Daisy's POV
Abut-abot ang kaba na aking nadarama. Ano kayang nangyayari sa daddy ko? Hindi rin naman sinasagot ni mommy ang aking mga tawag, nakailang tawag na rin kasi ako. Ang totoo, hindi ako mapakali habang nagmamaneho.
Inis na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. D@mn it! Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng sariling kotse para marating lang ang hospital na kinaroroonan ng aking ama.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko rin ang naturang hospital. Nagmamadaling umibis mula sa sariling kotse. Eksaktong pagbaba ko, ang nag-aalalang mukha ni Mr. Co ang sumalubong sa akin.
"Kinakabahan ako." Hindi ko napigilang maibulalas.
"Calm down, Ms. Parojinog."
"Calm down? Really, Mr. Co?!" sarkastikong sagot ko rito.
"Yes, huwag mong ipakita sa mommy mo ang weakness na nadarama mo. Alalahanin mong sa iyo siya ngayon kukuha ng lakas ng loob."
May punto rin naman si Mr. Co sa sinabi nito. Naglakad na kami papasok sa looban ng hospital. Pagpasok pa lang namin sa naturang hospital, lahat ng atensyon ay nasa amin. As usual, hindi nakaligtas sa aking pandinig ang ilang mga negatibong komento patungkol sa akin dahil sa isang alegasyon na akala ng lahat ay totoo.
"How about you, do you believe the allegations?" tanong ko kay Mr. Co.
"Kung hindi naman totoo, why should I believe them?" sagot nito sa tanong ko.
"But, I hired a detective to know the real truth, Ms. Parojinog."
"What do you mean?" takang-tanong ko rito.
"The allegations between you and Mr. Montenegro are—"
"Daisy, anak!"
Kapwa kami napalingon ni Mr. Co sa tawag na iyon ni mommy sa aking pangalan.
"Mommy!" Hindi ko na napigilan ang sarili at mabilis na lumapit dito. "How's dad, mom?"
"Akala ko iiwan na tayo ng daddy mo, hija. Mabuti na lamang at okay na siya," lumuluhang tugon sa akin ng aking ina. Pagdakay, isinalaysay nito sa akin ang nangyari.
At least, okay na ang daddy ko. Napasulyap si mommy sa kinaroroonan ni Mr. Co.
"Mrs. Parojinog, I hope you remember me," nakangiting ani Mr. Co sa aking ina.
"Of course, I am. You must be the son of Reni and Patricia Co?"
"Yes, ma'am."
Napasulyap si mommy sa akin. "Hija, nagkausap na ba kayo ni Mr. Co?"
"So it's true?" tanong ko rito.
"Oo, hija. Kasunduan ng dalawang pamilya. Pero hindi ka naman namin pinipilit kung talagang ayaw mo," sagot ng aking ina.
"I take it as a no, my." Napasulyap ako kay Mr. Co. Napansin ko kaagad ang lungkot sa anyo nito. Ngumiti lang ito sa akin. Tila ba sinasabi ng ngiti nito, na okay lang. Pero nakaramdam ako ng awa para rito.
"I—ikaw ang bahala, hija." Pansin ko ang tila nag-atubiling sagot ng aking ina.
"Mr. Co, siguro naman pwede ka ng um-exit. Wala kang aasahan sa akin. Buo ng ang pasya ko na lapitan si Mr. Montenegro para linisin ang alegasyon na wala namang katotohanan. It's unfair to you kung aakuin mo ang responsibilidad na hindi naman para sa'yo. Hindi ako makakapayag," saad ko rito.
"Ms. Parojinog, ayon sa source ko may nakuha silang impormasyon tungkol sa alegasyon patungkol sa inyo ni Mr. Mon—"
"Ako na ang bahala sa problema ko, labas ka na roon," putol ko pa sa sasabihin nito. Narinig ko na lamang ang malalim nitong buntong-hininga.
"Alright, mauna na ako."
"Ingat," sagot ko rito. Nagpaalam ito sa aking ina. Pansin kong nasundan ito ng tingin ni mommy.
"Ang bait ng batang iyon, mana sa mga magulang."
"Muntik na akong makumbinsi ni Mr. Parojinog, my. Mabuti na lamang at hindi ako nagpadala sa sinasabi niya."
"Hija, alam mo bang mas maging mas masaya kami kung magpapakasal ka kay Mr. Co? Pero, hindi ka rin naman namin pwedeng pilitin."
"I can't, my. Isa pa, hindi susi ang magpakasal sa kanya para lang maisalba ang kompanya natin, kaya kong harapin ang lahat ng ito, dahil naniniwala akong may awa ang Panginoon sa lahat ng mga nangyayari sa atin ngayon."
Niyakap ako ng aking ina. "Ikaw pa rin naman ang masusunod, hija."
Ngumiti ako rito at niyakap ito ng mahigpit. Pero ang totoo, gustong-gusto kong i-grab ang nakakatuksong offer ni Patrick, kaya lang naunhan lang ako ng pride. Pero hindi pa rin ako susuko, kailangan kong makausap si Mr. Montenegro.
"My, pwede ko bang makita si daddy?" tanong ko rito. Napansin kong tila namutla ito sa sinabi kong iyon.
"Hija, hindi pa pwede. Isa pa, inilipat ang daddy mo sa ibang private suite. Hindi ka pwedeng pumasok, ako lang daw muna."
"Po? Bakit naman po gano'n? Masyado po bang critical ang lagay ni dad?" nalilito kong tanong sa aking ina.
"Dahil iyon ang sabi ng doktor, hija."
Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Naalala ko si Atty. Regalado. Bukas na bukas ay muli ko na namang kukunin ang ilang mga kagamitan sa mansion, para madala sa munting apartment na siyang tutuluyan namin ng aking pamilya.
"Hija, lumalaki ang gastos ng daddy mo. Kaya mo pa ba?" tanong ni mommy sa akin. Alam kong naaawa na ito sa akin.
"Huwag niyo pong isipin ang pera, ako na ang bahala, my."
Nakangiting niyakap ako ng aking ina. "Kumain ka na ba?" tanong nito sa akin.
"Opo, Mr. Co treat me at the Italian restaurant."
"Mabait na bata iyong si Patrick, bata pa lang iyon ay may gusto na iyon sa'yo," kwento ni mommy sa akin. Nakikita ko sa anyo nito ang kagustuhan nito kay Patrick para sa akin.
"My, hindi lahat ng bagay pwedeng maturuan at ipilit pa. I can handle our problems, at tulad ng sabi at paalala lagi ni daddy, God is always watching us. At alam ko pong hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Tiwala lang po tayo," sagot ko sa aking ina.
Hindi ko maiwasang maalala ang unang pagkikita namin ni Patrick. Sa mga mata nito ay totoong may napansin akong kakaibang ningning doon. Pero pilit ko lang iyong binalewala.
"By the way, regarding kay Mr. Regalado nagpupunta pa ba siya sa mansion para maningil sa ilang utang ng daddy mo?"
"My, huwag niyo na pong isipin iyon. Ako na po ang bahala," sagot ko rito. Ayokong alalahanin pa ni mommy ang ibang bagay, ang gusto ko lang ay huwag itong ma stress.
"Salamat, hija. Hulog ka talaga ng langit sa amin ng daddy mo," saad nito sa akin. Ngumiti ako rito at niyakap itong muli.
"Nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil kayo po ang mga magulang na ibinigay niya sa akin," nakangiting sagot ko rito.
Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ako kay mommy. Gusto kong bisitahin ang apartment na siyang maging bago kong tahanan. Ang totoo, alam kong malaking disappointment ito para kay mommy. Mahal na mahal nito ang mansion, at hindi ko na rin iyon kayang ipaglaban pa. Pero pinapangako ko sa sarili na makukuha ko ulit iyon sa tamang panahon kung loloobin ng Panginoon.
______
Hailey POV
"Pero ma'am, malilintikan po ako nito kay Mr. Montenegro kapag ginawa ko po 'yan," problemadong tugon sa akin ng imbestigador na inutusan ni Nathan.
"Just do it! Here, paunang bayad ko sa'yo. Doble 'yan. Hindi ba't may sakit ang anak mo?"
"Opo."
"Tanggapin mo na ito at gawin mo ang utos ko!" Naiiritang saad ko rito. Narinig ko ang sunud-sunod na buntong-hininga nito. Inabot ko ang sobre.
Mayamaya ay tinanggap nito iyon. Sumilay ang pilyang ngiti sa aking mga labi.
"Good," saad ko.
Alam kong hindi nito matatanggihan ang pera. Ibinigay nito sa akin ang ilang nakalap nitong impormasyon patungkol sa nagmamay-ari ng hikaw.
Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang larawan ng isang babaeng kinaiinisan ko. Inis na pinunit ko ang larawan nito. D@mn it!
Hindi pa rin ako nakuntento ay aking winalis ang punit-punit na larawan, at dinala sa labas ng opisina para sunugin. Nanginginig pa ang aking mga kamay dahil sa gulat.
Hindi ako makapaniwala sa nakita. Ni hindi ko na nga binasa ang ilang impormasyon. Mabuti na lamang at narinig ko ang ipinag-uutos ni Nathan sa imbestigador nito nong isang araw.
Nang mailagay ko na sa lalagyan para sunugin. Saka naman dumating si Nathan. Matiim ako nitong tinititigan. Nagsumbong kaya rito ang imbestigador?
"Hey, what brought you here, Mr. Montenegro?" nakangiting tanong ko rito. Kinakabahan ako sa paraan ng mga titig nito. Tila gusto kong umalis sa mismong pananaw nito.
Lumapit ito sa akin at marahas nitong hinila ang aking mga braso. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na sawayin ang ilang fans mo dahil sa walang-kwentang pagsisiwalat ng mga ilang alegasyon patungkol sa amin nong ballerina? Now, tell me, ginawa mo ba 'yon o hindi?"
"N—nasasaktan ako, Nathan," napangiwing ani ko rito. Marahas na binitiwan agad nito ang aking kabilang braso.
"Malalaman ko lang na may kinalaman ka sa nangyari, hindi ako magdadalawang-isip na patalsikin ka sa MAI, Ms. Brown."
"No way, Mr. Montenegro!" Inis kong sagot dito.
"I am the CEO at wala kang magagawa sa nais kong gawin," may awtoridad na tugon nito sa akin. Hindi ako makatingin sa nagngangalit nitong mga mala-asul na mga mata, tila ba may naka-ambang babala sa mga titig nito.
Palihim kong naikuyom ang dalawang-kamao. Paano na lang kaya kapag nalaman nito ang panghihimasok ko sa imbestigasyon nito patungkol sa nagmamay-ari ng hikaw?
"Hindi mo pwedeng gawin 'yan, Mr. Montenegro," ani ko pa.
"Alam mong kaya kong gawin ang patalsikin ka. Kaya't sundin mo ang utos ko." Batid ko ang inis sa baritono nitong boses.
Wala akong choice kundi ang gawin iyon. Isa pa, ayokong malayo rito. Aaminin kong mahal ko na ito. At gagawin ko ang lahat para rito.
"Do it right away, ayokong may marinig pang ilang alegasyon patungkol sa mga fans mo na sinisiraan ang imahe ko, do you understand?"
"Sinisiraan ang imahe mo?" takang-tanong ko rito.
Hindi na nito sinagot pa ang aking tanong at mabilis ako nitong tinalikuran. Nasundan ko na lamang ito ng tingin. Nagtataka ako sa sinasabi nito.