Chapter Sixty-one: Mama Natalie Won a Cruise!

1107 Words
Chapter Sixty-one: Mama Natalie Won a Cruise!                  “Ma’am naka-reach po kayo ng five thousand pesos and you are eligible for one free raffle ticket,” sabi sa kanya ng babaeng cashier. Napalaki naman ang kanyang mata dahil sa narinig. “Raffle ticket?” tanong niya at nakangiting tumango ang babaeng cashier. “Yes po.” “A-ano ang prizes?” tanong niya. “Ma’am I will explain to you po. Ten consolation prices are groceries po worth five thousand pesos. Third prize is one brand new washing machine with dryer, second prize is one brand new motorcycle and the grand prize is a luxury cruise ship good for five people!” paliwanag sa kanya. Nang marinig niya ang prize ng grand prize ay biglang nagningning ang mga mata niya.                  Itinuro siya ng cashier sa isang side sa supermarket kung saan ihuhulog ang raffle ticket. Maraming tao ng mga oras na iyon at hindi niya mapigilang maexcite. Umaasa siyang mananalo siya kahit man lang consolation prizes. “Maswerte kayo ma’am, grand raffle na po today!” sabi ng isa sa mga host ng raffle. “Ay talaga? Buti na lang nakaabot ako!” sabi niya. “Sino kaya ang mananalo ngayong grand draw?!” sigaw ng host at naghiyawan ang mga tao. Sinimulan ng iikot ang tambyolo kung saan nakalagay ang mga raffle tickets. Limang beses na inikot ng babae ang tambyolo at inihinto ito. Bumunot na ang host ng isang papel. “Okay! First consolation prize goes to Sir Nathan Ortega!”                  Ilang beses na pinaikot-ikot ang tambyolo para sa sampong consolation prizes. Nang matapos ang para sa mga consolation prizes ay sinunod ang raffle for third and second prizes. Pagkatapos ay para naman sa grand prize. “And now for the grand prize! Sino kaya ang maswerteng mag-uuwi ng five tickets for luxury cruise?!” sigaw ng host. Inikot na ng babae ang tambyolo at inihinto ito. Dumukot na ng raffle ticket ang host. Kinakabahan siya, idagdag pa ang drum roll na pinatutugtog mula sa mga dambuhalang speakers. “Ang nanalo para sa grand prize. Five tickets para sa luxury cruise ay walang iba kung hindi si… Ma’am Natalie Santos!” “Ahhh!” sigaw niya. Sa sobrang saya niya ay napalundag pa siya. Mabilis siyang lumapit sa host at ibinigay sa kanya ang limang ticket para sa sa luxury cruise. Walang mapagsidlan ang kanyang tuwa. ***                  “Nanalo po kayo? Sa isang raffle?” tanong niya kay Mama Natalie pagkadating nito galing sa supermarket. Pagkapasok kasi ng ginang ay malaki ang ngiti nito sa labi. Kitang kita sa mukha ang tuwa nito kaya naman ay naitanong niya kung ano ang nangyari. “Oo. Grand prize!” sagot nito. Nagkatinginan naman silang lahat nila Renato. “Ano ang grand prize, mama?” tanong niya ulit. Binuksan ng ginang ang shoulder bag na gamit nito at inilabas ang isang kulay pink na sobre. Binuksan ito ni Mama Natalie at inilabas ang limang tickets. “Five tickets for luxury cruise!” sigaw nito at ipinakita sa kanila ang mga ticket. Kinuha niya ito at tiningnan. Nakalagay sa ticket kung kailan ang departure at arrival, maging ang itinerary. “Saktong-sakto! Five tayo! So lahat makakasama!” sabi ni Mama Natalie at natigilan siya. Five people? Nagsimula niyang bilangin kung ilan sila sa bahay. Siya, si Mama Natalie, si Renato, si jasmin at si Ryan. Luxury cruise? Paniguradong may mga sexy at magagandang babae doon. Maybe I can sneak and play with them. Ang tagal ko ng walang s*x life. Ang reputasyon ko bilang p*ssy breaker! “You’re really a dumbass. An idiot.” Napalingon naman siya kay Renato na parang nandidiri sa kanya. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin, Sir Renats?” tanong niya at ibinalik na kay Mama Natalie ang mga tickets. “I know may naiisip kang kamanyakan. Being a pervert is a big X mark in Cosa Nostra!” sabi sa kanya ni Renato at pinagkrus pa ang dalawang braso nito. Umismid lang siya at tinulungan ang ina na ayusin ang mga pinamili sa supermarket. ***                  “Wow!” Dinig niyang sabi ni Ryan habang pinagmamasdan ang higanteng barko. Nasa pier na sila at nakapila para makasakay sa cruise ship. Talaga namang malaki ang barkong iyon. Ito ang unang pagkakataon na makakasakay siya sa isang luxury cruise ship. Ah if only Lt. Carmen didn’t cancel my leave that day… “Oh? Kayo ang five lucky winners ng cruise?” tanong ng isa sa mga tauhan ng ship. Tumango naman ang kanyang ina at ngumiti. “Yes, kami nga.” “Congratulations and welcome aboard!”                  Pumasok na sila sa loob at talagang namangha sila sa kanilang nakita. Sobrang laki ng barko. Hindi niya maiwasang maexcite dahil dito. “Mukhang mamahalin talaga ang mga gamit dito,” sabi niya at binatukan naman siya ni Renato. “Of course! This is luxury! So everything should be luxurious!” sigaw sa kanya. “O relax. ‘Wag mo akong sigawan,” sabi niya at naglakad na sila. May isang crew ang lumapit sa kanila at hinatid sila sa kanilang cabin. Pagpasok nila sa cabin ay mas lalo silang namangha. Isang cabin lang sila na mayroong five beds. Agad na tumakbo si Ryan sa isa sa mga kama at tumalon-talon doon. Hindi niya mapigilang makaramdam ng saya dahil sa kanyang nakikita. “Talaga bang barko ito? Parang mansyon!” sabi ni Ryan at tumalon-talon pa din. Agad naman itong sinaway ni Jasmin. “’Wag mong talunan ‘yan! Kapag nasira iyan ay paniguradong babayaran mo!” sabi ni Jasmin at mabilis namang tumigil si Ryan sa kanyang pagtalon. “Behave please. Ayokong may mabasag kayo diyan,” paalala ni Renato kaya umayos naman ang dalawa. “Bakit hindi tayo kumain? I’m sure masasarap ang pagkain dito,” sabi ni Mama Natalie. “Okay!” sigaw nilang lahat and as usual maliban kay Renato.                  Pagpasok nila sa dining hall ay napamangha sila. Para kasing nasa isang five-star hotel sila. Isang fine dining restaurant. “Sana nagpalit man lang ako ng damit,” sabi ni Jasmin habang tinitingnan ang jeans, t-shirt, at rubber shoes na suot. “Akala ko kasi cup noodles lang ang kakainin natin,” dugtong pa nito. “Who cares kung anong suot mo? Mahalaga makakain ka,” sabi niya at naupo na sa isang table. “Yow guys! Mama Natalie!” napatingin sila sa tumawag sa kanila at halos malaglag siya sa kinauupuan nang makita si Tony at Richard. “Tony? Richard?” “Hello, Xel!” “Good day Axel,” sabi naman ni Richard. And here I thought makakapahinga ako, looks like hindi pala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD