Habang patungo ako sa building na kinaroroonan ni Mr. Nathaniel Montenegro tumunog ang aking cellphone. Sinagot ko ang naturang tawag. Inilagay ko ang earphone sa aking dalawang-tenga, since nagmamaneho ako.
"Yes, hello?" sagot ko.
"Ms. Parojinog, it's me Irish. Mr. Montenegro's secretary. Mr. Montenegro cancelled the appointment with you, I'm so sorry, Ms. Parojinog."
Binalot ng matinding kalungkutan ang aking puso sa mga sandaling iyon. "It's alright, thank you."
"I'll call you ma'am if ever," saad nito.
"Okay," malungkot kong sagot dito.
"Good bye, ma'am. Take care po."
"You too, thank you again," sagot kong muli. Pagdakay pinatay na nito ang tawag. Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga.
Iniliko ko ang sariling kotse. Naisip kong pumunta malapit sa may dagat. Yeah, I need to relax. Kailangan kong lumanghap ng sariwang-hangin.
Nag-drive na ako patungo sa may tabing-dagat. Hindi naman nagtagal ay narating ko ang isang beach. Napasulyap ako sa aking relong-pambisig. It's already, 10 in the morning.
Tumunog ang message alert tone ng aking cellphone. Hindi ko na pwedeng hulaan kung sinu-sino ang mga nag-text. Surely, mga babayarin na naman.
Masuyong hinaplos ko ang aking tiyan. "Anak, pasensiya ka na, ha? Ang tanga kasi ng inay mo. Hindi ko man lang alam kung sinong tatay mo," kausap ko sa aking hindi kalakihang tiyan.
Alam kong malaking eskandalo ang kakaharapin ko kapag nalaman ng mga fans ni Ms. Brown ang tungkol sa kalagayan ko. Alam kong ang ilan sa mga fans nito ay sinusundan ako. Kaya kailangan kong mag-ingat.
"Hi, you must be Ms. Parojinog. Ang anak ng may-ari ng Clothing Linen Incorporated?"
Ang totoo, medyo nagulat ako sa lalaking lumapit sa akin. Nakatitig ako nakangiting mukha nito, hindi naman ito kahina-hinala at halatang hindi rin masamang tao. Sa taglay ba naman nitong kakisigan ay imposible ang iniisip ko. Kaya ngumiti ako rito.
"I am," sagot ko.
"I'm sorry about what happened sa kompanya niyo," saad nito. Saka ko narinig ang malalim nitong buntong-hininga.
"It's okay, ganyan nga siguro ang negosyo. Minsan lumalago, pero dumarating ang panahon na ito'y lulubog sa hindi mo inaasahan. Nagkasakit kasi ang daddy ko. Isa pa, hindi ko naman gamay ang pagiging business minded," sagot ko rito na may halong pait ang sariling boses. Pinipigilan ko ang sarili na huwag maluha sa harapan ng ekstrangherong kausap ko.
"By the way, I'm Patrick Co." Pagpapakilala nito sa akin. Inilahad nito ang isang palad sa aking harapan.
Nang una, atubili ako kung tatanggapin ko ba ang mga palad nito. Pero sa huli, naisip ko ring ayokong maging bastos sa isang mabait na lalaking nagtitiyaga na makausap ako.
"Nice meeting you, Mr. Co."
Naramdaman ko ang mainit nitong palad. Napansin ko ang magkabilang biloy nito sa magkabila nitong pisngi. Ang gwapo naman ng nilalang na ito. Ang swerte ko naman at napansin ako nito.
"Likewise, Ms. Parojinog. Ang totoo niya'n, narito ako para tulungan ka sa problema mo. Magkaibigan na matalik ang daddy mo at daddy ko, alam kong hindi ito ang tamang lugar para sabihin ko sa'yo ang lahat, but I think, this is the right place for us to talk."
Hindi ko mapigilang magtaka sa sinasabi nito. "What do you mean, Mr. Co?"
"Here," nakangiting inabot nito sa akin ang isang white folder. "Nakasaad diyan ang lahat ng napagkasunduan......para sa ating future," patuloy pa nito.
"Don't tell me magpapakasal tayo para ma-isalba ang kompanyang papalubog na?" kunot-noong tanong ko rito.
"Hindi ka nga nagkakamali, Ms. Parojinog."
"Do you think, it will help?"
"I think so, gagawin ko ang lahat maisalba lang ang kompanya niyo," nakangiting saad nito. Pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinasabi nito.
"Tingnan mong mabuti ang pirma ng ilang mga dokumento para makumbinsi mo ang iyong sarili," saad pa nito ng tila mapansin nitong tila nagdadalawang-isip ako.
Muli, tiningnan ko nga iyon. Naroon ang pirma ng aking ama. "Alright, the problem is...," ani ko rito at sadyang ibinitin pa ang sasabihin.
"You're pregnant, right?"
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig mula rito. "P—paano mo nalaman?!" Bulalas kong tanong dito. Nagpalinga-linga ako sa paligid, sinisiguro na walang nakakarinig.
"I have my ways," simpleng sagot nito na tila parang wala lang dito.
"Don't tell me na aakuin mo ang bata sa sinapupunan ko?" palatak kong tanong dito.
"I have to, dahil magpapakasal na tayo. Isa pa, maisasalba pa ang pagiging disgrasyada mo, I hope you will not be offended."
Pinakatitigan ko ng maigi si Mr. Co. Tapatin mo nga ako, Mr. Co. "Ikaw ba ang ama ng dinadala ko?!" Hindi ngumingiting tanong ko rito.
Napansin kong tila namutla ito sa tanong kong iyon. What the, totoong nanlaki ang aking mga mata. "So it's true? Ikaw nga?!" Bulalas ko rito.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong, oo?" maagap naman nitong sagot.
Inis na kinuwelyuhan ko ito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa suot nitong white polo shirt. "Bakit mo ginawa 'yon? Sisiguraduhin kong sa kulungan ang bagsak mong demonyo ka!" asik ko rito, at walang sabing siniko ng malakas, sa mismong may sikmura nito dahilan para mapaigik ito.
"F*ck!" Malutong nitong mura.
"You deserved it! Pwes, maghanda ka na agad ng abogado mo!" ani ko at inis na itinapon ang puting folder at pumasok sa loob ng aking kotse.
"Wait, Ms. Parojinog!"
Hindi ko ito pinakinggan at mabilis na pinaharurot ng takbo ang aking kotse. D@mn it! Pilit kong inaalala ang lahat pero wala akong maalala. Paano ako nabuntis ni Mr. Co?
Napasulyap ako sa sideview mirror. Pansin kong may sumusunod sa akin na pulang Bugatti. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. Sigurado akong si Mr. Co ang bumubuntot sa akin.
Habang binibilisan ko ang pagtakbo, nang may mapansin akong matanda na biglang tumawid sa daan. Mabuti na lamang at naapakan ko kaagad ang preno. What the! Muntik pa akong napasubsob sa harapan ng aking kotse. Mabuti na lamang at may seat belt ako.
"Gosh!" Bulalas ko.
Napansin ko kaagad ang isang traffic inforcer na lumapit sa kinaroroonan ko. Pinagbuksan ko ito ng bintana.
"Good evening, ma'am. Okay lang po ba kayo?"
"Yeah, I'm fine."
"Pasensiya na po kayo, matanda na rin po kasi at hindi marinig ang pag-pito ko," hinging depensa nito.
"It's okay, sa edad ni tatay unawa ang kailangan niya," sagot ko sa naturang traffic inforcer.
Nang mapasulyap ako sa kaliwang bahagi, I saw Mr. Co's concerned look. Damn him for making me pregnant. But wait, paano ako nabuntis nito? I guess mukhang kailangan kong tanungin ang bwesit na lalaking iyon.
Mayamaya ay umusad na rin ang traffic. Pinaandar ko ang sariling kotse, sa ngayon binagalan ko ang sariling takbo. Kailangan kong i-relax ang sarili at harapin ng maayos si Mr. Co. Kahit na nga sabihing naalibadbaran na akong makita ang pagmumukha nito, dahil sa ginawa nito sa akin.
Naisipan kong huminto sa isang Italian restaurant. Nag-park ako sa may parking lot. Saka ko naisipang umibis mula sa sarili kong kotse.
Nang tuluyan na akong makababa. Sinalubong agad ako ng tila nag-aalalang mukha ni Mr. Co.
"Please, Ms. Parojinog. Nagsusumamo ako sa'yo. Can you just listen to me first?"
Inis na pinukol ko ito ng tingin. Isinandal ko ang sailing likod sa aking kotse. I crossed my arms on my chest.
"Go'on," sarkastikong utos ko rito.
"It's better na sa loob tayo ng restaurant. Alam kong nagugutom ka. Ganyan kapag buntis," saad ni Mr. Co sa akin.
Inis na nagpatiuna na akong maglakad dito. Ni hindi ko pinansin ang bumabating security guard dahil sa inis ko para kay Mr. Co. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang mga kababaihang kasalukuyang nagpapansin sa kasama ko. Hindi nakapagtataka, hot, sexy at gwapo si Mr. Co. Daig pa ang artista.
"Hindi ba't iyan ang nababalitang sikat na ballerina na nang-agaw ng may boyfriend?"
"Siya nga, at hindi ka nagkakamali."
"Ew, at ibang lalaki na naman ang kinakalantari? Matapos kay Mr. Montenegro?"
"Sinabi mo pa?!"
"At talagang pinapatulan siya ngayon ng CEO ng Trade Marketing Incorporated? Hindi ba't si Mr. Co 'yang kasama niya?"
Ang ilang narinig ko sa mga bobitang Marites sa Italian restaurant na ito. Hindi na ako magtataka, kahit saan talaga nariyan palagi ang mga bungangang ang sarap lagyan ng siling pinaka-maanghang. Ugh!
Napili ko ang pwesto na malapit sa bintana. Naupo sa katapat na silya si Mr. Co. Nasa aking mukha ang mga mata nito. Pagdakay, tinawag nito ang waiter. Lumapit naman ito sa amin. Nagbigay galang at inilapag ang menu.
Dinampot ko ang menu, nanatiling tahimik, pero ang totoo, gusto kong magwala dahil sa katotohanang nalaman ko. Hindi kaya pinlano nito iyon? Sinabi ko ang aking order sa waiter at gano'n din sa kasama kong damuho.
"C'mon, just let me explain."
"Really?" mataray kong sagot dito.
Magsisimula na sana ito sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone nito. Nag-excuse ito saglit at sinagot ang naturang tawag.
Hindi naman nagtagal ay dumating ang order namin. Since nagugutom ako, nauna na akong kumain, hindi na ako makapaghintay pa kay Mr. Co.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ito sa aming mesa. Tahimik lang ito, halatang problemado.
"What happened?" Hindi ko napigilan na tanungin ito.
"Nothing," sagot nito sa akin. Pagdakay, narinig ko ang sunud-sunod at marahas nitong hininga. Pasulyap-sulyap lang ako rito. Pansin kong tila napipilitan lang itong kumain.
Muli, tumunog ang sariling cellphone nito. Nang mapasulyap ako sa screen ng cellphone nito, nakita ko ang pangalan ni mommy. Awtomatikong kumunot ang aking noo, kasabay nang pagsalubong ng dalawang kilay
"Bakit ka tinatawagan ni mommy?" diretsang tanong ko rito.
Matagal bago nito sinagot ang aking tanong. Humugot muna ito ng isang malalim na buntong-hininga. "It's about your dad," sagot nito. Tila naman naalarma ako.
"What? What about my dad, Mr. Co?" tanong ko rito na tila kumalabog ang aking dibdib sa sobrang kaba. Mag-umpisang namamawis ang aking mga palad.
"Let's go," sagot nito sabay kuha ng pera sa wallet nito at inilapag sa mesa.
"H—hindi ka ba kakain?" nauutal kong tanong dito.
"Mas importante na mapuntahan natin ang ama mo," sagot nito.
"Umaasa akong hindi pakitang tao lang ang ipinapakita mo sa akin, Mr. Co," saad ko rito.
"Tunay ang hangarin ko, Ms. Parojinog."
Tumayo ako mula sa aking silya at nagpatiunang naglakad palabas ng naturang restaurant. I'm heading towards my own car, samantalang nasa sariling kotse naman niya lumapit si Mr. Co.