Chapter 4

1648 Words
MAKALIPAS ang ilang buwan . . . Sa rooftop ay nakaupo sa isang silya si Adon na nakatingala sa mga bituin sa langit. Nilapitan siya ni Apple hawak-hawak ang dalawang tasa ng tsaa. “Dad, tea muna kayo.” Sabay inabot niya ang isang tasa ng tsaa sa ama. “Salamat,” wika ng ama at ngumiti ito sa kanya bilang ganti sa ginawa. Pagkatapos nitong mag-sip nang kaunti sa tasa ay binasag niya ang katamikan. “Apple, hija. Pasensya ka na kung hindi natuloy ang debut mo. Maski ako nga ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa atin.” “Okay lang ‘yon, dad. Huwag niyo nang alalahanin iyon. Okay naman ako kahit wala iyang debut na iyan.” Pilit ngumiti si Apple kahit napakasakit sa kalooban niya ang sinabi ng ama. “Basta lang ipangako mo sa akin na magtatapos ka ng iyong pagaaral sa kolehiyo at magiging board passer ka sa kursong nursing pagdating ng panahon. Make me proud. Huwag kang gagaya sa kapatid mo para kapag nakatapos ka na . . . babalik ulit tayo sa Saudi at ikaw na ang gagastos sa atin.” “Opo, dad, makakaasa ho kayo,” sagot namang pabalik ni Apple. “Ahem!” Napalingon sila pagkatapos pumasok sa kanilang eksena si Ronel na umubo kunwari. Ang nakangiting mukha ng matanda ay napalitan ng galit na nadarama matapos makita ang kanyang panganay na anak. “Oh! Bakit ka nandito? Asan ang mama mo?” “Nasa bahay ni Tita Honey,” sagot naman ng binatang anak habang nakatungo ang ulo. Napabuntong hininga na lang si Adon dahil labag sa kanyang kalooban na makipagkita si Linda sa dating kaibigan dahil pakiramdam niya ay maaaring bumalik ito sa dating trabaho. Kahit pa imposible iyon dahil sa matanda na ang kanyang asawa. Lumapit naman sa dalawa si Ronel. “Dad, may sasabihin ako sa inyo pero huwag sana kayong magagalit.” Nilaan ni Adon ang mata kay Ronel sabay iwas din at sinagot ito. “Sabihin mo na. Lahat naman ng lalabas sa bibig mo ay masamang balita.” Hinawakan na lang ni Apple balikat ng kanyang kuya para lakihan ang pasensya sa ama. “Gusto ko na pong mag-asawa.” Biglang nanggigil si Adon at nasakal niya nang wala sa oras ang binata. Napasigaw naman si Apple sa pangalan ng kanyang mama upang humingi ng tulong dala ng hindi niya kayang kontrolin o pigilan ito. Mula sa baba ng apartment ay paakyat si Linda at rinig na niya ang boses ni Apple kaya nagmadali siyang umakyat ng hagdanan Nang madatnan niya ang mga ito ay nagawa naman niyang awatin ang mag-ama. Hingal na hingal si Adon nang alalayan ni Apple para tumayo at ihatid sa kwarto habang tuloy-tuloy naman ang buhos ng luha ni Ronel. Magmula noon ay napilitan na lang si Ronel na hiwalayan ang kanyang kasintahan kahit buntis pa ito. Nagtrabaho na lang si Ronel upang buhayin ang pamilya sa pamamagitan ng pagpapaaral kay Apple at pagbayad sa mga gastusin sa bahay. Ngunit panibagong problema na naman ang dumating nang pumunta si Linda sa hospital. Masyadong mahal ang mga gamot para sa diabetes ni Adon. Hindi niya alam kung saan siya uutang ng pera dahil halos lahat ng kamag-anak nila ay nagdadamot na sa kanila. Pakiramdam niya ay nabalik sa kanila lahat ng mga inaasal nila sa iba. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang nangyayari. Kung mahahanap lang sana niya si Ramon ay gagawin niya lahat upang bawiin ang ari-arian nila sa kanya. Bigla siyang may naisip na pwedeng mautangan. Siya lang siguro at wala nang iba ang makakatulong. Mahal ni Linda ang asawa at ayaw niyang mawala ito sa piling niya kaya kinakailangan niyang maipagamot ito lalo na at ito’y lumpo na. Nasa harapan na siya ng isang pinto. Puno ng kaba ang dibdib at hindi niya alam kung tama ang desisyon niya. Huminga siya nang malalim at napalunok ng laway saka kumatok. Isang minuto pa lang ay narinig na niya ang ingay ng mga nag-iiyakang bata at nagsisigawang boses ng babae at lalake na nanggagaling sa pinto. Nang mabuksan ito ay tumambad sa kanya ang kaibigan na matagal nang punong-puno ng kolorete ang buhok, mamula-mulang lipstick ang mga labi, nakasuot ng hapit na damit na halos iluwa ang dibdib at pekpek short, habang buhat buhat ang isang batang iyak nang iyak. “Oh my god! Linda? Ikaw ba ‘yan? Kumusta ka na?” Halos mahulog ang panga nito sa gulat matapos niyang makita si Linda na ibang-iba na. Wala siyang ibang dinalaw kundi ang kaibigan niyang si Honey. Ngunit bigla ring may sumabunot sa buhok nito sa likuran na ikinagulat at ipinag-alala ni Linda. “Hoy! Puta ka! Asan ang pera? Hayop ka! Ipambabayad ko pa ‘yon sa sugal! Ibigay mo na kundi masasaktan ka lang!” sigaw ng asawa nito. “Aray! Zino, nasasaktan ako at ang anak mo. Bitiwan mo ako, tarantado ka!” Biglang napatingin naman ang asawa nito sa kinatatayuan ni Linda. “At ikaw, ano ang tinitingin-tingin mo riyan? Sino ka?” sigaw ng lalake na tila nasa ilalim ng bawal na gamot dahil mahahalata sa namumula nitong mga mata. “‘Zino, ano ba? Nasa aparador iyong pera kaya lubayan mo ang kaibigan ko at umalis ka na!” nagmamakaawang sigaw ni Honey kaya binitiwan ng asawa niya ang kanyang hila-hilang buhok at pumasok sa loob ng bahay. Nakahinga naman ang dalawa. Pagkatapos ay kinuha muna ni Linda ang buhat buhat nitong bata upang patahanin sa kakaiyak. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang asawa ni Honey saka pinatuloy ni Honey ang matalik na kaibigan sa loob ng kanyang maliit na bahay. Ipinaghanda niya ito ng kaunting makakain, saka niya ito kinausap. “Langa, kaya pala ang tagal mong ‘di nakaka-reply dahil umuwi ka na pala sa Pilipinas! Galanteng-galante ka na. Wala ka bang pasalubong sa akin?” gigil na biro ni Honey. Hindi napigilan ni Linda ang sarili kaya natuluyang bumuhos nang sobra ang mga luha niya sa kaibigan. Napayakap na lang si Honey upang patahanin siya sabay abot ng baso at nakinig sa humahagulgol na kaibigan. Pagkatapos maikwento ni Linda lahat ng pighating nangyari sa kanila ay nalungkot si Honey sa sinapit ng kaibigan. Hanggang sa sinubukan na ni Linda manghiram ng pera para sa gamot ng asawa. “Sorry, Mareng Linda, pero walang wala na talaga ako, eh. Kung mayroon man lang ako ay talagang papahiramin kita,” usal nito. Walang magawa si Linda kundi magpakumbaba na lang at ihanda ang sarili sa anumang mangyayari sa asawa. Ngunit nang pagkatayong-pagkatayo niya para magpaalam sa kaibigan ay muling nagsalita si Honey. “Kung atat ka nang magkapera. Isa lang ang tanging paraan.” HABANG naglalakad si Apple sa loob ng campus suot ang puting uniporme na pang-nurse at kasama ang kaibigan na si Nina, bigla nilang nakita sa malayo ang kanyang ina na nakaabang sa gate. “Sis, nanay mo ‘yon, di ba?” bulong ni Nina. “Oo,” nagtataka namang sabi ni Apple dahil biglaan ang pagpunta ng ina niya upang sunduin siya. “Sige, sis. Alis na ako, ha? Ingat ka,” paalam naman sa kanya ng kaibigan niyang si Nina at bineso ito bago umalis. Paglapit na paglapit ni Apple sa kanyang ina ay nagsalita na ito. “Halika, anak, sumama ka sa akin. Punta tayo sa Parlor.” Hindi naman makatanggi si Apple sa ina kaya pumayag na lang siya. Pagkarating nila sa isang mumurahing Parlor katabi sa gilid ng riles . . . panay pa rin ang pagtataka ni Apple kung bakit dinala siya sa mga lugar kung saan ‘di siya sanay. Ipinakilala sa kanya ni Linda si Honey. “Ito pala si Mareng Honey. Langa, ito ang anak kong babae.” “Ang ganda naman niya, langa, manang-mana sa ‘yo! Mukhang mabenta. Handa na ba ‘yan pasukin ang mundo ng pokpok?” gigil namang sabi ni Honey kaya natigilan si Apple at napatanong. “Mom, what’s the meaning of this?” Bumuntong huminga si Linda sabay nagbigay sensyas sa matalik na kaibigan na iwan muna silang dalawa. Nang masolo na niya ang kanyang anak ay kinausap niya ito nang masinsinan. “Anak, pasensya na kung kailangan ko itong gawin pero ito lang ang tanging paraan. Patawarin mo ako, anak, dahil walang-wala na talaga tayo,” hagulgol niya. “So, ganito na lang, ma? Ganito na lang ba kababa ang tingin mo sa akin? Shame on you, ma! I so much hate you. Kung sa bagay, naging parausan kayo dati kaya madali sa inyong ibenta ang laman. Isa kayong hamak na kalapating mababa ang lipad.” Hindi nakapagtiis si Linda sa mga binitiwang masasakit na salita ng kanyang anak kaya nasampal niya ito. “Huwag kang umasta na parang hindi mo ako ina. Nabubuhay ako dati dahil sa trabahong ito. Dito ko rin nakilala ang ama mo at kahit paliguan niya ako nang ilang beses ay hindi mabubura sa history ko ang pagiging puta! Kaya wala kang karapatang maliitin ang trabaho ko dahil anak lang kita at hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. Oo, madumi akong babae pero gagawin ko ang lahat para mabuhay ang papa mo at ang buong pamilya. “Hindi na natin kaya ang gastusin at pwede siyang mawala kung hindi niya mami-maintain ang kanyang mga gamot dahil sa stroke. Lalo na ngayon na madalas siyang maghumirintado. Kaya pasensya ka na! Hindi naman kita pinipilit. Kung ayaw mo ibenta ang katawan mo, then I am not pushing you. But promise me that you will never tell this to your dad and your brother. Dahil mas masisira ang nabuo nating pamilya kapag tinangka mong isumbong ito sa papa mo.” Galit pa rin ang namuo sa pagkatao ni Apple kaya tuluyan na niyang iniwan ang kanyang ina sa Parlor at tumakbo na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD