Kabaligtaran sa sinabi ko kay Damon na makakatulog kaagad si Raven kapag napagod mag swimming ang nangyari. Umabot ng alas kwatro ng hapon ay hindi pa rin s’ya nakakatulog at panay lang ang laro. Nang als singko ay saka s’ya parang inaantok pero nakita ko namang nagpasama ang Mommy ni Damon sa kanya sa grocery kaya sinamahan ko na lang si Raven sa kwarto hanggang sa nakatulog na s’ya. Dumating si Ate Anika bandang alas sais at tulog pa rin s’ya. “Napagod po sa kaka swimming,” nakangiti kong sagot nang itanong n’ya kung bakit tulog pa rin si Raven. As usual ay kasama na naman n’ya si Vaughan Montecarlo pati si Triton Aldana. Nagulat pa ako nang ipaalam ni Ate Anika na buntis si Ate Euri. Nang i-check ko ang phone ko ay nakita kong ilang miscalls at text messages ang galing kay Mitz na pani