Chapter Forty-one: Entering the University
Universidad de Froilandon. Ang pinakamatanda at pinakatanyag na unibersidad sa buong Azalea. Tatlong daang taon na itong nagbibigay ng kalidad at abot kayang edukasyon para sa mamamayanan ng Azalea.
Tinitigan niya ang malaking eskwelahang nasa harapan niya. Actually, nasa loob na siya ng school grounds. May isang malaking fountain sa gitna ng grounds at napapaligiran ng mga gusali. Marami ding mga estudyante na may suot na iba’t ibang uniforms. Mayroong kulay gray, mayroong itim, at mayroong kulay brown.
Wow! Ang laki! Samantalang sa mundo ko Polytechnic University of the Azalea lang ang kilalang eskwelahan doon. Wala pa kaming uniform. Pero dito mukhang high class!
“Welcome sa Universidad de Froilandon, boss Axel,” sabi sa kanya ni Harold. Dito na niya pinagmasdan ang dalawa niyang kasama. Suot ni Harold ang isang kulay puting polo at pulang slacks. May kulay pula ang lining ng butones ng polo nito. May naburdang Conservatory Dept. sa bulsa na nakalagay sa kaliwang dibdib nito. Si Tony naman ay nakasuot ng polong-barong na kulay gray at itim na slacks. May nakaburdang Educ. Sa kaliwang kuwelyo nito. Siya naman ay simpleng itim na t-shirt at maong pants na pinaresan niya ng pulang sneakers.
“Kailan ako magkakaroon ng uniform?” tanong niya. Nagkibit-balikat naman si Tony.
“Itatanong natin sa admin ‘yan, boss. Sa ngayon ay pumunta muna tayo ng registrar’s office para kunin ang class schedule mo. Start na ngayon ang second semester so tamang tama lang ang pagpasok mo.”
Sinamahan siya ng dalawa papunta sa regstrar’s office. Nang tiningnan siya ng babaeng registrar ay tinaasan lang siya ng kilay. Dahil dito ay nagsalubong lang ang kilay niya. Naalala niya ang mga registrar noong criminology student siya noon sa mundo niya. Whatever world it is, iisa lang ang characteristics ng mga registrars.
Masungit!
May ilang forms lang siyang sinagutan at ibinigay na sa kanya ang kapirasong index card kung saan nakalagay ang kanyang schedule.
“Where can I get my uniform?” tanong niya.
“Sa admin!” sigaw nito. Dahil dito ay nag-init ang ulo niya. Hindi siya tulad ng ibang estudyante na hahayaan lang niyang sisigawan lang siya.
“Kung may regla ka ‘wag mo kaming idamay ah! Sungit-sungit! Kinaganda mo ‘yan?!” sabi niya. Mabilis niyang naramdaman ang mga kamay ni Tony at Harold at hinila siya palayo sa registrar’s office.
“Boss shut up ka na lang.”
“’Wag mo na lang pansinin ang registrar na ‘yun.”
Paglabas nila ng Registrar’s office ay nagtungo sila sa admin office. Doon ay sinalubong sila ng isang admin officer na babae.
“Ang about sa uniform mo, mamayang hapon pa naming maibibigay. Punta ka dito before you go home. Okay?”
Tumango naman siya at tumalikod na.
“Boss ito ang building ng Business Department. Bale dito ka lang iikot sa buong building na ito,” sabi ni Harold. Pinagmasdan niya ang building at sa tantya niya ay may limang palapag ito.
“Maiwan ka na naming, Xel. Magsisimula na din ang klase naming,” sabi ni Tony. Tumango naman siya.
“Kita na lang tayo mamaya,” sagot niya. Tumalikod na ang dalawa at nagkanya-kanyang punta na sa mga building department nila. Huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob ng building. Nakita niya sa kanyang schedule ang room number niya.
BA 001
Pagpasok niya doon ay marami ng estudyante. Wala sa hinagap niya na mag-aaral siyang muli. Naalala niya madalas siyang mag-cutting noong criminology student pa siya. Kung saan-saan siya napapadpad noon. Madalas sa isang motel or lodge at kasama siyang magandang babae.
Ugghh! Naalala ko na naman! Wala akong s*x life dito!
May ilang estudyanteng lumingon sa kanya at tinitigan siya pero hindi naman niya alintana iyon. Naisipan niyang maupo sa huling row sa taas at sa pinakasulok. Hindi nagtagal ay unti-unti ng napupuno ng mga estudyante ang buong classroom.
“Hi.” Napalingon siya sa isang babaeng lumapit sa kanya. Maputi ito at matangkad. May kulay brown at maalong buhok at nakasuot ng uniform na kulay brown. Long sleeves na kulay brown, pencil cut checkered brown at maging ang necktie nito ay checkered brown din. Napansin siyang siya lang ang naka-civilian.
“Hello,” sagot niya pabalik.
“Mind if I seat beside you?” tanong sa kanya. Tumango naman siya at umusod ng maayos. “Thank you.” At tuluyan na itong umupo sa tabi niya. Amoy niya kaagad ang matamis na pabango nito.
Strawberry scent.
“I guess you’re the new student. I’m Xia by the way,” pakilala ng babae. Ngumiti siya at tinanggap ang kamay nitong inilahad.
“I’m Axel Santos. You can call me Xel for short,” pakilala niya sabay kindat sa babae.
“Oh my! You have also the letter Xx in your name.”
“And people with X in their name are unpredictable.”
“Indeed.” At nagtawanan sila pareho. Sa palagay niya, he can get along with this lovely lady.
“Okay class settle down!” sabi ng isang matandang kapapasok ng kanilang classroom. Well, hindi naman ganoon katanda. Nasa edad singkwenta’y sinco anyos ito. Matangkad at may itim na buhok. One sided ang bangs nito na halatang pinahiran ng gel. May malaking salamin ito sa mata at nakasuot ng long sleeves na kulay asul, black necktie at slacks. May dala itong isang itim na folder at pumwesto ito sa podium na nasa harapan nila.
“It looks like another five months of lokohan na naman ang mangyayari sa atin. I see so many familiar faces and one unfamiliar.” Binuksan nito ang itim na folder at tila may hinahanap na pangalan.
“Kindly please stand, Mr. Axel Santos,” sabi nito. Sumunod naman siya sa utos nito. Tumayo siya at halos lahat ng mga kaklase niya ay tumingin sa kanya.
“Can you please introduce yourself?”
What is this? High school? May introduce yourself pang nalalaman.
“Umm… good morning, everyone. I’m Axel Santos but you can call me Xel for short. Nice to meet you all.” Nag-bow pa siya saglit.
“It says sa record mo na you passed the entrance examination three years ago. What happened? Bakit ngayon ka lang nag-enroll or pumasok?” tanong sa kanya. Pinigilan niya ang sarili niyang maasar. Bakit naman kasi napunta siya sa hot seat?
“I got an accident three years ago,” sagot niya.
“And?” Napataas na ang kilay niya. Nagsisimula na siyang makaramdam ng inis sa professor niyang iyon.
“I got in a car accident which leaves me in a comatose state. I was asleep for three years.” Nagsimula na ang bulungan ng paligid. “Nagising ako five months ago. Wait, make it six. Six months ago.”