Kabanata 8

1598 Words
Daisy's POV Idinilat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata. Una, blurred ang naging paningin ko. Hanggang sa unti-unti itong lumilinaw. "What are you doing here?" "Narito ako para sa anak ko." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig mula rito. "Ano'ng ibig mong sabihin, Mr. Montenegro?!" "I check all the CCTV, at nakita kong ikaw ang babaeng nakaniig ko sa isang party noong nakalipas na buwan. Don't worry, inalis ko na ang footage na 'yon. It's only for me. Hindi pwedeng makita nino man." "Wala akong maalala," kunot-noo kong sagot dito. "Dahil may amnesia ka. Basta ang alam ko, ako ang ama ng dinadala mo." "Ako, may amnesia? Paano nangyari iyon?" "Ako ang sinisisi ng ama mo, na naging dahilan kung bakit lumubog ang kompanyang pagmamay-ari niyo. I found out, na nabangga ang kotseng sinakyan natin noon dahilan para kapwa tayo nagkaro'n nang amnesia." "Pruweba ang nais ko, Mr. Montenegro. Hindi iyong gumagawa ka lang ng kwento!" Asik ko rito. "Hindi ako writer para gumawa ng kwento, Ms. Parojinog. My concern here is the baby inside your womb." Lihim kong naikuyom ang dalawang-kamao. Aaminin kong medyo nakaramdam ako nang pagkadismaya. Which is, mali kong maramdaman. Ano namang pakialam ko kung ang baby ko lang ang concern nito. Pero hindi pa rin ako kumbinsido, na heto nga ang ama ng aking anak. Kaya lang, paano iyon nangyari? "How come na ikaw ang naging ama ng anak ko, Mr. Montenegro?" Napansin ko ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Awtomatikong ipinakita nito sa akin ang cellphone nito. At tumambad sa aking harapan ang video scandal naming dalawa sa may likod ng Gazebo. What the! Awtomatikong napatakip ako sa sariling bibig gamit ang aking mga palad. Hindi ako makapaniwala, sinubukan kong agawin ang hawak nitong cellphone pero hindi ko ito nakuha, at mabilis nito iyong ibinulsa. "Now, you know?" Naramdaman ko ang pamumula ng aking magkabilang-pisngi. Kitang-kita ko kung paano ako nag-response sa bawat halik at haplos ng lalaking kayakap at kahalikan ko sa mismong video. "Pakiusap, burahin mo 'yan, Mr. Montenegro." "Ayaw mo bang makita kung paano tayo nag-enjoy habang gumagawa ng bata? Gusto kong tapusin ang mga alegasyong kumakalat patungkol sa atin. Ako ang masusunod buhat ngayon. Dahil reputasyon ko ang mas nasisira, remember? Magpakasal tayo sa lalong madaling panahon." "No way!" Asik ko rito. "Wala ka ng magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa akin," tugon nito. Pagdakay, maagap ako nitong tinalikuran. Inis na nasundan ko na lamang ito ng tingin. "What the! This is so wrong!" Inis kong tugon. Paanong nangyari siya ang pinagbintangan ni daddy? Gusto kong malaman ang lahat. Wala akong maalala. Pinukaw ang aking atensyon ng katok mula sa pinto ng aking private suite. "Pasok," sagot ko. "Hija." "Aling Yolly!" Bulalas ko. "Salamat sa Panginoon at gising ka na. Inayos na ni Mr. Montenegro ang labi ng iyong ama. Bayad na rin lahat ang mga bills ng daddy mo. At regarding naman sa mommy mo, kailangan pa siyang magamot dahil sa matinding depression na kanyang nadarama." Wala akong maapuhap na sagot. Nagmukha pa akong may malaking utang na loob sa lintik na Montenegro na iyon. Ang galing niyang manamantala. Damn it! "Isipin mo na lang ang kapakanan para sa anak at ina mo, hija. Dati kayong magkaibigan ni Mr. Montenegro. Totoo ang lahat ng sinasabi niya." Inis na tinitigan ko si Aling Yolly. "Alam niyo pala ang totoo pero inilihim niyo lang?!" Bakas sa boses ko ang galit at inis nang tanungin ko ito. Napayuko ito. "Patawarin mo ako, hija. Mahigpit kasing ipinagbilin ng doktor mo noon, na hayaang ang mismong memorya mo ang makaalala. Temporary amnesia lang naman kasi ang meron ka, pero hindi namin akalaing magtatagal pala iyang amnesia mo bago ka makaalala ulit." Nagulat ako nang bumalik si Nathaniel. Nakakatunaw ang mga titig nito na tila tumatagos sa aking kaluluwa. "Bakit ka bumalik?" "Here, inumin mo 'yan. Para sa bata. Mga ilang vitamins. Alagaan mo ang anak natin, Ms. Parojinog. Dahil mananagot ka sa'kin oras na may mangyaring masama dahil sa kagagawan mo." "Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan! Hindi ako pabayang ina, Mr. Montenegro." "Wala akong sinabing ganyan, sa mismong bibig mo 'yan nanggaling." "Ikaw, bakit mo ako binalewala nang humingi ako sa'yo ng tulong para sana tapusin na ang alegasyon na ipinapakalat ng mga fans ng lintik mong girlfriend?!" "Dahil hindi kita kilala, at tulad mo ay wala rin akong maalala. Pinahanap ko ang babaeng nakatalik ko sa birthday party ng pinsan kong si Zion. And my other P.I. found you, and here I am in front of you willing to marry you, only for the sake of my child," seryosong saad nito sa akin. Tila ba utos iyon na hindi pwedeng tanggihan. Ewan ko ba, pero bakit nakaramdam ako ng munting kirot? Lalo na nang marinig ko ang huling sinabi nito? "Dahil sa buntis ako kaya magpapakasal tayo?" Inis kong tanong dito. "Yes, and that's final. Kung ayaw mo sa alok ko, bayaran mo ang ilang ibinayad ko sa hospital na ito ngayon din." "That's blackmail, Mr. Montenegro!" Asik ko rito, naiiling na nakatitig ako sa mala-asul nitong mga mata. Tuso nga ang lintik na lalaking ito. "Excuse me, sir. Buntis po ang pasyente at hindi po siya pwedeng ma-stress. Pakiusap, lumabas po muna kayo," singit ng doktor. Siguro marinig nito ang pagtaas nang aking boses kaya naisipan nitong pumasok sa nakabukas kong private suite. Tahimik na lumabas si Mr. Montenegro na siyang ipinagpasalamat ko naman. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Ms. Parojinog, maselan ang pagbubuntis mo kaya pakiusap lang, huwag kang mabilis agad sa pagiging magalitin. Maging makupad ka," ani ng aking doktora. "Pasensiya ka na doktora, ang totoo niya'n nadala lang ako ng sarili kong emosyon." "Si Mr. Montenegro ba ang ama ng dinadala mo?" "Iyon po ang sabi niya, doktora." "Naku, malaking problema kung siya nga. Tiyak na magwawala ang girlfriend no'ng sikat na modelong si Ms. Brown." Napahilot ako sa sariling sentido. Speaking of that woman, ewan ko ba pero naiinis ako sa babaeng iyon. Ni hindi man lamang marunong makiusap sa mga fans nito na itigil ang ilang mga alegasyon. Pero, naisip ko rin na ang alegasyon na ibinabato ng mga fans nito ay masasabing totoo. Hindi ba't si Mr. Montenegro ang ama ng dinadala ko ngayon? "Wala po akong pakialam sa babaeng 'yon, doc. Isa pa, wala naman akong inagaw sa kanya. Si Mr. Montenegro mismo ang lumapit sa akin at hindi ako." "Aminin mo, napaka-hot ni Mr. Montenegro," nakangiting tudyo sa akin ni doktora. Nailing na lamang ako sa narinig mula rito. "Ayoko pong sagutin 'yan doktora. Wala akong pakialam sa lalaking 'yon," sagot ko rito. Napasulyap ako kay Aling Yolly na ngayo'y busy sa paghahanda nang aking makakain. "Lalabas na ako, basta iwasan mong ma-stress. At iyong mga ilang bilin ko sa'yo. Uminom ka rin lagi ng mga vitamins mo." "Noted, doc." "Good." Nasundan ko na lamang si doktora ng tingin. _____ Nathaniel POV "Congratulations, dati ko na ring alam na ikaw ang ama ng dinadala ni Daisy. I remember the night that I saw the both of you, sa may Gazebo." "Nakita rin naman kita. Kaya lang, totoong wala kami sa tamang pag-iisip ni Daisy sa mga oras na iyon. All we think was pleasure of our flesh." "Alagaan mo sana ang babaeng lihim kong iniibig, Nathan." "I can't promise that. Isa pa, anak ko lang ang habol ko." "One day, babalik din ang mga alaala niyong dalawa. Umaasa ako na mas maganda ang maging resulta." "Teka, wala ka ba talagang alam tungkol sa amin ni Daisy noon?" tanong ko rito. "Nagkita lang tayong muli sa birthday ni Zion, Nat. Isa pa, ang tanging makakasagot sa mga tanong mong 'yan ay ang Kuya Seth mo at ang asawa niyang si Beauty. Mag-best friend sina Beauty at Daisy. But the problem is, kung naalala ni Daisy si Mrs. Beauty Montenegro." "Iyan ang malaking tanong na dapat kong alamin," sagot ko rito. "Paano, aalis na ako." "Ingat ka." "Ikaw din, salamat." Nasundan ko na lamang ang papalayong bulto ni Patrick. Nang mahagip ng aking tingin ang doktora na tumingin kay Daisy. "Doc, how's my child?" "The babies is fine, but, avoid stressing their mom, Mr. Montenegro. Maselan ang pagbubuntis ni Ms. Parojinog. Anytime pwedeng malaglag ang isang anghel na nasa sinapupunan niya, since iyong isa ang tila parang mahina ang kapit." Nagulat ako sa narinig mula rito. "You mean, kambal ang anak namin ni Ms. Parojinog, doktora?!" "Yes, pero huwag mong ipapaalam sa kanya na kambal. Just in case na mawala ang isa, hindi niya malalaman at hindi gaanong masyadong masakit sa parte mo naman, Mr. Montenegro. I found out na mahina ang heartbeat no'ng isa. I'm so sorry kung nagsinungaling ako, ayoko lang ma-stress si Ms. Parojinog. Oras kasi na malaman nito ang totoo, maging sanhi pa iyon ng pagkakaroon niya ng Spartum. Which is very rare sa mga ilang nagbubuntis lalo na sa case niya." Hindi ko mapigilang magpakawala nang isang marahas na buntong-hininga. "Doc please...gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya maisalba lang ang buhay ng mga anak ko." "We are doing our best, Mr. Montenegro. Basta ang pakiusap ko lang sa'yo, assess her fully. Para maiwasan niya ang mag-suffer ng Spartum. Lalo na at first time niya pa ang pagbubuntis." "Gagawin ko kung ano'ng mas magagawa ko pa, doc. Basta, gawin niyo lang ang lahat para sa mga anak ko." "No worries." Kailangan kong i-divert ang attention ni Daisy, lalo na at wala na ang ama nito na ang sabi'y nakasama lang daw nito sa maikling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD