Chapter 5

1725 Words
SADYANG mapagbiro ang tadhana. Pagkatapos ng alitan ng magina ay nagtataka na rin ang mag-ama kung bakit hindi sila nagkikibuan. “May problema ba kayong mag-ina?” nagtatakang tanong ni Adon sa kanyang mag-ina. Narindi naman si Ronel sa ama. “Alis muna ako.” Hindi naman siya sinagot nito kaya tuluyan niyang iniwan ang tatlo. Kung hindi nagpapansinan ang mag-ina . . . mas lalo naman ang mag-amang si Adon at Ronel dahil halos ipamukha ni Adon kung gaano niya kinasusuklaman ang anak na lalake. Nang sila na lang tatlo ang natira ay nagbiro naman ang matanda. “Mahal, tumataas na naman ang sugar ko. Natatakot ako na baka mauna pa ako sa ‘yo dahil sa sakit ko na ‘to.” Tumulo naman ang luha ni Linda at napahawak sa mga kamay nito at napaluhod dahil sa naka-wheel chair ang asawa. “Mahal, please naman. Huwag kang magbiro nang ganyan.” Hindi nakapagpigil si Apple at bigla niyang iniwan ang dalawa para magpahangin sa labas. Napansin naman ni Linda ang ikinikilos niya na parang ‘di mapakali matapos marinig ang pag-uusap nila ng asawa kaya sinundan na lang niya ito sa labas. Nang nasa labas na siya ng pinto ay pakiramdam niya’y nasa rooftop ng apartment ang anak kaya ginamit niya ang hagdan upang dumako roon. At inabutan niya ang kanyang unica hija na humahagulgol habang hinihipan ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Lumapit ang ginang sa kanya at tuluyan niya itong niyakap at isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat upang patahanin. “Mom, I am sorry sa mga nasabi ko sa ‘yo noon.” “Ssshhh . . . tahan na. It’s okay. I’ve forgiven you a million times, anak, kaya kalimutan mo na iyon,” umiiyak niyang sabi habang pinapatahan niya ang kanyang anak. “I made up my mind, ma. Alang-alang kay dad. Magho-hostess ako.” Nanlaki ang mga mata ni Linda at inalalayan ng kanyang kamay na iangat ang ulo nito sa pagkakasandal sabay ipinatong ang kamay niya sa magkabilang pisngi ng anak habang pinupunasan ang luha nito. “Sigurado ka ba? Parang sugal iyan, anak. Kapag pinasok mo ito ay habang buhay mo nang dadalhin.” “Mom, siguradong-sigurado ako sa desisyon ko. Hindi ako magdadalawang-isip kasi kapakanan ni dad ang tanging inaalala ko.” MATAPOS ang gabing iyon ay pumunta muli sila sa bahay ni Honey. Habang nakaupo ang mag-ina ay nabalot ng takot si Apple dahil sa masasamang tingin ng pagnanasa ng asawa ni Honey sa kanya. Ngunit inabutan naman ni Honey ng pera ang asawa nito matapos niyang mapansin ang kakaibang tingin nito kay Apple hanggang sa mapalayas niya ito at iwan sila. “Hoy! Bata, ‘wag kang mag-alala. Hindi siya ang unang lalakeng bibiyak ng pekpek mo.” Natulala naman si Apple sa diretsong bastos na salitang narinig mula sa kanyang tita at napatingin na lang sa ina dahil sa mga salitang kantong unang buminyag sa kanyang tenga. “Langa, `wag kang bastos! Kaka-dise-ocho pa lang ng anak ko,” inis na sigaw ni Linda habang nagpipigil ng tawa. Natameme nang ilang segundo si Honey pagkatapos niya iyon i-process sa kanyanag utak ang narinig sa kaibigan, saka siya tumawa nang sobrang lakas na parang walang katabi at pagkatapos ay kinalma ang sarili saka sinindihan ng lighter ang isang piraso ng yosi na nakasayad pa sa kanyang kanang tenga. Hindi naman maalis ang mga mata ni Apple sa kanya na may halong pagkamangha, tuwa at takot sa kinikilos nitong ibang-iba na talagang makabasag pinggan at walang preno ang bibig na mukhang pakawala. “Oh, neneng. Gusto mo magyosi?” natatawang tanong ni Honey pero hinarang na naman ito ni Linda. “Ano ba? Huwag na `yan! Baliw ka ba? Mas malinis pa baga nito sa baga ng mga sanggol! Simulan na nga natin i-orient ang anak ko para bukas ay makapagsimula na siya.” “So, nene, virgin ka pa?” “Opo,” sagot ni Apple sabay tango. “Ilang taon ka na ba?” “18 po.” Hindi nakapagpigil si Linda kaya napatayo siya’t nabatukan sabay kinurot sa singit ang kaibigan dahil sa mga tanong nito. “Aray, sige na. Stop ko na ang mga katanungan. Diyos ko naman, Mare. Wala pa pala ‘yang experience sa kama. Paano na `yan? Puro mga bakulaw na foreigner ang dadating sa club ngayon. Sasakit pepe niyan! Diyos ko naman!” paliwanag ni Honey na mas kinatayo ng balahibo ng dalaga. Hanggang sa biglang tumunog ang mumurahing cellphone ni Honey at tiningnan niya ito. “Oh! Ayon pala, suwerte kayo at good timing. May nag-inquire ng private service. Mga bagets din, oh!” Nainteresado naman si Linda kaya tumayo at pinilit silipin ang text ni Honey pero ayaw ng kaibigan kaya inagaw na lang niya ito sa kanya. “Mga batang piloto? Hindi ba yan takot na baka mahawaan sila ng tulo? Mahal ba ang bayad niyan? Basta, langa, isahan. Hindi pa sanay ang anak ko sa threesome.” “Oo, syempre. May piloto bang mahirap? Oo, walang problema. Sabihin ko kay mamang dahil first time ang anak mo. Oh, ganyan ka kasuwerte, hija, dahil first customer mo ay hindi galing sa club. Oh, siya! Bukas, papuntahin mo siya dito para ako na ang mag-ayos sa kanya. Ito ring ang bold movies para naman magka-ideya siya kung pa’no bumayo sa kama. Sasakit talaga katawan mo niyan kapag baguhan ka pa. “Tsaka, minsan kasi ay may binibigay silang tips kapag sobra silang nasarapan. Alam mo ‘yan, langa, kasi ang tagal natin sa ganitong trabaho, di ba?” natatawang pahayag ni Honey. Nang pagtayo nila upang lisanin siya ay nagulat na lang si Apple nang biglang siyang hipuan ni Honey sa puwet. “Hmmm. Lambot naman, mukhang ‘di pa nahahawakan. Suwerte ng makakauna sa ‘yo dahil ang ganda mo na nga tapos ang bata pa. Sariwa pa at hindi pa namulaklak.” KINABUKASAN, pagkatapos sa eskwela ay tinawagan na ni Linda si Apple upang dumiretso na kay Honey at hindi na niya ito masasamahan dahil marami siyang gagawin. Habang nasa jeep na si Apple ay dala-dala pa rin niya ang kanyang rosaryo na tila walang hinto ang pagdadasal niya sa kanyang isip sa mga mangyayari sa kasalukuyan. Nang nasa harap na siya ng pintuan ni Honey ay parang tinatambol ang kanyang puso na paulit-ulit hinahampas. Tuwing hinihila siya ng isip na `wag ituloy ang balak na pagbebenta ng laman ay tumatakbo naman sa isip niya ang kanyang amang nasa ataul na iniiyakan kaya napipilitan na lang siyang `wag umatras para lang sa gamot ng kanyang ama sa diabetes. Nang kakatok na siya ay agad itong nabuksan at sinalubong siya ng nakangising kaibigan ng kanyang ina. “Oh, andyan ka na pala. Tara na sa loob.” Sobra ding pinaghandaan ni Honey na ayusin siya at sobra make-over ang ginawa dahil gigil na gigil siya sa kagandahan ni Apple dahil sa kainosentehan nito. Hanggang sa matapos niya itong ayusan ay tila siya ang nagulat sa anyo nitong mukhang anghel sa paningin pero animalistic sa dating. Madalas kasing nakapusod ang dalaga pero mas lalo nagmukhang mature ang kanyang itsura dahil sa nakalugay na ito. Lalo na’t medyo kinulot ni Honey ang ayos ng buhok nito at may make-up sa mukha. “Oh, ito. Suotin mo.” May inabot naman si Honey. “Ano ho ito? Tsaka ganito ba talaga kaiksi ang mga damit ko? Wala bang mas mahaba rito, auntie?” ani Apple. “Oo! Ang daming angal. Ano ba sa inaakala mo ang pupuntahan mo? Ibubugaw kita, hija, ano ka ba? Buti nga may fishnet at see through damit ka pa kumpara sa iba na kulang na lang ay mag hi at hello ang mga u***g nila. Anyway, Ang tawag dyan ay masquerade. Hubog lang naman ng katawan ang titingnan sa inyo at hindi mata para mysterious kuno at dagdag init sa client. Bale dadalhin kita sa isang bobonggahing 5 star hotel. Madami kang makakasama at pagpipilian kayo. Kaya always remember to smile. Kahit kita na ngala-ngala, dumila ka din para mas lalo ma-attract ang pipili, okay? Iyon ay kung feel mo,” nakangising paliwanag sa kanya ni Honey. PAGKATAPOS siya ihatid sa 5 star hotel ay iniwan na siya nito at may sumalubong na isang baklang parang parot ang buhok dahil sa pinaghalo-halong kulay at ayos nito. “Ikaw ba si Apple?” “Opo, ako nga po.” “Okay, tara at sundan mo ako. Doon tayo sa private lounge.” Sumunod naman siya. Pagkarating nila doon ay may labing dalawang babae na kapareha niyang nakasuot ng masquerade ang tumambad sa kanya. Tama ang sinabi ng kanyang Tita Honey. Mas revealing pa ang mga damit ng mga ito kumpara sa kanya. Talagang labas ang nagbubukulang cleavage at hindi naka-see-through o fishnet. Nagbigay naman ng orientation ang baklang kulay parrot ang buhok. “Girls, remember to have your code names.” Nagtaka naman si Apple kaya nagtanong. “Ano pong code name?” “Palayaw or title! Alangan namang gamitin mo ang totoo mong pangalan. Anyway, I am Ivanah. Ikaw pala iyong anak ni Linda. Kahit nakatakip ang mata mo ay pakiramdam ko’y napakaganda mo. Sayang ka. Ako pala ang bugaw ng mama noong 80’s. Matanda na ako pero mukhang bata dahil ginagawa kong panghugas ng mukha ang semelyo ng aking boyfriend because s*x is life and it makes you feel younger. Ilang taon ka na pala? Kasi mukha kang menor-de-edad! Bawal iyan dito. Pinapaalalahanan lang kita,” paliwanag at pakilala ng baklang kulay parrot ang buhok pero naputol iyon nang may tumawag sa kanya at iniwan niya muna sila. Matapos niya kausapan ang nasa linya ay bumalik para sabihin sa mga babae kung ano ang gagawin. Iyong ibang mga babae ay pinatayo nila habang iyong iba naman ay nakaupo lang sa sofa. Hanggang sa mabuksan na ang pinto. Unang pumasok ay isang napakamatipunong lalake, mukhang bata pa at mukhang yayamanin. Gwapo at relo pa lang ay mahahalata mo nang mamahalin at branded. Sabay inginuso niya si Apple kaya parang nakuryente si Apple sa gulat at napatayo bigla at lumapit sa lalake habang nakatungo. Ngunit pinagtawanan siya matapos niyang malaman na hindi pala siya ang tinawag ng lalake kundi ang katabi niya. Napahiya siya’t bumalik sa kinatatayuan niya at hindi niya mawari kung anong gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD