Chapter Twenty-eight: The boy in the mountain

1477 Words
Chapter Twenty-eight: The boy in the mountain                  “What?! Are you f*cking serious?!” sigaw niya kay Renato at mukhang tuwang-tuwa naman ang kanyang trainer dahil sa pinagagawa nito. “Yes, I’m f*cking serious, dumbass Axel,” sagot ni Renato. Gusto na niyang maglumpasay dahil sa mga pinagagawa nito. Hindi nga nagbibiro si Renato sa kanya. Talagang ginawang triple ang training regiment niya. Halos 30 laps na ang ginawa niya kahapon at hindi pa siya nakakarecover ay dinala na siya sa bundok sa probinsya ng Quirone at ito nga, ang task niya ay mag-rock climbing. “I never done rock climbing!” reklamo niya. Noong pulis pa siya ay may training sila na wall climbing. Pero malaki ang pagkakaiba ng wall climbing sa rock climbing. “So? You need to learn your lesson. Bilis! Move up your lazy a*s and climb that rocky mountain!” At itinulak pa siya nito. Wala na siyang nagawa pa atv sinuot na ang kanyang gear. “I don’t get it. Ano kinalaman ng rock climbing sa pagiging mafia boss?” tanong niya habang isinusuot sa katawan niya ang harness. “Rock climbing strengthens your muscles. It improves your flexibility, challenges your cardiovascular system, and helps and improve your coordination. Staying fit and healthy is one of the requirements of being a mafia boss, dumbass!” paliwanag sa kanya ni Renato. Naiiling na lang siya. Sinimulan na niyang akyatin ang bundok. Trad climbing ang uri ng rock climbing. Ito ay uri ng rock climbing kung saan ang mga bolts na ginagamit para masecure ang climber ay hindi pa nailalagay. Ang mga bolt ay hindi na-secure sa ruta ng pag-akyat. Kinakailangan nito ang paglalagay ng mga bolt sa kahabaan ng pader ng bato, at habang natapos ang pag-akyat, lahat ng kagamitan ay dapat na alisin mula sa dingding. Ang mga nut at camming device ay dapat dalhin kasama ang umaakyat. Ito ay isang mas mahirap na istilo ng pag-akyat, dahil ang mga akyatin ay dapat na hanapin ang ruta at i-secure ang kagamitan sa kanilang sarili.                  “I will bear in my mind that tinototoo ni Sir Renats ang mga sinasabi nito,” sabi niya habang inilalagay ang bolt sa pader. Halos nangangalahati na din siya sa pag-akyat niya at tanaw na din naman niya ang tuktok ng bundok.                  Hindi nagtagal ay nakarating na din siya sa taas. Dito niya nakita ang ganda ng inang kalikasan. Kitang-kita niya ang mayayabong na puno mula sa kinatatayuan niya. “Wow! Never thought na ganito pala kaganda ang lugar na ito. Noong nabubuhay pa ako sa kabilang mundo ay hindi ko ito nagawa. Maybe I should thank Sir Renats for this,” he said at naupo. Ninanamnam ang sarap ng hangin at ang magandang kapaligiran. Mga ilang minuto din siyang nanatili doon. Wala siyang pakialam kung magalit agad sa kanya si Sir Renato dahil minsan lang naman ito. Mukhang kailangan niya ring magpasalamat kay Kronos dahil sa panibagong buhay na ito. “Speaking of Kronos, hindi ko na siya ulit nakausap. Mukhang busy ang anak-araw na ‘yun.” Tumayo na siya at muling nag-stretching. Habang nag-iistretching ay nakarinig niya ng pagkaluskos. Napalingon siya sa likuran niya at hinahanap kung saan galing ang pagkaluskos na narinig. Matataas ang puno at mayabong ang mga damong nasa tuktok ng bundok na iyon. Lumapit siya ng ilang hakbang papasok sa gubat at hinahanap ang pinanggagalingan ng pagkaluskos. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang paggalaw ng isang bush doon. “Who’s there?” tanong niya. Ilang sandali lang ay may biglang lumabas na isang batang lalaki. “Huh? Bata?” “Waah! Tulong!” sigaw ng bata sabay talon sa kanya. Mabuti na lamang at nasalo niya ang bata. “Ano bang nangyayari?” tanong niya. Dama niya ang panginginig ng bata at takot na takot ito. “M-may… m-may…” hindi makapagsalita ang bata dahil sa takot. Maya-maya ay nakarinig siya ng tila mabibigat na yapak. Pakiramdam niya ay yumayanig ang paligid. “Tumakbo na tayo! Tumakbo na tayo!” sabi ng bata. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Bakit nga ba takot na takot ang batang ito? “Ano bang mayroon at takot na takot ka?” tanong niya. “Rawrrrr!!!” Sabay silang napatingin sa panibagong panauhin. “Holy sh*t!” sigaw niya at hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo. F*ck his equipments! Ang mahalaga ay makalayo siya sa isang dambuhalang grizzly bear. “Bakit ‘di mo sinabing may oso?!” sigaw niya at niyakap na lang siya ng mahigpit ng bata. Mabilis ang kanyang mga hakbang at kulang nalang ay gumulong na sila pababa ng bundok. “Rawr!” sigaw ng malaking oso at napalingon siya dito. Nakita niyang umangat ang malaking paw nito at hahampasin sila. Mabilis siyang nakailag at natamaan nito ang ilang puno at halaman na nadaanan nila. Ilang beses itong ginawa ng oso at sa pagkakataong ito ay nahagip sila ng malaking paw nito. Ramdam niya ang paghiwa sa braso niya ng matutulis na kuko nito. Mahigpit niyang niyakap ang bata at tumalsik sila at ramdam niya ang pagtama ng likod niya sa isang puno. “F*ck!” sigaw niya. Tumingin siya sa bata. “Dito ka lang, okay? Patutulugin ko ang osong iyon!” sabi niya. “Pero malaki iyan! Mamamatay ka!” “I will never let that happen!” sigaw niya. Tinitigan niya ang oso. Kapag tumayo ito using it’s two feet, talagang mas malaki ito sa kanya. Damn, we can’t run away. May isang paraan lang ang pwede kong gawin. I have to kill it pero I feel bad if I have to kill this. Animal cruelty labas ko nito. What will I do? I can’t throw it or crush it. “Rawr!!” sigaw ng oso at tumayo na ito gamit ang dalawang paa. Napatingala na lamang siya at kitang kita niya ang laki nito. Ang laki! Napaatras na siya. Lumingon siya sa bata at kitang kita ang takot. “Huwag kang aalis diyan!” sigaw niya at muling tiningnan ang oso. Sa kakaatras niya ay bumangga na ang likod niya sa isang puno. “Rawr!” at hinampas siya nito. Mabuti na lang at nakailag siya. Sa lakas ng hampas ng oso ay nabali ang puno. Muli siyang hinapas ng oso at tinamaan na siya nito. Ilang metro ang itinalsik niya. Ramdam niya ang paggasgas ng kanyang katawan sa mabato at malupang daan. Pinilit niyang tumayo ang kinuha ang isang torso.  Sumugod ang oso sa kanya at ginamit niya ito bilang panangga sa mabangis na hayop. Napaatras ang grizzly bear at agad siyang nakalayo. Muling sumugod ang oso at nakailag siya. “Heto sa’yo!” sigaw niya sabay bigay ng isang uppercut punch sa oso. Tinamaan ang ilalim ng nguso nito. Pero mabilis siya nitong binigwasan. Halos bumaon ang mga matatalas nitong kuko sa kanyang dibdib. “Acck!” Gumulong siya at tumama sa isang puno. Dahan-dahan siyang bumangon at napatingin siya sa kanyang dibdib. Umaagos na ang dugo niya mula sa sugat niya. “Kaasar!” “Rawr!” sigaw ng oso at sumugod ulit ito. “Hindi ako magpapatalo sa’yo!” sigaw niya at muling sinuntok ang oso. Tinamaan niya ito sa forehead. Napatigil ang oso at napaatras. Mukhang nahilo ito sa ginawa niyang pag-atake. “Ha! Akala mo ah!” at dito na sila nagpalitan ng atake ng oso. Pinatatamaan niya ito sa ulo. “Hiyaaaa!!!” sigaw niya at sa huling pagsuntok niya ay tuluyan ng bumagsak ang oso.                  Nilapitan na niya ang bata na kanina pa umiiyak. Naghalo na ang luha at sipon nito. Ngayon lang niya napansin na gusgusin ang bata. Madumi ang damit nito at nanlilimahid ang mga paa. Sa tingin niya ay limang taong gulang ang bata. “Bata, anong pangalan mo?” tanong niya. Sumagot ito sa kabila ng mga paghikbi nito. “Ryan p-po.” “Anong gainagawa mo dito? Nasaan ang magulang mo?” tanong niya. Umiling naman ang bata. “Iniwan nila ako dito,” sagot sa kanya. Napabuntong hininga siya. Mukhang inabandona na ang batang ito. Sa tingin niya ay ilang buwan na din itong pagala-gala sa bundok. Hindi tuloy niya maisip kung papaano nakasurvive ang batang ito sa kagubatan. Alam niyang maraming mababangis na hayop ang nandito at patunay ang oso na walang malay na ilang metro lang ang layo sa kanila. “Gusto mong sumama sa akin? Pwede kang tumira sa amin. Sabi ni Mama Natalie, the more the merrier daw,” sabi niya. Dahan-dahang tumango ang bata. “Halika na. Bilisan na natin ang pagbaba at baka pumutok na sa galit si Sir Renats,” sabi niya. Hinawakan ng bata ang kanyang kamay at sabay na silang naglakad pababa ng bundok.   ***                  “Ano na naman ba ang ginawa mo, Axel?!!!!” sigaw ni Renato. Sa lahat ng mga naging estudyante niya, kay Axel niya nararanasang maistress.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD