Daisy's POV
Kunot-noo na nakikinig lang ako kay Mr. Co sa kabilang linya. May biglang meeting daw kaya hindi ito makakarating sa pinag-usapan naming lugar. Naiiling na lamang ako. Kung gano'n, itutuloy ko ang plano na puntahan ang mansion, aalamin ko kung sino ang nakabili.
Mula sa silya ay tumayo ako at tinungo ang sink para mag-toothbrush. Napasulyap ako kay Aling Yolly. Busy ito sa mga labahin. Kahit paano ay hindi ako malungkot sa maliit kong apartment dahil kasama ko ito.
"Hija, nasa mesa iyong mga pagkain para sa mommy mo, dalhin mo na rin."
"Salamat po, Aling Yolly."
"Mag-iingat ka."
"Opo."
Pagkatapos kong mag-toothbrush, saka ako nagpaalam kay Aling Yolly. Tinungo ko ang sariling kotse na dati ay bigay ni daddy sa akin nang malusog pa ito. Kung kailan nagkita na kami ng totoo kong ama, kailan naman ito nagkasakit, dahil na rin ito sa mga bisyo nito.
Walang problema sa akin dahil lumaki naman akong mahirap kasama si mommy noon. Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo at pumasok sa loob ng aking kotse.
Biglang tumunog ang aking cellphone. Si mommy ang nasa kabilang linya. Biglang binundol na naman ng kaba ang aking dibdib. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sinagot ang naturang tawag.
"My, napatawag ka?"
"Hello, Ms. Parojinog. I'm Pearl the head nurse. Please be here, it's urgent. Thank you."
Tila biglang nawalan ng kulay ang aking mukha, kasabay ng aking panghihina. Nawalan ako ng lakas. At nag-uunahang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.
"Panginoon ko." Tanging naibulalas ko.
Mabuti na lamang at nakabukas pa ang pinto ng aking kotse at narinig ko ang busina ng kotse ni Mr. Co. Napalingon ako sa may gate. Nakita ko ang kotse nito, pero nakalabas na ito sa sariling kotse patungo sa kinaroroonan ko.
"I've heard about what happen," saad nito sa akin.
"Please, take me to the hospital. Wala ako sa huwisyo para mag-drive."
"Alright, sa kotse ko na tayo sumakay," ani nito sa akin.
Para akong robot na sumusunod sa nais nito. Para bang wala akong buhay. Hindi ko napaghandaan ang mangyayari ngayon.
"Daisy, Daisy, Daisy!" Pukaw sa akin ni Mr. Co. Nakatitig lang ako sa nag-alala nitong mga mata.
"Hey, look at me. Are you, alright?!"
"I—I'm not," nauutal kong sagot, habang sige pa rin sa pagtulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Alam ko at naramdaman ko rito sa puso ko ang kalagayan ng aking ama.
Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na pagyakap ni Mr. Co sa akin. At hindi ko na nga pinigilan ang sarili at hinayaan na humagulgol sa matipuno nitong dibdib.
"Alam mo ba ang balita?" tanong ko rito. Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga. At dahil sa ginawa nito, alam ko na ang sagot.
"Huwag mo na lang akong sagutin, alam ko na ang sagot mo, Mr. Co. Imposibleng wala kang alam. Tulad ng sabi mo, close ang mga magulang natin. Pero bakit ni hindi niyo man lang kami tinulungan sa panahon na walang-wala kami?" Hindi ko mapigilang sumbatan ito.
"Dahil sa pride ng ama mo."
Nakagat ko ang pangibabang-labi. Yeah, aaminin kong ma-pride ang aking ama. Sana pala nagpakasal na lang ako kay Mr. Co. Pero huli na para bawiin ko pa ang nasabi ko na.
"Let's go," ani pa nito.
Nanginginig pa rin ako sa sobrang kaba at takot. Hanggang sa makarating kami sa kotse nito. Pinagbuksan ako nito, at pumasok ako sa front seat.
Nagmamadaling umikot sa may driver seat si Patrick. "Alam mo bang nagka-amnesia ka?"
Kunot-noo na may halong pagkalito na napasulyap ako rito. "Ako, may amnesia? P—paano nangyari? Wait, akala ko ba hindi ka makakarating, pero bakit ngayon ay narito ka sa aking harapan? Isa pa, ano iyong sinasabi mong alam mo kung sino ang ama ng dinadala ko?"
"Mamaya na tayo mag-usap patungkol sa mga tanong mong 'yan, Ms. Parojinog. May isang taong papariyan sa iyo at siya ang magsasabi sa'yo ng lahat."
Napahilot na lamang ako sa sariling sentido. Patung-patong na ngayon ang aking mga iniisip. At parang bibigay na rin ang aking katawan. Nakaramdam kasi ako ng panlalamig ng kamay at pamamawis. Mukhang inatake ako ng anxiety. Tapos iyong paghinga ko hindi na rin normal.
Hanggang sa hindi ko na nga nakayanan at bigla akong nilamon ng dilim. "Daisy!"
_____
Patrick POV
Mabuti na lamang at narito na kami sa loob ng aking kotse, at eksaktong dumating kami ng hospital. Agad na binuksan ko ang pinto ng driver seat at umikot sa may front seat. Dali-daling binuksan ko iyon at binuhat ang walang-malay na si Daisy. Isinara ko kaagad ang pinto ng sarili kong kotse.
"Nurse, I need some help here!" Sigaw ko. Nagmamadaling lumapit naman sa akin ang ilang nurses na may dalang mahihigaan ni Daisy.
"Thank you."
"Ano pong nangyari kay, Ms. Parojinog, sir?"
"Bigla na lang nawalan ng malay habang nakaupo sa front seat ng aking kotse. Mukhang hindi niya nakayanan ang nangyari sa kanyang ama."
"Naku, sir. Ang totoo, si Mrs. Parojinog din naka-confine. Hindi nakayanan ang nangyari sa asawa kaya inatake agad ng depression."
Nagulat ako sa narinig. Naawa na ako babaeng lihim kong minamahal dahil sa nangyari sa mga magulang nito. Hindi ko mapigilan ang sarili na sisihin si Mr. Parojinog. Kung hindi sana nito tinanggihan ang tulong ng aking mga magulang ay hindi aabot sa ganito ang lahat.
Wala akong choice kundi tawagan ang kaibigang si Nathan, na siyang ama ng dinadala ngayon ni Daisy. Mula sa aking bulsa kinuha ko ang sariling cellphone, supposed to be hindi ba't nasa bahay na ito nina Daisy? Pero bakit, hindi ko man lang ito naabutan doon?
I dial his phone number, hanggang sa marinig kong nag-ring na ang kabilang linya. I'm waiting for him to speak up.
"Pat?" Narinig kong sagot nito.
"Daisy need your help, Nathan. Sad to say, pero patay na si Mr. Parojinog. Inatake ng anxiety si Daisy, samantalang inatake naman ng depression si Mrs. Parojinog."
____
Nathan POV
"Nathan, where are you going? We're still at the meeting!" Tawag sa akin ni Hailey. Hindi ko ito pinansin bagkus ay sumenyas ako sa aking sekretarya. Napatango ito.
Nagmamadaling pinatay ko ang tawag ni Patrick. Ang totoo, nag-aalala ako sa aking mag-ina. Halos liparin ng aking mga paa ang pagpunta ko sa garage para lang makarating kung nasaan ang sariling kotse.
"Nathan!" Muli ay narinig ko ang sigaw ni Hailey. Hindi ko ito pinakinggan, at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. Kailangan kong malaman ang kalagayan ni Daisy.
Next week ang balik nina Kuya Seth at Beauty. Kasalukuyang nasa Guam kasi ang mga ito, para ayusin ang ilang problema sa mga branch ng negosyo roon.
Hanggang sa marating ko ang garahe. Nagmamadaling tinungo ko ang sariling kotse. Pinatunog ko iyon, at saka ko iyon natunton. Nang makalapit ay agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
___
Hailey POV
Inis na naikuyom ko ang dalawang-kamao nang hindi ko maabutan si Nathan. D@mn it! Napahilot ako sa sariling sentido. At saan pupunta ang lalaking iyon?
"Ikaw, may alam ka ba kung saan patungo ang sir, mo?!" Asik kong tanong sa sekretarya ni Nathan.
"I'm sorry, Ms. Brown. Pero hindi ikaw ang nagpa-sweldo sa akin para tratuhin mo ako ng ganyan?" Mataray na sagot ng sekretarya ni Nathan, na talaga namang nagbigay sa akin ng matinding inis.
"Aba't ang talas ng dila mong babae ka, a!" asik ko rito.
"Sinagot ko lang po kayo sa tanong niyo po, ma'am. So, please excuse me. May tatapusin pa po akong trabaho," sagot nito na may pataas kilay pa ang bruha.
Kung hindi sana nag-resign ang kaibigan kong si Irish sa pagiging sekretarya ni Nathan ay okay sana. Bwesit, nabubwesit talaga ako sa mataray na bagong sekretarya ni Nathan. Hindi naman ito maganda at totoong manang na manang kung manamit. Hindi ko napigilan ang sarili na mapangiwi sa bwesit na hitsura nito. What an ugly witch!
"Whatever!" Asik ko rito at mabilis itong tinalikuran.
"What happened, naabutan mo ba si lover boy?" May panunuyang tanong ni Irish sa akin.
"Isa ka pa!" Inis kong sagot dito.
"Bakit na naman?"
"Huwag mo akong umpisahan, Irish. Naiinis ako!"
"I see, is it all about the new ugly ducking na sekretarya ni Nathan?"
"Sino pa nga ba? Ang sarap lang talaga hambalusin ng babaeng 'yon!"
"Careful, balita ko black-belter si Ms. Regalado. Ama niya si Atty. Regalado," sagot ni Irish sa akin.
"The hell I care?!"
"Mag-iingat ka ro'n, hindi iyon nanghihila ng buhok. Naninipa iyon, kaya kung ako sa'yo, retreat ka na lang," nakangiting turan ng luka-loka kong kaibigan.
"Maiba tayo, may alam ka ba kung bakit bigla na lang umalis si Nathan sa kalagitnaan ng meeting?"
"I have no idea, hindi ako yaya ni Mr. Montenegro para tanungin mo sa mga ganyang bagay, Hailey."
"Bwesit ka talagang kausap, Irish!" Inis kong sagot dito. Narinig ko na lamang dito ang malutong nitong halakhak.
Naiinis na napapaisip na lamang ako. Ano kayang dahilan? Natampal ko ang sariling noo. "Sana pala sinundan ko na lamang si Nathan."
"Bakit ba gusto mong malaman? Paano kung may emergency sa mga ilang Montenegro?"
"I'm just curious," sagot ko. "Paano kung ang bwesit na si Daisy ang pinuntahan no'n?"
"Wala ka ng magagawa. Ang tamang tanong, paano nga ba kung nakakaalala na si Nathan? Tapos, madiskubre niya ang kasalanan mo?" tudyo ni Irish sa akin.
Pinukol ko lang ito ng tingin. Pero deep inside, kinakabahan ako. Naalala kong may napapansin na rin kasi ako kay Nathan na iba sa napapansin ko noon. Paano nga ba kung gano'n nga? Sh!t, siguradong sa kulungan ang bagsak ko.