Hailey's POV
"What do you mean na pati ang imahe ni Nathan sinisiraan ng mga ilang fans mo?" takang-tanong ni Irish.
"Hindi ko rin alam. Irish, pwede bang tawagan mo ang mga fans club ko, iyong mga namuno. I need to talk to them. Wala sa usapan na pati si Nathan ay madamay!" Inis kong utos dito.
"Fine, I'll call them all."
Napahilot ako sa sariling sentido. Napaisip ako. Dali-dali kong binuksan ang flat screen TV. Umaasa na walang lumabas na masamang balita na ikasisira ng reputasyon ni Nathan.
Kabado-bente pa ako habang nakatutok sa naturang TV. Tila nabunutan ako ng tinik ng walang ganoong new chicka. "Thanks God," naibulalas ko.
"O, ano'ng nangyari sa'yo?"
"Akala ko kasi may ilang negative news patungkol kay Nathan. Tiyak kong maiinis iyon sa akin kapag nalaman niyo'n na may ilang negatibong balita patungkol sa kanya at no'ng babae."
"So, ang alegasyon lang ay patungkol sa paninira mo kay Ms. Parojinog? Naku, mag-iingat ka, Hailey. Paano na lang kapag bumalik na ang alaala ng dalawang iyan. Alam mong minsan naging magkaibigan sina Nathan at Daisy. Maghanda ka talaga kapag bumalik na iyong best friend niyang si Beauty. Dahil iyon ang magsisiwalat ng lahat."
"That won't happen. Palihim kong nilalagyan ng gamot pampalimot ang iniinom ni Nathan para tuluyang maalis sa sistema niya ang Daisy na iyon!"
"Mag-iingat ka lang sa lugar na kinaroroonan niyo ni Nathan, make it sure that CCTV won't caught you doing that thing, at baka iyon pa ang maging mitsa para ipakulong ka ni Nathan, oras na malaman niya ang katotohanan. Remember, matinik ang isang Montenegro lalo na sa mga maling gawain, tulad na lamang nitong mga pinanggagawa mo, Hailey."
"Hindi ako natatakot."
"Tulad ng ginawa mong pagsabotahe sa may-ari ng hikaw? Now, tell me, Hailey. Sino ang may-ari niyo'n na talaga namang ayaw mong malaman ni Nathan?"
"Wala akong sasabihin sa'yo, Irish. Kaibigan lang kita. All you have to do is to support me."
"Kaibigan na may malasakit sa'yo, Hailey."
_____
Daisy's POV
Napabalikwas ako ng bangon. Bakit ko nga ba palaging napapanaginipan si Mr. Nathaniel Montenegro. Gamit ang suot kong damit. Pinunasan ko ang ilang mga pawis na nasa aking mukha.
"Hija, okay ka lang ba?"
"Aling Yolly, napanaginipan ko na naman si Mr. Montenegro."
"Panaginip lang 'yan at walang ibang ipakahulugan, hija," sagot nito sa akin.
Pansin kong iba ang naging reaksyon nito sa sinasabi ko. Ni hindi ito makatingin sa akin ng diretso. May alam ba si Aling Yolly na hindi ko alam, o sinasabi nito sa akin?
"Pero ilang gabi ko na rin po siyang napapanaginipan, Aling Yolly. Sa tingin niyo po ba may ibig sabihin iyon?"
"Hindi ko rin alam, hija. Mukhang madalas kang managinip nang lumipat tayo sa apartment na ito."
"Hindi po kaya, naninibago lang ako?"
"Siguro nga, hija. By the way, luto na ang breakfast mo. Inihanda ko na rin ang ilang pagkain na dadalhin mo para sa mga magulang mo. Hanggang kailan mo ba ililihim sa iyong ina ang pagkawala ng mansion?"
"Kailangan ko pong makausap na muli si Atty. Regalado para alamin kung sinong nakabili ng mansion."
"Sigurado akong wala kang maaasahan na sagot mula kay Atty., hija."
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga nang marinig ang sinabi na iyon ni Aling Yolly. Napaisip na lamang ako. Nang biglang nagliwanag ang aking isipan. Tama, pupuntahan ko ang mansion namin at aalamin ko kung sinong nakabili niyo'n. Wala na akong choice kundi ang puntahan iyon.
"Alam ko na po ang gagawin ko," sagot ko rito na may ngiti sa mga labi.
"Kinakabahan ako sa ngiti mong 'yan, hija."
Mula sa aking malambot na kama ay bumalikwas ako ng bangon. I need to refreshen myself. "Huwag kang mag-alala, Aling Yolly. Hindi ko ito ikapapahamak."
"Mag-ingat ka sana sa kung ano man ang pinaplano mo."
"Salamat po."
Saka ko tinungo ang banyo para maligo. Pumasok agad ako sa loob. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng maternity dress na binili ko kahapon.
Eksaktong pagkatapos kong magbihis ay tumunog ang aking cellphone. Napasulyap ako sa screen. Si Patrick ang tumatawag. I'm wondering kung ano'ng kailangan nito.
Dinampot ko ang sariling cellphone at sinagot ang naturang tawag. Lumabas ako ng sariling kwarto. Tinungo ang kusina kung saan naroon si Aling Yolly. Kasalukuyang nag-prepare ito ng aking breakfast.
Ngumiti si Aling Yolly sa akin. Naupo ako sa silya at dumulog sa mesa. "Yes, Mr. Co. Napatawag ka?"
"May importante akong sasabihin sa'yo. Alam ko na kung sino ang ama ng anak mo, Ms. Parojinog."
"Are you kidding?!" Bulalas ko.
Napalingon sa akin si Aling Yolly. Pati ito man ay nahinto sa ginagawa. Maybe, nagulat din ito sa biglang paglakas nang boses ko.
"Just meet me here at Italian restaurant," sagot nito. Tinutukoy nito ang restaurant na pinagdalhan nito sa akin nang isang araw. Nito ko lang nalaman na pagmamay-ari pala niyo'n ang naturang restaurant.
Hinarap ko ang ilang mga pagkain na inihanda ni Aling Yolly. Una kong ininom ang aking gatas para sa aking tummy kung nasaan ang aking little angel.
"Okay, mga ano'ng oras? I'm currently eating my breakfast," sagot ko rito.
"Ganito na lang, pupunta na lang ako riyan sa new apartment mo."
"Ikaw ang bahala," sagot ko rito. Pagdakay, nagpaalam na ito at pinatay ang naturang tawag.
"Sino 'yon, hija?"
"Si Mr. Co po."
"Bakit daw?"
"Alam niya kung sinong ama ng anak ko, Aling Yolly."
"Ha?!" Bulalas nito.
"See? Ganyan na ganyan din ang reaksyon ko kanina, hindi po ba?"
"Jusmi," ani Aling Yolly sabay sapo ng dibdib nito.
"Paano naman kaya nalaman ni Mr. Co?"
"Mayaman po siya, siguro sa ilang resources niya."
____
Nathaniel POV
Mabilis ang kilos na hinarangan ko ang kotse ni Mr. Co. Alam ko kung saan ang punta nito. Kaya uunahan ko na ito. Inis na umibis ito mula sa sariling kotse at pinukol ng tingin ang kotse kong kulay itim na Ferrari.
Inis na kinatok nito ang bintana ng aking kotse. Nakangiting binuksan ko iyon. Nagulat ito nang makita ako.
"What the hell, Nathan!" Gulat nitong saad sa akin.
Nailing ako habang ngumingiti. "How are you?" tanong ko rito.
"I'm fine, bro!"
Umibis ako mula sa sariling kotse. Isinara ang pinto at sumandal. Pagdakay, nakipagkamay sa kaibigan kong si Patrick.
"Kailan ka pa dumating ng Pilipinas. Balita ko ikakasal ka raw pero hindi matuluy-tuloy dahil sa mukhang hindi desidido si girl? Am I right?"
"Naging kaibigan mo na pala si Marites, Nathan."
"May pakpak ang balita, Pat."
"May nais ka bang pag-usapan natin?" tanong nito sa akin.
"Actually, yes. It's all about the mother of my child," diretsang sagot ko rito.
"I see." Napatangu-tango ito sa narinig mula sa akin.
"Ayokong magpaliguy-ligoy pa. Alam ko kung saan ka patungo. Sa bagong apartment ng mag-ina ko, hindi ba?" Napansin ko ang gulat sa anyo nito.
"H—How did you know?!" Bulalas nito.
"You know that I have my own resources, Pat."
"Mas mabuti kung huwag mo na munang sabihin sa kanya ang totoo, let me be the one to tell her the truth. Can I?"
"S—sure," sagot nito sa akin. Pero halatang nagdadalawang-isip.
"Huwag ka na sanang dumagdag pa sa isa sa mga problema ko, Pat. Magkaibigan tayo at ayokong masira iyon. Nagkaintindihan ba tayo?"
"Ikaw ang bahala," sagot nito. Pagdakay, ngumiti ito sa akin. "Sabihin ko na lang kay Daisy na may importanteng tawag na dumating sa akin."
"Thank you. Ako na ang pupunta sa mag-ina ko."
"Ingat."
"Salamat." Pagdakay, nag-fist-bump kami nito.
Hinintay ko munang tuluyang makaalis si Patrick bago ako umalis. Bukas pa ang schedule ko para dalawin ang aking mag-ina. Yes, I already know everything. Nagbalik na ang lahat ng aking alaala. Sa ayaw at sa hindi ni Ms. Parojinog gagawin ko ang nais ko. Mapalapit lang sa anak ko na ngayo'y nasa sinapupunan nito.
Iniliko ko na ang aking kotse patungo sa mansion na nabili ko. Ang mansion nina Ms. Parojinog. Yes, ako ang nakabili, at hindi ko naman akalaing sila ang may-ari ng mansion na iyon.
Tumunog ang aking cellphone. Inilagay ko kaagad ang earphone sa aking tenga. "Yes?"
"Good day, Mr. Montenegro. Narito na po ako, sir."
"Hintayin mo ako riyan."
"Sige po."
Mga ilang minuto bago ko narating ang naturang mansion dati ng mga Parojinog. Binuksan agad ng security guard ang malahiganteng gate nito. Pinasok ko kaagad ang aking kotse.
Tinungo ko ang malawak na garage at huminto roon. Mula sa itim kong Ferrari ay lumabas ako. Sinalubong ako ni Atty. Regalado.
"Sir, narito na po lahat."
"Good, just make it sure na sa pangalan ni Ms. Parojinog nakapangalan ang mansion na ito."
"Yes, sir. Tiyak kong matutuwa si Ms. Parojinog nito."
"Sa tingin ko hindi. Kilala ko siya at hindi niyo'n ikatutuwa ito."
"Magkakilala po pala kayo, sir?!" Gulat na tanong ni Atty. Regalado.
"Yes, and the rest is history for you to find out. Just mind your own, Atty., understand?"
"Yes, Mr. Montenegro."
"Good."
"Kailangan po ang pirma niyo rito, sir."
Saka ko pinirmahan ang naturang dokumento. Alam kong hindi agad ito matatanggap ni Ms. Parojinog. "Huwag mong kalimutan na maging pribado ang sino man ang nakapagbili nito, naintindihan mo, Atty.?"
"Yes, sir."
Sumenyas ako rito na pumasok sa loob. Sinalubong kami ng ilang mga katulong na siyang in-hired ko para pangalagaan ang naturang mansion.