KABANATA 3

2152 Words
"Grabe namang moisturizer to, 699? May gold ba to?" Bulalas ko ng makita ang presyo ng item na gusto nyang bilhin ko. "Ilagay mo na jan sa basket mo!" Viera rolled her eyes at me. "Ayoko! Hala, parang tatlong araw ko ng pagkain yan eh." Pagtutol ko. "Bes, believe me, kailangan mo yan! Tingnan mo nga yang mukha mo. It needs intensive care. Stress na stress na." Hinablot niya ang hawak ko at inilagay sa basket na bitbit ko. "Hindi ba pwedeng sabon nalang? Yung perla white?" Pagbabakasakali ko. Pinilit na nga niya ako nitong pinapahid para sa eyebags na umabot ng isang libo. "Tigilan mo ko Lilith ha! Baka gusto mong hampasin kita ng isang buong bar ng perlang puti!" Banta niya. "You agreed na magmemake over tayo." She crossed her arms. "Thirty plus na tayo. We have to take good care of our skin. Gusto mo bang puno na ng wrinkles yang mukha mo at forty ha?" Sermon pa niya. "Pero ang mahal naman kasi!" Katatapos lang namin magpafacial at hindi ko akalain na ang daming after care na kailangang gawin. "Ganun talaga, mahal magpaganda bes!" Sagot niya sa akin. "Hindi ko naman kailangan to kasi maganda naman na ako noon pa. Stressed lang ako ngayon kaya ganito. Tulog lang kailangan ko tapos gaganda na ulit ako." Taas noo kong sabi. "Bes nasa good mood ako ngayon ha, wag mo akong ginagago at masasampal kita!" Banta ni Viera sabay abot nanaman sa akin ng beauty product na hindi ko alam kung para saan. "Grabe, ang sakit naman nitong magsalita." Nilagay ko nalang sa basket yung inabot niya, baka mamaya masampal nga ako. "Alam mo bes, ang tagal mong tinipid ang sarili mo para sa pamilyang binuo mo. Ilang food cravings ba ang tiniis mong hindi kainin? Ilang damit ba ang nagustuhan mo ang tiniis mong hindi bilhin? Ilang gala ba ang kailangan mong icancel para lang icater ang needs ng pamilya ni Pierre?" Pagpapaalala niya sa ilan sa mga bagay na kailangan kong isakripisyo noon. "It's time to indulge yourself, and ito?" Nilibot niya ng tingin ang paligid, ang mga make ups and skin care na nasa paligid namin. "Kulang pa to para makabawi ka sa pagpapabaya mo sa sarili mo noon." Dugtong niya. Come to think of it, kung hindi pa ako nireregaluhan ni Kelly at Viera ng mga beauty products ay hindi pa ako magkakaroon ng mga ipapangpalamuti sa mukha. Binibigyan naman ako ni Pierre ng allowance monthly, pero nang minsang bumili ako ng mamahaling bag at ilang branded makeup para sana gamitin sa parent-teacher meeting sa school ni Nadine ay pinagalitan ako ng biyanan ko at sinabihan na baka may kakatagpuin ng ibang lalaki, at simula noon ay binawasan na ni Pierre ang allowance ko. Hindi na din ako masyadong gumagastos para walang masabi ang ina nito, alam ko namang hindi totoo ang mga sinasabi nito kaya wala akong dapat na ikatakot, pero ayoko na ng gulo lalo pa at pinagchichismisan na din ako ng mga kasambahay. Mula noon, ang mga allowance ko ay itinatabi ko nalang, inipon ko ang mga iyon para sa future ni Nadine. Malaki laki na din ang naiipon ko para sa anak ko, at plano ko sana ay ibigay ito sa kanya kapag ikakasal na ito balang araw. Ayokong magalaw ang ipon kong iyon kaya kailangan kong ipa-rent ang bahay, at makahanap ng trabaho. Wala rin akong pinagsabihan tungkol rito dahil baka may masabi nanaman ang mama ni Pierre. Majority talaga ng nagpahirap at nagpagulo sa pagsasama naming mag-asawa ay ang mismong ina ng dati kong asawa. Ang biyanan ko namang lalaki ay tahimik lang at hindi ako pinapansin, kapag may hindi ito nagustuhan sa ginagawa ko, lalong lalo na sa mga niluluto ko para sa kanila ay inis lang itong bununtong hininga o di kaya ay aalis. "After natin dito, magpapagupit naman tayo ng buhok, tapos bibili ng mga damit. Girl, time to show those sexy curves, and big melons!" Deklara niya. "Ay animal!" Napatili ako at bumalik sa realidad ang isipan ng biglang pisilin ni Viera ang bôôbs ko. "Shît ang laki talaga ng bôôbs mo bes." Napahawak naman siya sunod sa dibdib niya. "Baka gusto mong magdonate jan?" Napanguso siya kasi yung sa kanya flat. "Lalaki din yan kapag nagkagatas na." Biro ko. "Pano magkakagatas eh yung maglalagay ng bata sa matris ko patay na?" Ganting sagot niya. "Loka loka!" Babatukan ko sana kaso nakailag ang bruha. "At wag mo kong lokohin, high school palang tayo malaki na yung dibdib mo. Nadistract nga ako dati nung nagsabunutan tayo tas tumama ang mukha ko sa dédè mo." Sabat niya matapos umilag sa kamay ko. "Hays, bakit kasi namatay ang sira ulong Simon na yun na di nilamas at nasipsip ng maayos tong dibdib ko? Di tuloy lumaki." Siguro kong may iniinom ako ngayon ay nabuga ko na sa mukha niya ng sabihin niya iyon. Pati yung sales lady na nakabuntot sa amin nashock sa mga sinabi niya eh, pero okay na din kasi umalis na. Hindi ata kinaya ang bibig ni Viera. "Loka loka ka talaga! Pati si Simon idadamay mo pa sa kalokohan mo. Tsaka tigilan mo yung bóóbs ko, baka mausog." Sermon ko. "Totoo naman bes, itong hati sa ibaba ko kasi ang mas trip niyang sipsipin." Kindat niya sa akin. "Viera!" This time ay nabatukan ko na talaga siya. Kaya nga ako sumama sa kanya para hindi namin mapag-usapan si Simon, pero ito at ang namayapa niyang asawa nanaman ang topic namin. She's making these pérvy jokes, pero baka mamaya ay nalulungkot na ito at namimiss ang asawa niya. Dahil dun ay nilagay ko na sa basket lahat ng mga sinasabi niya sa akin na bilhin ko. Hindi na ako tumututol para maalis kay Simon ang isipan niya. I think nasa 6k na lahat itong pinamili ko, at kapag wala na akong makain, itong make up remover nalang ang lalantakan ko. Tulad ng sabi niya, parlor naman ang sunod naming pinuntahan. Pinatrim niya ang hair niya at treatment para sa dry hair. Ako naman, nagpabawas lang din ng konti kasi sobrang haba na at halos lampas pwétan na ang buhok ko. The hair dresser kept on recommending na magpaiksi ako ng buhok, kasi ganun daw ang mga nagsisimula ng bagong buhay, but I don't like my hair short kaya nagpabawas lang ako ng konti. "Naghihingalo na ang wallet ko Viera, tama na." After sa parlor ay namili naman kami ng mga damit. Nagshopping spree ang gága, para ata sa next travel niya. Nirekomenda naman niya na palitan ko ang style ko. Dahil single na daw ako ay pwede na daw akong magsuot ng kahit na ano. Oo nga single na ako, pero nanay na ako. Paano ako magsusuot ng mga nakaluwa ang dibdib na mga pinili niya para sa akin? "But it felt good right?" Nasa isang cafe kami ngayon kung saan ang isang order ng iced coffee ay 250 pesos, eh lasang 3in1 lang naman to. "Well, medyo." Masakit lang talaga sa bulsa. Talagang pagsisipagan ko ng reply lahat itong inquiries mamaya pag-uwi ko. "Lilith," "Oh?" "I'm so happy you're finally out of that hell, bes." Ito ata ang unang beses na nagseryoso ito mula ng dumating siya kanina sa bahay. "Thank you, Viera. Thank you for bringing me here." It's a breath of fresh air after the suffocating trial ng annulment namin ni Pierre. "Baka gusto mong sumama sa next travel ko?" Biglang yaya nito. "Tigilan mo ko, isasampal ko sayo tong wallet ko!" Nabanggit niya kanina na babalik siya sa Boracay. Bora kasi ang favorite place nila ni Simon, doon din kasi sila nagkakilala and they celebrated a lot of monthsary and anniversary there. "Bahala ka! Maghuhunting pa naman ako ng gwapong boylet dun." Pang-iinggit niya. "Hindi pa ata ako ready for that." Pag-amin ko. "Why not?" Tanong niya sabay higop sa kape niya. "Sino naman ang papatol sa akin? Annulled, may anak, at matanda na." Sagot ko. "Makamatanda ka naman jan eh magkasing edad lang tayo. Bigwasan kita jan eh!" Itinaas niya ang kamao at mukhang gusto akong suntukin. "And hello, you're beautiful, Lilith. Sigurado akong maraming lalaki ang magkakandarapa sayo. Try mong suotin yang mga damit na pinamili natin sa next nating gala, tingnan natin kung hindi malaglag yang mga mata ng mga lalaki sayo." Deklara niya na para bang siguradong sigurado siya. Sinagot ko nalang ng pagtawa ang sinabing iyon ni Viera. Exaggerated lang talaga kung magsalita ang babaeng to. Parehong pareho talaga sila ni Kelly. Kaya ang bilis nagclick ng dalawa kasi parehong oa. "Anong tinatawa tawa mo jan?" Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako habang iniisip sila ni Kelly. "Seryoso ako! If we flaunt our bodies sa Boracay, girl, at the end of the night I assure you, madidiligan tayo." Sa pagkakataong ito ay nasamid nga ako habang iniinom ang kape ko. Napatawa ng malakas si Viera habang inaabutan ako ng tissue. "Gága ka talaga!" Sikmat ko sa kanya habang pinupunasan ang ilong ko na nilabasan ng kape. Lalo lang siyang natawa. "Totoo naman kasi girl, wala naman tayong gagawing masama if ever. Hiwalay na kayo ni Pierre. Ako naman patay na ang asawa ko at kahit anong iyak at lumpasay ko, hindi na babalik si Simon. The only way for me to continue is to move forward, pero hindi ibig sabihin hindi ko na mahal ang asawa ko. Wait, don't tell me mahal mo pa si Pierre?" Panghahot seat niya. "Matagal kong nakasama si Pierre, and he's the only man I ever knew. Araw araw ko itong kasama at katabing matulog, syempre mahuhulog ang loob ko sa kanya." Isa pa, ginagawa din namin ang gawain ng mag-asawa sa kama, kaya paanong hindi mahuhulog ang loob ko? And when I first met Pierre, nahumaling kaagad ako sa kagwapuhan niya, at crush ko na agad ito. Kaya nga nakuha kaagad niya ako eh. At nang mabuntis ako at tumira sa kanila, wala naman akong ibang maaasahan kundi si Pierre lang dahil siya lang ang kakilala ko sa mansion. Maayos naman siyang makitungo, basta huwag ko lang kukulitin. Tuluyan lang itong nagbago ng makilala ang kalaguyo niyang si Eula. "But it's over between you and him. Wag mong sabihing habang buhay kang magpapakaloyal sa kanya?" Tinaasan ako ng kilay ni Viera, at kapag hindi ko inayos ang sagot ko dito baka sampalin ako nito para magising sa katotohanan. "Hindi naman sa ganun. Pero parang ang aga pa para maghanap ng bago." Sagot ko. At hindi nga ako confident na may magkakagusto pa sa akin kapag nalaman nilang hiwalay ako sa asawa at may anak na. Hindi ko naman sinisisi si Nadine, mahal na mahal ko ang anak ko at hindi ko ipagpapalit sa kahit na sino mang lalaki. "Kung meron mang para sa akin, kahit hindi ko hanapin, I'm sure na darating din yun." Dugtong ko pa. "Nako, panahon pa ng mga lolo at lola natin yang ganyan. Hindi mahuhulog sa tapat ng bahay natin ang mga lalaki bes! Hinahanap sila, hindi hinihintay!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Viera, at umoo nalang bago pa man niya ako masapak. Napatingin ako sa phone ko ng biglang may notification na natanggap. "Oh my god!" Halos maluha ako sa nabasa ko. "Oh, bakit ka umiiyak? Anong meron?" Nag-aalalang tanong ni Viera. "Si Nadine, nagmessage. At nagsorry dahil sa mga nasabi niya noong isang araw. Tapos sabi pa nya, magkita nalang daw kami after ng birthday niya para magcelebrate na kaming dalawa lang sa bahay ko." Naiiyak kong sabi kay Viera at pinakita pa sa kanya ang text ng anak ko. "Hay naku, buti naman at naisipan ng batang yan na bumawi sayo." Ibinalik niya sa akin ang phone ko. "Ipapadala ko nalang ang gift ko sa inaanak ko ha. Sinabi ko naman na na hindi ako makakaattend sa debut niya. Baka masaksak ko ang tatay nya at ang kabit nito pagnakita ko." Dagdag pa ni Viera. After naming magkwentuhan ay umuwi na din kami pagkatapos. Hindi ako naihatid ni Viera sa mismong tapat ng bahay ko dahil may nakaharang na nag-iinuman sa kalsada at hindi makapasok ang kotse niya. "Okay na ako dito." Bumaba nalang ako para makapag backing na siya. "Sigurado ka?" Ibinaba niya ang salamin sa bintana ng kotse niya. "Yup, thank you so much for today, best friend ko. I love you. Mwuah!" "Bawiin mo yan baka multuhin ako ni Kelly!" She laughed. "I love you din, bes. Sige na alis na, gumagabi na." Pagtataboy niya sa akin. Umalis ako na wallet at cellphone lang ang bitbit. Ngayon magkabilaang kamay ko may hawak na sandamakmak na paper bags. Nagulat ako ng makita ko na may nakaupo sa tapat ng gate ko kaya agad akong lumapit to check kung sino. "Excuse me, may kailangan ka?" Tanong ko rito. Agad na lumingon sa akin ang lalaki, at ngumiti kaagad ito ng makita ako. "Ninang!" Tumayo kaagad ito at niyakap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD