Chapter Forty-two: The Old Fart Professor
Mr. Nathaniel Diaz—ang terror professor niya sa subject na General Mathematics. At pakiramdam niya ay gigil na gigil sa kanya ito. Hindi niya alam kung bakit.
“Santos!” sigaw nito sa kanya. Sa gulat niya ay mabilis siyang tumayo at sumaludo pa.
“Sir! Yes! Sir!” sagot niya. Bigla namang nagtawanan ang buong klase. Napabuntong hininga naman siya at umayos. Sometimes, kung ano ang nakasanayan niya noong pulis pa siya ay dala-dala pa din niya hanggang sa mundong ito.
“What are you doing?!” sigaw nito. Napakamot naman siya ng kanyang ulo. He admits it, he was napping a while ago. Pero masisisi ba siya? Ang pinaka-ayaw niyang subject ay Math. That’s why panay ang cutting classes niya noong nag-aaral siya. He even get sinco that time kaya nagpasa pa siya ng special project para pumalo man lang sa tres ang kanyang grades.
“Napping, sir,” sagot niya. Dahil dito ay mas lalong nag-init ang ulo ng kanyang professor.
“Answer this, Santos!” sabay bato ng chalk sa kanya. Mabilis naman siyang nakailag at ang natamaan ay ang kaklase niyang nasa likod. Kamot-ulo siyang naglakad papalapit sa pisara at tinitigan ang mathematics equation.
y= log (2x-1) – log(3x)
Sa totoo lang, hindi niya alam ang sagot. Ilang segundo niyang tinitigan ito at humarap sa kanyang professor. Nahuli niya itong nakangiti at para bang tuwang-tuwa na hindi niya nasagutan ang nasa pisara.
What is his problem? Anong trip nito?
“I don’t know the answer. I don’t know how to answer,” simpleng sagot niya. Mas lalong lumawak ang ngiti nito at kalaunan ay tumawa ng tumawa.
“Ha! Sinasabi ko na nga ba! You’re dumb, Santos!” sigaw nito sa kanya. Dito na nagsalubong ang kilay niya at pakiramdam niya ay mapipigtas na ang pisi ng pasensya niya para sa matandang iyon. “I don’t know why the admin accepted a guy like you! Sana habang buhay ka na lang natulog!”
Snap!
“What did you just say? Am I better off dead?” tanong niya. Tiningnan niya ang buong klase at kita niya sa mga mukha ng mga kaklase niya ang gulat dahil sa mga binitawang salita ng guro nila. Huminga siya ng malalim, pilit kinakalma ang kanyang sarili. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan at kating-kati na ang kanyang mga kamao na suntukin ang baliw na propesor nila.
“Bawiin mo ang sinabi mo,” sabi niya sa pagitan ng kanyang mga ngipin.
“Ang alin? Saan doon? You know what? I hate dumb students like you! I hate the whole being of you!” sigaw sa kanya pabalik. “Tama! You better off—”
Nagulat ang lahat. Napasinghap ang ilan.
“F*ck you!” sigaw niya. Tinitigan niya si Mr. Nathaniel Diaz na nakahiga sa sagig at may dugo sa gilid ng labi nito.
“How dare you!” sigaw nito sa kanya at tumayo. “How dare you!”
“How dare you too! Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ng Mama Natalie ko habang nakikipalaban ako sa buhay ko? Ang nararamdaman ng pamilya ko?!” Tinatambol ng galit ang kanyang puso. Halos dinig niya ang pagragasa ng kanyang dugo dahil sa galit.
“Sasabihin ko ‘to sa admin! Sa may-ari! Malalaman nila ang ginawa mo!”
“Go on! Kahit magsumbong ka sa nanay mo! Wala akong pakialam! Tingnan natin kung sino ang iiyak pagkatapos ng araw na ito!” sabi niya. Galit na lumabas ng silid-aralan si Mr. Diaz.
Nanginginig pa din ang kalamnan niya dahil sa galit.
“Xel!” Napatingin siya kay Xia na nasa likuran. “Ang galing mo!” at pumalakpak pa ito. Nagsimulang magpalakpakan ang kanyang mga kaklase.
“Wohoo! Dapat lang sa kanya iyon!”
“Nakahanap din siya ng katapat!”
***
“What?! He told you that?!” sigaw ni Harold. Lunch break ngayon at nagkataong sabay-sabay ang kanilang break. Hindi niya maiwasang ikwento ang nangyari sa kanila ng guro na si Mr. Diaz.
“That’s not acceptable. Kailangan may gawin tayo,” sabi ni Tony.
“I know. And I want na sa akin ang huling halakhak. May kilala ba kayong marunong sa computers? Like hacker or something?” tanong niya.
“Then I know who is the right person,” sabi ni Harold.
Hindi na nila tinapos ang kanilang mga kinakain at sinundan nalang nila si Harold. Natagpuan na lang niya ang sarili na pumasok sa building ng IT department. Dumeretso sila sa isang silid na nasa third floor ng building.
Pumasok sila doon at sinalubong sila ng madilim na paligid. May munting liwanag na mukhang nanggagaling sa computer sa isang sulok. Lumapit sila doon.
“Hey, nerd,” sabi ni Harold. Nakita niya ang isang babae na may kulay pink na buhok at makapal na antipara.
“Ikaw pala, Harold.”
“We have a job for you,” sabi ni Harold.
“Ano ‘yun? You know my fees are expensive.” Mabilis na dumukot si Harold ng pera at nakita niyang ilang bills din iyon. Agad itong kinuha ng babae.
“Name?”
“Nathaniel Diaz.” Kita niya ang pagtataka sa mukha ng babae.
“You mean? The old fart professor?”
“Oo,” mabilis niyang sagot.
“Looks like nakahanap siya ng katapat,” sabi nito at tumipa na computer nito. Wala pang sampong minuto ay may pinrint itong papel. Mga nasa limang pages din iyon. Mabilis niya itong kinuha at binasa.
Napataas ang kanyang kilay matapos mabasa ang mga nakalagay doon.
“Oh? Legit ‘to?” tanong niya.
“Boss, legit ‘yan. Sarah is one of the top hackers in Azalea,” sabi ni Harold.
‘Wait, boss?” Napatingin siya sa babae. “Siya ang boss mo? I mean the future boss ng Cielo?” Tumango naman agad si Harold.
“Oh my god!” Bigla itong tumayo at hinawakan ang kanang kamay niya at hinalikan. Nabigla naman siya dahil sa ginawa ng babae.
“Whoa! Whoa! Wait!” sabi niya.
“Boss, kissing the boss’ right hand is a sign of loyalty and respect,” sabi naman ni Harold. Alanganin na lang siyang napatango.
“I’m Sarah Irish! I’m also belong to Cosa Nostra but I am loyal to Cielo. Nice finally meeting you!” sabi nito sa kanya.
“Ah eh… nice meeting you too. Thank you dito ah!” sabi niya sabay pakita ng mga papel.
“You’re welcome, boss.” Lumingon ito kay Harold at ibinalik ang perang ibinigay kanina. “When it comes to Cielo, my services are free.”