Chapter 3

1514 Words
HABANG nagtatrabaho si Ronel bilang isang staff sa McDo ay nagulat siya nang makita niya ang mensahe ng kanyang ina sa f******k. Hindi niya inakala ang sinapit ng kanyang ama. Dapat nga ay matuwa pa siya ngunit nanlumo siya bigla. Working student si Ronel at ginagawa niya ito para ipakita sa kanyang ama na hindi niya kailangan ang pera nito. Pero hindi niya lubos maipinta ang kanyang kalungkutang nadarama pagkatapos niyang marinig ang nangyaring aksidente. Habang kinakausap ni Linda ang Doctor ni Adon ay tulala pa rin si Apple habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang ama’t pinagmamasdan ito. May kaunting galak pa ring natitira sa kanya dahil sa hinihintay niya na dumilat ang mga mata nito nang biglang may tumawag sa kanyang messenger sa f******k. Nang tingnan niya ito ay nagulat siya nang makitang ang Kuya Ronel niya ang tumatawag. Dali-dali siyang nagtago sa banyo at saka sinagot at kinausap ito. “Hello, Apple. Kumusta na si Dad?” humahagulgol na tanong ni Ronel sa linya. “Okay lang siya, Kuya, pero hindi pa dumidilat ang kanyang mga mata. Sabi ni mommy, nahulog daw siya sa isang palapag sa site na pinagtatrabahunan niya,” umiiyak namang sagot ni Apple. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo na medyo pakalmahin mo siya sa pagtatrabaho. Atat ka kasi sa debut mo. Ano ba yan?” Nasabi iyon ni Ronel dahil kada may nangyayari sa bahay nila ay kinukwento sa kanya ni Apple iyon. Kaya alam niya kung gaano kapaspasan sa pagtatrabaho ang kanilang ama dahil sa paparating na debut ng kapatid. “Sinabihan ko nga siya, Kuya, na hinay-hinay lang pero ayaw niya. Please, huwag naman tayo magsisihan. Ang mahalaga ay magising siya at nasa maayos na kalagayan. Let’s just pray, Kuya, please? This is not the right time to blame anyone,” umiiyak na sabi ni Apple ngunit ibinaba na lang ni Ronel ang linya nang pagalit. Dali-dali namang pinunasan ni Apple ang kanyang mga luha at lumabas na sa banyo nang makita niyang nakaupo sa upuan niya kanina ang kanyang ina at tahimik lamang ito. Dahan-dahan siyang lumapit at kitang kita niya ang katamlayan ng dati ay masiglahin niyang ina na si Linda. “Ma, are you okay?” tanong ni Apple sabay hawak sa balikat nito. “Anak, sabi ng Doctor ng Daddy mo . . . hindi na siya pwedeng makalakad ulit.” Nanlaki ang mga mata ni Apple at sunod-sunod din ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Biglang bumukas dahan-dahan ang mga mata ni Adon na tila galit at nagsalita pagkatapos marinig ang pag-uusap nila. “Hindi totoo ‘yan! Magbabayad ako ng pysiotherapist!” sigaw nito nang pagalit at napilitan mapaupo sa kama kaya napatakbo si Apple sa kabilang gilid ng kama para pigilan nila itong dalawa sa pagwawala. “Kumalma ka, mahal! Wala na tayong magagawa. Kahit maghanap ka pa ng pysiotherapist, dahil may diabetes ka ay magiging mahirap iyon. Tanggapin mo ang katotohanan at reyalidad. Parang awa mo na. Kumalma ka at baka mabinat ka pa. Ang mahalaga ay magaling ka na at pwede na kitang iuwi,” anas ni Linda habang umiiyak at pilit pinapakalma ang asawang si Adon. Nagsimula na ang kamalasan sa kanilang buhay simula nang malumpo ang haligi ng kanilang tahanan na si Adon. Pina-retire na siya ng amo niyang Arabo at hindi nila alam kung paano sila mag-a-adjust. “Boss, I still can work. I am still strong. I am now disabled but my hands can still type and do autocad drawings,” pagmamakaawa ni Adon sa kanyang amo na Arabo. “I am sorry but it’s too impossible. What’s important, Engineer Cadiz, is how you transport from one site area to another to measure the area. I apoligize, but we have to terminate and deport you and you’re family. We have a lot of new and fresh engineers to replace your position. We can’t force to have you here.” Napaluhod naman si Adon sa harap nito. “But, boss, I’ve worked in your company for almost 15 years! Can’t you consider that and see my loyalty? Have pity on me, boss. How about my family’s financial support?” Hindi siya pinakinggan at tinalikuran na lang nila ito. Nilisan na lang ni Adon ang opisina na sawi at umuwi siya gamit ang nabili niyang saklay. Hindi siya makapaniwala kung paano nangyari ang lahat na parang ninakaw sa kanya sa isang kisapmata lahat ng pinaghirapan niya. Pagkatapos niyang pumara ng taxi at maupo ay nakatanggap siya ng text mula kay Linda na malaki ang kumpiyansa na hindi siya tanggalin sa trabaho dahil sa pamamalagi nito sa kumpanya ng iilang taon. Naiyak na lang si Adon. Ang dami nang namamatay sa maling akala. Iyon din ang akala niya. Na hindi siya tatanggalin dahil sa napaka-loyal niya sa boss niya pero mali pala siya. Pagkarating niya sa bahay ay nakahanda na ang paborito niyang ulam na tinolang manok. Tinulungan naman siya ni Apple umupo at isantabi ang saklay na gamit. Umupo naman si Linda at nagtanong. “Bakit ‘di mo sinagot ang text ko, mahal?” Hindi umimik si Adon at pigil ang mga luha. “Ma, we should stop forcing Dad to kiss their feets. Makikita naman sa mukha ni Dad ang hindi magandang balita. Dad, sorry and be strong. We and I still care for you. Pagsubok lang ito at malulusutan natin ito. We’re always here for you—me and mom. May mga properties pa naman tayong natitira kay Tito Ramon, ‘di ba?” paliwanag ni Apple. Nagulat sila nang humagulgol nang malakas si Linda. “Anong nangyari? Bakit ganyan kalakas ang pag-iyak mo, Linda, mahal? Tama naman ang anak natin. Basta magkakasama tayo ay kakayanin natin itong panibagong yugto. You two are like a diamonds for me,” sabi ni Adon pagkatapos hawakan ang balikat ng kanyang asawa. Tumingin naman si Linda sa asawa at nagsalita. “Hindi ko alam kung magagalit ako sa ‘yo o hindi, Adon. Mahal kita at alam ko na laging positive ang pamilya na ‘to kahit batuhin ng masasamang salita ng mga kamag-anak natin. Pero parang sinalo na natin lahat ng kamalasan ngayon. Sobrang pighati na ‘to, Adon.” “Bakit?” Hinawakan ni Linda ang kamay ni Adon na nakahawak sa kanyang balikat at ibinaba ito sa mesa saka ipinatong ang kanyang dalawang kamay para pakalmahin ito sa rebelasyong sasabihin. “Adon, alam ko na hindi ito ang tamang oras at panahon pero kelangan mo itong malaman. Nawawala ang pinsan mong si Ramon.” “What? Ma, sabihin mo na nagsisinungaling ka lang!” naiiyak na sabi ni Apple. “Totoo, anak. Hindi ko na alam kung saan tayo pupulutin ngayong tanggal na sa trabaho ang papa mo,” umiiyak na sabi ni Linda. “Tang ina! Kasalanan ko ‘to. Dapat nakinig ako sa ‘yo noon pa, Linda. Ang tanga tanga ko at nagtiwala ako sa pinsan kong si Ramon.” Mula sa kilalang mayamang pamilya sila noon. Ngayon ay umuwi silang ni-singko ay wala. Sinundo sila ng panganay nilang si Ronel. Pagkatapos magpakita ni Ronel sa Airport at magmamano ay inalis ni Adon ang kanyang mga kamay habang nakaupo siya sa wheelchair. Malaki pa rin ang galit niya rito dahil kung tinapos lang nito ang kanyang pag-aaral at hindi naging bulakbol ay sana sa kanya na lang ipinagkatiwala ang mga properties at ibang ari-arian at hindi sa pinsang si Ramon. Habang nasa taxi na sila . . . “Ano ang trabaho mo ngayon?” tanong ng matanda habang nagtitimpi. “Dad, waiter po ako sa fastfood restaurant. Sa McDo.” “Hanggang dyan lang pala ang pangarap mo. Maging isang waiter ng McDo?” panlalait ng matanda. “Dad, working student ako. Magtatapos din ako sa pag-aaral at ako naman ang gagastos sa inyo.” “Hindi namin kailangan ang pera mo. Sa ‘yo na ‘yan,” nagmamatigas na tanggi ni Adon. Nainis naman si Ronel kaya nataasan niya ang boses niya pagkatapos niya sagutin ito. “Hindi. Kung ano ang sinabi ko ay gagawin ko dahil ako na ngayon ang padre de pamilya.” “Anak, tama na,” naiiyak na pigil ni Linda sa anak. “Hindi ko kayo papabayaan. Iuuwi ko kayo sa bahay ko. Ano, gusto mong makita si bunso at si Mama na palaboy-laboy sa daan? Saan kayo titira? Itinatakwil na tayo ng ibang kamag-anak, ‘di ba? Alam ko naman na favorite niyong anak si Apple. Ano na lang? You want them to be homeless? Atleast sa bahay ay may matitirhan kayo kahit maliit pa ito.” Mula noon ay napilitan ang matanda na patirahin ang mag-ina sa maliit na apartment ni Ronel. Nasa anim na palapag ito at napakaingay dahil punong-puno iyon. Mumurahin lang ang apartment. Doon mo mahahanap ang mga sugarol, mga nagtitinda ng kung ano-ano at hindi ka talaga makakatulog ng gabi sa ingay ng ibang naninirahang kapitbahay. Napakalayo sa tahimik na buhay sa Saudi na kanilang kinagisnan. Wala nang nagawa si Adon kundi ang tanggapin na lang ang kapalaran para sa pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD