KABANATA 6

1724 Words
Maybe I was just over thinking dahil pagod ako, pero parang wala lang naman kay Jino iyon pagkatapos. He backed off after a few seconds at bumalik sa upuan niya. Ipinagwalang bahala ko nalang din at kumain na kami. We talked a lot while eating kaya nawala na rin iyon sa isipan ko. This kind of feels good, na meron akong nakakausap. Lagi nalang akong kumakain mag-isa, at nagkakaroon lang ng kasama kapag binibisita ni Viera, at ang ilang bilang na pagpunta ng anak ko para bisitahin ako. But Nadine never stayed for a night here, kaya matapos niya akong bisitahin na pinakamatagal ay dalawang oras, ako nalang ulit ang mag-isa. Nagprisenta si Jino na tulungan akong magligpit ng kinainan, pero sinabi ko na ako na at ayusin nalang niya ang mga gamit niya sa itaas. Nasabi ko na din ang tungkol sa sirang gripo ng sabihin niya na maliligo muna siya. Kaya eto, habang naghuhugas ako ng plato ay naririnig ko ang paggamit niya ng shower dahil malapit lang ang banyo sa kusina. Nagfocus nalang ako sa ginagawa at dahil dun napagtanto ko na wala akong masyadong gamit dito sa kusina. For the past two years ay ilang plato, kutsara, tinidor, at mga baso lang ang gamit ko kasi ako lang naman mag-isa. Madalas ko pang nababasag ang mga mugs kapag nagkakape or naghohot choco ako kaya dalawa nalang pala itong pinagsasalitan ko ng gamit. I decided to go shopping after ko hugasan ang mga pinagkainan namin. Mamimili ako ng mga gamit sa kusina para hindi maging limitado ang mga gagamitin namin. Tingin ko mula sa pagpapaayos ng dalawang gripo sa banyo at pamimili ng mga gamit na kailangan sa bahay ay aabot ng 20 hanggang 25k ang magagastos ko. Mukhang sa maintenance mapupunta ang unang bayad sa renta. "Ninang, here." Nag-abot ito ng pera. "Para saan iyong sobra?" May sobrang 15k ang ibinigay niyang paunang bayad sa renta. Hindi naman ako sumingil ng advance payment sa kanya kaya para saan ito? "For food, Ninang. I can't cook, kaya ikaw na po sana ang bahala sa akin." He laughed. "Mana ka talaga sa mommy mo." Natawa na rin ako. Hindi na ako tumutol at tinanggap na iyon. I think it's a pretty good deal since I enjoy cooking. Hindi ko na pinasama si Jino para maumpisahan na niyang ayusin ang mga gamit niya. Una ko kaagad pinuntahan ang department store para mamili ng mga bagong plato, baso, kutsara, at iba pang gamit sa kusina. Nakita ko na lahat ang mga disenyo pero wala akong magustuhan ni alin man sa mga ito kahit ulit ulitin ko ang pag-iikot-ikot. Naalala ko na may isang shop sa second floor kung saan puro kitchen ware lang ang binebenta. They have a variety of tableware, from fancy chinaware to elegant silverware. Paboritong shop iyon ng ex-mother-in-law ko kaya doon kami bumibili ng mga kagamitan sa kusina, lalong lalo na kapag may mga okasyon. Medyo may kamahalan lang dahil halos lahat ng mga items doon ay galing pang ibang bansa. Agad akong nag-ikot-ikot ng makarating doon. Kung kanina ay wala akong mapili, ngayon naman sobrang dami, pero ang mamahal naman. There's a set of plates na umaabot ng 50k, meron ding porcelain chinaware na umaabot ng 100k mahigit, pero syempre hindi ko naman afford yun kasi below 70k nalang ang pera ko sa banko dahil nga sa pagshopping spree namin ni Viera noong nakaraan. Pero dahil pupunta ang anak ko, gusto kong maayos at maganda ang mga kagamitang gagamitin namin sa celebration ng 18th birthday niya sa bahay. Naglibot libot muna ako para makapili. "Di ba siya yung ex-daughter-in-law ni madam Sonia Paladino? Hindi ba siya nahihiya na bumalik rito? Balita ko nagrant na ang annulment nila ng anak ni madam." Naparolyo nalang ako ng mga mata ng marinig kong pinag-uusapan ako ng mga sales clerk. "Afford ba niyang bumili dito? Balita ko house wife lang naman siya." Panghuhusga ng isa pa. "Sshhh! Baka marinig ka!" Saway ng nauna, pero tumatawa ito. Hindi ko na pinansin ang mga mapanghusga nilang mga tingin at mga sinasabi laban sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagtingin hanggang sa may nakita akong purple ceramic tableware set na sobrang ganda at eleganteng tingnan. Pakiramdam ko ay magugustuhan din ito ni Nadine dahil sobrang sarap sa mata ng disenyo at kulay nito. Medyo napangiwi lang ako sa 30k na presyo nito. Pero kasi ang shop na ito ay hindi nagbebenta ng magkaparehong designs. Lahat ng nandito sa shop at walang katulad. Nag-iisa lang ito kaya kung palalampasin ko ang pagkakataon ay baka wala na ito sa susunod pagbalik ko. Siguro naman ay mababawi ko rin to agad dahil may nahanap na akong magrerenta sa bahay, tapos maghahanap din naman ako ng trabaho. "Please wrap this up." Baling ko doon sa mga sales clerk na pinagchichismisan ako. "Yes, ma'am." Dali dali namang lumapit ang mga ito na animo'y walang sinabing hindi maganda sa akin. Kinuha nila ang set mula sa pagkakadisplay at inilagay sa mga lalagyan. Pumunta naman ako sa counter para magbayad. I gave my card at the counter at wala ng urungan pa dahil na punch na ang item. "Excuse me miss!" Napalingon ako at bahagyang tumabi ng may magsalita mula sa likuran ko. I thought magbabayad din siya kaya ako tumabi, pero nakatingin ito sa akin. "Y-Yes?" Alangan kong tanong. "I got that item first." Saad ng lalaking lumapit. "Excuse me?" Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. "I got it first. Nabayaran ko na nga eh." Sagot ko rito. "I checked on that item first. Nag-ikot ikot lang ako sandali." Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil natatakpan ng black mask ang kalahati ng mukha niya. Tanging nakikita ko lang ay magandang pares ng mga mata, pero hindi ito ang tamang oras para purihin ang mga mata niya dahil base sa tono ng boses nito ay naiinis siya. "S-Sir, s-sorry po. Akala namin hindi na ninyo babalikan yung item." Natataranta ang mga babae kanina na lumapit sa amin. "I told you I'll get it!" Sumbat niya sa mga ito. Ayan, chismis kasi ng chismis, wala naman akong ginagawa sa inyong dalawa. If you minded your own business, eh di sana hindi kayo nagkamali. "Miss, can you just please give it back? Nauna ako sa item na yan." Baling ulit ng lalaki sa akin. "Sorry but I already purchased it." Sagot ko. "I reserved it." Singhal niya at sinamaan ng tingin ang mga babaeng staff. "If you really wanted it, dapat ay binili mo na agad. You know that this shop has only one of each, right?" Pagpapaalala ko rito. "That's why I reserved it because I'm still looking around." Depensa nito. "It's not my problem, mister." Sagot ko. "Ma'am, baka pwede pong–" "No." Hindi ko pinatapos ang gustong sabihin ng mga babaeng sales clerk. Maliban sa gustong gusto ko talaga iyong binili ko, dahil hindi ko naman iyon pagkakagastusan kung hindi, parang ganti ko na din sa kanila for talking behind my back earlier. Hindi naman pagmamay-ari ng mga Paladino ang shop na to kaya bakit wala akong karapatang bumalik? "Ma'am, paki fill out po ng address form kung san namin idedeliver ang mga items." Singit ng nasa counter at ibinalik ang card ko, sabay abot ng papel na tinutukoy niya. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig ng lalaki sa akin habang sinusulat ko ang address ko sa form na ibinigay sa akin. "Thank you, ma'am." Agad na sabi ng cashier ng iabot ko sa kanya ang papel. "Tomorrow morning po ang dating nito sa inyo, kaya make sure po na nasa bahay kayo ma'am." Pagbibigay impormasyon nito. Hindi ko na pinansin pa iyong lalaki at lumabas na ng shop. Sunod ko namang pinuntahan ang supermarket, at naggrocery na. Hinati ko lang muna ang binigay na pera ni Jino. Buti nalang talaga at hindi gaanong madami ang tao ngayon kaya I was able to get everything I needed and didn't worry about the line para magbayad. Nang makalabas ng supermarket ay may nadaanan akong coffee shop. Naalala ko yung ininom namin ni Viera noong nakaraan. Alam kong lasang 3in1 lang naman yun, pero naeengganyo akong bumili. Tulad ng sabi ng best friend ko, maraming cravings akong tiniis dati, kaya siguro naman deserve ko to after all I've been through. Iniwan ko ang cart ko sa may security at pumasok sa loob. May tatlong nauna sa pila pero okay lang dahil hindi naman ako nagmamadali. "Damn it!" Ilang saglit pa ay isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likuran ko. "Because of that woman, natagalan akong pumili ng panibagong ireregalo ko sa kasal ni Sarah." Pagsusumbong nito sa kausap. Parang gusto ko nalang kalimutan ang coffee ko, pero ako na ang sunod sa pila kaya nahihiya akong umalis. Bakit naman pati dito nakasabay ko pa tong lalaking to? Halos isang oras na din mula ng nagkita kami kanina sa tableware shop ah, ngayon palang sya natapos mamili? "Can I take your order ma'am?" Ilang saglit pa at ako na ang sunod sa pila. "Frappuccino for take out, please." Pag-order ko. "One Frappuccino, coming right up." Sagot ng kahera at nagbigay sa akin ng sukli. Habang hinihintay ko ang order ko ay lalo ko tuloy nararamdaman na galit na galit sa akin itong nasa likuran ko. Base sa mga narinig ko, ipapangregalo niya sa kasal ng kaibigan ang tableware set na binili ko, and that purple ang fave color ng ikakasal kaya iyon ang napili niyang bilhin, pero isang babae daw ang umagaw nun sa kanya. Hays ang kulit naman ng lalaking to! Hindi ko naman inagaw sa kanya yun. "Here's your order ma'am." Inabot sa akin ng babae ang binili ko. Kinuha ko iyon at dahandahang humarap sa likuran ko, pero nakayuko para hindi niya makita ang mukha ko habang lumalabas. 'Sana hindi niya ako mapansin.' Dasal ko sa isipan ko. I don't want to have another confrontation with this man. "Miss padagdag nga ng isang red velvet cake." Singit ng customer kanina at naitulak pa ako. "Fúck!" Sigaw ng lalaki sa harapan ko. "Oh my god, I'm so sorry!" Natataranta kong sabi. Dahil sa ginawang pagsingit ng babaeng tapos ng umorder kanina ay naitulak niya ako, dahilan para mabangga ako sa taong kaharap ko, and now he's mad dahil natapon sa suot niyang damit ang Frappuccino na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD