Chapter Twenty-seven: Welcome to Mama Natalie’s Home

1116 Words
Chapter Twenty-seven: Welcome to Mama Natalie’s Home                  “Huwag kang kabahan,” sabi ni Axel kay Jasmin at inakbayan ang dalaga. Agad namang kinurot ni Renato ang braso niya kaya wala siyang nagawa at binawi ang braso niya. Kasalukuyan silang nasa tapat ng bahay nila at mukhang kabadong-kabado ang dalaga. “Pero kasi baka magalit siya,” sabi ni Jasmin at umismid naman si Harold sa dalaga. “Kapag sinabi ni boss na ‘wag kabahan, sundin mo!” singhal nito kay Jasmin at agad naman niyang sinaway ang binata. “Harold, ‘wag masyadong obvious na ayaw mo kay Jasmin. Malay mo, kayo pala ang para sa isa’t isa,” sabi niya at ngumiti. Mukha namang nagulat si Harold at hindi na lang nagsalita. Hindi na sila naghintay pa at pumasok na sa loob ng bahay. Pasado alas tres na din ng hapon at hindi naman din niya namalayan ang oras. Pagpasok nila ay tahimik ang loob ng bahay. Nagkatinginan silang lahat dahil sobrang tahimik ng paligid. “Umalis ba si mama?” tanong niya kay Renato. “Don’t ask me. I’m busy finding you’re a*s, idiot,” sagot nito sa kanya. Naiiling na lang siya dahil mukhang badtrip na badtrip sa kanya si Renato. “Relax lang, Sir Renats.” “Don’t call me that!” Sabay-sabay silang napatingin sa garden nang makarinig sila ng ingay. Parang mga naglaglagang timba kaya sabay-sabay sila at dahan-dahang lumapit doon. Nang sumilip sila ay ganoon na lang ang ginhawang naramdaman nila nang makita ang ginang na abalang abala sa pagtatanim ng mga halaman. Nakasuot ito ng simpleng pants at blouse. May sombrerong suot na gawa sa rattan at may suot na mga gloves. Akala niya ay may kakaiba ng nangyari knowing na involve na siya sa mafia. “Mama Natalie,” tawag niya at nagulat ang ginang dahil sa pagtawag niya. “Ay kalabaw! Ano ba?!” sigaw ng ginang at hindi niya mapigilang mapatawa dahil sa reaksyon nito. “Sorry, mama,” sabi niya. “Axel! Hindi ka man lang sumipol diyan. Aatakihin ako sa puso eh!” “Sorry mama,” sabi niya at niyakap na lang ang ina. Mula ng gabing malaman niya ang tunay na nangyari sa kanyang ina ay pinangako niya sa kanyang sarili na hindi niya sasayangin ang pagkakataong magkaroon ng ina sa mundong ito. “Ara? May bisita pala tayo,” sabi ng ginang at tiningnan si Jasmin. Napayuko ang dalaga at nahiya. “Ah mama, kaibigan ko pala, si Jasmin,” pakilala niya sa dalaga at hinatak si Jasmin. “H-hello po,” mahinang bati nito. “Hello!” masayang bati naman ng kanyang ina. “Kumain na ba kayo? Nag-lunch na kayo?” tanong ng ginang. “Kami po ni Jasmin ay oo. Ewan ko lang sa dalawang ito,” sagot niya sabay tingin kay Renato at Harold. “Obviously hindi kami nakakain ng dahil sa kahahanap sa’yo.” Natawa na lang siya dahil bakas sa mukha at boses ng kanyang trainer ang asar sa kanya. Sabay-sabay na silang nagtungo sa kusina.                  “Anong nangyari sa inyo? Sabi niyo jogging lang, inabot na kayo ng anong oras,” sabi ni Mama Natalie habang nagsasandok ng kanin. Maingat nitong inilagay sa hapag at agad na nagsandok ng kanin ang dalawa. Hindi tuloy niya maiwasang makonsensya dahil hindi na nakakain ang dalawa. Hindi nan ga din nakapasok sa eskwelahan si Harold eh. “Si Axel po kasi, nawawala kanina,” sagot ni Harold. “Hindi nan ga po ako nakapasok sa school dahil sa kahahanap sa kanya.” “O ‘wag ka ng mangonsensya. Hindi naman ako nawala. Tinulungan ko lang si Jasmin,” paliwanag na. “Pero sana naman ‘di ba tumawag ka kung nasaan ka,” sabi naman ni Renato. “Do you think I have your number, Sir Renats?” tanong niya at inikutan na lang siya ng mata ng kanyang trainer. “Hija, kumain ka na din,” sabi ni Mama Natalie kay Jasmin. Tumango naman si Jasmin at nagsandok na din ng kanin nito. Sinigang na baboy ang niluto ni Mama Natalie at isa na ito sa paborito niyang pagkain. “Ano bang nangyari sa’yo Jasmin?” tanong ni Mama Natalie. Pero imbes na si Jasmin na ang sumagot at siya na ang nagsalita. “Huwag kang mabibigla, Mama Natalie,” paalala niya. “Bakit, ano ba ‘yun?” “Kanina po kasi, nagtangkang magpakamatay si Jasmin.” Dinig nila ang pagsinghap ng ginang. “Oh my God! Why?!” tanong nito at mabilis na nilapitan ang dalaga. “Why, Jasmin?” Nakita nila ang pag-iyak ng dalaga. Nagpasya siyang siya na ang magkwento. Ikinuwento niya ang lahat ng mga napag-usapan nil ani Jasmin. Mula sa pagkawala nito noong bata, sa bahay-ampunan hanggang sa mag-asawang Hermosa. Hindi mapigilan ng ginang na maawa at masaktan dahil sa mapait na sinapit ng dalaga. “Mama Natalie, pwede bang dito muna siya? Hangga’t hindi pa niya natatagpuan ang kanyang pamilya?” tanong niya. “Aba’y oo naman! Jasmin, you can stay here. The more, the merrier nga ang sabi nila. You can stay here as long as you want. Maraming kwarto sa bahay na ito.” Niyakap ng ginang si Jasmin at agad itong sinuklian ng dalaga. “Thank you po! Thank you so much po, Ma’am!” sabi ng dalaga. “Call me Mama Natalie. I treat everyone here as my children, lalo na kapag kaibigan ng anak ko. Welcome to our home!” ***                  “You bring her in our family,” sabi ni Renato sa kanya patungkol kay Jasmin. Kasalukuyan silang nasa kwarto niya at ang dalaga ay tinutulungan ang kanyang ina. “I know,” sagot niya. “Boss Axel, pwede siyang maging target ng ibang mafia groups,” paalala naman ni Harold at napabuntong hininga siya. “I know. Pero hindi ibig sabihin na pababayaan ko lang siya. Mabuti nga at nakita ko siya dahil kung hindi ay may mababalitaan tayong may nagbigti sa jogging area. I’m not kind of hard-hearted person,” sabi niya. “If time comes na mapapahamak sila ni Mama Natalie, I will do everything to protect them. At least, it gives me motivation to stay alive.” “And because of what you did, another five laps in Friday!” sabi ni Renato. “What?” “Don’t worry Boss Axel. Sasamahan kita sa training mo this Friday!” “No! Sir Renats!” “Don’t call me that!” “Sir Renats!” “Bahala ka. I will always call you Sir Renats!” pagpupumilit niya. “Another ten laps on Friday kapag hindi mo tinigilan ‘yan!” “Whatever, Sir Renats!”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD