Chapter Sixty-two: The Comeback of P*ssy Breaker
“Wow! Nandito din pala kayo,” sabi ni Mama Natalie kina Richard at Tony. Ngumiti naman ang dalawang lalaki at nilapitan ang ginang. Nakipagbeso-beso pa ang mga ito sa kanyang ina.
“Opo. Hindi po nga naming alam na kasama po pala kayo sa cruise na ito,” sabi ni Tony.
“Nanalo kami ng five tickets sa supermarket noong isang araw kaya nakasama kami. This is second time na nakapag-cruise ako!” sagot ni Mama Natalie.
“Mama Natalie! Nandito pala kayo!” sabi ng isang babaeng may pulang buhok at niyakap ang ginang. Sa likod nito ay nakita niya si Harold na nakapamulsa at nakasimangot.
“Harold?” Napatingin sa kanya ang binata at para bang umikot nag mood nito, 360 degrees. Mabilis itong lumapit sa kanya.
“Boss Axel!” sigaw nito sabay yakap sa kanya.
“Eh? Nandito ka din, Harold?” tanong ni Mama Natalie at tumingin si Harold sa ginang.
“Mama!” sigaw nito sabay yakap sa mama niya.
“Boss?” Napalingon siya sa likuran niya at nakita niya ang kambal na sina Celstine at Mykel Rodriguez.
“Hindi na ako magugulat if nandito din si Kris and Lorence,” sabi niya at hind inga siya nagkakamali dahil may biglang dumamba sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya na-out of balance.
“Kuya Axel!” sigaw ni Lorence. Napatingin siya kay Kris na mahinahon lang na naglalakad papalapit sa kanila.
“Bakit kompleto tayo ngayon dito? Hindi sa ayaw ko kayong makasama. Nagtataka lang ako dahil nasa iisang cruise lang tayong lahat,” he said at naupo na sa kanyang upuan.
“May natanggap kaming free luxury cruise ticket kahapon,” sagot ng babaeng may pulang buhok. Napatingin siya dito. Minsan na niyang nakita ang babae sa bahay nila. Noong kalalabas lang niya ng ospital at may pa-welcome party sila.
“Who are you?” tanong niya at mukhang nabigla naman ang babae. Hindi niya tuloy maiwasang maguilty dahil halata sa babae na medyo nasaktan ito.
“Boss Axel, that’s my sister Bianca. Girlfriend din siya ni Richard,” pakilala ni Harold at napatango naman siya.
“I see. Sorry if medyo rude ako. Hindi kasi kita maalala,” sabi niya. Ngumiti si Bianca at hinimas ang kanyang ulo.
“It’s okay. I understand.”
“Anyway, lahat kayo may natanggap na tickets kahapon?” tanong niya at tumango ang lahat. Napatingin siya kay Renato na nakangiti sa kanya.
May kinalaman ang hitman na ito.
“O siya, tama na iyan. Magsikain na tayo,” sabi ni Mama Natalie. Nagrequest si Renato kung pwede ay bigyan sila ng long table dahil marami sila. Mabilis naman silang pinagbigyan ng manager at nagpakuha ng long table. Nang maayos na ang kanilang magiging hapagkainan ay nagsimula na silang kumuha ng kanilang mga pagkain.
Dito niya napansin na parang may dinner sila ng buong pamilya at siya ang head of the family. Nasa unahan siya ng lamesa at nasa kaliwa niya si Mama Natalie. Nasa kanan naman niya sina Harold at Tony.
Napangiti siya dahil sa totoo lang, he feels happy. Happy with this people.
Pagkatapos nilang kumain ay naghiwa-hiwalay na muna sila. Kasama ni Mama Natalie ang mga bata at si Bianca. Kasama naman niya ang kanyang inner circle. At kanina niya pa napapansin na na panay ang dikit sa kanya ni Kris.
Naglalakad silang lahat sa view deck at hindi na niya napigilang magsalita.
“Why are you so close?” tanong niya at napatingin ang lahat kay Kris. Mukha namang nagulat si Kris at nagpatay-malisya.
“Huh? Close?” tanong nito at napabuga na lang siya ng hangin.
Naupo sa mga plastic benches ang iba niyang kasama at siya naman ay nag-lean sa railings. Dinadama niya ang simoy ng hangin. Amoy na amoy niya ang dagat. Maraming mga ibon ang nagliliparan sa taas ng ship.
“Axe…” napalingon siya at nakita si Kris na naka-lean na din sa railings. Napahinga siya ng malalim.
“It’s Xel. Call me Xel,” paalala niya.
“Xel. Okay Xel,” sabi nito. “Anyway, may naalala ka ba? Like naalala mo ang unang beses na nag-cruise ship tayo?” tanong nito sa kanya. Obviously, hindi. Mga panahong buhay pa ka si Axe iyon.
Bakit kasi wala akong alaala ni Axe? Eh ‘di sana ay hindi ako nahihirapan ng ganito. Pretending to have an amnesia!
“Sorry, but I don’t remember,” sagot na lang niya. Nakita niya ang paglungkot ng mga mata nito. Medyo naaawa siya sa lagay nito.
“We used to hold hands—”
“Whoa!” sigaw niya, cutting whatever Kris is saying. Bigla naman siyang nahiya kaya nagkunwari siyang may tinitingnan. Hindi niya kayang patapusin at marinig ang gusto nitong sabihin sa kanya. He can already feel show his skin crawls.
Hold hands?
Napalingon siya sa kanyang likuran at saktong pagdaan ng isang magandang babae. Balingkinitan ang katawan nito at morena. Black, wavy hair at umaabot ito sa mid-back nito. Well, malaki ang hinagarap at ang balakang nito. Nakasuot ito ng mini-skirt at croptop. Halos labas na ang hinaharap nito. Hindi niya mapigilang maglaway.
“Xel—”
Hindi na niya pinansin pa si Kris at sinundan ang babae. Sinundan niya ito hanggang sa umakyat ito sa fifth deck kung nasaan ang pool.
“Hello, gorgeous,” sabi niya sa babae. Huminto ang babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kalaunan ay ngumiti sa kanya.
“Hi, handsome.”
“You alone? I mean you have a boyfriend?” tanong niya agad at mabilis na umiling ang babae.
“No, I don’t have.”
“That’s great!” sabi niya. Walang sabit kung magkataon.
“Oh really? Mind if I ask your name?” tanong nito sa kanya at ngumiti naman siya.
“Sorry, my bad. I’m Axel Santos but you can call me Xel.” Lumapit siya sa babae at bumulong. “The p*ssy breaker.”
Tumawa naman ang babae sa kanya.
“I like that. It’s been months since someone break it for me,” sabi nito sa kanya at tumalikod na. naglakad ito papasok sa loob kaya mabilis niya itong sinundan.
***
“Para kang pinagbagsakan ng langit diyan ah,” sabi niya kay Kris. Kita niya kung papaano umiwas ang Boss Axel niya kay Kris.
“Hindi naman. Hindi ko lang alam kung papaano ko sasabihin ang nakaraan naming. It feels like he already knew pero umiiwas siya. It feels like—”
“He’s a different person,” dugtong niya. Napatingin naman agad sa kanya si Kris.
“You felt that?” tanong sa kanya at tumango naman siya.
“But I like this one. I mean okay lang sa akin na iba na siya at least, he is alive.”