KABANATA 4

1887 Words
"Kang bata ka, hindi ka man lang nagpasabi na bibisita ka." Nataranta ako ng makilala kung sino ang lalaking naghihintay sa gate. Ang inaanak ko palang si Jino, anak siya ng best friend kong si Kelly. "At buti naaalala mo pa itong bahay." Pahabol ko. "Ninang, hindi na po ako bata. I'm nineteen now." Sagot nito. "And yes, I do remember the house, but I don't remember the address so I have to ask dad about it." Hindi na ako nasorpresa na hindi niya maalala ang address. The first and last time that he was here is seven years ago, noong nagbakasyon silang pamilya dito sa Pilipinas, at dahil malayo ang vacation house nila sa lugar na papasyalan nila ay ipinahiram ko muna itong bahay ng ilang linggo kay Kelly. Iyon na pala ang magiging huling balik niya sa Pilipinas dahil the following year, she was diagnosed with cancer, at sa ibang bansa na binawian ng buhay. "Hindi na ba?" Tiningnan ko ito. Jino is tall child, but he's indeed taller now at ibang iba sa Jino na huli kong nakita two years ago na medyo patpatin pa. Umuuwi kasi sila ng daddy niya dito sa Pilipinas tuwing death anniversary ni Kelly. She requested na sa Pilipinas ilibing, at di sadyang nagkasabay kami ng dalaw two years ago sa puntod ng mommy niya. They didn't make it last year and this year though, hindi ko alam kung ano ang dahilan at bakit hindi sila nakauwi ng daddy niya to visit his mom's grave. "Pero Jino, anong ginagawa mo rito? Tapos na ang death anniversary ng mama mo ah, at di ba may pasok ka pa ng ganitong buwan?" Tanong ko sa kanya. "Nag request po ako sa school ng early dismissal, Ninang. Naipasa ko na ang mga requirements na hinihingi sa akin kaya nandito na ako ngayon. Nagtransfer na po ako at dito na sa Pilipinas mag-aaral." Sagot nito. "Transfer?" Nagulat ako sa sinabi nito. "Pero hindi ba't college senior ka na sa susunod na pasukan? Bakit ngayon ka pa lilipat? Sayang naman." Inilapag ko ang desserts na hinanda ko sa kanya. Buti nalang at nandito si Viera kanina at may dalang pasalubong. Kung hindi ay wala akong maipapakain dito sa inaanak ko. "I'm not sure if you already knew, Ninang, but last year, dad got married. Nag-asawa na po siya ulit." Pag-uumpisa nito. "I don't blame him or hate him for it dahil kahit si mommy sinasabi sa kanya dati noong buhay pa ito na he should find another love if she didn't survive her illness, and he did after four years of mourning for her, kaya deserve ni daddy ang sumaya." He was smiling while saying it, pero sa hulihan ng sinabi niya ay unti unting nawawala ang mga ngiti nito. "But?" Tanong ko. "But his new wife doesn't like me." Ngumiti ngiti ulit ito pero bakas na bakas ko sa mga mata niya ang lungkot. "Lagi silang nag-aaway ni daddy dahil sa akin. Hindi na daw ako obligasyon ni dad since my mother is already dead. According to his new wife, we are not blood related so I should have moved out when mom died." Paliwanag nito. "Ano? But you are legally his son. Dapat alam nya yun bago niya pinasok ang buhay ng daddy mo." Jino was there during his dad's worst days since Kelly passed away. Kaya nga mas lalong tumibay ang relasyon nilang mag-ama. I know because his dad, Rupert Yvanov, and I talked about it two years ago. He's so proud of his son and loves him like his own. "I doesn't matter, Ninang. Ang mahalaga, dad is finally happy. Kaya masaya na din ako." Una niyang binalingan ang juice na hinanda ko sa kanya. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Hindi na babalik si Kelly kahit anong hintay ang gawin ni Rupert, but still for his new wife to treat his son like that, nakakainis lang! "Nakapag-enrol na din ako sa University na papasukan ko rito kaya wala ng urungan." Biglang imporma nito. "Ha? Agad agad? Parang ang bilis naman ata?" Itong batang ito, baka nabibigla lang sa mga desisyon niya. Sayang naman at isang taon nalang gagraduate na siya sa prestihiyosong unibersidad na pinapasukan niya sa Massachusetts. "Yes, I found a good University with a strong fashion design program and enrolled immediately. Most of my subjects are credited, may ilan lang akong babalikan na wala sa curriculum ng uni ko sa US, so instead of a year, mga isang taon at kalahati pa bago ako gagraduate." Mukhang proud na proud ito sa ginawa niyang desisyon. Diyos ko Kelly, manang mana talaga sayo ang anak mo. Pabigla bigla sa mga desisyon sa buhay. Ako ang nanghihinayang para rito. "Sa vacation house ba ninyo ikaw titira?" Tanong ko nalang dahil wala rin namang silbi kung papayuhan ko itong tapusin nalang ang kurso sa America. He's already decided, at tulad ng sabi niya kanina, hindi na siya bata. "No. Dad sold the house to add it to my college funds. His wife doesn't want him to spend anymore money on me. Though I have savings since I have various part time jobs back home, dad insists that I use the money for myself." Paliwanag niya. "G-Ganun ba?" Sayang gustong gusto pa naman ni Kelly ang lugar na iyon dahil napakaganda ng tanawin. She would often send me pictures of the place whenever they're there, siguro hindi pa naaappreciate ni Jino ang lugar dahil bata pa siya noong mga panahong nagpupunta sila doon, pero syempre mas mahalaga ang pag-aaral ni Jino, sigurado naman ako na iyon din ang gagawin ni Kelly kung baliktad ang sitwasyon. Mabait talagang ama si Rupert. "Kung ganun, san ka titira habang nag-aaral?" Tanong ko. "I'm currently staying at a hotel, Ninang. I just got here last week so I haven't really thought about it yet. Naghahanap pa ako ng condo na matitirahan. Actually malapit lang dito ang University na papasukan ko." Nang sabihin ni Jino na malapit lang ang University na papasukan niya rito ay agad pumasok sa isipan ko na sa kanya nalang ialok itong bahay. Kaysa naman mapunta at ipagamit ko sa ibang tao, eh di sa anak nalang ng matalik kong kaibigan. Makakasiguro pa akong maaalagaan ang bahay at hindi ako mahihirapang makisama rito dahil inaanak ko ito, lalo pa at sa isang compound lang kami titira dahil sa attic sa rooftop ako titira. "Jino, ang totoo nyan, pinaparentahan ko itong bahay. Tutal sabi mo malapit lang dito ang University mo, baka gusto mong kunin ito?" Pag-alok ko sa kanya. Kung hindi lang talaga ako gipit ngayon ay aalukin ko itong tumira rito ng libre hanggang sa makapagtapos siya, pasensya na Kelly, pero kailangan ko kasi talaga ng pera kaya hindi ko matutulungan ang inaanak ko. "Nakita ko nga po sa labas, Ninang. But why is this house for rent? The truth is, I went to your husband's house earlier, pero ang sabi ng guard ay hindi na kayo doon nakatira dahil naghiwalay na kayo ng asawa mo. So I went here after hearing it." Imporma niya sa akin. "Yes, it's true. Matagal na kaming hiwalay ni Pierre, but our annulment was granted just four days ago. Ang totoo, dalawang taon na akong nakatira rito. I moved out of my husband's house the moment our annulment proceedings started." Kahit ang totoo ay pinalayas nila ako sa mansyong iyon na minana ni Pierre sa lolo niya. "You mean ex-husband, Ninang." Nagulat ako sa biglang pagtalim ng mga tingin ni Jino. "Ah, yes, ex-husband." Tumawa nalang ako. Hindi pa din ako nasasanay na tawaging ganun si Pierre. Nadudulas pa din ang dila ko at natatawag itong asawa. "Then I will take it. How much does the rent cost?" Tanong nito. "Twe–" Natigilan ako. "15k." Pag-iiba ko. Baka masyadong mabigat kay Jino ang 25k. I heard courses like that are expensive. Tutal isang taon at kalahati lang naman at maghahanap naman ako ng trabaho, okay na siguro ang 15k. "Hindi ba masyadong maliit ang 15k, Ninang? This place is huge. Ang ilang condo nga na kasing laki lang nitong sala ay 15k na." Tanong ni Jino. "Ayos lang naman ang 15k. Huwag mo ng isipin yun." Sagot ko. "Ayaw mo bang tumira rito?" Dagdag ko. "Of course I like it here." Mabilis niyang sagot. "Then it's settled. By the way, sa attic sa itaas ako titira. You don't have to worry that I might invade your privacy, I don't need to go inside para makaakyat sa rooftop. May hagdan sa labas para makapunta roon. So if you need something, like maintenance or something to be fixed, you can go there." Bilin ko. "Why are you going to live in the attic?" Nagtataka nitong tanong. "Syempre kasi ikaw na ang titira rito." Sagot ko. "Pero sana bigyan mo ako ng isa o dalawang araw para mailipat ko ang mga gamit ko sa attic." Pakiusap ko rito. "There's no need for that, Ninang. Pwede namang dito ka pa din tumira sa loob. All I need is a room and a study. Sa pagkakatanda ko ay may apat na kwarto sa itaas. Isn't that more than enough for both of us?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko rito. Lalaki siya at babae ako, kahit tumira kami ng magkasama ng walang malisya, siguradong iba ang iisipin ng mga tao. What if some of his friends from University came to visit? Baka ano ang isipin ng mga ito, and I don't want that to affect his studies. "Pero–" Hindi ko natuloy ang gustong sabihin ng maalala ko ang mensahe ng anak ko kanina. She'll visit here after her birthday. Kung malalaman niya na sa attic kami magcecelebrate ay baka mainis ito at umalis. Masyadong maliit doon, and knowing my daughter, she will not like it there. "Sigurado ka ba?" Tanong ko sa inaanak ko. Siguro pag-usapan nalang namin na sa tuwing may bisita siya ay sa attic ako tatambay para wala silang isipin, at dahil medyo madaming chismosa sa lugar na ito, sasabihin ko naman na sa attic ako nagsestay. "Of course, Ninang. So it's settled then?" Mukhang tuwang tuwa ito. Siguro ayaw niyang mag-isa dahil malulungkot siya? Kahit na laking America si Jino at ang kultura doon ay umaalis na sa poder ang mga magulang ang mga anak pagsapit ng labing walong taong gulang, Jino stayed with his dad to make sure he is okay after his mom's death. Nadepressed kasi ito sa pagkamatay ni Kelly, at ilang beses sinubukan na sumunod rito. "Okay then. Kailan ka lilipat? So that I can get the rooms ready? Sayo na ang master's bedroom dahil mas malapit iyon sa kwarto na pwedeng gawing study room." Tanong ko sa kanya. "I'll get my things ready and move tomorrow." Hindi ako nakapalag sa sinagot niya. I thought I'll have at least two or three days to get the rooms ready. Mukhang kailangan kong gumising ng maaga bukas para maglinis. Halos isang oras pa bago nagpaalam si Jino na aalis na. Napasarap ang kwentuhan namin patungkol sa naging buhay nila sa America. Iniwasan kong mapunta sa akin ang topic dahil wala naman akong masayang bagay na masasabi sa kanya. Nang makauwi na si Jino ay umakyat na rin ako sa kwarto ko dala ang mga pinamili namin ni Viera sa mall kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD