CHAPTER 9

2153 Words
LIEGH Namumula habang nag-iinit ang mukha na nag-iwas ako ng paningin kay Declan. Hiniling ko na nga sa panginoon na sana ay bumuka ang lupa at kainin ako para matapos na ang lahat ng ito dahil wala akong mukha at lakas ng loob na humarap sa kan'ya sa mga oras na ito. Hindi ko nga magawang tumayo dahil nanginginig ang mga binti ko at hindi rin nakatulong ang mataas na heels ng sapatos na suot ko plus me, being naked down there na talagang 'pag naiisip ko ay nahihirapan akong mag-isip ng tama. "Let's go, ayaw kong mag-hintay ang mga bisita ko," sabi ni Declan na hinawakan ako sa kanang braso. Muntik pa akong matumba dahil nanlalambot ang tuhod ko. Mabuti na lamang at agad na nahagip niya ang bewang ko kaya hindi ako lumagapak sa sahig at napatayo ng tuwid. "Brace yourself," mariin na bulong ni Declan. "Kasalanan mo 'to," inis na sagot ko. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kan'ya pero ramdam ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. "I think, kailangan kitang parusahan mamaya. Mukhang nakalimutan mo na agad ang tungkol sa rules ko," bulong nito sa punong tenga ko. Alam ko na kung may nakakakita sa amin sa mga oras na ito ay aakalain na sweet couple kaming dalawa hindi ang katotohanan na torture sa akin na kasama si Declan. "Walk properly," mariing sabi pa nito ng pumasok kami sa elevator at umandar ito pababa at patungo sa kung saan. Sa ground floor kami tumigil at dinala niya ako sa garden kung saan maraming mga kalalakihan akong nakita na pawang mga nakayuko ng dumaan kami sa harap nila. May dekorasyon sa harap na parang altar na puno ng mga bulaklak na hindi ko alam ang pangalan. I'm not fond of expensive flowers dahil ayos na ako sa red roses na pangarap kong matanggap mula sa lalaking makakasama ko habang buhay pero alam kong imposible na sa mga oras na ito dahil hawak ako sa leeg ni Declan Madrigal. "Gentleman, meet my bride, Liegh," sabi ni Declan na ipinakilala ko sa mga kaharap. "Alexander," mabilis na sabi ng matangkad na lalaking alam kong hindi naman pinoy dahil matigas ang dila nito pati na rin ang awra na alam kong nakakatakot din base na rin sa talim ng kan'yang mga mata. "Jared Laxamana." Pakilala ng isa na tumango lamang sa akin. Mukha siyang moody na akala mo ay laging uutangan. Isa pa ang isang ito, mukhang mayaman at habulin din ng babae. Kilala ko siya dahil malimit ay laman siya ng business newsletter dahil na rin sa laki ng yaman at impluwensya niya. "Where's Dexon, I thought he's here?" tanong ni Declan sa mga kaharap. "He's up to something. Chasing his woman, as always," sagot ng nagpakilala na si Jared. Ngumisi lang si Declan while Alexander shook his head. Sila pala ang mga kaibigan niya bagay na hindi alam ng publiko dahil hindi ko naman sila nakikitang magkakasama sa kahit anong gathering noong mga panahong sinusundan ko pa siya. Isang maganda at sophisticated na babae ang lumapit sa amin at binati isa-isa ang mga kaharap ko. Para akong tuod na nakatayo sa harap nila dahil wala naman akong sasabihin lalo na at usapang mayayaman ang topic nila at wala naman akong pwedeng sabihin lalo na at wala rin akong pakialam. "Oh, I didn't know na may malas na babae palang na pilit mong pakasalan ka," naka-ngisi na sabi ng babaeng parang modelo at sosyal kung kumilos at magsalita sa harap ko. "Shut up, Samantha!" singhal ni Declan dito at tinawan lang ng mga kaharap. "I thought, you're a gay," sabi pa ni Samantha kaya napalunok ako ng dumako sa akin ang mga mata ni Declan. "Well my bride can prove to you all that I'm not like that, Samantha," Declan replied while looking into my eyes. "Right Liegh?" nakakaloko na sabi pa nito. "Y-yes," sagot ko. Nauutal ako, feeling ko ay iginisa ako sa sariling mantika at wala akong magawa kung 'di ang hayaan na lang siya. Yumuko ako dahil hindi ko kayang makipag-plastikan ng tingin sa mga taong kaharap ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko na kasama sila dahil hindi ko maiwasang isipin na may alam sila sa nangyayari sa amin. "Are we not going to start yet?" someone asked from behind Declan's back kaya napalingon ako. "Almost," kibit balikat na sagot ng katabi ko na nilingon rin nito. Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko ng mapagsino ito. Hindi ko alam na ang sinasabi nilang Dexon ay walang iba kung 'di si Dexon Miller na parang kasing lamig ng yelo ang personality. Kilala ko siya, ilang ulit na sinubukan kong makunan ng pahayag nang mga nakaraang buwan dahil sa kasong isinampa sa kan'ya ng step sister niya dahil sa pagpatay umano nito sa mga magulang nila. It's a huge controversy kaya nga siya ang naging target ko para sana sa malaking interview pero ilang ulit na pinalayas ako ng mga tauhan nito. Napansin ko ang matalim na mga mata ni Declan ng makita niyang nakatingin ako sa kaibigan niya kaya yumuko ako. Pinili ko ang magkaroon ng sariling mundo at 'wag makinig sa usapan nila dahil hinihintay pa umano ang mga magulang ng lalaking mapapangasawa ko kaya hindi nila magawang makapag-simula pa. Hindi nagtagal may narinig akong malakas na tunog mula sa kung saan at natanaw ko ang chopper na lumapag sa taas ng mansyon ni Declan. Mabilis ang mga sumunod na nangyari, kaharap ako ngayon ng mga magulang ni Declan kasama ang kapatid nito na nakilala ko sa mukha base na rin sa profile na binigay sa akin dati ng editor ko. "I'm glad to meet you hija," malambing na sabi ng mommy ni Declan na niyakap ako ng mahigpit nang maglahad ako ng palad para sana makipag-kamay. "Mom, we need to start now. It's getting late," sabi ni Declan. Paanong magiging late na eh, imbes na seven o'clock ang kasal ay na move ito sa alas singko ng hapon dahil sa biglaang changes na hindi ko alam kung bakit. Palubog pa lang ang araw at maliwanag pa ang paligid. Iba talaga kapag mayaman at makapangyarihan dahil kaya nilang baguhin ang lahat sa isang kisap mata lamang. "Bilisan n'yo na, nagugutom na ako," nakasimangot na sabi ng kapatid ni Declan na si Amara. Tipid na nginitian ko ito na tiningnan ako mula ulo at paa saka ngumiti sa akin na akala mo ay may ibang ibig ipakahulugan. Maamo ang mukha niya pero dahil nakasimangot ito ay mukha siyang suplada kaya hindi ko na iwasan na 'wag makaramdam ng pagkailang dito. Ilang sandali pa ay kaharap na kami ng judge na magkakasal sa amin. Walang kahit na anong seremonya na isinagawa ang kasal. Walang tutol kahit gusto kung sumagot sa tanong nito na lumabas ang may gustong itigil at 'wag matuloy ang kasal namin ni Declan. "Inuulit ko, kung sino man ang tutol sa kasalang ito ay mangyari na lumabas at lumapit sa akin or else, habang buhay na kayong mawawalan ng karapatan!" malakas na ulit at tanong ng judge. "As you can see, walang may tutol so, hindi mo na kailangan na ulit-ulitin pa," banas na sabi ni Declan na tinapunan ng masamang tingin kaya napalunok na judge. Siguro ay ramdam ng judge sa akin ang alinlangan ko kaya gano'n na lang kung magtanong siya pero malas ko dahil nasa teritoryo ako ni Declan at walang kahit na sino sa lugar na ito ang handang tulungan ako kung sakaling takasan ko ang lahat ng ito. Lutang ako habang dinaraos ang kasal. Para akong patay na kahoy at walang dahon na nakatayo at walang kabuhay-buhay. Sa isip ko, sana ay matapos na ang lahat ng ito ng makabalik na ako sa loob ng silid kung saan ay pakiramdam ko'y ligtas ako. "Babae, tinatanong kita. Tinatanggap mo ba si Declan, bilang kabiyak ng iyong puso at iyong asawa sa hirap at ginhawa?" Napapitlag ako ng malakas na pisilin ni Declan ang kamay ko. Isang mabilis na 'I do' ang sinagot ko sabay yuko para itago ang luhang pumatak sa pisngi ko. Hindi ko alam kung malas talaga ako dahil pumatak ang luha ko sa kamay ni Declan kaya lalong humigpit ang marahas na pagkakahawak niya sa palad ko. Pinilit kong huwag mapahagulhol sa masaklap na kapalaran ko. Kagat ang pang-ibabang labi na kukurap-kurap ako ng ilang ulit para pigilan ang mga nagbabadyang luha ko. Natapos ang seremonyas ng kasal ng isuot ni Declan sa daliri ko ang singsing, simbolo na kasal na nga kaming dalawa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng i-angat niya ang belo at hawakan ang magkabilang pisngi ko. Sa harap ng lahat at nang mga naging saksi ng kasal namin ay siniil ako ng halik ni Declan hanggang sa kusa siyang tumigil dahil marahil napagod na siya. Nalasahan ko pa ang kakaibang lasa sa labi niya na alam kong dahil iyon sa ginawa niya sa hiyas ko. Namumula ang mukha na yumuko ako, hindi ko kayang humarap sa mga taong narito matapos nilang masaksihan ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Declan na mukhang wala namang pakialam sa mundo na ngayon ay kausap ang ilang bisita at inaya sa loob para sa reception. Kahit masakit ang mga binti at paa ko dahil sa taas ng sapatos na suot ko ay pinilit kong tumayo ng tuwid sa tabi ni Declan. May hinala akong sinadya niyang ipasuot sa akin ito para pahirapan ako. Ang hirap na nakatayo tapos ganito kataas ang takong ng sapatos. Kulang na lang ay hubarin ko ito at ihampas kay Declan ng matauhan ito. Sa reception lahat ng mga taong nakikita ko dito ay puro mga kakilala ni Declan. Ano pa nga ba ang aasahan ko gayong kahit isa sa kamag-anak ko ay hindi alam na ikinasal na ako. Sigurado akong maging si Glyshine ay nag-aalala na ng husto sa mga oras na ito lalo na at malinaw na nakita niya kung paano ako dinukot ng mga tauhan ni Declan sa mismong pamamahay niya kagabi tapos heto ako, hindi ko man lamang magawang tawagan siya dahil wala akong hawak na cellphone. Nang tumayo si Declan para lapitan ang isang may edad na lalaki ay saka ko tinungga ang kopeta na may laman ng alak. Hindi ako mahilig uminom pero kailangan ko ito ngayon dahil nagluluksa ako sa kasalukuyang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung paano gagampanan ang pagiging asawa ni Declan gayong ang gusto niya ay maging sunod-sunuran ako. Mahirap ito sa akin dahil sanay akong malayang mag-didisisyon para sa sarili ko. "That's enough!" Nag-angat ako ng mukha ng marinig ko ang matigas na boses ni Declan sa tabi ko. Nakabalik na pala siya ng hindi ko namamalayan. "Why? Pati ba naman uminom bawal din?" sarcastic na tanong ko. I know I'm not supposed to do this pero ang hirap pigilan ng damdamin ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko pinagkaitan ako ng tadhana at pinaparusahan ako dahil sa isang pagkakamali ko. "Don't you dare do something para ipahiya ako dito, Liegh!" galit na bulong ni Declan. Alam ko na may mga matang nakatitig sa amin ngayon and by the way he simply grab my arms at lumapit ang labi niya sa punong-tenga ko ay aakalain ng lahat na napaka-sweet sa akin ng lalaking katabi ko. "Nag-cecelebrate lang ako dahil ikinasal na pala ako," puno ng sarcasm na sagot ko. Alam ko na nagpipigil si Declan ng husto dahil nasa harap kami ng maraming tao and that's the best chance na maramdaman niya ang inis ko dahil naging matigas ang ulo ko. "Kiss!" "Kiss!" Malakas na hiyawan at may pumito pa kasabay ng ingay ng baso na pinapatunog gamit ang tinidor kaya pareho at sabay kaming napatingin sa mga kaharap namin. Basta na lang inabot ni Declan ang batok ko at siniil ako ng halik sa harap ng maraming tao bago lumayo sa akin at mayabang na umupo ng tuwid sa tabi ko. Nakakapagod, napaka-boring at inaantok na ako. Daig ko pa ang palamuti katabi si Declan habang nagkakasayan ang mga taong narito sa reception. May pagkakataon na lumapit ang mga magulang ni Declan na abala sa mga taong bumati sa kanila kaya halos wala rin akong makausap dito lalo na at nakasimangot lamang sa sulok ang kapatid niyang si Amara na kanina pa nagrereklamo na hindi niya gusto ang amoy dito. Saka ko lang napagtanto na kaya ganito siya ay dahil buntis pala ito, ayon na rin sa masayang kwento ng mommy ni Declan na magiliw na niyakap ako at sinabing welcome ako sa pamilya nila. Kung alam lang niya kung bakit ako pinakasalan ni Declan at kung ano ang tunay na estado ng magiging pagsasama namin ay sigurado akong hindi niya sasabihin sa akin ang bagay na iyon. I'm worried, natatakot akong harapin ang susunod na kabanata ng buhay ko bilang isang Mrs. Declan Madrigal sa harap ng publiko at sa loob ng mansyon na ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD