Daisy's POV Nakatitig lang ako sa nakapikit kong ina. "Mommy, I'm so sorry." Panay ang agos ng aking luha habang nakatunghay dito. Ang sabi ng doktor, kailangan ni mommy ng ilang psychologist, therapist at counselor para sa therapy na maisagawa sa kondisyon ng aking ina. Kailangan kong maging matatag sa bawat pagsubok na hinahamon sa akin ng kapalaran. Aaminin kong hindi madaling tanggapin ang pagkamatay nang aking ama, pero kailangan kong mag-move on at harapin ang kasalukuyan para sa minamahal kong ina. "Narito lang ako, hija." Napasulyap ako sa nag-aalalang mukha ni Aling Yolly. Ngumiti ako rito ng pilit. "Salamat po." Niyakap ako nito na may pagluha sa mga mata nito. "Palagi mong tatandaan na ang lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay kaloob ng Panginoon." "Ang sakit, Aling Y