Hindi ko alam kung ikakatuwa ko o ano ang huling sinabi ni Damon nang ihatid namin sa labas ang mga kaibigan n’ya. They even told them that we are already living together! At nang mapag solo kami at tinanong ko s’ya kung bakit sinabi n’ya ‘yon, nagkibit balikat lang s’ya at sinabing totoo namang nakatira kami sa iisang bubong! Kaya kahit naiinis ako ay inisip ko na lang na advantage iyon dahil sa wakas ay matitigil na ang Rhea na ‘yon sa pagkakalat ng mga pekeng balita tungkol sa akin. At kung hindi pa s’ya titigil ay hindi lang talaga sampal ang gagawin ko sa kanya! Ilang beses akong pabalik balik sa loob ng kwarto matapos ang mabilisan kong pagtakas kay Damon. Mabuti na lang at sinalubong ako ni Raven kaya wala na s’yang nagawa nang magyaya si Raven sa taas para magpalit na ng damit pan