bc

SABIK KAY NINANG

book_age18+
4.5K
FOLLOW
45.5K
READ
dark
HE
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

[WARNING: RATED SPG]

Sa edad na tatlumpu't tatlo ay hiwalay na sa asawa si Lilith matapos ang halos labing walong taon nilang pagsasama. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa sa magulong kinahantungan ng buhay niya, idagdag pang isang lalaki ang dumating sa buhay niya at nagpapahiwatig nang nararamdaman nito para sa kanya. Magawa kaya niyang umibig muli kung ang nagbabadyang pag-ibig ay bawal?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
"Huwag na huwag mo na ulit ipapakita sa akin yang pagmumukha mo!" Ang mga unang katagang binitiwan ni Pierre sa akin matapos magrant ang annulment naming dalawa na halos dalawang taon din ang inabot bago nafinalize, sa tulong na rin ng kaibigang Judge ng pamilya Paladino. Hindi ako makapaniwalang ganoon nalang natapos ang labing walong taong pagsasama naming mag-asawa. Alam kong matagal ng walang spark ang pagsasama namin, pero hindi sumagi sa isipan ko na tuluyan siyang makikipaghiwalay sa akin at ipapawalang bisa ang kasal namin dahil mayroon kaming anak. I thought Pierre would stay for the sake of our daughter, pero mukhang walang makakapigil rito para tuluyang makalaya sa akin. I even thought of fighting for our relationship until the end, pero ito na talaga ang bumitaw. Mas mabuti na nga siguro na maghiwalay kami, dahil hindi ko na rin masikmura ang lantarang pang-gagago niya sa akin. Dalhin at patirahin ba naman nito ang kalaguyo sa bahay naming dalawa, at sa halip na pagsabihan ng biyanan ko si Pierre ay suportado pa nito ang ginagawa ng kanyang anak. Sabagay, simula palang ng una ay hindi na ako tanggap ng pamilya Paladino, at hindi ako ang gusto nito para sa anak niya. Nabuntis ako Pierre noong labing limang taong gulang palang ako at labing siyam naman ito. It wasn't my proudest moment, nadala lamang kami ng kapusukan at hindi ko akalaing magbubunga ang mainit na gabing pinagsaluhan namin. Pierre's family is conservative, lalo na ang lolo nito, kaya naman ng malaman ng matandang Paladino na nakabuntis ang apo niya ay agad nito kaming ipinagkasundo ni Pierre na magpapakasal kapag pagsumapit na ako sa tamang gulang. And true to his words ay ipinakasal nga niya kami ng oras na sumapit ako sa wastong gulang, kahit pa ba tutol ang mga magulang ng mapapangasawa ko. Pero wala naman silang magawa dahil sa banta ng lolo nito na aalisan ng mana ang apo kapag hindi niya ako pinanagutan dahil magdudulot iyon ng kahihiyan sa pamilya, lalo pa at ipinanganak ko na si Nadine na noon ay tatlong taong gulang na. At dahil itinakwil na ako ng mga magulang ko noong nalaman nilang nabuntis ako ay pumayag akong tumira sa pamamahay ng mga Paladino kaysa ang magpalaboy laboy sa daan. Dahil din sa pagbubuntis ko ay kailangan kong huminto sa pag-aaral kahit dalawang buwan nalang sana ay gagraduate na ako ng high school. Fourth year na ako nang mangyari iyon, and if Don Santino Paladino didn't pull a few strings that time ay baka hindi ko nakuha ang diploma ko sa high school. Kaya ganoon nalang ang pasasalamat ko kay Don Santino na tanging tumuring sa akin bilang pamilya sa malaki at malungkot na mansion ng mga Paladino. Nagpatuloy naman sa pag-aaral si Pierre na noon ay malapit ng magtapos ng kolehiyo. Kaya ganun nalang din ang galit sa akin ng mama ni Pierre, dahil kamuntik ko pa daw masira ang pag-aaral ng anak niya. Mabuti nalang at kaibigan ng pamilya ang Dean at Principal ng paaralang pinapasukan ni Pierre kaya hindi ito nagkaroon ng problema. Ako ang sinisisi ng mother-in-law ko sa nangyari at inaakusahang inakit ang anak at sinadyang magpabuntis rito, pero malayo iyon sa katotohanan. Si Pierre ang lumapit sa akin at nag-ayang makipagsayaw matapos mang-gate crash ng mga ito sa Dance Night ng school namin. Nasa same hotel building lang kasi ang ginaganap na Acquaintance Party ng university nila Pierre. Ang tanging kasalanan ko lang ng gabing iyon ay nahumaling ako sa kagwapuhan at nadala sa matatamis nitong salita, kaya ng niyaya ako nito na lumabas sa may parking area ay doon ko na naibigay ang pagkabirhen ko matapos niya akong masidhing halikan, at ang bunga nga ng mapusok na gabing pinagsaluhan namin ay si Nadine. Mahirap ang naging buhay ko sa poder ng mga Paladino, ang pakikisama sa ina ni Pierre, at ang panganganak ko noong labing anim palamang ako. Pero wala naman akong pinagsisihan sa mga nangyari dahil sa anak kong si Nadine na siyang tanglaw at pinagmumulan ng kaligayahan ko lalo na noong namatay si Don Santino dalawang taon na ang nakararaan. Matapos ang libing ng matanda ay siya ring agad na pagbabago ng asawa ko. Na para bang hinihintay lang nito ang kamatayan ng lolo niya para maitakwil ako tulad ng gustong mangyari ng mga ito noong pinagbubuntis ko palang ang anak namin. Mula sa court house ay umuwi akong mag-isa sa tinitirahan kong bahay. It's a two storey house na ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Buong akala ko ay tuluyan na nila akong kinalimutan noong maaga akong nabuntis at itinakwil ng mga ito, ni hindi man lang nga nila kinilala ang apo nilang si Nadine, kaya ganoon nalang ang gulat ko ng ipatawag ng abogado at napasama sa last will ng mga magulang ko. Sa kasamaang palad ay namatay sa aksidente sila mommy at daddy nine years ago, at kung hindi dahil sa pinamama nilang bahay at kaunting pera sa akin ay wala akong mapupuntahan noong hiwalayan ako ni Pierre. Pinalayas kasi agad niya ako ng mag-umpisa ang proceedings ng annulment namin. Ni hindi man lang nga niya ako binigyan ng kahit na ano sa settlement ng hiwalayan namin dahil kay Nadine mapupunta ang mga properties nito, na wala namang kaso sa akin basta para sa kinabukasan ng anak namin. Nang makaupo sa sofa ay agad kong sinilip ang cellphone ko para tingnan kung may message ba mula kay Nadine, pero walang kahit na anong notification mula rito. Alam kong may tampo siya sa akin dahil sa nangyaring annulment namin ng daddy niya, pero gusto ko lang malaman kung ano ba ang gusto nitong regalo para sa 18th birthday niya na gaganapin dalawang linggo mula ngayon. Ilang araw ko ng hinihintay ang reply niya. Alam kong walang material na bagay na itong mahihiling dahil laging spoiled si Nadine sa ina ni Pierre. Buong akala ko nga noon ay pagmamalupitan din ng biyanan ko ang magiging anak ko kapag naisilang ko na ito, pero nagkamali ako dahil mahal na mahal si Nadine ng ina ni Pierre. Lagi itong may mga pasalubong na mamahaling laruan at mga damit, at nang magdalaga na ang anak ko ay parati itong mayroong mga bagong gadgets, alahas, branded bags no matter how expensive they are. Katunayan ay mayroon na itong sariling kotse sa edad na labing lima pa lang, at sa tuwing sinasabi ko sa biyanan ko na masyadong magara ang mga regalo nito para kay Nadine ay nagiging sanhi lang ng away naming dalawa, at ni minsan ay hindi ako kinakampihan ni Pierre patungkol rito. Aminado ako na ito ang dahilan kung bakit may pagkaspoiled brat si Nadine. Hindi ako nakatiis at tinawagan na ang number nito, nasa mansion siya ng daddy niya at doon nito piniling manatili sa halip na sa akin. Ayaw kasi nitong tumira sa tinitirahan ko dahil maliit daw at mas gusto niya ang malaki at maganda niyang silid sa poder ng ama. Hindi ko naman masisisi ang anak ko dahil walang wala itong bahay ko sa bahay na minana ni Pierre sa lolo niya. "Mama, ano ba! Nagpopool party kami ng mga friends ko. Mamaya na po kayo tumawag!" Aborido ang boses nito, pero kahit na ganun ay masaya pa rin akong marinig ang boses nito. Ito ang unang beses na narinig ko ang boses ni Nadine in the past two weeks because she refuses to see me. "Baby ko gusto ko lang sana malaman kung ano ang gusto mo sa birthday mo." Malambing kong sabi rito. "Eww, stop calling me like that! Hindi na ako bata. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan ko if they hear you call me that?" Inis itong bumuga ng hangin. "At hindi nyo na ako kailangang regaluhan. Lola-mommy already gave me what I want." As usual ay inispoiled nanaman ito ng ina ni Pierre. "Isa pa hindi naman kayo invited sa 18th birthday ko. Ayaw ni daddy na makita ka, remember? At saka invited si tita Eula. Ayoko ng gulo sa special day ko." Isang kirot sa puso ang naramdaman ko sa sinabi ni Nadine. Invited ang kabit ng dati kong asawa sa debut ng hija unika ko, pero ako na sarili nitong ina ay hindi imbetado. "Pero Nadine anak, gusto kong makasama ka sa special day mo. It's your 18th birthday, hindi naman siguro magagalit ang daddy mo if pumunta ako. Maiintindihan naman siguro niya yun. I'm your mother." Pagpipilit ko kahit pa ba sinabi ni Pierre kanina na ayaw na niya akong makita kahit kailan. "Mama! Ang kulit mo! Gusto mo ba akong mapahiya sa mga bisita ko? Ano nalang ang iisipin nila kapag pumunta ka? Eh hiwalay na nga kayo ni daddy, di ba? Bakit mo pa ba pinipilit ang sarili mo dito? Si tita Eula okay lang na pumunta siya dahil isa siyang sikat na model at gusto siyang makilala ng mga friends ko!" Dumoble ang kirot na naramdaman ko ng mas pinipili ni Nadine ang kabit ng daddy niya kaysa sa akin na ina nito. "Isa pa, wala ka namang pera so don't bother about giving me a gift. Kay daddy nalang ako hihingi. Hindi mo din naman afford ang iba pang gusto ko. Bye na mama." Nagmamadali nitong dugtong at bago pa man ako makasagot ay ibinaba na nito ang tawag. Nasaktan ako sa huling sinabi ni Nadine. Pero totoo naman ang mga sinabi nito. Halos nauwi lang sa abogado ang perang minana ko, and right now kung hindi ako kikilos ay mauubos na ang naitabi kong pera na sa tingin ko ay dalawa o tatlong buwan nalang ang itatagal. Hindi ko alam kung makakahanap ba ako ng trabaho kasi hindi ako nakapagkolehiyo. Ibinuhos ko ang oras sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak ko. Nahihiya din akong dumaing kay Pierre noon na gusto kong bumalik sa pag-aaral ng medyo malaki at hindi na alagain si Nadine. Mas lalong nahihiya akong tanggapin ang alok noon ni Don Santino na paaralin ako. Sigurado kasi akong hindi magiging maganda ang reaksyon ng biyanan kong babae, at magiging sanhi lang iyon ng away namin. Tatawagin nanaman ako nitong pabigat, oportunista, at kung ano ano pang masasakit na mga salita. Bumuntong hininga ako at tumayo. I'm now thirty-three, annulled, and has nothing. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang panibagong yugto ng buhay ko ng mag-isa Pero kailangan akong subukan para na rin sa kinabukasan ng pinakamamahal kong anak. Kinuha ko ang illustration board na sinulatan ko ng ilang mga kataga at lumabas sa may gate. 'APARTMENT FOR RENT' Ipaparenta ko muna ang buong bahay, at sa attic sa itaas muna ako titira. Kailangang magkaroon ako ng pagkukunan ng pang-araw araw na gastusin habang sinusubukan ko pang isipin ang mga susunod kong gagawin sa buhay.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook