KABANATA 7

2052 Words
"Hindi ko nga sinasadya." Ulit ko nanaman dito sa lalaking pinipilit na sinadya ko daw ang nangyari. "You were listening to my call weren't you? Sinadya mo dahil nagalit ka sa mga sinabi ko. Why are you following me in the first place?" Pamimintang nito. "Mister whatever your name is, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nauna ako sa pilang to, and whether I like it or not, maririnig ko talaga ang pinag-uusapan nyo sa phone dahil ang lakas ng boses mo. I just wanted to drink my coffee in peace, pero naitulak ako nitong babaeng to." Binalingan ko yung babaeng bumalik sa pila at tumulak sa akin kaya ako nasubsob sa lalaking to. "At hindi lang naman damit mo ang narumihan dahil sa nangyari. Natapunan din ako!" Pang-ilang ulit ko ng ipinapakita sa kanya itong mantsa ng kape at whipped cream sa damit ko. "Sorry talaga miss, hindi ko sinasadya na maitulak ka." Kanina pa din humihingi ng pasensya itong babaeng bumalik sa pila. Hindi ko naman magawang magalit sa kanya because I could genuinely see na hindi niya sinadya iyon, it's just that accidents happen, but this man over here is making a big deal out of it. "So anong gagawin mo dito sa damit ko? You ruined it." Bumalik nanaman dito sa lalaki ang atensyon ko. "Para matapos na to, I'll just pay for that shirt." Be the bigger person Lilith. Kanina ko pa yan sinasabi sa sarili ko kaya kahit napipikon na ako ay kinakausap ko pa din ng kalmado ang lalaking to. "I don't want another shirt, I want this shirt." Sagot niya. "That's bûllshît! What are you, five years old?" Napatakip ako ng bibig matapos kong sabihin iyon. It slipped out of my mouth dahil sa inis ko. "What did you say?" He was clearly offended with my words. "Sorry, it just slipped out of my mouth. Pwede bang palampasin mo nalang ang nangyari? Hindi lang naman ikaw ang naagrabyado rito. My coffee, money, and time are all wasted." Halos fifteen minutes na kaming nagtatalo rito. Willing na nga akong bayaran ang damit niyang namantsahan eh, dami pang sinasabi. Talo pa ang babaeng nireregla. "How about you give me the set of tablewares you purchased earlier? Palit tayong dalawa. Mine is more expensive and prettier." Suhistyon nito. "Sorry, but no." Wala akong pakialam kung mas mahal ang binili niya. "I wanted that set and it's mine." Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil nagsalubong ang kilay niya. "You know what, babayaran ko ng doble. Triple pa kung gusto mo, at ibibigay ko din yung binili ko ng walang kapalit. That's 90 thousand and a free 55k tableware. What do you say?" Pangbabribe niya sa akin. Kapag tinanggap ko yun, easy money for me. May 90k na ako at 55k worth na tableware. Pero hindi ko alam kung dahil ba sa pride kaya tinanggihan ko yung sinabi niya. Para kasi niyang binibili ang dangal ko kahit sinabi ko na kanina na hindi ko ibibigay yung binili ko. "You're being unreasonable woman!" Sikmat niya. "You are too! Sinabi ko na nga na babayaran ko yang damit mo, pero kung ano anong deal ang mga pinagsasasabi mo." Hindi na ako nakapagpigil at napataas na din ng boses. Inuubos ng lalaking to ang pasensya ko. I just want to get out of here. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao, at itong kawawang babae na kanina pa din nagsosorry hindi pa nila naeenjoy ng kasama nya yung inorder nilang coffee at dinagdag na red velvet cake. "Hala ang Presidente ng pilipinas!" Itinuro ko ang direksyong salungat sa entrance ng coffee shop. Napalingon doon ang lalaki, at hindi lang siya kundi pati ang ibang mga nakapila, maging ang mga customer na kumakain ay napatayo at napatingin sa direksyong itinuro ko. When his attention got distracted, I made a run for it. Mabilis akong tumakbo palabas at binalikan ang cart ko sa security at nagmamadaling umalis. Wala naman akong balak na takasan siya, pero walang patutunguhan ang pag-uusap naming dalawa kaya wala akong choice. "Ang dami mong pinamili, Ninang. Dapat pala sinamahan na kita." Tinulungan ako ni Jino na dalhin lahat ang pinamili sa loob ng bahay. "May cart naman, at nagtaxi ako pauwi kaya hindi ako nahirapang bitbitin ang mga ito." Buti at hindi ka sumama, kundi makikita mo lahat ng mga nangyari kanina. "What happened to your clothes, ninang?" Nang nasa kusina na kami ay napansin niya ang nangyari sa suot kong blouse. "Natapunan ng coffee." Pag-amin ko pero hindi na binigay ang buong detalye. "Sandali at magbibihis muna ako. Ang lagkit na kasi." Paalam ko rito at umakyat muna sa itaas. I'm not proud of what I did na tinakasan ko ang lalaking yun kanina, pero he leaves me no choice dahil paikot ikot lang ang usapan namin kanina. If he just accepted the money for this shirt, wala sanang problema. Nagbihis ako ng mas komportableng damit at binalikan si Jino sa may kusina. Nang makabalik ako ay hindi agad ako pumasok at pinagmasdan muna ito habang isa isa niyang nilalabas sa eco bags ang pinamili ko. Hindi na nga talaga siya bata tulad ng sabi niya. Maliban sa mas matangkad na ito sa akin ay naging matipuno na rin ang katawan nito. He's wearing a sando now kaya ngayon ko lang napansin at natitigan ng husto ang pangangatawan nito. Looking at his tone biceps, halatang nag-gygym si Jino. Napatingin ako sa may dibdib nito, he's only nineteen pero napakawell built ng katawan niya. "Ninang nakabalik ka na pala." Bumalik ang ulirat ko ng marinig ang boses niya. "Ano pong ginagawa ninyo jan?" Tanong pa nito. "Ah, eh..." Natataranta akong pumasok sa loob ng kusina para tulungan na siyang mailagay sa fridge at cabinets ang mga pinamili ko. "Wala, napansin ko lang kasi na–" Natigilan ako dahil nang matitigan ko ito ng malapitan ay napansin ko ilang mga itim na marka sa dibdib niya. "You have a tattoo, Jino?" Tanong ko rito. "Yes po, ninang." Natawa siya sa reaksyon ko. "Do you want to see it?" Tanong niya, pero hindi nito hinintay ang sagot ko at bigla nalang itinaas ang sando niya, exposing his naked torso. Isang malaking ahas ang tattoo niya sa dibdib. Actually, hindi lang ito nasa dibdib niya. Nakalandas ang katawan ng ahas paibaba sa tiyan ni Jino, sinundan ko iyon ng tingin para makita ang ulo ng ahas, pero nahinto ang tingin ko sa shorts niya. Nasa loob na ng shorts ang karugtong ng tattoo. "B-Buti at pumayag si Kelly na magpatattoo ka ng ganyan?" Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya dahil nadidistract ako sa ganda ng katawan nito. May abs kasi siya at sa kung anong kadahilanan ay namamagnet roon ang mga mata ko. "I got this three years go. Sabay kami ni dad. Ipinatattoo kasi niya ang paboritong bulaklak ni mommy sa dibdib niya. I had this to show my support." Pagkukwento niya. "Ganun ba? Maganda naman." Sabagay iba naman sa America, ordinaryong bagay nalang sa kanila ang mga tattoo. Plus mas open minded na din naman ang mga tao dito sa Pilipinas when it comes to it, kasi nga it's a form of art for others. Hiniwalay ko ang mga binili kong cereals, at mga tinapay dahil sa cabinet ito ilalagay. Hinila ko ang isang upuan para patungan at makaakyat sa counter ng maayos. I neatly arranged it inside the cabinets habang si Jino naman ay hinuhugasan ang mga karneng binili ko. Pababa na sana ako sa counter pero alanganin ang pagkakapatong ko ng paa sa upuan kaya naman nawalan ako ng balanse, pero bago pa man ako tuluyang mahulog ay may sumalo sa akin. "Careful, ninang. You'll hurt yourself." Ramdam ko ang init ng hininga niya sa bandang leeg ko. "T-Teka Jino, sandali!" Nataranta ako ng bigla nalang niya akong kargahin, at iniupo sa may lamesa. "Ninang, ako na po dito. You should rest. Magluluto pa po kayo ng dinner maya-maya. Tatawagin kita kapag tapos na ako dito." Sasawayin ko sana ito sa ginawa niyang pagbuhat sa akin. That was unnecessary dahil kaya ko namang tumayo kasi hindi naman ako nasaktan. Pero nang ngitian ako nito ay nawala nanaman ang mga gusto kong sabihin rito. "Siguro nga ay kailangan ko munang magpahinga. Kaya mo na bang tapusin lahat to?" Tanong ko. "Yes." He's still smiling innocently. "Kung ganon, akyat muna ako sa kwarto ko para magpahinga." Saad ko dito at bumaba sa lamesa. Nagmamadali akong umakyat sa itaas at nang makapasok na sa kwarto ko ay mapasandal ako sa may pinto. Paulit ulit akong huminga ng malalim to calm my nerves. What was that? Bakit bigla nalang ginawa ni Jino yun? Ganun ba talaga ang ugali ng mga taga-America? Parang wala lang sa kanila ang pagiging touchy? Should I set some rules na hindi niya pwedeng gawin iyon? Pero paano kung isipin nito na masyado kong binibigyang malisya ang mga bagay bagay? Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng marinig ang mahinang tunog ng phone ko. Nilapitan ko ang bag kong nasa kama at kinuha ang cellphone sa loob. Nakapop sa screen ang pangalan ni Viera at gusto niyong makipagvideo call. "Oh? Bakit ka tumawag?" Agad kong tanong ng sagutin ko ang tawag niya. "Wow, grabe namang bungad yan! Bawal bang tawagan ang maganda kong kaibigan?" Sagot ni Viera. "Teka, umiinom ka ba?" Tanong ko matapos marinig ang matinis niyang boses at pagmasdan ang namumula niyang mukha. "Konti lang." Ipinakita niya sa screen ang iniinom niya. "Viera!" Saway ko. "Itong isang baso lang naman. Wala naman akong kasama eh. See?" Naging house tour pa bigla ang drama ng ipinakita niya ang kabuoan ng silid ng hotel na gamit niya. "I'm so lonely all alone, sana sinamahan mo ko rito." She pouted at the screen. "Kaya mo na yan, big girl ka na." Panunukso ko at sumampa sa kama. "Hmph! Palibhasa sanay kang mag-isa lang jan sa bahay mo." Sabat niya. Pagkasabi niya nun ay agad na gusto kong sabihin sa kanya na nakahanap na ako ng magrerenta at ang anak ng isa pa naming matalik na kaibigan ang siyang umuupa ng bahay ko ngayon, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil mas gusto kong surpresahin ito sa susunod niyang pagbisita rito sa akin. Siguro kapag nandito na si Viera ay saka ko nalang pagsasabihan si Jino na huwag na ulit gagawin ang ginawa kanina. Kailangan ko din ng opinyon ni Viera if I'm just over reacting since ang gusto lang naman ni Jino ay iligtas ako di ba? "Kaya dapat masanay ka na ding mag-isa kasi poorita lang ang kaibigan mong to at hindi afford ang magbakasyon tulad sa ginagawa mo." Sagot ko sa kanya. "Ang pera, nahahanap yan, pero ang sandaling bata pa tayo, hindi na mababalikan. Dapat inienjoy mo ang life habang kaya pa ng katawan natin. Kita mo, kung nandito ka sana eh di sasamahan mo kong magboy hunting." Litanya nito. Tama naman si Viera, pero mas malala na ang kondisyon ng wallet ko ngayon, kaysa noong nakaraang nag-usap kami ng bumisita siya. "Kapag nakaipon ako, sasamahan kita." Hindi ko alam kung kailan yun pero pagbibigyan ko ang gusto niya kahit isang beses lang. "Talaga? Promise mo yan ha!" Lasing na nga talaga ang bruha. Nagtatatalon kasi ito sa kama matapos kong mangako na sasamahan siya. "Tapos magboboy hunting tayo bes para masaya!" Humiga naman ito ngayon sa kama. "Tapos itetake home natin para may kasama tayo sa bahay." Pagshare kaagad niya ng gagawin namin kapag natuloy ang sinabi kong sasamahan siyang magbakasyon. "Pass sa boylet bes. Okay na ko na mag-isa. Hindi ko kailangan ng kasama rito–" "Ninang, I'm done organizing the grocery." Hindi ko pa man natatapos ang gustong sabihin kay Viera ay bigla nalang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Ang galing naman ng timing ng batang to. "What was that?" Gulat na tanong ni Viera. Sa sobrang gulat nito ay mukhang nawala ang tama ng alak sa kanya. "Hmm?" Patay malisya kong tanong. "May kasama ka ba jan sa bahay? I think I heard some voice. Kasama mo ba si Nadine?" Sunod sunod niyang tanong at mukhang tuluyan na ngang nahimasmasan. "Mag-isa lang ako dito sa bahay." Sagot ko kay Viera. Pero mukhang minamalas ako ngayon. Matapos ko kasing sabihin iyon ay muling kumatok sa kwarto si Jino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD