bc

Mafia Heir Declan Madrigal

book_age18+
48.5K
FOLLOW
419.7K
READ
billionaire
revenge
possessive
kidnap
CEO
mafia
drama
city
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

2nd Generation of One Last Cry For A Mafia Boss.

Bilang isa sa mga baguhang showbiz reporter ay napunta kay Liegh ang isang misyon na alamin ang sikreto ng top Billionaire sa bansa na si Declan Gomez Madrigal.

Serious at misteryoso ang lalaki. Wala siyang makuhang kahit anong balita na magagamit para gumawa ng malaking ingay na magsasalba sa bumulusok na karera at kumpanya, kaya naisipan niyang gumawa ng pakulo na alam niyang kakagatin ng madla dahil marami ang interesado na malaman ang buhay ng yummy billionaire na si Declan.

Gamit ang pekeng pangalan ay isinulat niya ang isang gawa-gawang balita na ang headline ay bakla si Declan Madrigal, bagay na maging dahilan para muling makabangon ang kumpanyang pinapasukan sa dami ng sales ng latest release nilang magazine. 

Isang  malaking pagkakamali ni Liegh dahil nagulo niya ang tahimik at pribadong buhay ni Declan, bagay na hindi nito nagustuhan matapos makaladkad ang pangalan sa kahihiyan.

Saan nga ba hahantong ang isang gabing naabutan niya itong parang haring nakaupo sa loob ng apartment na inuupaahan niya at handang patunayan sa kan'ya na mali ang malisyosong balitang ikinalat niya?

Paano kung hindi lamang pala isang bilyonaryo si Declan dahil sa likod ng pribado nitong buhay ay nababalot ito ng karahasan?

Magagawa kaya ni Liegh na ilabas ang katotohanang natuklasan alang-alang sa trabahong pinaghirapan?

Paano kung sa huli siya naman ang malagay sa kapahamakan dahil sa kan'yang nalaman? Isusugal ba niya ang buhay para protektahan ang lihim na natuklasan sa pagkatao ng mafia heir na si Declan Madrigal?

All Rights Reserved, 2021

Do not copy, plagiarism is a crime.

©️ Dragon1986

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LIEGH "Anong basura na naman itong article na pinasa mo Miss Gallego? Wala ka na bang ibang maisip na matinong plot at paulit-ulit na walang kwenta itong balitang ginawa mo na nababasa ko?" mataray na bulyaw sa akin ng editor ko. Gusto kasi niya ng makabagong balita na hahatak at pa patok sa mga mambabasa ng newspaper na ilalabas namin araw-araw. Sa totoo lang mahirap humanap ng makatotohanang bagong balita dahil puro mga p*****n at kung anu-anong krimen lamang ang laman ng mga bagong release naming dyaryo. Ito naman kasi ang totoong pangyayari dito sa bansa. Kung hindi kidnapping, rape case ng mga minor de-edad o kaya naman holdapan sa kalsada at ang halos araw-araw na balita tungkol sa nagaganap na korapsyon sa bansa sangkot ang ilang matataas at halal na nasa katungkulang na mga pulitiko. Minsan nakakapagod sumagap ng balita dahil pare-pareho lang din naman kaya marami na kaming pakulo na inilabas pero dahil matindi ang kompetisyon ng online news at newspaper ay lalong bumubulusok ang kumpanya. Bihira na lang kasi ang mga taong nagbabasa ng dyaryo. Halos lahat ng tao kasi ngayon ay may mga cellphone na at mas prefer nilang magbasa via Google o kaya naman manood sa I-Tube. Habang tumatagal ay humihina ang kita ng publishing house na pinapasukan ko. Marami na ang natanggal sa trabaho matapos magbawas ng empleyado ang kumpanya. Wala na umano silang kakayahang magpasahod ng marami kaya ang resulta ay ilan sa mga kasamahan ko ang umuwi na wala ng trabahong babalikan kinabukasan. "Hindi ko ilalabas ang article na ginawa mo Liegh. Masyadong common at wala akong nakikitang dahilan para kagatin ito ng publiko. Masasayang lang ang ink na gagamitin para dito kung papayagan kong ilathala ko ito," seryoso na sabi sa akin ng editor ko sabay bagsak sa mesa sa harap ko ng folder na inabot ko dito. Napalunok ako, kung gano'n, nasayang na naman ang ilang araw na research at pagsunod-sunod ko sa grupo ng sindikato na sinundan ko ang mga activities para makakuha at makagawa ng magandang balita. "Heto, tingnan mo ito. Malakas ang hatak ng readers ng magazine na ito dahil makabago ang lahat ng balitang nilalabas nila," sabi ng editor ko sabay hagis sa harapan ko ng hawak nito. Binuklat ko ang bungad na pahina at nakita mo ang iba't-ibang mga stolen shot ng lalaki sa larawang naka-publish. "Siya si Declan Madrigal, ang heir ng Gomez & Madrigal empires. Marami ang interesado sa kan'ya dahil bukod sa napaka-gwapo niya at ubod ng lakas ang s*x appeals ay bilyonaryo rin. Maraming nagkakandarapa na mga kababaihan d'yan mula sa hanay ng mga sikat na modelo at artista pero wala akong nabalitaan na ugnay sa kan'ya. Masyadong pribado ang personal niyang buhay na kahit media ay hirap makakuha ng kahit anong tsismis. Masyadong mailap at mahigpit ang security ng taong 'yan," mahabang paliwanag ng editor ko. Napatango ako habang pinapasadahan ng tingin ang mga larawan nitong nasa harap ko. Mukhang bata pa naman ito pero masyadong seryoso ang mukha nitong wala akong nakita kahit isa na nakangiti ito. Para bang pinagdadamot naman yata nito ang simpleng ngiti na pwede niya namang ibigay kahit kanino. "Siya ang ibibigay kong next assignment mo, Liegh. Pag-aralan mong mabuti ang profile niya para makakuha ka ng magandang balita na kakagatin at magugustuhan ng publiko," sabi pa nito. Natigilan ako sa narinig ko, anong klase ng ideya meron siya at sa akin niya binigay ang trabahong ito. Oo reporter ako at nasa field ako pero hindi ko pinangarap na maging showbiz writer. Hindi ko forte ang gumawa ng balita tungkol sa buhay ng isang tao at gawing tsismis ito ng mga tsismosang makakabasa nito. "Pero ma'am," sagot ko pero hindi na natuloy ng taasan ako nito ng kilay sabay kumpas ng kamay. "Simple lang ang gusto kong mangyari Liegh. Kung hindi mo kayang gawin ay mabuti pang mag-resign ka na. Sa iba ko na lang ibibigay ang trabahong ito," masungit na sabi nito. Napakagat labi ako, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon dahil mas higit na kailangan ng pamilya ko ang financial support ko sa probinsya. Mahina ang kita at ani sa bukirin dahil na rin sa magkasunod na bagyong dumating at dumaan sa bansa. Halos wala umanong inani ang mga magsasaka sa tanim naming gulay at palay. Gusto ko man na umalis dahil sa tindi ng pressure ngayon sa trabaho ko ay hindi ko rin magawa dahil tanging ako ang inaasahan ng pamilya ko. Kung mawawalan kasi ako ng trabaho paano na ang pag-aaral ng mga kapatid ko? "Sige po ma'am, gagawin ko po," sagot ko sabay dampot ng folder na nasa harap ko. "Sige, siguraduhin mo na hindi tayo magsasayang ng funds and resources sa trabahong ito Liegh. Kapag hindi mo ito nagawa ng mabuti, damay ang lahat sa tuluyang pagbagsak ng publishing house na ito sa mga susunod na araw. So, make it fast and do your best sa trabahong ito," seryosong sabi nito sabay abot sa mineral bottle niya para uminom. Mabilis akong lumabas ng opisina ng editor ko matapos magpaalam habang wala sa sarili na yakap ko ang kip-kip na folder. Dito nakasalalay ang trabaho naming lahat at kinabukasan ng kumpanyang pinapasukan ko kaya kailangan na magawa ko ito ng mabuti. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba ko habang nakatitig ngayon sa isang close up photo ni Declan Madrigal na kasama sa files na binigay sa akin ng editor ko. He looks so serious yet attractive. Parang may kakaiba sa mga mata nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa kamera na hatatang hindi nito gusto ang kunan ng larawan. "Kung sino ka man Declan Madrigal, pasensya ka na. Kailangan kitang sundan kahit pa mukhang ayaw mo. Ikaw ang mag-sasalba sa trabaho at kumpanyang ito," lihim na salitang dumadaloy sa isipan ko habang nakatitig sa larawang pakiramdam ko ay nasa harap ko at matiim din na nakatitig sa mga mata ko. Napailing na lang ako at itinabi sa gilid ko ang larawan na kanina lang ay malaki ang epekto sa akin dahil sa nakikita ng mga mata ko. Perfect, ito ang malinaw na description ng hulma ng mukha nito. Hindi siya papahuli sa mga sikat na modelo ng bansa. Siguro kung naging artista ito ay sigurado akong laman ito lagi ng balita. Declan Madrigal-Aged 29, single. Heir of Gomez-Madrigal Empires. Twin brother of a well-known doctor, Amara Madrigal. Son of Heiress Irish Catherine Gomez Madrigal and Collin Madrigal. Remaks: No records found on his past relationships. Nakuha ng huling sentence ang atensyon ko. Impossible naman na sa gwapo at yaman nito ay wala pa itong nagiging girlfriend. Masyado lang pribado siguro ang buhay nito kaya walang lumabas na kahit anong balita sa publiko. Malas ng babaeng iyon dahil ni hindi niya ma-ipangalandakan na may girlfriend siya, dahil minabuti nito na itago siya sa publiko. Napailing ako, kung sabagay. Siguro ay masyadong iniingatan nito ang relasyon at maging ang reputasyon nila ng girlfriend. Mababandera kasi ang pangalan nila at posibleng makaladkad sa iba't-ibang isyu ang babae oras na lumabas ito sa publiko. Sigurado na hindi sila titigilan ng media, kasama na ako doon na umaasang makakuha ako isang malaking balita na mag-sasalba sa publishing house na pinapasukan ko. "Ah, bahala na. Kung ikaw ang tulay para hindi mawala sa akin ang trabaho na matagal ko ng pinaghirapan ay susugal na ako," mahinang bulong ko, na para bang kausap ko ang lalaki sa larawang pinagmamasdan ko at tila nagbabanta sa akin ang seryoso na mga mata nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
185.7K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

His Obsession

read
92.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook