Third

2058 Words
Halos malula ako dahil sa dami at lalim ng iniisip matapos kong makausap ang sikat na businessman na si Dave Yu. Pagdating na pagdating ko pa lang sa mansyon nila ay kinausap n’ya ako kaagad tungkol sa magiging trabaho ko. I was quite expecting that my job would be simple-mag-aalaga lang ng bata dahil busy ang mga magulang nito. But to my surprise, it wasn’t really as simple as it may seem! Sa pagkakaalam ko ay si Eureka Yu, isa sa kambal na anak ni Dave Yu na s’yang fiance din ni Triton Aldana ang totoong nanay ng batang aalagaan ko, but that wasn’t the case. Buong akala ko pa ay anak talaga ni Triton iyong bata at tinatago lang nila iyon sa media! Muntik pa akong mapanganga kanina nang sabihin ni Dave Yu sa akin na si Anika Yu, ang kakambal ni Eureka Yu, ang totoong nanay ng bata! And not just that! They were trying to hide that fact even from his own wife! I was so thrilled I couldn’t even digest that fact! At ang mas malala pa ay alam ni Dave Yu ang totoong pagkatao ko! I wonder why he still agreed to let me work for his grandson! But that’s not only the drill! When I asked him who’s the real father of his grandson, I was shocked when he told me who he is! It’s none other than the notorious playboy-Vaughan Montecarlo! Parang kailan lang ay kasama s’ya sa controversy with Shelob Aldana, iyon naman pala ay mayroon pang mas malala! At ang nakakapagtaka pa ay hindi alam ni Vaughan Montecarlo na may anak na s’ya. I wonder how he would react if he found out now? Napailing iling ako. I really can’t digest everything I heard! Parang imbes na makalimutan ko ang sarili kong problema ay parang mas nadagdagan pa yata iyon dahil sa lihim ng pamilyang ito! “Mommy, please? ‘Wag ka na pong magalit. I promise I will do anything to find it.” Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Kakatapos ko lang na makahinga ng maluwag dahil mukhang hindi n’ya ako namukhaan kanina ay bigla namang dumagdag ang lihim ng pamilya nila. I wonder if he also knew about the father of his nephew? I tilted my head and tried to cover myself. I was out here in their garden to take some time digesting everything I heard. “Did you really misplace it or you lost it somewhere? Magsabi ka na sa akin ng totoo, Dame. I know how careless you are!” Narinig kong sagot ng asawa ni Dave Yu na si Valeen. Napayuko ako at agad na napangiti. They still look cute even if it’s obvious that they are arguing. “Fine. I broke it and lost it somewhere,” sagot naman ni Damon. Hindi ko mapigilang mag-angat ng tingin at silipin ang mukha n’ya habang sinasabi iyon. It was damn obvious that he was pouting while saying that! I don’t know why I didn’t find it cringey. Kung ibang lalaki lang siguro ang gagawa no’n ay kikilabutan ako. But there was something about this guy that everything he does seems fine and… cute? I don’t know! Mula sa paglalagay n’ya ng kakaibang pangalan ng mga babae sa contacts n’ya hanggang sa pakikipag usap n’ya sa Mommy n’ya, hindi ko maiwasang mapansin iyon. Or maybe he was really that charming that I am fascinated with everything he does? I shook my head. Why the hell are you praising that guy a lot, Kira? He’s obviously a player and the red flag is waving in every corner of him! And that means, you should beware! He’s off limits! “You broke it? Why? Did you pick a fight at school, Damon Davie Yu?” Narinig kong tanong ng Mommy n’ya na medyo tumataas na ang boses. She emphasized his whole name and I found it super cute! Nang tingnan ko sila ay nakahalukipkip ang Mommy n’ya at s’ya naman ay sinusundan at inikut ikutan ito. I bit my lower lip while watching at them. “No. Of course not, Mommy! Diba sabi ko sa’yong hindi ko na papasakitin ang ulo mo? Didn’t you believe me when I said that?” Sagot ni Damon kaya hindi ko ulit maiwasang mapatitig sa mukha n’ya. His voice was really soft when he said that. Malambing na yumakap s’ya sa Mommy n’ya at nagulat pa ako nang mapatingin s’ya sa gawi ko. Agad na umupo ako at mariing napapikit. I almost hit my head. Muntik na ‘yon! “Talaga? So, kelan ka magpapakilala ng girlfriend sa akin?” Rinig kong ungot ng Mommy n’ya. Napalingon ako sa gawi nila pero hindi na nagtangkang sumilip. Baka mamaya ay mahuli na n’ya ako dito! “What girlfriend? I don’t have any, Mom,” sagot naman ni Damon. Tumaas ang kilay ko. Kulang na lang ay tamaan s’ya ng kidlat dahil sa pagsisinungaling n’ya ng ganito kaaga! “Really, baby? Bakit sabi ni Tickle sa akin meron daw?” Nagdududang tanong ng Mommy n’ya. Tsk! Kung alam mo lang kung gaano kababaero ang anak mo, Mrs. Yu! Baka himatayin ka d’yan kapag nakita mong nagkaroon na s’ya ng 92 girlfriends in total! “She’s just bluffing, Mommy. Sa akin ka na lang maniwala, please?” sabi n’ya na sobrang lambing pa rin ng boses. “By the way, did you do something to your face?” “Huh? What do you mean? Wala naman akong nilagay dahil halos kakagising ko pa lang,” sagot naman ng Mommy n’ya. “Whoa! Mom, you are looking young and more beautiful each day. Do you even age, Mrs. Valeen Yu?” Narinig ko pang bulalas ni Damon kaya hindi ko na naman napigilang mapasilip sa kanila. Nakahawak ang Mommy n’ya sa magkabilang pisngi nito at parang tuwang tuwa dahil sa sinabi ng anak. What the hell? Muntik na akong mapatawa dahil sa sobrang obvious na pambobola n’ya sa Mommy n’ya! And it was so funny ‘coz he seemed comfortable doing that to his Mom! Nang hampasin s’ya ng Mommy n’ya sa dibdib ay napatutop na ako sa bibig dahil sa kumakawalang tawa. They were hilarious! “‘Wag mo na akong bolahin! You know that I already asked your Dad to get you a new phone!” Nakairap na sabi ng Mommy n’ya. Nakagat ko ang ibabang labi at inalis ang tingin sa kanila. Should I just leave his phone somewhere in their house? Hindi ko naman pwedeng ibalik iyon ng personal sa kanya lalo na ngayon! I can’t let him recognize me! Umiling iling ako. “No, Kira. Hindi pwede…” “Hindi pwede ang alin?” Napatayo ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Namilog ang mga mata ko nang sa pagpihit ko paharap sa kanya ay sobrang lapit na kaagad ni Damon sa akin! Tumingala ako para salubungin ang tingin n’ya. Magkasalubong ang makakapal n’yang mga kilay habang tinatagilid ang ulo at matamang tinitingnan ako. Sa distansya namin ay lalo kong natitigan ang kabuuan n’ya. He’s already wearing a school uniform at amoy na amoy ko ang sobrang swabeng pabango na gamit n’ya. He smelled so manly and he looked expensive! Kahit na nga ba ang tanging accesories lang n’ya sa katawan ay isang silver wristwatch na galing sa isa sa mga mamahalin at sikat na brand. It amazed me for a second that he looked expensive even if he wasn't trying to be flashy! “Were you trying to play hide-and-seek with me?” Tanong n’ya kaya napakurap kurap ako. “H-huh?” Litong tanong ko. “You’re avoiding me, aren’t you? Why? Did my sister tell you something about me?” Sunod sunod na tanong n’ya habang humahakbang palapit sa akin. He was crossing his arms while intently looking at me. Hindi ko maiwasang mapalunok. He was quite intimidating up close! Parang ibang iba ang aura n’ya ngayon kumpara noong una kaming nagkita at nagkaharap. He was quite playful that time and now… he looked serious and intimidating! What’s with the duality of this guy! “Did she already warn you about me, hmm?” Tanong n’ya pa at tuluyan ng inilapit ang mukha sa akin. Agad na napaatras ako at hindi na namalayang tumama na ang likod ng paa ko sa isang wooden bench doon. “I… d-don’t know what you’re talking about,” palusot ko. Anika Yu did warn me about his brother being a playboy. Pero pinili kong magsinungaling at sinabing mayroon akong boyfriend. And that’s what I am planning to say to them para hindi nila ako ireto kung mayroon man silang balak. Because, I went here to divert my attention to something else. Not to find another stone that I will hit in my head! Lalong lalo na kung katulad ng Damon na ito na nagsusumigaw ng pagiging babaero kahit na hindi nagsasalita! “Really? So, walang sinabi si Ate Nika sa’yo?” Tanong n’ya pa na parang hindi pa rin kumbinsidong wala ngang sinabi ang Ate n’ya sa akin. “Wala,” simpleng sagot ko habang pilit na kinakalma ang sarili kahit na nga ba sobrang nai intimidate na ako sa presensya n’ya. Tumango s’ya at muling tumitig sa akin. “I like you,” diretsong sabi nito. Umawang ang bibig ko dahil sa pagiging straightforward n’ya. “What’s your name again?” Dagdag pa nito na s’yang ikinatawa ko na. Takang napatingin s’ya sa akin nang tumawa ako. “Ni hindi mo pa nga alam ang pangalan ko, tapos gusto mo na kaagad ako?” I spat. Nakita kong umangat ang gilid ng labi n’ya at pagkatapos ay ngumuso. “Hmmm… I don’t really ask for someone’s name. To be honest, ikaw pa lang ang tinanong ko n’yan,” sagot n’ya. Lalong umawang ang bibig ko pagkarinig sa sinabi n’ya. So, that is why he was putting those names in his contacts? Dahil hindi n’ya talaga alam ang mga pangalan ng mga babaeng ‘yon? What the hell?! “I don’t believe you,” natatawang pambabara ko sa kanya. Tumango naman s’ya. “I was expecting that,” komento n’ya at ngumisi habang nakatitig pa rin sa akin. “But you should believe me when I say I like you,” parinig n’ya. Tumawa ako ng nakakaloko. “You should believe me, too, when I say that I don’t have time for this. Goodbye?” Nakairap na sabi ko at tinaas pa ang kamay bago humakbang pero pinigilan n’ya ang braso ko. Kumunot ang noo ko at agad na hinawi ang kamay n’ya pero hindi n’ya ako hinayaang gawin ‘yon. Sa halip ay hinatak n’ya ako palapit sa kanya ay halos mahigit ko ang hininga sa sunod n’yang ginawa! He gently cupped my face and claimed my lips! Namilog ang mga mata ko. Sinubukan kong pumalag sa pagkakahawak n’ya pero unti unting napatigil ako nang maramdaman ang ginagawa ng mga labi n’ya sa akin. He was nibbling my lower lip which instantly made me forget what I was about to do! Halos malunod ako sa ginagawa n’yang pagsipsip at panaka nakang pagkagat sa ibabang labi ko. I was also feeling his warm tongue gently finding its way inside my mouth! Pinaglalandas n’ya iyon sa pagitan ng mga labi ko kaya halos mapatingkyad na ako dahil sa kung anong sensasyong agad na pinaramdam n’ya sa akin. I must admit that there were times that Arkin and I kissed like we were almost making out. But he never gave me so much emotion with just a single and long kiss unlike what Damon is giving and doing right now! And to think that he wasn’t even touching me! Nakasapo lang ang mga kamay n’ya sa mga panga ko habang ang mga labi ay malayang ginagawa ang gusto sa bibig ko. Napadilat ako nang maramdaman ang paglayo ng mga labi n’ya sa akin. Nag-init ang pisngi ko nang magtama ang mga paningin namin. “I’m getting late for school. If you want, we can continue it later-” Hindi na n’ya natapos ang sinasabi dahil agad na tinulak ko na s’ya at mabilis na tumakbo dahil sa kahihiyan! I can’t believe that I just let him kiss me again for the third time! Third time, Kira! Third fvcking time! Ugh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD