Prologue
Prologue:
“So, you’re saying you’re not Axel?” tanong ni Dr. Linda Smith sa kanyang pasyente. Nakaupo siya sa isang stool habang ang pasyente niya ay nakaupo sa couch na katapat lamang niya. Nagsalin ng tubig sa baso ang kanyang pasyente at uminom bago sumagot.
“No doc! My name is Axel Santos okay? Pero I am not Axe! Ako si Xel! Not Axe!” sagot sa kanya at kita niya ang frustration ng kanyang pasyente. Tinititigan niya ng maiigi ang kanyang pasyente at inaalam kung bakit sinasabi nito na hindi siya si Axe pero siya si Axel. She actually doesn’t get it.
“Okay, can you tell me who you are?” Nakita niya ang paghugot ng malalim na hininga ng kausap niya at sumandal pa mito sa couch.
“Doc, ganito kasi iyon. My name is Axel Santos. People call me Xel, okay?” sabi sa kanya at tumango naman siya. Pinakikinggan ang mga sasabihin pa ng kanyang pasyente.
“Okay, you’re Xel?”
“Yes!” mabilis na sagot nito.
“Okay, tell me about yourself Xel.”
“Ah is this a job interview?” tanong nito sa kanya at napataas ang kanyang kilay. Ngumiti siya at umiling bago sumagot.
“No, I just want to know who you are Xel. Kasi nga sinasabi mo na you’re Axel but not Axe but Xel. So, medyo shady ang information na ibinibigay mo sa akin. I want to help you okay? So, tell me who are you Xel.”
“Okay, akala ko kasi job interview ito. Anyway, so iyon nga I am Xel. I am a detective at Urduja Police Department. I am one of the best!”
Kita ni Dr. Linda ang saya at ang pagiging proud ng kanyang pasyente nang sabihin nito na isa siyang detective. But, she will not believe that. Papaano nga naman kasi magiging detective ang batang ito? She knew that her patient is only 20 years old, got in a coma for three years. Habang pinagmamasdan niya ay nagfoformulate na sa isipan niya ang maaaring pinagdaraanan ng kanyang pasyente.
“May award nga akong natanggap from Lieutenant Carmen eh because nahuli ko ang isa sa mga matitinik na drug lord sa Urduja. Then there is a case, a murder case. We called it Homra’s Murder case.”
“Homra?”
“Yes. Bryan Homra’s murder case. Anak siya ng isang business tycoon. Natagpuan siyang patay sa isang hotel suite. He was shot point blank! Nakatali ng duct tape ang kanyang mga kamay at paa making it hard for him to escape. So, we investigated it.”
Muli niyang tiningnan ang kanyang pasyente. Her instincts told her that he is not lying.
Or magaling lang gumawa ng kuwento? Tanong niya sa kanyang sarili.
“Then what happened in your investigation?” tanong niya. Sinakyan lang niya ang sinasabi ng kanyang pasyente.
“We happened to know na isang drug cartel ang may gawa. I learned that Bryan Homra stole the coke,” sagot nito habang nag quote and unquote sa hangin ng sabihin niya ang salitang coke.
“What coke? ‘Yung softdrinks?” tanong niya at marahas ang pag-iling ng kausap niya.
“No! Coke means cocaine. Bryan Homra is a drug runner. Hindi niya ibinigay sa recipient ang drugs kaya hinunting siya ng recipient and kidnapped him and shot dead!”
“That’s horrible!” sabi niya at tumango-tango naman ang kausap niya.
“Yes! Indeed!”
“So, what’s next? Nahuli niyo ba ang pumatay sa kanya?” tanong niya at bumuntong hininga naman ang kanyang pasyente.
“I really don’t know. We got an information na ang suspect ay may transaction sa Port of Javier so nagkasa kami ng operation. Nasa port na kami and naghihintay ng signal. Nang nagkaabutan na ng mga items, may partner the idiot Henry nagpaputok! So, nagkagulo na. While I was running towards the suspect, bigla na lamang ako nakarinig ng putok ng baril and when I looked down on myself, nakita kong may dugo na sa dibdib ko. I don’t want to die! I have a fear in death! Kaya I prayed. I prayed to God to not let me die. Ayoko pang mamatay eh!”
“Is that why you fell into a coma?” tanong niya. She can feel that every word that her patient said was all true pero hindi niya pa rin maiisip na totoo nga ito. Masyadong malabo ang info na natanggap niya sa mga doctors nito at family kumpara sa mga sinasabi nito ngayon sa kanya.
She knows na car accident ang nangyari sa pasyenteng ito, not gun shot.
“Did God hear your prayer?” tanong niya ulit at nagkibit ng balikat ang kanyang kausap.
“I guess. I actually don’t know kung totoo nga ang pangyayaring iyon o panaginip. May nakausap akong lalaki bago ako magising. He told me na siya ang admin ng parallel world or something. Sabi niya puwede akong mabuhay pero hindi sa mundo ko, kung hindi dito. Axe was dying and nothing can save him na. That man told me he can transport me in Axe’s body. And now paggising ko, I was in hospital and everything seems not right! Akala ko panaginip ang lahat! I learned na car accident ang nangyari kay Axe and fell into a coma. All I know was I died during a stakeout, I never involved in a car accident.”
“Papaano mo nasabi na everything is not right?”
“I don’t have a family. Namumuhay akong mag-isa. So, it was a bomb ng makita ko ang isang babae and telling me na she’s my mother! I never met that woman! I never met my mother and have no plans to do that. Kaya everything is not right! Papaanong nangyari na may magpapakilala na lang na nanay ko hindi ba?”
Kumuha si Dr. Linda ng papel at may isinusula doon. Samantalang ang kanyang pasyente ay napasandal na lang at napatulala sa kisame.
“Perhaps,” Napa-angat ang ulo ni Dr. Linda at tiningnan ang kanyang kausap.
“Perhaps, that was not a dream. Na totoo ngang nakipagbargain ako sa taong iyon. Ano bang pangalan ng lalaking iyon? Kropek? Keropi? Kronos? Yeah! Kronos ang name ng lalaki sa panaginip ko!”
“Ah Axe---”
“It’s Xel! Not Axe!”
“Okay, I’m sorry. Xel, I think na ang three years mong pagkaka-coma really gets a toll on your mental health,” sabi niya at pinaningkitan siya ng kanyang pasyente.
“Are you telling me na I have a few screws lose?” Kaagad siyang umiling.
“No, of course not! I think you have PTSD.”
“PTSD?”
“Post-traumatic stress disorder. You see, nanggaling ka sa isang comatose state and it’s normal to have this kind of delusion---”
“I’m not delusioning okay?! Fine! I’m done here!” biglang tumayo na ang kanyang pasyente at lumabas na ng clinic niya.
Napailing na lang siya dahil sa inasal ng kanyang pasyente.