Chapter Sixty: Renato’s Past Part II

1267 Words
Chapter Sixty: Renato’s Past Part II                  “Thanks for waiting, ma’am and sir,” sabi ng waitress habang inilalapag sa kanilang harapan ang kanilang order. Isang slice ng Black Forest cake at a cup of cappuccino kay Anica at sa kanya ay isang slice ng Chocolate Mouse and a cup of espresso. “Enjoy!” sabi ng cute na waitress at tumalikod na. “Let’s dig in!” sabi ni Anica sa kanya. Ngumiti sa kanya ang dalaga at sa ilang beses ay muli na naman siyang nahulog sa dalaga. Her smile is the sweetest thing I know. “Kumain ka na! Titig na titig ka sa kagandahan ko. Mamaya matunaw na ako niyan,” sabi nito sa kanya. Nagpangalumbaba naman siya sa harapan ng babae. Nakangiti at halatang-halata sa kanya na in love siya. “I can stare at you all day,” he said at muling namula ang pisngi ni Anica. “Che! Masyado kang cheesy!” sabi nito sabay tapik sa pisngi niya. Natawa siya dahil dito at sumimsim na siya ng kanyang espresso. He admits. Hindi siya ganito ka-sweet. Kilala siya sa eskwelahan at sa bahay nila as Mr. Stone face or Mr. Emotionless. He doesn’t feel anything or care to anyone. Pero mula nang makilala niya si Anica, everything changed. Nagbago ang lahat mula nang masilayan niya ang matamis nitong ngiti. Natutunan niyang magmahal ng dahil kay Anica. Anica came unexpectedly. Anica showed him the true beauty of the world. Anica made him feel alive. Anica made him capable of love. Anice made him feel a whole new person. Anica made him feel that all. Alam niya naman niya, he is head over heels sa dalaga. “Huy! Ano na? kung ayaw mong kainin ‘yan, might as well akin na lang,” sabi nito. Hindi na niya napansin na halos mauubos na ang Black Forest cake nito. “Then sa’yo na. Okay na ako sa espresso,” he said at iniusog papalapit sa dalaga ang platito niya. Mabilis naman nitong kinuha at tinikman ang cake. “Hmm! Sana pala ito na lang ang kinuha ko. Mas masarap pa ito sa Black Forest,” sabi nito at nilantakan na ang cake. “Dahan-dahan sa sweets. Baka magka-diabetes ka,” sabi niya pero hindi na siya pinansin pa. “Kailan mo ba ako sasagutin?” tanong niya habang pinagmamasdang kumain ang dalaga. “Hmm… maybe next week? Next month? Ah! Next year!” sagot nito sa kanya at nanlaki ang mga mata niya. “What? Next year pa?” “Why? May problema ka ba if next year kita sasagutin?” tanong sa kanya at umiling siya. “Wala naman. I can wait forever if that’s what it takes,” sabi niya. “Good!”                  Pagkatapos nilang kumain sa Sweet Confession Café ay tuluyan ng lumubog ang araw. Madilim na ang mga ilaw sa poste na lang ang nagbibigay tanglaw sa kanilang daanan. Mabuti na lamang at wala ang mga magulang ni Anica dahil panigurado ay katakot-takot na sermon ang aabutin nila lalo na ng dalaga. Ayaw niyang mapagalitan si Anica. Naglalakad sila pauwi na sa bahay nang dalaga nang may madaanan silang isang accessory shop. Napatigil siya dahil sa isang bagay na pumukaw sa atensyon niya. Isang pulang ribbon. “Eh? Hoy! Kanina pa ako nagsasalita, wala pala ako kausap!” Dinig niyang sabi ni Anica. Lumapit sa kanya si Anica at nakita ang tinitingnan niya. “Ano ‘yan? Ribbon? Red ribbon?” tanong sa kanya at tumango siya. “Yeah. You want?” “Ha?” Hindi na niya pinansin ang pagtataka ng dalaga sa kanya at hinatak niya ito papasok sa loob ng shop. Pagpasok nila ay nakita nila ang isang salesman. “Good evening! Welcome to Krono’s Novelty Shop!” sabi nito at pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad, maputi at may pauting buhok. Nakasuot din ito ng itim na antipara. Lumapit siya sa laso na nasa glass window at sinundan naman sila ng salesman. “Ang tawag naming diyan ay ang Red Strings of Fate,” sabi ng salesman. Napatingin silan pareho ni Anica sa salesman. “Red Strings of Fate?” tanong ni Anica at tumango ang salesman. “Yes, Red Strings of Faith. Paniniwala ng ilan, ang dalawang tao ay naka-connect sa isa’t isa sa pamamagitan ng red strings. Ang dalawang tao na konektado sa ganitong paraan ay magkakaugnay ng kapalaran mismo. Maaga man o mahuli, sila ay nakatakdang magtagpo. Gaano man kalayo ang kanilang pamumuhay o kung gaano kalaki ang kanilang kalagayan sa buhay. At, kapag nangyari ito - ang pagtatagpo na iyon ay tiyak na makakaapekto sa kanilang pareho. Kung minsan ang mga strings ay maaaring mabatak at mabuhol. Ngunit ang mga ugnayan ay hindi kailanman masisira.” Napatitig silang pareho sa lasong iyon. “Bibilhin ko po,” sabi niya at mas lumawak ang ngiti ng salesman. “That would be wonderful. Pair ang Red Strings of Fate and tamang-tama dahil narito ang iyong kabiyak.” Kinuha na nito ang dalawang laso at dinala sila sa counter. Ibinalot ng salesman sa isang napakagandang supot ang dalawang laso at binayaran na niya. “Thank you for coming! Please come again!”                  Paglabas nila ng shop ay agad niyang tinanggal sa balot ang mga laso. Kinuha niya ang kanang kamay ni Anica at isinuot ang pulang laso sa kamay ng dalaga. “I believed we are fated to meet,” sabi niya. “Talaga? Naniniwala ka sa sinabi ng salesman na ‘yun?” tanong sa kanya. “Bakit? It doesn’t hurt to believe him,” sagot niya. Kinuha naman ni Anica ang isang laso at isinuot sa kanyang kamay. “Then I believed we were made for each other,” sabi sa kanya. Nakangiti silang naglakad palayo sa shop na iyon.                  “Ne, Apollo.” Lumingon siya sa dalaga. “Ano ‘yun?” tanong niya. “I want to try ko walk on this!” Sabay turo sa mga maliliit na poste ng fence na nasa pathwalk. “’Wag na! Baka madisgrasya ka pa. Mahulog ka o mapilay.” “Sige na! I want to try. I saw my classmates back then. Parang ang saya-saya nila habang ginagawa ito!” Wala na siyang nagawa nang umakyat sa fence ang dalaga. Pasalamat na lang siya at nakapantalon ang dalaga at hindi skirt. “Be careful,” paalala niya. Hawak niya ang kaliwang kamay nito habang tumutulay sa fence. Pinagtitinginan sila ng mga tao but he doesn’t care about them. All he cares is Anica.                  Pero katulad ng kasabihan ng mga matatanda. Everything has a price. You’re happy? Then you will pay for it. Napalingon siya nang makarinig na matinis na busina ng truck. Nakita niya itong nawawalan ng control at ang ilang mga tao ay mabilis na umiwas sa paparating na truck. “Anica!” sigaw niya. Hinatak niya pababa ang dalaga at itinulak para makaiwas sa truck. Iiwas na sana siya nang bigla na lang niya maramdaman ang mabigat na pakiramdam sa kanyang katawan. “Apollo!!” Anica… Nakikita niya pa, sa nanlalabong paningin ang umiiyak na mukha ni Anica. ***                  “I’m sorry, Apollo. I’m sorry! Kasalanan ko!” sabi ni Anica habang pinagmamasdan ang nahihimbing na lalaki. Fifteen years na ang nakalipas pero sariwa pa din sa kanyang alaala ang gabing iyon. Ang gabing lubos siyang masaya at ang gabing nadurog ng husto ang puso niya. Napatingin siya sa kanyang pulso at hinawakan ang pulang laso. Hindi niya alam kung nasaan napunta ang laso na nasa kamay ni Apollo nang gabing iyon. Bigla na lamang itong nawala. Naglaho na parang bula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD