CHAPTER 8

1976 Words
LIEGH Halos hindi ko malunok ang pagkain na sinubo ko. Natatakot at nag-aalala ako na baka kung ano ang gawin ni Declan sa pamilya ko. Gusto ko silang tawagan para kumustahin pero hindi ko nadala ang cellphone ko. Hindi ko nga alam kung saan ko naiwan ito lalo na at lasing ako ng dukutin nang mga tauhan ni Declan. Masarap ang pagkain, hindi maitatanggi na pagkaing mayaman pero halos bumara ito sa lalamunan ko dulot ng labis na kabang kanina ko pa pinaglalabanan. Hindi na kami nagkita ni Declan matapos kong lumabas ng opisina niya. Nagkulong at nagtago rin ako sa silid dahil kahit paano pakiramdam ko ay ligtas ako doon dahil malayo sa presensya niya. "Please hurry up madam, magagalit po si Sir Declan kapag na late po tayo sa schedule mo," magalang na sabi ng may edad na babae. Kanina binati niya ako at nagpakilalang personal assistant ko umano siya na itinalaga ni Declan ngayong araw para tulungan akong maghanda sa kasal ko. Tulala ako kanina habang magpa-paliwanag siya ng mga gagawin namin bago sinabing maghanda na ako at kumain na muna. Hindi ko nga naramdaman ang gutom kahit hindi pa pala ako kumakain ng almusal at halos wala rin naman akong na kain kagabi dahil sa na lasing nga kami ni Glyshine. "Sige po, malapit na po akong matapos," matamlay na sagot ko. Binilisan ko ang pagkain kahit mapait ito sa panlasa ko. Ayaw kong bigyan ng pagkakataon na may sasabihin na naman sa akin si Declan dahil hindi niya nagustuhan ang kilos o kaya naman ay ginawa ko. Matapos kumain ay dinala ako ni Olga sa isang silid. Nakakabinging katahimikan ang bumulaga sa akin ng pumasok ako at naabutan ko ang dalawang babae na may inabot sa aking roba at sinabing maghubad na ako para makapag-simula na kami. Kahit kinakabahan ay ginawa ko ang sinabi nila. Kahit paano ay may tiwala ako na kasama sila kumpara kay Declan Madrigal na tingin ko ay gusto akong laging ibaon sa lupa kung tapunan ako ng masamang tingin ng harapan. Wala akong ideya sa gagawin nila sa akin dito kaya napahiyaw ako ng may mainit at malagkit na bagay akong naramdaman na pinahid sa binti ko gamit ang maliit na machine saka hinatak kaya nagulat ako. Magkahalong sakit at hapdi sa balat ang naramdaman ko. Never ko pang naranasan ang magpa-waxing kaya talagang tiniis ko ang sakit hanggang sa matapos ito at unti-unting nasanay ang balat ko. The next thing they did is full body scrubbing. Masarap siya sa pakiramdam dahil pakiramdam ang linis ng buong katawan ko ng matapos ito at sinabing may thirty minutes ako para manatili sa jacuzzi bagay na nagustuhan ko. Ang sarap sa ilong ng amoy ng silid. Pinaghalong lavender at milk bath kaya na idlip pa ako dahil talagang na relax ang isip at katawan ko. Refreshing at calming ito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ganito pala ang ginagawa ng mga mayaman kaya naman maganda ang mga balat nila dahil marami silang kung anu-anong pampaganda na ginagawa. Tuluyan akong nakatulog ng minasahe ako. Nakaranas naman ako ng ganito nang minsan na nagkasakit ako at dinala sa manghihilot pero iba pala kapag ganitong pribado at professional ang gumawa nito. Nagising na lang ako ng maramdaman ko na tinapik ako sa balikat ng kung sino at sinabi na tumihaya ako dahil tapos na sa likod ko. Hindi mo alam kung gaano ako katagal na nanatili dito dahil nagising akong inalis ang facial mask sa mukha ko at sinabing tapos na umano. Napangiwi na lang ako ng makita ko ang mga daliri ko. May kulay na rin pala bagay na ayaw na ayaw ko dahil hindi ko gusto ang nilagyan ng pintura ang kuko ko lalo na at gusto ko lamang ay plain white lang talaga ito. "Madam, pwede na po kayong tumayo para masimulan na natin ang make up mo," magalang na sabi ng isa sa mga babaeng kasama ko. Ngayon ko lang napagtanto na complete na pala ang mga gagamitin ko. Sa sulok malinaw na nakatayo ang isang manikin na may puting gown. Alam ko na trahe de boda ito at siyang susuotin ko mamaya sa magaganap na kasal. Pinilit kong ibaling sa iba ang paningin ko. Ayaw kong isipin na ilang minuto o oras na lang ay ikakasal na ako sa lalaking alam kong walang magandang gagawin sa akin dahil sa kasalanang ginawa ko. Alam ko na wala akong magagawa sa mga oras na ito kung 'di ang sumunod at hindi ko nagawang magtanong tungkol sa mga nangyari dahil naging sunod-sunuran na lamang ako sa sinasabi nila. Pinigilan kong pumatak ang luha sa mga mata ko ng isuot ko ang trahe de boda na kanina lamang ay iniiwasan kong tingnan dahil alam kong masasaktan lamang ako. Hindi ito ang pinangarap kong kasal at lalong hindi sa ganitong paraan. Kahit naman hindi pa ako nagkaka-boyfriend dahil abala ako sa trabaho at subsob ako sa pag-aaral noon ay may gusto rin naman akong maranasan kapag ikinasal ako, hindi ganitong sapilitan dahil kailangan kong gawin ito. "Ang ganda mo po, madam," masayang puri sa akin ng babaeng nag-ayos ng buhok ko matapos na lagyan ng make up ang mukha ko. Tipid na ngumiti lamang ako dahil simula kaninang kasama ko sila ay never kong kinausap kahit isa sa kanila. "Ang swerte mo kay Sir Declan, ang daming mayayaman at magandang babae ang may gusto at nagkakandarapa sa kan'ya pero ikaw ang gusto niyang pakasalan," sabat naman ng isa na hindi ko mawari kung ano ang hilatsa ng mukha. Siya ang gumawa at naglinis ng kuko ko. Hindi ko gusto ang tabas ng dila nito lalo na at mabigat ang dugo ko sa kan'ya. May instinct ako na hindi ko siya makakasundo lalo na pailalim siya kung titigan ako bagay na hindi nakaligtas sa mga mata ko. "Sana sila na lang papakasalan ni Declan at hindi ako," hindi nakatiis na sagot ko. Kita ko kung paano natigilan ang dalawa saka luminga-linga ang isa bago ako hinarap. "Madam, please refrain yourself from saying something na hindi magugustuhan ni Sir Declan," sabi nito na halatang kinakabahan. "Anong masama sa sinabi ko?" salubong ang kilay na sagot ko. Naiinis na ako ng husto, pakiramdam ko kasi ay sasabog na ako. Kahit pala pag-buka ng bibig ko ay bawal lalo na ang magsalita ng kahit ano na sa tingin nila ay hindi magugustuhan ni Declan. "Hayaan mo kaya siya," sabi ng babaeng kinaiinisan ko na kinalabit ang braso ng katabi para pigilan ito. Inirapan ko ito sabay taas ng kilay kaya natigilan ito at hindi makapagsalita ng nagtama ang mga mata namin. Hindi porke't tauhan siya ni Declan ay pwede na niya akong pakitaan ng kagaspangan ng ugali kapag gusto niya. "Ikaw, lumabas ka na. Ayaw kitang kasama dito," direct to the point na sabi ko. Natigilan ito at hindi makapagsalita. Agad naman na lumapit sa akin ang kasama nito at nakiusap na 'wag ko umano itong paalisin. "Madam, pasensya na po. Please, 'wag mo po paalisin ang pinsan ko. Magagalit po si sir kapag nalaman niyang hindi mo nagustuhan ang serbisyo niya. Baka bigla siyang itapon sa-" Natigil lamang ito sa sinasabi ng hatakin ito ng malditang kasama. Na tahimik naman ako habang pinoproseso sa isip ko ang sinasabi nila. Mukhang malaki ang takot ng bawat isa kay Declan na konting kibot lamang ay kinatatakutan. Naging awkward tuloy ang sumunod na nangyari dahil pare-pareho kaming nawalan ng imik habang itinuloy nila ang ginagawa. Saglit pa ay bumukas ang pintuan. Yumuko ang dalawang kasama ko na akala mo ay bawal tingnan kung sino ang dumating dahil kasalanan ito. Nagtaaas ako ng paningin at seryosong pagmumukha ni Declan ang nakita ko. "Hindi pa ba siya tapos?" tanong nito sa mga kaharap ko na hindi man lamang nag-abala na tapunan ako ng tingin. "Almost done, sir," sagot ng babaeng nakiusap kanina. Hindi ko man lamang nagawang tanungin ang mga pangalan nila dahil wala talaga ako sa mood at malayo ang takbo ng isipan ko sa mga oras na ito. "Make it quick, I don't want to waste my time here waiting," sabi ni Declan na sumulyap sa direksyon ko. Nanatiling tikom ang labi ko, ni hindi ko na siya ulit tiningnan pa at pinili ang yumuko kesa makita ko ang pagmumukha niya. Wala naman akong mapapala kung 'di ang tensyon kung titingnan ko pa siya lalo na kapag ganitong akala mo naman ay lahat kami nabili ni Declan kung utusan niya. Obviously, ayaw nitong naghihintay at aburido itong nakatayo habang inaayos ng mataray na babae ang mataas na sapatos sa paa ko. Ang awkward ng pakiramdam ko dahil matapos na ang lahat ay inutusan ni Declan na lumabas ang mga kasama namin dito sa silid kaya naiwan kaming mag-isa. "In ten minutes, magsisimula na tayo, make sure na hindi ka gagawan ng bagay na ikagagalit ko at pagsisihan mo. Wala kang gagawin sa labas kung 'di ang pumirma sa papel at ibibigay ko sa 'yo. Understand?" pormal na tanong nito. "Y-yes," nauutal na sagot ko. Bahagyang gumalaw ang kilay nito saka pinasadahan ng mga mata ang kabuuan ko. Kulang na lang ay mapalundag ako sa kinauupuan ko ng lumuhod siya sa harap ko at mabilis na itinaas ang laylayan ng gown na suot ko habang nakatitig sa akin. "I need to check and make sure na sinunod mo nga ang utos ko," sabi nito na hinatak ang dalawang binti ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Napaigtad na lang ako ng naramdaman kong dahan-dahan na umakyat sa binti ko ang kamay niya hanggang sa naabot ang bahagi ng katawan ko sa pagitan ng mga hita ko. Kagat labi na pinili kong ibaling sa iba ang paningin ko ng makitang ngumisi na akala mo ay nakakaluko si Declan ng masiguro niyang wala akong suot na kahit anong panloob. "Spread your legs wide," utos nito. "Now!" mariin na sabi pa nito kaya ibinuka ko na lang ang mga binti ko lalo na at napaigtad ako ng mariin na pinisil niya ang binti ko. Masakit pero tinalo iyon ng malakas na kabang nararamdaman ko. Alam kong kailangan kong sundin si Declan kaya ginawa ko ang gusto niya at dahan-dahan na umusog ako palapit sa kan'ya at tuluyang binigyan siya ng malaking access sa pagitan ng mga hita ko. Napaungol ako ng pisilin niya ang kuntil ko. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari sa oras na ito lalo na at ilang minuto na lang naman ay ikakasal na kami gaya ng gusto niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng sunggaban ni Declan ang hiyas ko at basta na lang pinaglaruan ng dila na akala mo ay isang masarap na pagkain na dapat niyang tikman. Hinihingal na iginala ko ang paningin ko sa paligid sa takot na baka may ibang tao ang biglang pumasok dito lalo na at kanina lamang ay may mga kasama ako. Isang daing ang kumawala sa labi ko ng maramdaman ko ang namuong tensyon at parang bola na kung ano sa loob ng puson ko. Pamilyar ako dito dahil ganito rin ang nararamdaman ko noong isang araw ng gawin ito ni Declan sa akin habang gigil na pinaglaruan ng dila ang hiyas ko. "Ahh," daing ko sabay angat ng balakang habang mahigpit na nakakapit sa magkabilang gilid ng upuan. Hinihingal at nag-taas baba ang dibdib na dumako ang mga mata ko kay Declan na dinilaan ang labi na parang walang nangyari habang nakaluhod sa harap ko at nakatitig sa nakabuyangyang na hiyas ko. Gusto kong maiyak, hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko sa mga oras na ito lalo na at bumigay ako sa mga kamay ni Declan. For the first time, nakaranas ako ng orgasm at sa isang taong may malaki ang galit sa akin at walang ibang gusto kun'di ang singilin ako sa kasalanang nagawa ko sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD