CHAPTER 10

1848 Words
LIEGH Formal ang venue ng reception, nagkalat rin ang mga lalaking naka-itim at pare-pareho ng mga suot na sa tingin ko ay uniform nila. I wonder kung bakit kailangan pa ng napakaraming gwardya sa lugar na ito samantalang nasa isang private property naman kami ng mga Madrigal at hindi basta-basta makapasok ng kahit na sinong magtatangka na gumawa ng masama. "You know what, sa tingin ko talaga ay binayaran ni Declan ang babaeng pinakasalan niya. I wonder kung saang kalsada niya napulot ang babaeng 'yon. Hindi naman maganda at kita mo naman na mukhang walang muwang sa kama," mataray at matinis ang boses na sabi ng isang babae. Natigilan ako sa dapat sana ay gagawin Kong pagbukas sa pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko. Nasa labas ang dalawang tauhan ni Declan para samahan akong gumamit ng comfort room matapos na mag-paalam akong gagamit para umihi at mukhang wala silang muwang na kami ng arrogante nilang amo ang topic ng mga bruhang nag-uusap sa labas. "You're right, pero malay mo naman. Mukha lang siyang demure pero nasa loob ang kulo. Remember, maraming nagkakandarapa kay Declan at gaya natin, lahat ay gagawin makuha lamang siya. Imposibleng hindi niya nakita ang mga katulad natin pero pinili niya ang mukhang virgin," natatawa na sagot ng isa. "I doubt na gan'yan ang reason ni Declan. I know his reputation when it comes to women. He won't simply dare to pick a woman from the street if he won't get anything in return. I suspect, dahil 'yan sa yaman ni Declan, posibleng pinakasalan niya ang pangit na babaeng 'yan para may ipinakilala siyang asawa sa medya. Alam mo naman ang tsismis tungkol sa kan'ya." Pumikit ako para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Mga tsismosa, naturingan na magaganda kuno at anak mayaman pero daig pa nila ang showbiz reporter kung pag-tsismisan kami. "Ah basta, naniniwala ako na hindi magtatagal ang kasal nila. Declan will surely find someone like me na kayang pantayan ang hotness niya sa kama. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan at walang pakialam na naglakad papunta sa zinc para maghugas ng kamay. Nagkatinginan naman ang dalawa ng makita ko saka parang mga natuklaw ng ahas ng ngitian ko ng nakakaloko. Pinasadahan ko na rin ng tingin ang mga pagmumukha nila habang nakangiti sabay hawi ng ilang bumagsak na hibla ng buhok papunta sa likod ng tenga ko bago humakbang papunta sa pintuan. "Well ladies, I forgot something," sabi ko ng huminto ako at lingunin ang dalawa. "You guys may look beautiful in your own eyes, pero hindi sa mata ng asawa ko. He's eyes only set for me at kagandahan ko lang ang nakikita niya," sabi ko sabay ngiti ng malawak. "Isa pa nga pala, I don't care kung magaling ka sa kama, hindi kayo ang pinakasalan ng asawa ko, look oh. I have a huge diamond in my ring finger. Alam n'yo kung bakit? Kasi ako ang pinakasalan ni Declan Madrigal," sabi ko pa sabay pasada sa mga babaeng kaharap ko ng mga mata ko mula ulo hanggang paa. Tulala at awang ang mga labi na tinalikuran ko sila. Wala akong pakialam kung makarating ito kay Declan dahil ayaw ko sa lahat ay tinatapakan ako ng kahit na sino lalo na at wala naman akong ginagawang masama sa kanila. They humiliate me and I can't just stand there listening while receiving a harsh and nasty comment from them. Malas nila sa akin sila na tapat dahil hindi ako pinanganak para laitin ng mayaman na mga nilalang na puro pangit ang nakikita sa mga mahihirap na gaya ko. "What takes you so long?" salubong ang kilay na tanong ni Declan ng bumalik ako sa mesa na naka-assign sa aming dalawa. Isa pa ang lalaking ito, 'wag niya akong mapisti ngayon at mainit ang ulo ko. Puro mayayaman nga ang narito pero mga plastic at mapagkunwari kaya hindi ako nababagay dito. Sa mga karanasan ko ay ayaw na ayaw kong magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa mga tulad nila dahil wala silang pakialam kung 'di ang tapakan kami dahil mahirap lang kami. Unti-unting bumangon ang galit sa puso ko. Alam kong may ginawa akong hindi maganda kay Declan pero sobra-sobra naman ang kapalit na hinihingi niya. Inalisan niya ako ng karapatan na mabuhay ng normal. Lahat nagbago sa akin sa isang iglap na pati pagpunta ko sa comfort room ay questionable dahil asawa ko siya. "Tinatanong kita?" inis na tanong nito pero hindi napapansin ng mga taong narito dahil para lamang siyang naglalambing na asawa sa akin. "Ano ba ang ginagawa sa comfort room, ha Declan? Alangan namang matulog ako doon," inis rin na sagot ko. Bigla ay nawala ang takot sa puso ko sa posibleng kahantungan ng lahat kahit pa nakita ko kung paano tumalim ang mga mata niya at tumiim ang nagngangalit na mga bagang. Umirap lang ako at nakita ko kung paano nakatingin sa direksyon amin ang dalawang babaeng nakasagupa ko sa banyo. May pera lang sila kaya mukhang maganda pero pangit pa rin sila sa paningin ko lalo na at ang sagwa ng mga itsura nila at mga kinulang sa tela ang suot ng dalawang bruha. Bukod sa may butas sa bandang tiyan at tagiliran ay nakaluwa na rin ang mga dibdib na akala mo ay gusto ng ipamigay sa lahat ng mga lalaking narito. Hapit na hapit rin at mukhang hindi na bayaran ng tama ang mananahi kaya tinipid sa tela kaya para silang mga binalot na suman na dalawa. "Mind your tongue lady!" mariin na bulong sa akin ni Declan sa punong tenga ko pero wala akong pakialam. Hindi ako sumagot, wala akong balak makinig at makipag-usap kay Declan. Kapag ganitong mainit ang ulo ko ay mas gusto ko na tahimik ako kesa kung ano pa ang masabi ko at sigurado akong hindi na naman magugustuhan ng lalaking katabi ko. "Congratulations Declan," sabi ng isa sa babaeng nanlait sa akin kanina sa loob ng comfort room. Harapan na inikutan ko ito ng mga mata lalo na ng makitang nakangiti ito ng sweet na sweet kay Declan na pormal at wala yatang katiting na emosyon sa katawan. Siya ang babaeng nagsabi na galing ako sa kalye kaya nag-init lalo ang ulo ko lalo na at heto siya sa harap ko. Ang kapal ng pagmumukha ng babaeng ito. She has the guts to face me kahit alam niya kung anong nangyari sa pagitan naming dalawa kanina sa comfort room. Ramdam ko na dumapo ang palad ni Declan sa hita ko at marahang pinisil-pisil na akala mo naman ay malambot na tinapay ako. "Declan, you're very sweet. I was wondering whether you were still interested in visiting and judging my forthcoming fashion show in Italy?" malanding tanong ng babae. "This is not the right time to discuss this matter Clare. I'm with my wife and I don't mix my business while I'm having a quality time with her." Tigagal ang babae na bumuka ang labi. Tinapunan ako ng masama at nagbabanta na mga mata pero inirapan ko dahil masyado naman yatang garapal ang pagmumukha niya para lumapit pa sa amin. Sa inis basta ko na lang inikot ang braso ko sa leeg ni Declan at hinatak palapit sa akin. Gigil akong asarin ang babae sa harap ko matapos laitin niya ako. Hindi alam ng bruhang ito na may tinatago akong kamalditahan kaya tulala lamang itong nakatayo sa harap ko matapos siilin ko ng halik ang nagulat na si Declan. Ramdam ko na natigilan ito ng lumapat ang labi ko pero sabi nga nila kapag galit ka ay balewala na sa 'yo ang lahat dahil ang mahalaga sa mga oras na ito ay ipamukha ko sa babaeng kaharap namin at kasama nito na hindi niya ako pwedeng basta laitin. Malas niya na natapat siya sa isang palaban na bisayang gaya ko. Kung matapang ang mayor namin sa Davao at kilalang palaban ay gano'n din ako na hindi pwedeng basta tapaktapan. Si Declan lang ang nakagawa sa akin ng ganito dahil may kasalanan ako pero kung nagkataon na wala at ginawa niya sa akin ito baka nagbago na ang mukha niya sa mga oras na ito. Yes, I may look fragile but I'm a warrior in my own fight. Ito ang natutunan ko bilang breadwinner ng pamilya na dapat ay matapang at palaban dahil wala akong ibang aasahan kung 'di ang sarili ko. "Hmmm." Sinadya kong lakasan ang ungol ko para iparinig sa mga bruhang nasa harap namin ang reaksyon ko matapos gumanti ng halik si Declan at sinibasib ang mga labi ko. Para siyang gutom na gutom at gustong kainin ng buo ang labi ko. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga taong saksi kung paano ako mapusok na hinalikan ni Declan na tila natauhan matapos marinig ang ungol ko nang bumaba sa leeg ko ang mainit na mga halik nito. Wala na ang bruhang kaharap namin ng magmulat ako ng mga mata. Mga masayang mga mukha ng mga bisita ang sumunod na nakita ko na nag-palakpakan pati na rin ang mga kaibigan ni Declan. Pakiramdam ko ay nanliliit ako sa hiya sa kinauupuan ko lalo na ng makita ko ang nakangising mga mukha ng mga kaibigan ni Declan. Napakurap ako sabay baling sa lalaking katabi ko na sinuklay ang buhok sabay bahagyang dinilaan ang namumula at sa tingin ko ay namamaga na pang-ibabang labi dahil bukod sa pumutok ito ng sapakin ko umano kagabi ay mukhang nakagat ko pa kanina dahil hindi naman talaga ako sanay at marunong humalik. "Gentleman, I guess we're done here!" malakas na sabi ni Declan na tumayo na. Malakas na hiyawan ang sumunod na narinig ko na pinangunahan ng mga kaibigan ni Declan. Akala ko ay mga seryoso ang mga ito na mukhang pare-parehong kakain ng buhay na tao kanina pero iba ngayon na para silang mga batang masaya na nagkaroon ng kendi na alam kong dahil ito sa iba ang nasa isip at pagka-intindi nila sa sinabi ni Declan. "Let's go," matigas na utos sa akin ni Declan. Feeling ko nangangatog na naman ang tuhod ko kaya muntik pa akong matumba ng tumayo ako. Magkahalong epekto ng alak at tensyon dulot ng mga matalim na mata ni Declan kaya siguro nagkaganito ako. "Wooh! Enjoy man!" naka-ngisi na sigaw ni Alexander na mukhang Russian. Naramdaman ko na umangat ang mga paa ko sa sahig at umikot na lang paningin ko ng makita ko ang matambok na pwet ni Declan na gumagalaw habang naglalakad siya palabas sa reception hall, buhat ako na nakasampay sa balikat sapo ang binti at balakang ko. Lalong sumama ang pakiramdam ako, alam kong hindi magtatagal ay masusuka na ako lalo na at tuluyan ng umikot ang pakiramdam ko. Nag-iinit ang mukha at katawan ko, alam kong epekto na ito ng alak at nang pagkakalapit namin ni Declan pero hinayaan ko siya dahil gusto ko na rin bumalik sa silid at magpahinga. Nakakapagod ngumiti na parang mannequin katabi si Declan. Puro kaplastikan na mukhang kailangan ko ng masanay. For now, magpapahinga muna ako para may lakas ako bukas na harapin ang lahat ng hamon bilang isang Mrs Declan Madrigal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD