Chapter 2

1490 Words
MAKALIPAS ang maraming taon . . . Hindi mapakali ang galit na galit na tatay ni Apple na si Adon dahil sa kausap niya sa cellphone. “Ronel! Ano ba ang naging kasalanan namin sa ‘yo at ginaganito mo kami nang paulit-ulit? Lintik na bata ka!” sigaw ng matanda habang pinipigilan siya ng asawa na si Linda at anak na si Apple. “Pa, please, huminahon na kayo. Huwag na kayong magalit kay Kuya Ronel,” pagpapakalma sa kanya ni Apple. “Mabuti pa ‘tong kapatid mong si Apple, eh, malapit na maka-graduate. Malapit na siya rito mag-debut dahil hindi nagbubulakbol kagaya mo. Ano na lang ba ang sasabihin ko sa iba nating kamag-anak dito sa Saudi? Na ang tagal mo na riyan sa Pilipinas mag-aral ng kolehiyo at inabot ng ilang taon pero hindi ka pa rin maka-graduate? Tumatanda ka na sa college! Tumatanda ka nang paurong! Punyeta!” anito sabay ibinaba ang linya at bumuntong hininga. Bigla namang may tumawag sa messenger ng mama ni Apple na si Linda at lumayo siya nang kaunting distansya sa kanila. “Teka lang, ha? Iyong bestfriend ko tumatawag. Si Honey. Maiwan ko muna kayong dalawa.” “Buhay pa pala ‘yan? Ano na ang trabaho niya ngayon, Linda?” nagtatakang tanong naman ng asawang nitong si Adon at tinaasan niya ito ng kilay. “Ganoon pa rin. Ang pagiging—alam mo na,” mahinang sagot ni Linda sabay ngumisi sa asawa. Kaya naman sinabihan ni Adon ang anak na babae na bumalik muna sa kwarto. Ayaw kasi nito na makarinig ng mga ganoong klase ng babae—mga puta. Ang nanay kasi ni Apple na si Linda ay isang prostitute noon. Doon nagkakilala ang magulang niya sa isang Stripper Club. Si Adon naman na kanyang ama ay mataas ang pinag-aralan. Isa siyang Licensed Engineer at galing sa mayamang pamilya. Dahil sa propesyon nito ay napadali ang pagpunta nila sa Saudi noong kasagsagan ng pamumulubi nila’t pagkabaon sa utang. Ipinaglaban ng kanyang Papa na si Adon ang pag-ibig niya sa mama nito. Siya rin ang umahon rito mula sa pagkahirap patungo sa pagiging mayaman at kagalang-galang. Binihisan niya si Linda at ginawa niya ang lahat upang ilayo ito sa dati nitong trabaho at mas pinili pa niya ito sa kanyang mga magulang. Hanggang sa biyayaan sila ng dalawang supling—sina Apple at Ronel—at nanirahan na lang sa Saudi bilang OFW para tahimik ang kanilang buhay. Ngunit tila hindi komportable si Adon sa dating kaibigan ni Linda na si Honey sapagkat hindi pa iyon umaalis sa dating trabaho na pagbebenta ng laman. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang nakikinig si Apple kapag nag-uusap si Linda at Honey sa linya. Mahal na mahal ni Adon ang kanyang anak na babae. Over protective siya kagaya ng isang ama. Ilalayo niya ito sa sino mang lalake magtatangkang saktan at lokohin ang kanyang munting unica hija. Gagawin niya ang lahat upang ilayo ito sa kapahamakan. Gusto niyang lumaki itong umiiwas sa lalake dahil ayaw na ayaw niyang dumaan ito sa kung ano man ang pinagdaanan ng kanyang asawa noon. Maganda ang buhay nilang pamilya at malaki ring pera ang pumapasok sa kanila taon-taon. Isa lang ang pinagkakatiwalaan ni Adon ng kanyang mga negosyo sa Pilipinas. Walang iba kundi ang pinsan niyang si Ramon. Pati mga lupa ay doon niya ipinagkakatiwala kahit duda si Linda sa pinsan nito. Nang dumating na ang araw na malapit na ang debut ni Apple ay nagpursigi na rin si Adon na maghanap ng trabahong part-time kahit malaki ang kinikita niya bilang isang Engineer sa abroad. Mga alas-dos na ng gabi, habang nagtatrabaho sa sariling office si Adon sa loob ng kanilang bahay nang lapitan ito ni Apple na may dala-dalang dalawang tasa ng kape. “Dad, masyado niyo yatang sinasagad ang pagtatrabaho. Hindi ko naman hinihiling ang engrandeng debut. Kahit simple lang. Ang mahalaga ay naidala mo kami sa iba’t ibang lupalop ng bansa. Sapat na sa ‘kin iyon,” nakangiting sabi ni Apple. Madalas silang mag-travel sa iba’t ibang lupalop ng mundo dala ng naiipon ng kanilang ama. Katumbas kasi ng income nito ang salary ng isang senador sa Pilipinas kaya alam ng ibang mga kamag-anak nila kung gaano sila kayaman. “Salamat, hija. Gusto ko kasi na maging napaka-espesyal na araw ang debut mo. Dahil mahal na mahal kita at malaki ang tiwala ko sa ‘yo na susunod ka sa aking yapak balang araw bilang isang Licensed na Engineer. Hindi kagaya ng kapatid mong si Ronel. Puro sakit sa ulo ang dinadala niya sa pamilya.” Pagkatapos bigkasin ng matanda ang pangalan ng kanyang panganay ay napahilot siya sa ulo. Natawa naman si Apple. “Matalino naman si Ronel, Dad. Siguro masyado lang siyang nalulong sa barkada.” Biglang naalala ni Apple iyong sinabi sa kanya ng Kuya Ronel niya patungkol sa kung bakit nagrerebelde siya at ayaw magtapos ng pag-aaral. Dahil daw iyon sa malaki ang ulo ng Daddy nila. Masyado raw itong perfectionist sabi ng ibang pinsan nila dahil madalas itong hindi nagpapahiram ng pera kahit siya iyong pinakaangat sa mga kamag-anak niya. Kaso alam din ni Apple na may rason naman ang Papa nila. Kung ano ang pinaghirapan niyang pera ay hindi na niya pinapangutang lalo na’t masyado na siyang nililinlang ng ibang kamag-anak na hindi nagbabayad ng utang at ginagawa na lang libre ang dapat bayaran dahil sa mayaman sila. Abusado na kasi iyong iba nilang kamag-anak pagdating sa pera. “Dad, salamat sa lahat lahat. Sana ay magkaayos din kayo ni Kuya Ronel.” After sipping on the bottle, the old man started to talk again. “Ito lang tandaan mo, hija. Kapag dumating ang isang pagsubok sa ating buhay ay huwag tayo basta-basta bibigay sa hamon ng Panginoon. Lagi kang manalig at huwag kang magsawa o tumigil sa kakadasal. Stay conservative always at lumayo ka sa mga lalake na magtatangkang manligaw sa ‘yo. Hija, I am proud na naka-17 years of existance ka na dito sa Saudi. Dito ka nakapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay dalaga na talaga ang anak ko kaya ibibigay ko lahat ng makakaya ko basta lang maging espesyal ang debut sa araw mo. Ilang buwan na lang at 18 ka na. Pag-isipan mo na ang mga cotillion mo.” Niyakap niya ang Papa niya habang naiiyak sa magagandang salitang ibinato nito sa kanya. Very thankful si Apple sa blessings na natatanggap niya palagi. Lalo na pagdating sa pamilya niya at pati na rin sa Papa niya dahil isa siyang Papa’s girl. Andyan ang mama niya at papa niya na super supportive sa lahat ng gagawin niya. Kasa-kasama sila parati sa mga gusto niyang tahaking mga pangarap. Pati na rin ang mga kaibigan niyang kasabayan niya sa paglaki na mga laking Saudi rin pero mga Pinoy na sina Gigi at Michelle. Sila ang una niyang tinawagan para ibalita iyong tungkol sa debut niya. Kinabukasan, nagkita-kita ang magbabarkada at tuwang tuwa silang nag-asaran. “Kainggit ka naman. Saan ka magde-debut, sis? 4 months na lang ang natitira. I’m so excited!” excited na sabi ni Gigi. “Hindi ko nga alam, eh,” sabi naman ni Apple. “Payo ko lang, sa Pinas ka na lang mag-debut kesa dito sa Saudi. Boring dito,” suhestiyon naman ni Michelle. “Ayoko ro’n! Iyong iba naming kamag-anak kasi . . . galit pa rin sa amin. Kasi alam mo na—inggit sila,” malungkot na sabi ni Apple. Natigilan siya nang biglang tumunog ang nasa likod ng bagpack niya. Agad naman niya iyong inabot at pagkakuha ng kanyang cellphone ay nagulat siya nang makita niyang ang mama niya ang tumatawag. Bihira lang ito tumawag sa kanya habang nasa eskwela siya dahil nagtatrabaho din ang mama niya bilang isang teacher pagkatapos nito magka-license dahil pinag-aral din siya ng kanyang ama sa ganoong kurso. Sinagot naman niya ito nang mabilisan. “Hello, ma, napatawag kayo?” “Anak, ang Papa mo, naaksidente sa site! Pwede ba kitang kunin dyan sa school ninyo? Emergency lang. Magpaalam ka sa teacher mo. Nakapagpaalam na ako dito sa pinagtuturuan ko na Arabo,” umiiyak pang sabi ng mama ni Apple. Biglang nag-alala ang dalaga at dali-daling iniwan muna ang mga kaibigan. Nang dumating ang mama niya sa school ay pumunta na sila kaagad sa hospital kung saan naisugod si Adon. Pagpasok na pagpasok pa lang nila ay nakita nilang nakahiga sa kama si Adon at may semento sa kanyang mga paa. “Adon! Adon!” sigaw ni Linda sabay napatakbo sa asawa’t niyakap ito. Dahil may diabetes si Adon ay alam niyang may hindi magandang mangyayari habang wala pa rin itong malay. Naiyak naman si Apple at napatakbo siya sa loob ng banyo. Doon na lang niya ibinuhos ang kanyang mga luha na tila sumasabay sa gripong binuksan niya upang tanggapin ang haharaping reyalidad patungkol sa kanyang ama at pagbabago patungkol sa buhay ng pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD