Daisy POV
"Congratulations, Ms. Parojinog!" Bulalas ng magandang doktora.
"Buntis po talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito. Ang pangalawang doktor na nilapitan ko.
"Yes, that's why I congratulate you."
Nanghihinang napaupo ako sa couch. "Doktora, paano mangyayari iyon gayong wala naman akong naalalang may gumalaw sa akin," saad ko rito.
"Sigurado ka ba talagang wala? Alalahanin mong mabuti, hija."
"Wala talaga akong maalala doktora," problemadong sagot ko rito.
"Imposibleng wala, patunay ang ilang resulta na isinagawa natin."
Humugot ako ng sunud-sunod na malalim na buntong-hininga. Sino ang ama ng ipinagbubuntis ko kung ganoon? Napasulyap ako sa aking cellphone. I need someone to talk to. Nang maalala ko si Beauty. Pero dagli ring nagbago ang aking isipan nang maalalang marami rin pala itong problema sa ngayon.
Wala akong choice kundi ang humingi ng tulong sa lalaking nagdala sa akin sa hospital. Hindi ba't ang ilang fans ng girlfriend nito ang dahilan kaya kumalat ang rumors patungkol sa maling akala ng mga ito na may relasyon kami ni Mr. Montenegro?
"I have to go, doc. Salamat na lang po," ani ko sabay tayo at nagpasyang umalis na ng clinic.
Naglakad patungo sa aking kotse. Pumasok ako sa loob, hanggang sa magpasya akong puntahan ang building kung saan naroon si Mr. Montenegro. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Ang sekretarya ni daddy ang siyang tumawag sa akin.
Sinagot ko ang naturang tawag. Napahilot ako sa sariling sentido nang magpasya itong mag-resign. Ano pa ba ang aasahan nito gayong wala ng silbi ang kompanyang pinaghirapan ng aking ama?
Pagkatapos ng tawag ay isinandal ko ang aking likod sa upuan ng aking kotse. Pumikit ako. Alam kong malaking dagok ito para sa aking ina. Parang sasabog ang utak ko sa sunud-sunod na problema na kinakaharap namin.
Muli, tumunog ang aking cellphone. Tumatawag na naman ang bangko. Napahilot ako sa sariling sentido. Ang daming problema pero kailangan kong maging matatag. Imbes na sagutin ay hinayaan ko na lamang na mag-ring ang sariling cellphone.
Nang makahuma ako, humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Pinaandar ko ang sariling kotse at nagpasyang puntahan ang MAI kung nasaan si Mr. Nathaniel Montenegro. Heto na lang ang pag-asa ko para makabalik sa career ko. Tumigil lang naman ako sa sariling career dahil sa kadahilanang ayokong masali ang ilang batang tinuturuan ko ng ballet sa ilang alegasyong nangyayari. Obligasyon kong protektahan ang aking mga walang-muwang na mga estudyante.
Binabagtas ko ngayon ang daan patungo sa Montenegro Agricultural Industries. Sana lang mapansin ako ng halatang supladong si Mr. Montenegro. Kinakabahan ako sa totoo lang. First time kung susugod sa building na iyon. Hindi kaya mas lalo lang akong pag-iisipan ng mga Marites?
Pero buo na ang isip ko. Kailangan kong gumawa ng paraan. Alam kong si Mr. Montenegro lang ang makakatulong sa akin.
Hindi naman nagtagal ay dumating ako sa aking destinasyon. Lahat ng tingin ay nasa akin. Wala akong pakialam. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang magandang pagtraton ng ilang mga employees ng MAI.
"Are you looking for Mr. Montenegro, ma'am?" tanong agad ng nakangiting receptionist.
"Can I have an appointment with him?" tanong ko rito.
Ang totoo, lihim akong namangha. Akala ko masama ang ugali ng mga employees nitong si Mr. Montenegro, so far so good na impressed ako sa ugaling ipinapakita ng ilan. Genuine at palaging nakangiti.
"Sure, ma'am."
Napansin kong tumawag ang naturang babae gamit ang awditibo. Matagal bago natapos ang naturang tawag, maybe kausap nito ang sekretarya ni Mr. Montenegro. Nakangiting hinarap ako nito.
"Your appointment with him is tomorrow at 9 a.m., ma'am."
"Oh my gosh! Thank you so much," nakangiting ani ko rito.
"My pleasure, ma'am."
Nagpaalam na rin ako rito. Lumabas ako ng building at tinungo ang sariling kotse sa garage. Pumasok sa loob at pinaandar ito patungo sa aming mansion. Sa ngayon, gusto kong magpahinga. Sobrang exhausted ng araw ko ngayon. Pagdakay, napasulyap ako sa aking hindi kalakihang tiyan. Hindi ako pwedeng ma-stress. Ang sabi ng aking doktor, nakakasama raw para kay baby.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na rin ang aming bahay. Kung dati ay may sumasalubong sa akin na ilang mga katulong, ngayon ay iisa na lang. Ang mayordoma naming si Aling Yolly.
"Hija, kumusta ang daddy at mommy mo?" tanong agad nito sa akin.
"They're fine, Aling Yolly."
"Ano'ng gusto mong kainin at nang makapaghanda na ako?"
"Fresh fruits na lang po at gatas," sagot ko rito.
"Ha? Teka, ayaw mo ba ng paborito mong Menudo?"
Napangiwi ako sa sinabi nito. Ewan ko ba, ma imagine ko lang ang hitsura ng sinasabi nito, tila parang bumabaliktad na ang sikmura ko.
"Ayoko munang kumain ng Menudo," sagot ko rito.
"Sigurado ka?!" Bulalas nito, halatang nagtataka sa reaksyon ko. Palibhasa'y, first time kung tinanggihan ang paborito kong Menudo.
Pinakatitigan ako ni Aling Yolly. Kunot ang noo nito. "Teka, bakit namumutla kang bata ka? Ikaw ay magsabi sa akin ng totoo, Daisy."
"Aling Yolly, please.... Gusto ko na munang magpahinga, just do what I say, fresh fruits muna at gatas. Iyon ang hinahanap ng sikmura ko," sagot ko rito.
Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga. "Okay," sagot na lamang nito.
Naglakad na ako patungo sa grand staircase ng aming mansion, balang-araw ay mawawala na rin ito sa amin dahil sa ilang utang na kailangan naming bayaran at sa mga ilang gastusin pa sa pagpapagamot ko para sa aking daddy. Wala na kasi akong choice, kaya iyon na lang ang tanging pagpipilian ko. Ayoko rin namang pabayaan ang aking ama.
Nang marating ko ang sariling kwarto. Pumasok ako sa loob. Isinara ko ang pinto at isinandal ang likuran roon. Saka nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata.
"Panginoon, ikaw lang po ang tangi kong karamay sa mga oras na kinakaharap ko ngayon," mahinang dasal ko. Naglakad ako patungo sa malambot kong kama, at sumampa roon.
Narinig ko ang katok sa aking pinto. "Pasok," sagot ko.
"Narito na hija."
"Salamat, Aling Yolly."
"Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin. Hindi magandang kinikimkim iyan," saad nito.
"Ang totoo, malaki po ang problema ko ngayon," sagot ko rito. Hindi ko na rin kasi kayang pasanin ang lahat ng bigat na nasa dibdib ko.
Iyong tipong gusto mong lumunok pero parang may nakabara sa lalamunan mo? Gano'n ang nararamdaman ko sa ngayon.
"Hija, pwede mo namang sabihin sa akin. Buntis ka ba?"
Nawindang ako sa sinabi nito at marahas na napasulyap ako rito. Ngumiti si Aling Yolly sa akin.
"P—paano niyo po nalaman?" Tigagal kong tanong dito.
"Matanda na ako sa bagay na 'yan. At isa pa, nasa tamang edad ka na, alam na ba ito ng mommy mo?"
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Hindi pa, hindi ba?"
Tinitigan ko ang mga mata ni Manang Yolly. "Ayokong mag-alala sina mommy at daddy sa sitwasyon ko, Aling Yolly."
"Kung gano'n, sino ang ama?"
Napalunok ako at hindi makasagot sa tanong nito. Pati ako ay hindi ko alam kung sinong ama nang ipinagbubuntis ko. Damn it!
"A—ang totoo po niya'n, hindi ko alam kung sinong ama nang ipinagbubuntis ko, Aling Yolly."
"Hija naman, umayos ka nga at 'wag kang magbiro ng ganyan," palatak nito.
Napasulyap ako sa dala nitong tray na ngayo'y nasa aking harapan. Dinampot ko ang tinidor. Ang totoo, natakam ako sa strawberry. Iyon ang unang pinagdiskitahan ko.
"Hindi ako nagbibiro, Aling Yolly. Totoo ang sinasabi ko."
Napa-aray ako nang hampasin ako ni Aling Yolly sa narinig nito mula sa akin. "Aling Yolly naman," reklamo ko.
"Umayos kang babae ka, sino ba talaga ang ama niyang pinagbubuntis mo?"
"Hindi ko nga po alam, pero totoong inaalala ko pa," sagot ko rito.
"T'saka nga pala, dumating dito si Atty. Regalado. Iyong Atty. na pinagkautangan ng daddy mo. Hija, naniningil na siya. Ano'ng plano mo ngayon?"
Napahilot ako sa sariling sentido. Alam kong oras na ibenta ko itong mansion sigurado akong magwawala ang aking ina. Mahal na mahal nito ang mansion na ito dahil narito ang lahat ng mga memories nila ni daddy. Ako man ay ayaw na mawala ito. Pero kung talagang wala akong pagpipilian, ma-obliga akong heto ang maging pambayad ko sa lahat, at makakatulong din ang sobra para sa pagpapagamot sa aking amang maysakit.
"Hindi ko pa alam, Aling Yolly. Ang totoo, parang mabibiak na po ang ulo ko sa dami ng mga isipin at problema."
Dinampot ko ang isang baso ng gatas at ininom iyon. Hindi na baleng may problema, ang mahalaga busog kami ng little angel ko.
"May ipag-uutos ka pa ba?"
"Wala na po, Aling Yolly. Salamat po, okay na po ako rito."
"Sige, maiwan na kita at ako'y marami pang gagawin."
"Salamat po sa pananatili niyo rito."
"Wala na rin akong mapupuntahan at mag-isa na lang ako sa buhay. Kayo ang itinuring kong pamilya, hija."
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Ang totoo, walang sahod si Aling Yolly, pero narito pa rin at nanatiling naninilbihan sa pamilyang meron ako.
Nakangiting lumapit ito sa akin at niyakap ako nito. "Huwag kang umiyak, sige ka papangit iyang baby mo paglabas."
"Naku, maniwala kayo riyan, Aling Yolly. Paniniwala raw po iyan ng mga kuba, " nakangiting sagot ko rito. At sa mga sandaling iyon, nagkatawanan kami ni Aling Yolly.