Daisy's POV
Makailang beses din akong nagpalit ng damit para lang maging presentable sa harapan ng CEO ng MAI.
"How do I look, Aling Yolly?" tanong ko.
"Kahit ano'ng damit bagay naman sa'yo, hija."
"Nambola pa talaga kayo," nakangiting sagot ko rito. Nakaharap ako sa salamin at sinusuklay ang aking mahabang buhok.
"Hindi, totoo ang sinasabi ko. Mag-iingat ka sana, umaasa akong may magandang balita ang pagpunta mo roon."
"Sana nga po, Aling Yolly," sagot ko rito, saka ako nagpaalam dito.
Naglakad na ako palabas ng sariling kwarto at tinungo ang garage kung nasaan ang aking kotse. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas, nasalubong ko si Atty. Regalado.
"Good day, Ms. Parojinog. Narito ako para ipaalala sa'yo na kailangan ko ng kunin ang nais ko. Gusto lang kitang paalalahanan na ngayon ang araw na iyon gaya ng napagkasunduan natin."
Napalunok ako. Inabot nito sa akin ang isang white folder. Nanginginig ang aking mga kamay na binuksan iyon. Sa dami ba naman ng problemang dinadala ko, hindi ko na matandaan ang petsa nang napagkasunduan namin ni Atty. Regalado.
"Atty. Regalado, pwede po bang humingi pa sa iyo ng palugit?"
"I'm so sorry, Ms. Parojinog. Ang napagkasunduan ay kailangang matupad. Wala kang palabra-de-honor kung gano'n?"
Para akong sinakluban ng langit at lupa. Alam kong malulungkot ang aking ina kapag nalaman nitong mawawala na sa amin ang bahay na kinalakhan ko. Maraming mga sentimental value ang mansion na ito. Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Kailangan kong maging matatag, dahil kung hindi, baka mawala sa akin ang batang nasa sinapupunan ko. Pinagbabawal pa naman sa akin ang ma-stress.
"Hija, hindi ba't may nakuha ka ng apartment sa may Makati area?" singit ni Aling Yolly. Napalingon ako rito at dahan-dahang napatango.
"Kung gano'n may lilipatan na kayo?" tanong ni Atty. Regalado.
"Yes, Atty. Isa pa, kompleto na rin naman iyon sa gamit. Ang problema ko lang naman ay si mommy."
"Bakit, hindi mo ba pinaalam sa kanya ang plano mo?"
"Alam naman niya. Ang problema lang ay totoong malulungkot daw siya kung sakaling mangyaring mawawala iyon sa amin."
"Ikinalulungkot ko, Ms. Parojinog. Pero kailangan ko rin ang bahay na 'yon, lalo na at nakakita na ako ng buyer," sagot nito sa akin.
"Pwede ko po bang malaman kung sino ang buyer niyo, Atty.?"
"I'm so sorry, Ms. Parojinog. Masyadong pribado ang kliyente kong iyon. May kasunduan kami na dapat kong i-respeto."
Mas lalo akong nanlumo sa narinig mula kay Atty. Regalado. "Alright, Atty."
"Babalik ako rito bukas, bukas kasi ang schedule namin ng assistant ng buyer ko na titingin sa mansion."
"Don't worry, Atty. Mamaya ay aalis na kami ni Aling Yolly dito. Regarding sa ilang mga larawan ng pamilya ay unti-unti ko ng nadala sa bago naming apartment."
"Ang sobrang kabayaran ay ngayon ko ibibigay sa'yo, Ms. Parojinog. Siguro naman makakatulong sa inyo ang limang-daang libong piso para sa sustento sa ilang pagpapagamot mo sa daddy mo," ani Atty. Regalado.
"S—sobra naman po yata ito, Atty.?"
Hindi makapaniwalang ani ko rito. Noong una'y akala ko may masamang ugali ang taong ito, ngunit nang marinig ko ang sinabi nito, na realize kong mali pala ang pagkakilala ko rito sa unang impression. Tunay nga ang kasabihang, don't judge a book by its cover.
"Dahil mabait kang anak sa iyong mga magulang, deserved lang 'yan sa isang katulad mo, Ms. Parojinog," nakangiting saad nito sa akin sabay abot ng tseke. Tinapik nito ang balikat ko, napatango ito sa akin at saka naman ito tuluyang nagpaalam.
Hindi ko napigilan ang sarili, at tuluyang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Nasundan ko ng tingin si Atty. Regalado. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Aling Yolly.
"I told you, magtiwala ka lang sa Panginoon at siya na ang bahala sa lahat. Alalahanin mong buntis ka, at nakakasama sa bata ang sobrang emosyonal."
"Salamat Aling Yolly dahil nariyan kayong palagi sa aking tabi. Itinuring mo pa rin akong pamilya sa kabila ng lahat na nangyayari sa buhay ko at sa mga magulang ko."
"Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo at sa mga magulang mo, hija. Pamilya na ang turing ko sa inyo. Isa pa, nag-iisa na lamang ako sa buhay. At kayo na lamang ang meron ako."
"Hindi ba't may lakad ka?" tanong ni Aling Yolly sa akin. Napasinghap ako, at saka naalala na pupunta nga pala ako ngayon sa MAI.
"Oo nga pala, kailangan kong pumunta ng MAI, Aling Yolly. Gosh!" sagot ko at napasulyap sa aking relong-pambisig.
"Sige, mag-iingat ka, hija. Mag-retouch ka muna para naman presentable kang tingnan."
"Aalis na po ako, sa kotse na lang po," sagot ko at tinalikuran na ito. Nagmamadaling tinungo ko ang garage kung saan naroon ang ilang kotse at ang kotse kong laging ginagamit, na regalo pa sa akin ni daddy noon.
Nang makarating ako sa mismong garage, lumapit ako sa aking kotse at pumasok sa loob. I buckle my seatbelt, nag-retouch at inayos ang medyo nahilo kong buhok. Pagdakay, pinaandar ko na ang sariling kotse patungo sa aking destinasyon.
Ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng matinding kaba. Humugot na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. I need to relax and stay cool. Balita ko kasi suplado raw itong si Mr. Montenegro.
____
Nathaniel POV
"Sir, may appointment po kayo kay Ms. Parojinog at 9AM," ani ng aking sekretarya.
Salubong ang dalawa kong kilay sa narinig. Ang best friend ni Beauty ang tinutukoy ng aking sekretarya. Napasulyap ako sa aking relong-pambisig.
"Cancell my appointment with her," sagot ko na hindi ngumingiti. Dinampot ko ang tasa ng aking kape at sumimsim doon.
"Y—yes, sir." Hindi nakaligtas sa aking paningin ang awa na nasa anyo ng aking sekretarya para kay Ms. Parojinog.
Muli, bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa roon si Hailey. "Honey, I miss you. How was your day?" malambing nitong tanong.
"Get out, I don't need your presence here," utos ko rito, ngunit sa mahinang tinig. Inilapag ko ang tasang may kape sa aking office table.
"Gusto ko lang namang bisitahin ka at ipaliwanag sa'yo ang alegasyong na ikinakalat ng ilang mga fans ko patungkol sa ballerina na si Ms. Parojinog, honey."
"Just get out, damn it!" asik ko rito. Inis na inirapan lang ako nito at lumabas na nga ito ng aking opisina. Great!
Napahilot ako sa sariling sentido. Isinandal ang likod sa kinauupuan kong swivel chair. At hayan na naman ang madilim na imahe ng isang babae na nakaniig ko sa birthday party ng pinsan kong si Zion Montenegro. Kahit ano'ng gawin kong alalahanin ang hitsura nito ay hindi ko maalala.
Mula sa drawer ng aking office table kinuha ko ang isang pares ng diamond earrings. Gusto kong malaman kung sino ang nagmamay-ari niyo'n.