KABANATA 8

2933 Words
"Oh my god, may kasama ka sa bahay ngayon? You're a bad bad girl, Lilith!" Panunukso nito. "Wala! Sira ulo to! May mga nagvivideoke sa tapat kaya ang ingay. May birthday nanaman ata." Pagpapalusot ko. "Sandali, isasara ko ang bintana." Pagdadahilan ko pa pero ang totoo ay nilapitan ko si Jino sa may pinto. Iniwan ko ang cellphone sa kama ng lumapit sa may pinto. "I'll be there in a bit." Pabulong kong salubong kay Jino pagbukas ko ng pinto. "Kausap ko ang tita Viera mo. Hindi ko sinabi sa kanya na ikaw ang nagrerenta ng bahay to surprise her." Inilagay ko pa ang hintuturo ko sa labi para huwag siya gumawa ng ingay. Ginaya naman ni Jino ang ginawa kong iyon at nilagay din ang hintuturo sa labi niya sabay tumango. "I'll be in my room, ninang." Pabulong din niyang sagot at sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makapasok sa kwarto niya. Bumalik agad ako sa kama at kinuha ang cellphone. "Grabe namang bintana yan." Agad na sabi ni Viera ng makita ulit ang mukha ko sa screen. "Sorry naman." Natatawa kong sagot. "Akala ko may ginagawa ka ng rated sgp jan eh. Wala ba talaga?" Ayaw pa rin nitong tumigil sa panunukso. "Wala nga, gaga to!" Pinakita ko sa kanya ang kamao ko. "Hays, ang boring naman ng buhay natin. Walang excitement. Kailan kaya magkakaroon ng excitement ang mga buhay natin, bes?" Sentimyento nito. "Oh, akala ko ba kaya ka nanjan kasi magboboy hunting ka?" Sagot ko. "Peste kasing Simon yun!" Mura niya sa namayapang asawa. "Masyadong tinaasan ang standards, wala tuloy akong makitang iba! Pati one night stand gusto ko pasok sa standard na pinadama niya sa akin noon." Paglalabas nito ng saloobin. "Oh, tama na yan baka mamaya umiyak ka nanaman jan." Kapag nalalasing siya ay doon lumalabas ang totoo niyang nararamdaman. Na nasasaktan pa din siya sa pagkawala ng asawa niya. "Wag ka ng uminom at baka masobrahan ka." Paalala ko. "Wag na nga nating pag-usapan ang tungkol sa mga malulungkot na bagay." Bumuntong hininga ito. "So, nakapagready ka na ba sa magiging celebration ninyo ni Nadine ng birthday niya?" Tanong nito. "Hindi pa ako nakakapag-isip sa mga lulutuin ko, pero bumili ako kanina ng tablewares na gagamitin. I wish magustuhan ni Nadine yun, muntik pa akong makasapak para lang sa mga yun." Pagkukwento ko. "Ha? Bakit anong nangyari?" Bigla itong umupo ng maayos at mukhang handang makipagbardagulan. "Oh, kumalma ka lang! I handled it well, kaya okay na." Pagkakalma ko sa kanya. "Ano ba kasing nangyari?" Usisa nito. "Para kasi akong nalove at first sight dun sa mga tablewares kaya ng makita ko binili ko na agad. Alam mo naman sa Pearl Plate," Pangalan ng shop na pinuntahan ko kanina. "They only sell one of each design kaya ng makita ko ay binili ko na agad. Pero nang nasa counter na ako at tapos ng magbayad ay may lumapit na lalaki at sinasabing siya daw ang nauna sa item na yun, and reserve it. Tumitingin tingin lang daw siya sa ibang items. The sales clerk forgot about it kaya hindi ako nasabihan, and since nabayaran ko na, it's mine. Kaya ayun, nagalit yung lalaki at nagkasagutan kami." Hindi ko na kwinento na abala kasi sa pagchichismis tungkol sa akin yung dalawang sales clerk dahil baka balikan ni Viera. Doon din kasi siya namimili. "Ayiiieee, tapos?" Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon niya. Parang kitikiti na natutuwa. "Anong ayiiieee? Nakikinig ka ba sa kwento ko? Ang sabi ko nagalit yung lalaki at nagkasagutan kami." Ulit ko sa sinabi ko. "Oo nga, tapos?" Halos idikit na nito ang mukha niya sa screen. Puro mata na niya ang nakikita ko. "Ayun umalis na ako para mag grocery, pero pagkatapos nagkita nanaman kasi sa isang coffee shop kasi dumaan muna ako para bumili bago umuwi. Ang problema, hindi sinasadyang natapunan ko siya ng Frappuccino, kaya ayun, nagalit lalo." Pagpapatuloy ko sa kwento ko. "Kyaaaaaah sana all ang beshy ko!" Nagtititili ito. "Hoy loka loka!" Pagtawag ko sa atensyon nito dahil nagtatalon nanaman. "Anong tinitilitili mo jan? Parang sira ulo to." Hindi ko makita kung anong kinatutuwa niya. "Bes, ganyan na ganyan ang umpisa ng mga nakakakilig na love story." Deklara niya. "Sa kdrama at libro, oo. Pero in real life hindi!" Pagwasak ko sa imagination niya dahil baka kung saan pa mapunta. Isa pa, after ng ginawa ko, ayoko na ulit makita ang lalaking yun. Tinakasan ko ba naman. "Panira talaga tong babaeng to. Malay mo naman. You know may mga bagay sa mundo na nangyayari for a reason. You meet the one in unexpected ways, you know." Sabat niya habang nakangisi. "Ewan ko sayo. Basta, ayoko na ulit makita pa ang lalaking yun. Sigurado akong nagalit iyon sa ginawa kong pag-eskapo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi kdrama ang buhay kaya walang nakakakilig sa nangyari, lalong lalo pa at kitang kita ko sa lalaking iyon ang pagkainis niya sa nangyari. He probably hates me even more nang takasan ko ito. "Bes, balitaan mo ko pagmay part two! Kyaaah, kikiligin nalang talaga sa love life ng iba." Deklara niya. "Hoy, loka loka! Nasobrahan ka lang ng alak na iniinom. Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo." Sita ko rito. "Anyway, anong oras na. Nagluluto pa ako ng dinner. Bye na." Paalam ko rito. "Fine. Matutulog nalang din muna ako since good mood na ko ngayon. Basta balitaan mo ko ha!" Kumaway kaway ito. "Ewan ko sayo." Naparolyo nalang ako ng mga mata ko. "Bye na." Ulit ko at tinapos na ang video call after kong kumaway din sa kanya. Bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto. Pero habang nagluluto ay hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabi ni Viera, hindi dahil kinikilig din ako o natutuwa, kundi dahil sa posibleng gulo na pwedeng mangyari kapag nagkita kami ulit. Kaya naman habang abala ako sa pagluluto ay pinagdadasal ko din na sana hindi na muling magtagpo pa ang mga landas namin. Umakyat ako sa itaas para tawagin si Jino, pero nakakailang katok na ako ay hindi niya pinagbubuksan ang pinto, at wala rin akong naririnig na kahit na anong sagot mula sa loob. Nakatulog kaya siya? Kumatok ulit ako, pero tulad sa mga nauna ay wala pa rin talaga. Sa pagkakataong ito ay pinihit ko ang pinto at binuksan ng kaunti. "Jino?" Pagtawag ko sa kanya. Nang wala pa rin ay binuksan ko na ang pintuan dahil medyo kinakabahan na din ako. I saw him laying on his bed, at mukhang mahimbing ang tulog nito. Nakapatay ang ilaw at tanging lampshade lang niya ang nakasindi. Pumasok ako sa loob at marahang tinawag ang pangalan niya. "Jino, dinner is ready." Pagtawag ko sa kanya, nasa gilid na ako ng kama at nakatayo, pero wala pa din itong reaction. Napakahimbing naman ng tulog ng batang to. "Jino?" Muli kong tawag, at sa pagkakataong ito ay marahang inalog ang balikat niya. Kapag hindi pa din siya nagising ay hahayaan ko nalang siya dahil baka napagod sa ginawa ngayong araw. At nang hindi nga siya kumibo ay inalis ko na ang kamay ko sa balikat niya. I'll just reheat his food later, tutal may microwave naman. Aalis na sana ako ng bigla nalang may humawak sa kamay ko at hinila ako. "Aahhhh!" Napatili ako sa bilis ng pangyayari, at nang idilat ko ang mga mata ko ay nakapaibabaw na ako sa walang saplot na pang-itaas ng inaanak ko. "J-Jino anong ginagawa mo?" Natataranta kong sabi at sinubukang tumayo, pero hindi ko magawa dahil nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko. Nakatitig lang siya sa akin at walang sinasabing kung ano. "J-Jino, pakawalan mo ko!" Sa pagkakataong ito ay nilagyan ko ng awtoridad ang boses ko, pero katulad kanina ay hindi ito kumibo at nakatitig lang sa akin. Mas nataranta ako ng igalaw niya ang isang kamay at ihinaplos sa mukha ko. He's caressing my face, without breaking his eye contact with me. "Ninang, napakaganda mo." Usal niya na nagpagulat sa akin. "You're so fûcking beautiful." Ulit pa nito habang hinahaplos pa din ang mukha ko. "A-Ano bang pinagsasasabi mong bata ka!" Nagpumiglas ako para makatakas sa pagkakayakap niya, at nang makawala ay pinaandar ko ang ilaw. Nakapikit na ulit ito ng tingnan ko at nang lapitan ko ay mahinang humihilik pa. "Did he sleep talk?" Bulong ko. Hindi ko na siya ginising pa at hinayaan nalang. Bumaba ako at bumalik sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Mabilis pa din ang t***k ng puso ko sa mga narinig at ginawa nito. Ramdam na ramdam ko pa din ang init ng kamay niya sa pisngi ko. That night ay kumain akong mag-isa. Tinakpan ko nalang ang pagkain niya at nag-iwan ng note sa fridge na ireheat nalang niya ang pagkain. Sinabi ko din na tinawag ko siya pero mukhang mahimbing ang tulog nito. Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog dahil sa nangyari. Kahit na anong paikot ikot ko sa kama ay hindi ako makatulog. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang mukha ni Jino habang hinahaplos niya ang mukha ko. Pakiramdam ko tuloy hindi nalang ang pisngi ko ang mainit, kundi kumalat na din ito sa ibang parte ng katawan ko. "Ang sarap nyo po talagang magluto, ninang." Papuri ni Jino sa niluto kong breakfast. Sumikat nalang ang araw at hindi man lang ako nakatulog. Wala akong ibang nagawa kundi ang bumaba to prepare breakfast. Gusto ko sanang komprontahin si Jino sa ginawa niya kagabi, pero paano ko sasabihin sa kanya yun kung parang wala itong naaalala? "Sayang, hindi po tayo sabay na kumain kagabi. Napasarap ang tulog ko." Saad nito. "K-Kaya nga hindi na kita inistorbo kagabi." Sagot ko. Mukhang wala nga talaga siyang ideya sa ginawa niya kagabi. He has no idea that what he did, and said to me made stay awake all night. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa din ang papuri na sinabi niya sa akin. "By the way Jino, may sasabihin nga pala ako," Because I can't confront him about something he doesn't remember, kakalimutan ko nalang iyon at iisipin ang mas importanteng bagay. "You know my daughter right?" Though hindi pa sila nagkikita at nagkakilala ni Nadine personally, dahil noong nagbakasyon sila Kelly rito noong nasa mga labing dalawang taon palang si Jino at labing isa naman ang anak ko ay mas pinili ni Nadine ang sumama sa bakasyon ng family ni Pierre sa Tagaytay kaysa sumama sa akin para makilala ang pamilya ng matalik kong kaibigan na nagbabakasyon sa Pilipinas. Alam kong sinadya ng ex-mother-in-law ko na itaon ang araw ng bakasyon nila sa araw ng pagdating nila Kelly para hindi ko maisama si Nadine. Dalawang linggo palang bago ang pagdating ng kaibigan ko ay ipinaalam ko na kay Pierre ang tungkol dito at pumayag naman ang asawa ko, pero isang linggo bago dumating ang mga ito ay nagplano ng 6 days vacation ang mama ni Pierre at sa kanila sumama ang anak ko. "Yes, ninang. If my memory was right, her name is... Nadine?" Sagot sa akin ni Jino. "Yes. Umm, kasi, 18th birthday niya next week. At dahil sa nangyari sa amin ng dati kong asawa, hindi ako makakapunta sa debut ng anak ko." Masakit pa din sa parte ko, pero wala naman akong magagawa. "Umm, napag-usapan kasi namin na magcecelebrate nalang kaming dalawa na magkasama to make it up to it. Dito sana sa bahay eh, pwede ba?" Paalam ko rito. "Bakit ka po nagpapaalam sa akin? This is your house, ninang. You can do whatever you want." Sagot niya sa akin. "Ha? Eh syempre ikaw ang nakarenta sa bahay na to. You pay me 15k a month for the whole house, kaya parang iyo ito." Sagot ko. "Para naman po kayong ibang tao. Do whatever you want, ninang." Nakangiti nitong sabi. "Thank you, Jino. Don't worry, isang araw lang naman." I assured him. Nag-usap pa kami sandali, at tulad sa mga nauna ay tinulungan niya akong magligpit. He washed the dishes at nang matapos ay umakyat na sa itaas. Bumalik rin ako sa kwarto ko dahil kailangan ko ding planuhin ang mga gagawin ko para sa araw na kami naman ni Nadine ang magcecelebrate. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na silipin ang social media ng anak ko, at doon nga nakita ko na abalang abala na sila sa preparations. Nakapost din sa wall nito ang invitation para sa debut niya, invitation na ako na sariling ina ay hindi nakatanggap. At para bang kulang pa ang sakit, sunod ko namang tiningnan ang account ni Pierre, at may iilang posts ito ng pictures simula ng magrant ang annulment namin. Matinding kirot ang naramdaman ko ng makita kong magkasama sila ni Eula sa isang dinner kasama ang anak ko at pamilya ng dati kong asawa. Sa mga photos dati ay ako ang nasa tabi ni Pierre, pero ngayon ibang babae na ang nasa tabi niya at mukhang masayang masaya ito. Itinigil ko ang ginawang pang-iistalk sa mga social media nila at nagpakaabala nalang sa pagpaplano sa gagawin ko at mga ihahanda na gusto ng anak ko. The whole week I was busy preparing too. At nang sumapit nga ang araw ng debut ni Nadine ay hindi ko nanaman napigilan na silipin ang mga social media nila to see their posts. Napakaganda ng anak ko sa suot niyang gown. Lahat ata ng myembro ng pamilya ni Pierre na friends ko pa din sa social media ay sinilip ko na. Kasama na roon ang ex-mother-in-law ko na may ilang posts pa na parang mayroong pinatatamaan, at mukhang ako iyon. Dahil masaya na daw silang pamilya at kung ano ano pa. Naiiyak nalang ako sa loob ng kwarto ko habang tinitingnan ang kasiyahan nilang pamilya na dapat ay kasama ako, pero heto at hindi. Kinabukasan ay agad akong nagmessage kay Nadine kung kailan kami magkikita, at himala namang nagreply agad ang anak ko. Ang sabi niya ay bukas kaagad dahil gusto na daw niya akong makita at mayakap. Dahil sa sinabi niyang iyon ay nawala lahat ang sakit na naramdaman ko kagabi. Excited akong namili ng mga decorations na ilalagay ko sa sala, at nang mga ingredients para sa iluluto ko sa anak ko. At kinabukasan nga ay maaga pa akong gumising para magready. Alam kong dinner ang usapan namin, pero umaga palang sa sobrang excitement ko ay kumilos na ako. Tinulungan pa nga ako ni Jino na magdecorate sa living room, at nang matapos ay bumalik na ulit ako sa pagluluto. Nagbake din ako ng cake para rito, at around 5:30PM ay natapos ko na lahat. "What do you mean aalis ka? Sabayan mo na kami na magcelebrate para makilala mo na din ang anak ko." Pagyaya ko rito. "There's a lot of time for that, ninang. Sa ngayon, special day nyong dalawa ito kaya you should celebrate it alone with her." Sagot ni Jino sa akin. "Sigurado ka ba?" Tanong ko. "Yes, ninang. I'll be back around midnight." Pagkasabi niya noon ay umalis na nga siya. I waited patiently sa pagdating ng anak ko, she knows this place at may driver naman siya. Pero lumalim na ng lumalim ang gabi ay hindi pa din ito dumadating. Hindi din niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Sinubukan kong tawagan si Pierre pero mukhang blinock na niya ako. Paikot ikot na ako sa sala ng makatanggap ng text message around 10PM mula sa anak ko, and my heart sank when I read her text message. Hindi daw siya makakapunta dahil nagset ng dinner ang tita Eula niya with her friends in the modeling industry at naroon daw ang paborito niyang modelo ng damit at pabango. Napaupo nalang ako at napaiyak dahil dun. Hindi ako makapaniwalang bigla nalang itong magcacancel para lang sa dinner na hinanda ng babaeng iyon na sumira sa pamilya namin. Ang sabi pa nga niya ay excited na siyang makita ako, tapos ngayon ito ang mangyayari? Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay kinuha ko ang wine na nasa fridge at nagpakalulong sa alak. Sinira ko ang decorations na pinagtulungan namin ni Jino kanina at umiyak lang ng umiyak habang tinutungga ang bote ng wine. Naramdaman ko na may umaalog sa balikat ko at gumigising sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong umiiyak at nakaidlip sa sala, pero ng marinig ko na may tumatawag sa akin ay agad akong nabuhayan ng loob dahil baka si Nadine na iyon at pinuntahan ako, pero ang mukha ni Jino ang siyang bumungad sa akin. "Jino..." Humihikbi kong tawag sa pangalan niya. "Ninang, what happened here?" Tanong niya. "Hindi dumating ang anak ko." Para akong batang nagsusumbong sa kanya. "Tama na yan, ninang. You're drunk." Kinukuha niya sa kamay ko ang bagong bote ng wine na kinuha ko sa fridge bago ako nakaidlip. "Ano ba, akin to ehhh." Sagot ko sa kanya at niyakap ng mahigpit ang bote. "Yes, but you're already drunk." Ulit niya. "Bakit ba? Gusto ko lang namang makalimot sa nangyari, pati ba naman yun hindi pwede?" Sumbat ko. My head is spinning, pero nasa katinuan pa naman ako ng sabihin ko iyon sa kanya. "Gusto ko lang naman makalimot, Jino. Ang sakit sakit na kasi!" Itinuro ko pa ang puso ko. Sobrang hindi ko na kaya ang sakit. "Kung gusto mong makalimot ninang, tutulungan kita." He utter. "Talaga? Sasamahan mo akong uminom? Kumuha ka ng baso at tatagaya–" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang akong hilahin ni Jino palapit sa kanya at ilang saglit pa ay nagtama ang mga labi naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD