bc

Pilot's Diary "Paperplanes"

book_age18+
100
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
pregnant
drama
tragedy
bxg
disappearance
secrets
nurse
pilot
shy
like
intro-logo
Blurb

"Pipilitin kong lumipad, kahit mahirap. Pipilitin ko, kahit sing gaan na lang ako ng isang piraso ng papel. Ang mahalaga ay ikaw, na magsisilbing hangin idadala ako sa himpapawid.

Kakayanin ko, na parang isang eroplanong papel na lumilipad, paulit ulit bumabagsak at naghahanap ng lalandingan sa tulong ng hangin. Hangin na parang iyong mga alaalang hindi ko na nakikita at nahahawakan. Pero nariyan lang at nararamdaman na parang nandyan ka, kahit wala ka na." - Argel

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MASAYANG naglalaro ng eroplanong gawa sa papel ang isang batang nasa edad na pitong taong gulang. Siya si Argel—mataba, masiyahin at mababaw ang kaligayahan dahil kahit sa ganoong pamamaraan lamang ay masaya na siya. Kumpara sa ibang bata, mas ginugusto niyang mapag-isa upang umiwas sa gulo dahil madalas siyang awayin, kutsain at asarin ng ibang batang ka-edad lang niya. Nakasuot siya ng may gradong salamin dahil bata pa lang ay madalas na siyang humawak ng gadget at maglaro ng mga larong may kinalaman sa eroplano. Gustong-gusto kasi niyang maging piloto paglaki. Nakasanayan na rin niyang maging masaya kahit pa mag-isa lamang—kahit pagdating sa pamilya. Galit siya sa kanyang Kuya na siyang bumubuhay ng inggit sa kanyang pagkatao kahit sa murang edad nito. Ikinagulat na lang niya nang may umagaw sa kanyang laruang papel na eroplano. Kasabay noon ay ang ang pagsira at pagpunit dito ng mga grupo ng batang lalakeng nasa edad lang niya. Hindi pa nakontento ang mga bata at pinagtawanan pa siya pagkatapos niyang humagulgol sa nangyari. Ngunit nahinto iyon nang may sumingit na isang boses ng batang babae. “Hoy, tigilan niyo ‘yan! Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ha!” Paglingon nila sa likuran ay isang batang babae ang nakasuot din ng makapal na salamin, maputi, maganda, kulot ang buhok at naka-braces ang ngipin. “Pakealam mo ba sa amin?” galit na saad nila kaya pinalibutan nila ang batang iyon. Gusto man siyang tulungan ni Argel ay mas minabuti niyang tumakbo na lang para umiwas sa gulo. Ngunit nagulat na lang siya nang marinig ang mga sigawan nila at nagmamakaawang boses. Paglingon niya ay namataan niya ang batang babae na lumalaban, nakipagsuntukan at pinagtatadyanak ang mga batang nam-bully sa kaniya. Sa huli ay nauwi sa takbuhan ang mga iyon dahil hindi nila kayang labanan ang matapang na batang babae. Nilapitan naman nito si Argel at tinanong, “Okay ka lang, bata?” Tumango naman si Argel pero hindi niya alam ang kanyang sasabihin dahil sa tatakbuhan sana niya ito. Ngunit kabaligtaran pa sa inaasahan niya ang nangyari. “Sorry pala, batang babae. Kasi tatakbuhan sana kita para iligtas ko ang sarili ko, eh. Ayoko lang talaga ng gulo. Salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin. Ako si Argel. Pitong taong gulang na ako. Mukhang baguhan ka rito sa lungsod namin,” ani Argel kasabay ng pag-angat niya sa kaniyang kanang kamay. Ngumiti naman ang batang babae, nakipagkamayan pabalik saka nagpakilala sa bagong kaibigan. “Ako pala si Apple. Walong taong gulang. Hindi talaga ako tagarito. Nagbakasyon lang kami rito sa Pilipinas. Nagulat ka ba sa nakita mo? Nag-aaral kasi ako ng Martial Arts.” “Wow, talaga, Apple? Parang si Bruce Lee? Turuan mo naman ako ng mga ‘the moves’ mo,” aliw na aliw namang sabi ni Argel. Simula noon ay naging matalik na magkaibigan sila ni Apple. Madalas magkasama, magkwentuhan kahit saan at naglalaro. Itinuro din ni Apple ang bagong ginagawang bahay sa harap ng bahay nila Argel at doon daw sila titira pagdating ng panahon. Masaya naman si Argel na magiging magkapitbahay sila ni Apple. Akala niya ay walang hangganan ang pagiging magkaibigan nila at walang iwanan. Ngunit makalipas ang dalawang buwan nilang pagkakaibigan ay napilitan silang magpaalam sa isa’t isa dahil kinailangan ni Apple at ng pamilya nito na bumalik sa Saudi upang ituloy ang pag-aaral niya roon. Sa huli nilang pagtatagpo ay ibinigay sa kanya ni Argel ang isang papel na gawa sa eroplano na may nakaguhit na ‘Argel luvs Apple’. “Apple, gusto ko palang ibigay sa ‘yo ito. Sana magustuhan mo,” ani Argel habang humahagulgol at halos nauutal na dahil sa pagkahingal. “Salamat, ha? Huwag ka nang umiyak,” nakangiting sagot ng batang babae habang tumutulo din ang mga luha. “Natatakot kasi ako, eh. Baka i-bully nila ako uli. Wala na kasi akong makakasama at makakalaro araw-araw. Mami-miss kita, Bestfriend Apple. Basta huwag mo ‘yan iwala, ha? May isinulat ako sa ‘yo dyan. Kasi sa totoo lang . . . may crush ako sa ‘yo.” Natawa naman si Apple habang lumuluha at tinapik ang balikat ng matalik na kaibigan. “Ang bata pa natin para sa mga ganyan! Sabihin mo na lang sa mga nang-aaway sa ‘yo na nandito pa rin ako. Utuin mo sila.” “Wala na kasi akong kalaro at tagapagtanggol. Wala nang sumasama sa akin maglaro ng papel de eroplano at sumasama habulin ang sorbetes na dumadaan. Sobra kitang mami-miss, Apple. Iyong Kuya ko kasi ang sabi niya . . . kapag luv mo ang isang tao ay crush mo na siya. At dahil crush kita ay ginuhitan ko ng hugis puso iyang papel kasama ang pangalan nating dalawa para ‘di mo ako makalimutan forever. Hihintayin kita at papakasalan. Parang bahay-bahayan.” Bigla silang nagulat nang sumigaw ang Kuya ni Apple na si Josh. “Apple, ano pa ba ang hinihintay mo? Aalis na tayo sabi ni mama kasi baka maiwan tayo ng eroplano. Malapit na ang flight natin! Bilisan mo!” Nagmadali na si Apple ngunit ikinailing niya nang hawakan ni Argel ang kanyang mumunting kamay kasabay ng paghalik nito sa kaniyang pisngi habang nakangiti. Iyon ang mga itinuturo sa kanya madalas ng Kuya niya. Nanatili lamang tulala si Argel hanggang sa nilisan na siya nito. Pagkatapos ng mga kaganapan at makalipas ang isang taon . . . ang pamilya ni Argel ay napilitang lisanin ang bahay na tinitirhan dahil sa biglang na-promote ang tatay niya sa trabaho. Kaya iyon na lang ang huling pagkikita nila ng matalik na kaibigan niyang si Apple Lumalaban na rin si Argel sa mga pilit nambu-bully at nang-aapi sa kanya dahil sa hindi niya kinalimutan ang tanging payo ng kanyang matalik na kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook