KABANATA 5

1659 Words
Hindi ako makapaniwalang naresolba na ang problema ko patungkol sa pagpapaupa ng bahay. Pero mukhang kailangan ko agad makahanap ng trabaho dahil sa halip na 25k ay bumaba sa 15k ang renta. Pero kahit na ganun ay masaya pa din ako dahil ang inaanak ko ang siyang magiging tenant ko. I know the house will be safe at iingatan nito. Plus, pumayag pa ito na dito pa din ako tumira sa halip na sa attic. Hindi kaagad ako nakatulog kaya naman nabalingan ko ang mga pinamili namin ng best friend ko at tiningnan ang mga laman. Most of this are chosen by Viera dahil wala daw siyang tiwala sa fashion sense ko. Inadapt ko na daw kasi ang fashion statement ng mother-in-law ko. Anong magagawa ko? Kahit gustuhin kong magsuot ng mga sexy na damit para sa asawa ko ay magagalit ito. Masyado na daw akong matanda para magsuot ng mga hapit na damit. Partida nasa mga twenty two palang ako noon. Dahil sa mga payo nila Kelly at Viera ay gusto kong magmukhang kaaya-aya para sa sarili ko at para kay Pierre. But my mother-in-law would always call me out for it, at sinasabing lumalandi lang daw ako dahil malaki na si Nadine. She's six that time at pumapasok na sa school. Sumasama ako sa paghatid at pagsundo, but according to Pierre's mom ay may katatagpuin lang ako kaya gusto kong magsuot ng mga ganoong estilo ng damit. Pero ang totoo, isa sa mga rason kung bakit ko gusto kong magsuot ng mga ganun ay para bumalik ang gana sa akin si Pierre. Gusto kong bumalik ang init ng pagsasama namin, dahil halos hindi na niya ako sinisîpingan. At nang mga panahong iyon, gusto kong masundan na namin si Nadine, but now looking back at it, buti nalang at hindi na ako nabuntis ulit kahit nagsiping kami ng makailang ulit bago tuluyang nanlamig sa akin ang asawa ko. Now that I think about it, we haven't been intimate for over eight years, and I would often pleasure myself kapag may mga panahong matindi ang init ng katawan ko at hinahanap ang katawan ko ang mga pagpapaligaya ni Pierre sa akin. Teka! Ano ba tong pinag-iiisip ko? I shook my head at nag-umpisang hubarin ang suot ko, saka tumayo sa harap ng salamin at sinukat ang isa sa mga pinili ni Viera para sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng yakapin na ng tela ang hubog ng katawan ko. Laging maluwag na blouse ang suot ko kaya halos hindi ko na napapansin ang katawan ko. Tama nga si Viera, I still have the curves kahit may anak na ako. Medyo awkward lang itong dress dahil kita ang cleavage ko, but it isn't bad dahil nabibigyang hustisya ng malalaki kong dibdib ang disenyo ng damit. Madami din naman akong nakikita na mga nanay na pero nagsusuot ng mga ganito at suportado naman ng mga asawa nila. If they can, why can't I? Tulad ng sabi ng matalik kong kaibigan, I'm single now. Sinukat ko pa ang ibang binili namin at minodelo iyon lahat sa harapan ng salamin, mula sa mga sleeveless na pang-itaas hanggang sa mga nag-iiksiang shorts. Hindi ko nga alam kung seryoso ba si Viera ng sabihin niyang pékpék shorts ang tawag dito. Medyo awkward din dahil ito ang mga tipo ng damit na pinagbabawal ko sa anak ko, tapos ngayon sinusuot ko. Siguro itong mga maiiksing shorts ay pwede kong suotin dito sa bahay, pero hindi pwede sa labas. Biglang lumabas sa isipan ko ang mukha ni Jino. Oo nga pala, dito na titira ang inaanak ko. Hindi ko din ito maisusuot. Itinabi ko ang mga sobrang iksing shorts at skirts, at hiniwalay ang mga pwede kong suotin. The dresses are all okay, kaya isinama ko sa mga shorts na pwede kong maisuot. Lalabhan ko ang mga ito habang naglilinis ng mga kwartong gagamitin ng inaanak ko. Sunod ko namang binalingan ang mga skin care na kabilin bilinan ni Viera na gamitin ko na ngayong gabi. Hindi ko alam pero ang refreshing ng ginagawa ko sa mukha ko, kaya kahit na ang dami ng steps na kailangan gawin ay ginawa ko. Mula cleanser, toner, mga serums, at itong moisturizer na pinagtalunan namin kanina dahil ang mahal mahal. Nang matapos ko na ang lahat ng steps ay nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Sobra akong naging focus sa papel ko bilang asawa, ina, at manugang, na halos nakalimutan ko ng alagaan ang sarili ko. The annulment proceedings, panglalait mula kay Pierre, at sa pamilya, kahit ang mismong kabit niya ay nilalait lait ako, and the hell I experienced this past two years habang nasa korte, and even the coldness of my own daughter made it worse. "Pero wag kang mag-alala Lilith. Simula ngayon, aalagaan na kita." Kausap ko sa repleksyon ko. "Maganda ka!" Sabi ko pa rito. Aayusin ko ang buhay ko para hindi na nila ako malait pa. And I'll start by taking good care of myself, physically and emotionally. Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko habang kinakausap ang repleksyon ko. That night, I bawled my eyes out, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. Nagising ako na hindi nakapagpalit ng damit at mataas na ang sikat ng araw. It's now 9am, at ang sabi ni Jino ay pupunta siya kaagad kapag naayos na niya ang mga gamit niya. He didn't give me an exact time kaya naman sobra akong nataranta na hindi ko pa naihahanda ang dalawang kwarto na sinabi ko sa kanya. Nagbihis ako at nagtimpla ng hot chocolate at kinuha ang natirang slice bread saka dumiretso sa master's bedroom and started vacuuming the room. Hindi naman marumi dahil nililinisan ko naman ang mga kwartong hindi ko ginagamit at least twice or thrice a week. Nagpalit lang ako ng kurtina sa kwarto at bedsheets. Nilinisan ko rin ang banyo at nilagyan ng mga toiletries. Sasabihin ko nalang kay Jino mamaya na sa ibabang cr muna ang gamitin niya habang naghahanap pa ako ng mag-aayos ng mga gripo sa dalawang banyo sa itaas. Sunod ko namang nilinisan ang kasunod na kwarto. It's my dad's office area kaya naman may work table at swivel chair na sa loob. Pwedeng pwede na magamit ni Jino. May built-in bookshelf din kaya tingin ko ay convenient ito na magamit niya bilang study room. Nagvacuum lang din ako at nagtanggal ng mga alikabok sa bookshelf kung meron man, and changed the curtains too at may ilang paintings sa hallway na nilipat ko sa loob para hindi boring tingnan ang pader. Dahil hindi naman madumi ang dalawang kwarto ay natapos ko ang paglilinis within two hours. Nang natapos ay umupo ako sa sala, malapit na palang maglunch. Maybe I should start cooking. Baka hindi pa kumakain iyon pagdating dito. Pumunta ako sa kusina at tiningnan ang laman ng fridge. Hindi pa pala ako nakakapag grocery, pero may pwede pa naman akong lutuin. Naglabas ako ng karne at mag-aadobo nalang ako dahil mabilis lang lutuin. Matapos hiwain ang lahat ng kailangan ay nag-umpisa na akong magluto, at habang hinihintay na lumambot ang karne ay nagsaing naman ako. At ilang minuto lang ng maluto ang kanin ay tumunog ang doorbell. "Jino," Ito ang bumungad sa akin ng buksan ko ang gate. "Good afternoon, Ninang." Masayang bati nito. He only has two huge suitcases with him nang dumating. Agad ko siyang pinapasok at ipinakita sa kanya ang kwartong gagamitin niya. "This room is really for me?" Tanong niya. "Oo. Hindi mo ba nagustuhan?" Kabado kong tanong. "That's not what I mean Ninang. Ang laki nito. How about your room? Kakaunti lang naman ang gamit ko eh. Baka mas kailangan mo ito." Baling niya sa akin. "Naku, mas lalong kakaunti lang ang gamit ko. At tulad ng sabi ko sayo, malapit ito sa study na pwede mong gamitin. Halika, ipapakita ko sayo." Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa kalapit na kwarto. Binuksan ko iyon at pumasok kami sa loob. "This is perfect, Ninang! Thank you." Sobrang proud ako sa ginawa ko ng makita kong nagustuhan ni Jino ang kwartong hinanda ko para sa kanya. "Kapag naman may kailangan ka or emergency sa gabi, nandito naman ang kwarto ko," Lumabas ako ng study at hinintay ko na lumabas din si Jino bago itinuro ang kwarto sa dulo ng pasilyo. "That's my room over there." Pagbibigay impormasyon ko. "Got it, Ninang." "Mamaya ka na mag-ayos ng mga gamit mo. Nagluto ako ng tanghalian, kaya kumain muna tayo." Pagyaya ko sa kanya. "Talaga po? I haven't eaten breakfast yet kaya medyo nagugutom na din po ako." Napakamot siya ng ulo. "Bakit ka nagpapalipas ng kain? Halika na sa ibaba." Pagyaya ko sa kanya. He followed me to the kitchen at agad akong nagsalin ng kanin at ulam sa malalaking bowl, at sunod namang kumuha ng plato. I realized na hindi pa pala ako nakapaghugas sa mga plato na pinagkainan ko kahapon. Huhugasan ko sana habang hinihintay si Jino, pero dumating kaagad ito. I just keep two plates para hindi dumami ang hugasin ko at itinatago ang iba sa cupboard. Binuksan ko ang cupboard para kumuha ng gagamiting plato, pati na rin mga baso, pero sobrang taas nito at hindi ko maabot kahit tumingkayad na ako. Kukuha na sana ako ng upuan para patungan ko, pero naramdaman ko nalang si Jino sa likuran ko. Inaabot niya ang plato na hindi ko maabot, at nagdikit ang mga katawan namin. Ramdam ko ang dibdib niya sa bandang uluhan ko, and even the heat of his body. "Here you go, Ninang." Ibinigay niya sa akin ang plato, habang nasa ganoong posisyon pa din kami. Tinanggap ko naman iyon, pero hindi pa din umaalis si Jino sa likuran ko kahit hawak hawak ko na ang dalawang plato na kinuha niya. I could feel his breath behind me, at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD