Chapter Twenty-six: The Life of Jasmin

1358 Words
Chapter Twenty-six: The Life of Jasmin                  Maraming nagsasabi sa kanya na ang swerte daw niya. Galing kasi siya sa isang mayamang pamilya. May-ari ng ilang hotels and resorts ang mga magulang niya. Sabi nila swerte siya sa buhay niya dahil mayroon siyang mapagmahal na mga magulang. Pero kung alam lang ng lahat ang totoong nangyayari. Siya, si Jasmin Hermosa, maswerte? Papaano kung malaman ng tao ang totoong nangyayari sa kanya? Masasabi ba nilang swerte pa rin siya?                  Adopted daughter siya ng mag-asawang Hermosa.  Tama, isa siyang ampon. Hindi talaga siya tunay na anak ng mga ito. Naalala niya pa kung papaano nagsimula ang lahat. Anim na taong gulang lang siya ng mawalay sa kanyang totoong pamilya. Nakatira siya sa bayan ng Tempest at magsasaka ang mga magulang niya. Nagkayayaan sila ng kanyang mga kalaro na maglakad-lakad hanggang sa hindi na nila namalayang nakarating sila sa boundary ng Mista. Pero salbahe ang kanyang mga kasama at basta na lang siyang iniwan doon. Wala na siyang nagawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. Hindi niya alam ang daang pabalik sa kanyang bahay. Mayroong isang pulis ang lumapit sa kanya at tinanong ang pagkakakilanlan niya. Dahil bata pa ay ang tanging alam niya ay ang pangalan niya—Jasmin. Tinanong siya kung taga-saan siya pero tanging nasagot niya ay Teckslon pero hindi niya alam kung anong barangay. Hindi din niya matandaan kung ano ang pangalan ng kanyang mga magulang. Nagmagandang loob ang pulis at kinupkop siya ng ilang araw. Pero nang madistino ang pulis sa ibang bayan ay napilitan itong ihatid siya sa isa pang pulis. Akala niya ay kasing bait ng pulis ang kumupkop ulit sa kanya pero hindi. Ginawa siyang katulong ng buong pamilya ng pulis na iyon. Apat na buwan siyang nanatili at inalipin ng pamilyang iyon hanggang sa nagdesisyon siyang tumakas. Nagpagala-gala sa siyudad ng Mista.                  Ilang buwan siyang nagpapagala-gala hanggang sa nakilala niya ang isang babaeng nagngangalang Esther Miranda—isang social worker. Dinala siya ni Esther sa isang bahay-ampunan na nasa loob lang din ng Mista. Doon ay nanatili siya ng halos dalawa at kalahating taon. Sinubukan naman siyang tulungan ni Esther na hanapin ang magulang niya. Pero bigo ang social worker kaya nagdesisyon ang mother superior na namumuno sa ampunan at inilagay siya sa listahan ng mga pwedeng ampunin.                  Nagulat siya isang araw na may mag-asawang pumunta doon sa ampunan. Dito ay pinatawag siya ng mother superior para sabihin na ang mag-asawang iyon ang aampon sa kanya. Ang sabi ay hindi magkaroon ng anak ang mga ito at nagdesisyong mag-ampon na lang.                  Sa una ay maayos ang pinakikita sa kanya ng mag-asawa. Halos ibigay na sa kanya lahat ng mga bagay. Natitikman na niya ang lahat ng masasarap na pagkain at pinag-aaral pa siya sa isang kilalang unibersidad. Akala niya ay habang buhay ng ganoon. Pero sab inga nila, ang lahat ng bagay ay may katapusan.                  Nagkaroon ng anak ang mag-asawa. At dahil dito ay nagbago ang pakikitungo sa kanya ng mag-asawa. Itinuring siyang parang basahan lang. Hindi na siya pinakakain at halos gawing alipin na siya ng mga ito. Tumagal ng anim na taon ang ganitong sitwasyon niya at nang hindi na niya kaya ang kanyang nararanasan ay dito na niya naisipang tapusin ang kanyang buhay. “Idiot.” Napatingin siya sa binatang nasa harapan niya. Sa buong oras na nagkukwento siya ay nakikinig lang ito ng mabuti. Hinayaan siyang magsalita nang magsalita. Suminghot-singhot pa siya dahil sa barado niyang ilong at halos mag ana niyang mata kakaiyak. “Hahayaan mo lang ba nag anito matatapos ang buhay mo? Wala ka na bang desire na hanapin ang mga totoo mong magulang at makauwi sa kanila?” tanong nito sa kanya. “H-hindi ko naman kasi alam ang pangalan nila. Masyado pa akong bata noon,” sagot niya sa kabila ng kanyang paghikbi. “Sabi nga nila, hangga’t may buhay, may pag-asa. ‘Wag na ‘wag kang mawawalan ng pag-asa. Huwag mong sayangin ang buhay mo. May paraan ang bawat bagay,” sabi nito sa kanya. “Hindi ko na kasi kaya ang mga ginagawa nila sa akin. Para akong basahan, inaalipin nila ako.” “Then gawin mo ang ginawa mo noon. Umalis ka,” sabi nito sa kanya at umiling siya. “Ayoko ng magpalaboy-laboy. Ang hirap ng wala kang uuwian,” sagot naman niya. “Then you can live with me. Kasama ko mama ko, well kasama din ang trainer ko. Mama Natalie will surely glad to accept you.” “Ha? S-seryoso ka? Papaano kung masamang tao ako?” “Hindi ka masamang tao. I can see it in your eyes. Well, let me share you a piece of me,” sabi nito at uminom muna ng iced tea. “Na-comatose ako for almost three years. At alam ko ang pakiramdam ng mamatay. Kaya nang magising ako muli ay ganoon na lang ang pasasalamat ko. Aalagaan ko ang panibagong buhay na pinagkaloob sa akin,” sabi nito sa kanya. Natahimik siya. Kanina lang ay nagtangka siyang kunin ang sarili niyang buhay at ngayon ay kausap ang isang lalaki na nanggaling sa three years comatose state. Hindi niya mapigilang manliit at mahiya dahil sa kanyang ginawa. “You were brave enough to endure all those years. Pero hindi ka dapat sumuko. Don’t worry, I promise you na tutulungan kitang hanapin ang mga totoo mong magulang. I don’t know how pero sisiguraduhin kong makakauwi ka sa kanila. Pangako iyan.” Hindi na niya napigilan pa ulit at tuluyan na siyang lumuha. Hindi siya malungkot, masaya siya. Masayang masaya dahil may isang tao na tutulong sa kanya. “Thank you, Axel,” sabi niya. “Xel. Call me Xel. That’s my identity,” sabi nito. Hindi na siya nagtanong pa kung ano ang ibig sabihin nito. Mapalad siya dahil nakilala niya si Xel.                  “Nandito ka lang pala.” Sabay silang napatingin sa isang lalaki. Mahaba ang buhok nito at may suot na eyeglass. “O, ikaw pala Sir Renats!” sabi ni Xel. “Alam mo ba ang ginawa mo? You were gone for f*cking three hours and a half! Harold is like a mad dog looking for his pup! And here you are, having a chit chat with a woman!” sigaw nito at hindi makakailang nakakakuha sila ng atensyon ng iba pang customer. “O chill lang. I didn’t just wonder off,” sagot ni Axel. Dito na siya nagsalita. “Umm… tinulungan niya po ako,” she said at napatingin ang lalaki sa kanya. “I was going to end my life pero dumating po siya.” “See? Kaya relax lang.” Tumayo na si Axel at tuluyang inubos ang iced tea nito. “Come on, Jasmin. Let’s go home.” ***                  “Axel! Boss Axel!” sigaw ni Harold. Pakiramdam niya mababaliw na siya. Gusto niyang sisihin si Sir Renato dahil sa nangyari. Kung hindi sana nito pinabayaan ay hindi mawawala si Axel. “A-anong gagawin ko? What if nakidnap siya ng ibang mafia family? Baka tinotorture na siya? Oh my God! ‘Wag naman sana! Walang alam si Boss sa mga nangyayari ngayon sa pamilya! He lost his memories! Baka pinahihirapan na siya? Nilulunod na? Oh God help meeee!!!!” “Don’t be dramatic, Harold.” Agad siyang napalingon at nakita si Axel. Nakapamulsa pa ito. Para siyang nabunutan ng tinik nang makita ang kanyang future boss. Mabilis siyang lumapit at niyakap ang binata. “Thank God! Akala ko napaano ka na!” sabi niya. Kumalas siya sa yakap at dito niya napansin ang isang babae. “Who are you?” tanong niya at mukhang natakot ang babae dahil umatras ito at nagtago sa likod ni Axel. “O relax lang din. She’s my friend and from now on titira na siya sa bahay.” “Pero Axel, alam mo naman ang kalagayan mo ‘di ba? What if espiya ang babaeng iyan?” tanong niya. “I don’t think na gan’on siya, Harold. I can see it and I knew she’s a good person. Kaya relax lang.” Inakbayan siya ng kanyang boss at sabay-sabay na silang naglakad pabalik sa bahay ni Mama Natalie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD