Chapter 3

1297 Words
HINDI ko na mabilang kung ilang beses ako nagpabalik-balik sa comfort room para ayusin ang sarili ko dahil gusto kong magmukhang presentable sa harap ng boss ko. Sino ba naman kasi ang 'di kakabahan, ngayon ang unang araw ko sa trabaho! Kaninang umaga nakatanggap ako ng text galing kay Kina, sabi n'ya good luck daw sa 'kin pero kinakabahan pa rin ako! Natigil lang ang nagririgodon kong puso nang makarinig ako ng mga yabag papasok ng CR. At dahil nataranta ako, pumasok ako sa bakanteng cubicle at naupo sa sa inidoro. "Nabalitaan n'yo na ba na meron na raw assistant si Madam? Grabe, ang swerte naman n'ya dahil makakatrabaho n'ya ang isang maganda at seksing-seksi nating lady boss!" Sabi ng isang babae. Sinilip ko s'ya sa nakaawang na butas ng pinto ng cubicle na kinaroroonan ko at nakita ko ang repleksyon n'ya sa salamin. Maputi s'ya at may pagka-chubby. Ang ganda ng suot n'yang bestida at pang-opisina talaga. Kumpara naman sa 'kin, mas pormal s'ya magdala. Bigla tuloy akong na-insecure. "Pero balita ko rin, baguhan lang 'yun. As in, zero knowledge and experience. I wonder ma-impress n'ya ang boss natin eh ‘di ba maiksi pa naman ang pasensya nu'n sa mga mahihina ang utak? Di na ako magtataka kung baka isa o dalawang araw lang 'yun dito." Narinig kong tumawa pa s'ya bago ulit nagsalita. "Ewan ko ba naman kasi kung bakit kailangan pa nilang mag-hire ng bagong secretary ni Mrs. Cervantes samantalang nandito naman ako. Di hamak na mas qualify sa pusisyon at loyal sa company." Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil unti-unting nag-sink in sa isip ko ang mga sinabi ng ikalawang babae na hanggang balikat ang buhok. "Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga mapalapit sa boss natin." "Masisisi mo ba ako? Kahit na may edad na s'ya at may asawa, para pa rin s'yang dalaga!" "Tigilan mo nga 'yan. Mamaya may makarinig sa 'yo rito, mag-isip pa ng kung ano. Tara na nga, malapit na mag-eight am. Mamaya masita tayo ng HR." "Whatever, Memohan nila." Mataray nitong saad bago sila tuluyang lumabas sa CR. Pagkatapos, ako naman ang lumabas sa cubicle at muli kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Simpleng maroon blouse at black slacks lang ang suot ko. Tanda ko pa kung ga'no ka-excited si Lola nang sabihin ko na may trabaho na ako at nag-effort s'yang halungkatin ang mga lumang damit ni Nanay para raw magamit ko. Wala naman kasi akong bago at maayos na damit na pang-opisina dahil hindi naman 'yun required sa dati kong pinapasukan. Wala rin akong extra money pambili kaya pinagtya-tyagaan ko na lang kung anong meron. Basta maayos at presentable, di naman ako maarte. Bago ako tuluyang lumabas sa CR, inayos ko ulit ang buhok ko at damit. Lalo lang tuloy akong nag-alala dahil baka ito na rin ang una't huling araw ko kumpanya kapag naging tatanga-tanga ako sa harapan ng boss ko. *** "ELI?" Napakurap ako ng mga mata nang rumehistro sa pandinig ko ang napakagandang boses ng boss ko. Kaya lang bigla naman akong kinabahan dahil parang frustrated ang tono n'ya. Iminuwestra n'ya ang daliri n'ya sa hangin na ang ibig sabihin ay lumapit ako sa kan'ya. "Y-yes, Miss?" s**t, bakit ba ako nag-stutter? Kumain naman ako ng almusal kaninang umaga pero bakit parang nanghihina ang tuhod ko habang papalapit sa boss ko? Siguro natatakot lang talaga akong sigawan n'ya dahil sa kabagalan ko. "Bakit ang tagal mong lumapit? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang du'n sa sulok? Hindi gan'yan ang inaasahan ko sa unang araw mo. I want you to be attentive, Ms. Rivera." Anya dahilan para may kung anong lintek ang kumurot sa puso ko. "S-sorry po, Miss, hindi na po mauulit." Saad ko sabay yuko. Ang totoo, hindi mawala-wala sa isip ko 'yung sinabi nu'ng isang babae habang nasa CR ako tungkol sa kung ga'no ako walang kaalam-alam sa pusisyon ko. Naisip ko, naawa na lang ba sa 'kin ang management kaya nila ako tinanggap sa kumpanya? Baka hindi talaga ako karapat-dapat sa pusisyon ko at sa lugar na ito. Natigil lang pag-iisip ko ng ka-negahan nang marinig kong bumuntong hininga ang magandang babae sa harapan ko. "What's on your mind, Eli? Is there something you want to tell me?" Lumambot ang tono ng boses n’ya kaya napanatag naman ako. Pero pa'no ko sasabihin sa kan'ya ang nasa isip ko ku'ng mas nag-aalala ako sa magiging tingin n'ya sa 'kin pagkatapos? Don't get me wrong, sa tinatagal-tagal ko na rin namang nagtatrabaho, alam ko nang magpaka-propesyunal. Kumbaga, trabaho ang pinunta ko rito at hindi para makipag-close sa kung sino, lalo na sa boss ko. Saka baka isipin n'ya na mahina ako pag nagsabi pa ako ng mga doubts and insecurity ko at tuluyan na n'ya akong sipain sa kumpanya n'ya. Hindi ko na naman namalayan na kinain na naman ako ng malalim na pag-iisip at nakabalik lang ako sa realidad nang maramdaman ko ang paghaplos n'ya sa pisngi ko. Tapos nang magsalubong ang mga tingin namin, parang gusto kong mabingi sa lakas ng kabog ng puso ko. Pa'no ba naman, 'yung titig n'ya sa 'kin, nanunuot hanggang buto! Basang-basa rin sa kanyang mga mata na gusto n'yang malaman ang nilalaman ng isip ko. "Naiintindihan ko kung nabigla ka sa workload mo at sa demand ng pusisyon pero wala akong pinagsisihan na ikaw ang kinuha ko para maging secretary. Hindi naman kita minamadali na matutunan mo ang lahat kaya hindi mo rin kailangan mag-alala o pagdudahan ang sarili mong kakayahan. Besides, this is your first day. Walang tao na natutong maglakad kaagad matapos ipanganak." Anya matapos alisin ang kamay n'yang humahaplos sa pisngi ko. Grabe, hindi ko nakikita ang sarili ko sa salamin pero alam kong kasing pula na ng hinog na kamatis ang pisngi ko! Napayuko na lang tuloy ako dahil nahihiya akong makita n'ya ang histura ko. Pero dahan-dahan naman n'yang iniangat ang tingin ko sa pamamagitan ng paghawak sa 'king baba. "Hindi madali ang magiging trabaho mo rito lalo na't secretary kita. Pero alam kong kaya mo, Eli. Nakikita ko sa 'yo ang sarili ko na determinado sa buhay. Kaya nga kita pinili para sa pusisyon. So, dapat gawin mo ang lahat at patunayan ang kakayahan mo. Naiintindihan mo ba?" The way she speaks mapapa-oo ka na lang talaga. "O-opo, Miss... naiintindihan ko po." Nakita kong nagningning ang mga mata nya dahil sa sagot ko. Tapos ngumiti s'ya sa 'kin at saka tumalikod para bumalik sa desk n'ya. Ilang segundo ko rin s'yang tiningnan bago ako bumalik sa pwesto ko. Nasa loob lang kasi ng opisina n'ya ang table ko para madali sa kan'ya na tawagin ko. Bago umupo, inayos ko muna ang mga nakakalat na papeles na dapat kong segregate at i-type sa excel at i-file pagkatapos. Pagdating ko kanina, nakatambak na mga ito sa lamesa ko at aaminin ko na nawindang talaga ako. Mabuti na lang kahit pa'no, computer literate naman ako. Habang inaabala ko ang sarili ko sa trabaho, may isang bahagi ng utak ko na lumilipad pabalik sa nangyari kanina pagpasok ko sa opisina ng boss ko. Sa labas pa lang, dinig na dinig ko na kung ga'no s'ya ka-stress habang may kausap sa telepono. Kaya nga nang dumating ako, nasita n'ya ang pagiging late ko ng isang minuto! Pagkatapos, umaga pa lang aligaga na s'ya. Halos hindi na nga maalis sa computer ang mga titig n'ya. Pero kahit na seryosong-seryoso s'ya, sobrang ganda pa rin n'ya, parang Diyosa! Hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako habang tumitipa sa computer at laking gulat ko na lang nang nasa tabi ko na pala ang boss ko. "Why are you smiling, Eli? May nakakatawa ba sa ginagawa mo?" Anya na punong-puno ng curiosity ang boses. Muli, kinain na naman ako ng kaba!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD