move on and take a step forward. I wanna keep myself busy to totally divert my attention to something else. That way, I’d be able to get back on track.
Isang chat pa ulit mula sa kanya kaya nawala ang malalim na iniisip ko.
Mitz:
Do you really have to put your hair up? Naku ha! Mas lalo kang mapapansin ni Damon kung ganyan ang buhok mo. You look seductive when your hair is up like that. Gifted ka pa naman sa dibdib!
Napanganga ako nang mabasa ang huling sinabi n’ya. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano! Damn, Mitz!
Mabilis na nagtipa ako ng reply sa kanya. Napailing iling ako nang maalala na naman ang ginawang basta na lang na paghalik ng Damon na ‘yon sa akin. He seemed like a typical player! Mula sa itsura, sa ngiti at sa pagsasalita ay halatang sanay na sanay na itong mambola ng mga babae. Idagdag pa na mukhang habulin talaga ito ng mga babae dahil sa galing maglaro ng basketball! I’ve watched how he played and I can say that he plays so damn well. Kahit si Kuya ang nagbantay sa kanya ay nagawa pa n’yang lusutan ng lusutan at maka score ng maka score, which made them win the game earlier. Napangiwi ako nang maalalang naging bukambibig pa s’ya ni Kuya kanina habang nagdidinner kami. My brother was too impressed by him that he cannot help but brag him to our parents! Tsk!
I’m pretty sure na lalong lalaki ang ulo ng babaerong ‘yon kapag nalaman n’yang panay ang puri ni Kuya sa kanya!
Gusto ko na namang mapatawa nang maalala ang mga pangalan ng mga babae sa contacts nito. He was likely to have a collection of girls on his phone! Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na gumawa ng gano’n. If I was one of his exes and see how he put my name on his phone, I’d smash his face! Kahit gaano pa s’ya ka-gwapo ay hindi ako manghihinayang na bigyan s’ya ng black eye! Para saan pa ang pag aaral ko ng self defence kung hahayaan ko lang ang mga lalaking ‘yan na lokohin ako? Hindi ko nga alam kung saan kumuha ng lakas ng loob si Arkin na padalhan pa ako ng invitation letter sa kasal n’ya. Mukhang nakalimutan na n’yang muntik na s’yang hindi makalakad matapos kong tadyakan ang tuhod n’ya!
Napatingin ulit ako sa phone nang makitang nag-chat ulit si Mitz. Namilog ang mga mata ko nang makita ang sinend n’yang photo! I immediately typed a reply to her.
Me:
What the hell, Mitz?! Did you stalk him to send me that photo?!
Napahawak pa ako sa pisngi ko matapos ma-send ang reply ko sa kanya. Biglaan ang pag-iinit ng mga pisngi ko doon!
Mitz just sent me a topless photo of Damon while he was on a beach! Kahit na naka shades naman s’ya doon ay nakilala ko pa rin dahil sa black diamond earrings at sa buhok n’yang nakaipon sa likod. Ilang sandali lang ay nagreply na s’ya kaagad.
Mitz:
Hahahaha! You have to get used to that view. Malay mo ay pati sa bahay pala naka topless lang ‘yon! Baka manibago ka or worst… baka tumulo ang laway mo!
“What the hell…” hindi makapaniwalang bulong ko nang mabasa ang reply n’ya. Nanliit ang mga mata ko. I tapped her message and gave an angry reaction to let her know that I am not pleased with what she said. Imbes na mag-sorry ay nagsend pa ulit ito ng nakalabas ang dila na sticker. Napairap ako at hindi na nireplayan ang chats n’ya. I immediately went to my bathroom and took a bath.
I shook my head when the vivid image of the photo that Mitz sent me stuck in my head!
This is why it’s hard for me to just forget everything and move on. Unfortunately, I can recall past events in detail and with accuracy. If photographic memory does exist, I probably have that and I can’t really tell if that’s some sort of a gift or a curse.
I remember how I easily answered those exams, lalo na kapag kailangan lang na imemorize ang mga sagot. That was one of the perks of having this ability. At kagaya ng mga bagay na may pakinabang, having this ability also has cons. At mukhang mas mahirap itong i-handle kung involved na ang emotions mo. How are you going to forget someone who gave you so much to remember? Mitz said that forgetting is just all about acceptance. Maybe I haven’t really accepted everything yet? Yeah right…
I haven’t accepted the fact that I was partly the reason why we broke up. I haven’t totally accepted the fact that I wasn’t a perfect girlfriend to him. I had flaws and shortcomings, too. At kasalanan lang n’yang hindi s’ya nakuntento at hindi n’ya natanggap na mayroon din akong imperfections kahit na halos lahat ay tinuturing akong ideal girl nila.
Mabilis na tinapos ko ang paliligo at halos kakalabas lang sa banyo nang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Nanliit ang mga mata ko nang makitang si Mitz ang tumatawag. Hindi ko sana sasagutin ‘yon para ipakita sa kanyang napipikon ako sa ginawa n’ya kanina pero hindi ko natiis at sinagot na rin iyon.
“Why?” sagot ko sa tawag n’ya at in-on ang speaker bago ko ipinagpatuloy ang pagpapatuyo sa buhok ko.
“Kira!” She immediately exclaimed. Napatingin ako sa phone ko at kumunot ang noo. She sounded weird. Para bang kabado ito o ano. “Mabuti gising ka pa,” dagdag n’ya pa at narinig ko ang buntong hininga n’ya kaya lalong kumunot ang noo ko.
“I just got out of the shower. Ano ba ‘yon? Did something happen?” Tanong ko. Hindi s’ya sumagot agad kaya tinawag ko ulit.
“Ahm… kakatawag lang kasi ni Sir Dave kay Mama,” simula n’ya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naging kabado nang marinig ang pag aalinlangan sa boses n’ya.
“W-why did he call? ‘Wag mong sabihing nagka aberya at hindi na matutuloy ang-”
“No, Kira. Hindi gano’n…” sagot n’ya.
“Then what is it? What did he say, Mitz? ‘Wag mo akong pakabahin-”
Nang tumawa s’ya ng mahina ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
“Ang totoo n’yan, tinawagan n’ya si Mama para tanungin ka kung pwede ka ng magsimula bukas,” paliwanag n’ya. I almost lost my s**t when I heard what she said. Ni hindi ko pa nasasabi kay Kuya ang tungkol sa gagawin ko! Napatayo na ako habang pinapakinggan pa ang ibang sasabihin ni Mitz. “Masama daw kasi ang pakiramdam ni Miss Euri kaya hindi maaalagaan ‘yung bata. So, they were asking if you can start early instead of next week,” dagdag pa n’ya. Halos magdugo na ang ibabang labi ko sa kakakagat.
This was too sudden! I don’t know what to do! Ilang beses kong kinalma ang sarili at walang pag aalinlangan na sinabihan s’yang papasok na ako bukas.