Sa distansya namin ay kitang kita ko kaagad ang pagbaba ng tingin n’ya sa kamay ko na hawak pa rin ni Axel. Agad na binawi ko ang kamay ko at umayos ng tayo nang makita ang seryoso n’yang mga tingin habang lumalapit sa gawi namin. It was obvious that he just woke up because his hair was quite messy. Nakasuot din s’ya ng sleeveless shirt at jogger pants kagaya ng madalas n’yang isuot na pantulog. “Dame,” natatawang bati ni Axel at sumaludo pa kay Damon. Sumulyap pa s’ya ulit sa gawi ko bago ibinalik ang atensyon kay Axel. “What are you guys doing here? Wala namang pasok. Didn’t you read the announcement last night?” Kunot noong tanong ni Damon at saglit na sinulyapan lang ang gawi nila Rhea na halatang namimilipit sa kilig ang dalawang kasama habang nakatingin kay Damon. Muntik pang umik