KABANATA 2

1626 Words
"Apat na araw palang naman. Makakahanap ka din ng magrerent dito. Nagpost ka na ba online?" Tanong ni Viera sa akin matapos kong kumuha ng mga platito, tsinidor at baso sa kusina para makain namin ang pasalubong niyang cake. "Oo tapos na. Kahapon lang. Maraming inquiries pero hindi kami magkasundo sa presyo. Mahal ba ang 25k?" Gusto kasi ng iba na tawaran ko sa 15k ang renta. "Masyado na ngang mura. Ang laki kaya nitong bahay, tapos up and down pa." Sagot sa akin ng kaibigan ko. Viera is my best friend. Kababalik lang nito mula sa isang travel escapade. Mahilig kasi itong magtravel kaya madalas na nawawala ito ng isa o dalawang linggo at kung san san nakakarating. Tatlo kaming matalik na magkaibigan, si Kelly, si Viera, at ako. Originally, si Kelly at ako lang naman ang nasa trio namin. Elementary palang ay magkaibigan na kami, kaya sanggang dikit kami. Iyon nga lang ay nabuntis ito ng maaga. Mas nauna pa sa akin, kaya huminto ito ng pag-aaral. Kaya galit na galit sa akin noon ang mommy ko ng mabuntis ako, dahil lagi nitong sinasabi sa akin na huwag tutulad kay Kelly, pero nang sumunod na taon ay ako naman ang nabuntis. Ang pagkakaiba lang namin, si Kelly, tinakbuhan siya ng nakabuntis sa kanya. He's a student from another school na nakilala nito through social media. Nang ipaalam ni Kelly ang sitwasyon niya ay nangibang bansa na raw ang lalaki at doon na mag-aaral. Ilang beses ko na din itong nakita dati kapag niyayaya ako ni Kelly na magthird wheel sa date nila, kaya ng iwan nito ang kaibigan ko ay lagi ko itong kinukulam sa isipan ko. Habang nag-aaral ako, at huminto naman si Kelly ay nakilala niya si Viera, na bagong lipat ang pamilya sa katabi nilang bahay, and that's how they started to become friends. Naalala ko, grabe ang inis ko kay Viera noon. Nakikita ko kasi na nagiging close sila ni Kelly, at feeling ko ay inaagaw niya sa akin ang best friend ko. Nauwi pa nga sa sabunutan iyon, at kung hindi kami magkakaayos na dalawa ni Viera ay hindi na daw kami kakausapin kahit kailan ni Kelly, kaya naman napilitan kaming magbati. And that's how our friendship of two, became three. Hanggang sa makalipas ng anim na buwan ay kailangang lumipat nanaman nila Viera ng tirahan. Dahil sa nature ng trabaho ng papa nito ay hindi sila nagtatagal sa isang lugar. Dahil sa paglipat nila Viera ay hindi na nito naabutan pa ang panganganak ni Kelly. We stayed in touch though, and that friendship lasted until now, iyon nga lang, nauna na si Kelly sa amin sa kabilang buhay. She passed away five years ago due to cancer, at ang masakit ay hindi man lang namin siya nasamahan ni Viera sa laban niya sa karamdamang bumawi ng buhay niya. Nakapangasawa kasi si Kelly ng Amerikano at dinala siya at ang anak niya sa Massachusetts at duon na nanirahan. "Pero bakit ganun? May nagkakainteres nga, gusto naman akong baratin." Problemadong kong sagot. Makakatulong talaga ng malaki sa akin itong upa ng bahay sakali mang may magrenta na dito. "Alam mo naman ang mga tao ngayon. Gusto makatipid." Nagsalin ng pineapple juice si Viera sa baso at iniabot sa akin. "Huwag mo ng masyadong problemahin yan. Darating din ang tamang tao for that. Tingnan mo, paghindi mo masyadong iniisip, dadami ang mag-aagawan dito sa bahay. Kainin na natin itong binili kong pasalubong." Sunod naman ay naghiwa siya ng cake at una akong binigyan. Habang naghihiwa siya ng cake para sa kanya ay sinilip ko muna ang cellphone ko. "Oh, ano nanaman yang tinitingnan mo sa cellphone mo at para kang tuta na kinawawa jan?" Sita nito sa akin. "Hindi pa din kasi nagmemessage si Nadine." Apat na araw na simula ng huli kaming mag-usap, at kahit hindi maganda ang pagtatapos ng pag-uusap namin ay umaasa pa rin ako na makakatanggap ako ng mensahe mula rito. "Naku, hayaan mo na muna yang anak mo. Bes naman, enjoy enjoy din kapag may time. Noong kasal ka pa ay halos hindi ka na nga lumalabas at lagi lang nasa mansion ng demonyo mong asawa dahil gusto mong iimpress ang biyanan mong may sungay din, at kakaalaga sa anak mo. Ngayong wala ng bisa ang kasal nyo ni Pierre, time to enjoy life." Litanya rin niya ito sa akin noong tawagan ko siya para ipaalam na nagrant na ang annulment namin ni Pierre. Viera knows everything that happened to me at the Paladino mansion, kaya naman galit na galit siya sa asawa ko at sa pamilya nito. "Gusto ko lang sana na maging parte ng 18th birthday ng anak ko Viera, kaya hindi mo ako masisisi kung pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanila. Kahit ito lang. Sa huling pagkakataon. Susundin ko naman ang gusto ni Pierre na hindi na kami magkita, pero sana pagkatapos na ng birthday ni Nadine. Can't he swallow his pride one last time?" Sagot ko naman sabay kuha sa tinidor at tinikman ang cake na dala nito. "Gets ko naman yun, pero kilala mo naman ang anak mong yan. Ikaw ang nagpalaki sa kanya kaya alam mong may pagkabrat si Nadine. Minana ba naman ang ugali ng pamilya ng Pierre na yun. Buti nalang talaga at sayo nagmana ng ganda yang anak mo." Hindi ko naman magawang kontrahin ang sinabi ni Viera tungkol sa inaanak niya. May ugali talagang maldita ang anak ko, pero kapag good mood naman si Nadine ay mabait at malambing ito. "Isa pa, sigurado ako na ginatungan na ng ex mother-in-law mo ang anak mo. Hindi ka naman matitiis nun, kaso may kung sino sino ng bumubulong rito." Dagdag pa nitong komento, and I know that she's right. Lagi kasing may hindi magandang komento ang biyanan ko at sinasabi niya iyon kahit nariyan lang sa harap namin si Nadine. Nahuli ko pa ito minsan na sinasabi sa anak ko na naiinggit ako dahil wala akong magandang damit at mamahaling alahas kaya daw ayaw ko na nakakatanggap siya ng regalo mula sa lola niya. Kung ano ano ang tinatanim ng mama ni Pierre sa utak ng anak ko. Napabuntong hininga nalang ako ng muling tingnan ang phone at wala talagang kahit na ano mula kay Nadine. Mukhang wala na akong magagawa kundi ang tanggapin nalang ang katotohanan na hindi ako makakasama sa espesyal na araw nito. "Oh, wag ka ng malungkot jan!" Agad na tumabi sa akin si Viera at niyakap ang braso ko ng mapansin ang pananahimik ko. "Mamasyal nalang kaya tayong dalawa? How about we get a make over? Parang kailangan ko din ng new haircut kasi nasira ata ng chlorine ang buhok ko dun sa resort na pinuntahan ko last week." Pinakita pa ni Viera ang buhok niyang nanunuyo at may split ends. "Samahan nalang kita. Kailangan kong magtipid eh." Nasa 85 thousand nalang ang laman ng bank account ko kaya ayaw kong gumastos as much as possible. Isa pa may ilang parte ng bahay na kailangang ayusin tulad ng dalawang banyo sa itaas. Sira ang gripo sa cr ng master's bedroom, pati na rin sa ginagamit kong kwarto, at ang tanging gumagana lang ay ang sa ibaba. Hindi ko pa napapaayos dahil wala akong makitang pwedeng magtrabaho nito. "Libre ko na yung haircut, kaya sige na please! Magmake over tayong dalawa. New haircut, new clothes. Alam mo yun? New life, new me dapat." Pangdedemonyo nito sa akin. "At kapag wala na akong pera? Kakainin ko ang mga bago kong damit?" Sagot ko naman. "Bes naman, kailangan natin to. Tayong mga iniwan ng asawa kailangan ineenjoy ang buhay." Deklara niya. "Viera..." "Oh bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Totoo namang iniwan tayo ng mga asawa natin. Yung animal kong asawa na sinabing hindi ako iiwan at habang buhay akong mamahalin, sumakabilang buhay. Yung asawa mo naman sumakabilang púke." Tumatawa niyang sabi. I know she's making fun of her husband's death now like it's nothing, pero alam kong deep inside ay durog na durog pa din siya sa biglaang pagkamatay ni Simon last year dahil sa heart attack. Kaya nga mas dumalas ang mga travels niya lately dahil gusto niyang maalis sa isipan ang pagkamatay ng asawa. Kelly and Simon has the best relationship that I know. Inggit na inggit nga ako sa buhay nilang mag-asawa. Every weekends may dinner date, at every end of the month ay may travel sila. Lagi ding binibigyan ni Simon si Viera ng flowers, chocolates, at kung ano ano pang mga regalo mula sa pinakasimpleng love letters, hanggang sa mga mamahaling branded bags. Kahit mag-asawa na sila ay para pa rin silang nasa courting stage. Araw araw pinapadama ni Simon sa kaibigan ko na mahal na mahal niya ito. Bagay na hindi ko naranasan sa asawa ko. I know Pierre and I didn't married out of love, pero sana naappriciate man lang niya ang ginagawa ko para sa kanya, tulad sa pagreready ng susuotin niya, pagliligpit ng mga gamit niya, ang ipagluto siya ng mga paborito niya, at higit sa lahat ang pag-aalaga ko sa anak namin. Isang beses lang ata niya akong binigyan ng bulaklak sa labing walong taon naming pagsasama. I think he felt sorry for me when my parents died, kaya binigyan niya ako ng roses. And that's it. "Tara na nga magmake over na tayo." Pagpayag ko nalang dahil ayokong mauwi sa iyakan ang pagkikita namin. "Oi wala ng bawian yan ha!" Bumalik ang ngiti sa mga labi nito at dali dali pang niligpit ang cake at drinks na pinagsasaluhan namin. Akala mo naman ay tatakasan ko siya. Binantayan pa ako habang nagbibihis at nang matapos ay hinila papunta sa kotse niya. Kapag talaga wala na akong makain, lagot sa akin itong si Viera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD