Chapter Forty: Study and dying again?

1177 Words
Chapter Forty: Study and dying again?                  “Anak, are you okay?” Napatingin siya kay Mama Natalie. Kita niya ang pag-aalala nito sa maamong mukha ng kanyang ina. “Bakit? Bakit ka umiiyak?” tanong sa kanya. Bumangon siya at pinunasan ang luha. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang sakit na naramdaman noon ni Axe. Muli niya kasing napanaginipan ang alaala ni Axe. Ang gabing mabalitaan nilang namatay ang ama nito. Lumapit sa kanya si Mama Natalie at umupo sa tabi niya. Kung noong nasa dating mundo pa siya ay hindi siya umiiyak, ngayon ay para bang napakadali na sa kanya ang lumuha. Hindi niya mapigilang lumuha dahil damang-dama niya ang sakit. Ang parang pinipirasong puso ni Axe ay ramdam niya. “Axel?” Umiling siya. “Wala Mama Natalie. It’s just… naalala ko ang gabing mamatay si Papa,” sagot niya. Muli niyang pinunasan ang mga luha niya at naramdaman niya ang pagyakap ng ina. “It was a bad dream?” tanong sa kanya. Umiling ulit siya. “No. It was not. Ramdam ko lang ang pain ng pagkawala niya,” sagot niya. Ramdam ko ang pain na naramdaman ni Axe. The bullying and the death of his father. Hindi niya akalain na may matinding pinagdaanan si Axe. Akala niya pa-easy-easy lang ang buhay nito. Pero hindi pala. Axe was bullied, calling him Axel-palpak. The laughing stock of the school. The teachers and admin didin’t do anything to stop that. He was orphaned pero hindi siya nakaranas ng kahit anong pambubully o pang-aalipusta sa buong buhay niya. He knows Axe was a good person, so it is really breaking his heart knowing that his parallel self has experienced and endured it. “Napanaginipan ko din na binully ako,” sabi niya. Naramdaman niya na tila na-tense ang kanyang ina pero binalewala na lang niya iyon. “Forget those memories, Axel. Forget those.” Humiwalay na si Mama Natalie sa kanya at ngumiti. “Sige na, tumayo ka na diyan. Let’s have our breakfast, okay?” Tumango naman siya at tuluyan ng lumabas si Mama Natalie sa kanyang kwarto. Hindi na din siya nagpatumpik-tumpik at tumayo na siya upang maligo.                  Pagbaba niya ay nasa dining table na ang lahat at siya na lang ang hinihintay. Kasama ulit niya sina Harold at Tony. Naupo na siya sa kanyang pwesto at umusal sila ng munting panalangin bago kumain. “Let’s eat na,” sabi ni Mama Natalie. Kanya-kanya na silang sandok ng kanilang pagkain. Mabilis niyang kinuha ang dried fish at nagsimulang kumain. “Nga pala, Axel.” Napatingin siya sa kanyang ina. “I decided na it’s time na bumalik ka sa pag-aaral. Napag-iiwanan ka na kasi sa totoo lang,” dugtong nito. Napatigil siya sa kanyang pagkain at napatingin sa kanyang ina. “Ha? Mag-aaral ako ulit—I mean mag-aaral ako?” tanong niya. Hindi ko naisip ito. Hindi kami friends ng salitang studying. Babalik na naman ako sa punto ng buhay ko, ang study at dying. “Of course, dumbass!” Napalingon naman siya kay Renato. “Noong naaksidente ako, nasa college na ba ako that time?” tanong niya at umiling sina Tony at Harold. “Hindi, Boss Axel. Incoming first year college ka palang,” sagot ni Harold. “Kapapasa mo palang sa entrance exam that time,” dugtong naman ni Tony. “Ano course dapat ang kukunin ko?” “Business Administration,” sagot ni Harold. “Ayoko ‘nun!” sabi niya. “I’m not good at numbers and management,” dugtong pa niya. Napatingin siya sa kanyang mga kasama at kita niya ang gulat sa mga mukha nito especially kina Tony at Harold. “Ha? Not good at numbers? Noong highschool tayo ay best in Math ka nga,” sabi ni Tony. What the f*ck?! Seryoso? Oh sh*t! “Ah eh… I forgot? Sorry,” iyon na lang ang nasabi niya. Pero naisip niya, bakit hindi niya subukan ang course na iyon? Para maiba naman. To let him try new things. “Kailan ako papasok? Saang school?” “Universidad de Froilandon and you will start next week,” sagot ni Renato. “Don Timoteo pulled some strings para makapasok ka ulit without taking the entrance exam again. But the thing is, you need to stick with your stated course which is Business Administration,” paliwanag sa kanya. Napasipol na lang siya at mukhang wala na din naman siyang magagawa. He is now living as Axe so wala siyang choice kung hindi ang gawin ito.                  “Harold, Tony, I have a question,” sabi niya habang nasa clubhouse sila ng kanilang subdivision. Naglalaro sila ngayon ng billiards para palipasin ang maghapon. “Ano ‘yun, boss Axel?” “Sige lang, Xel,” sabi naman ni Tony. “Magkakilala na ba tayo noong highschool? Kasi I remembered I was bullied back then,” sabi niya. Natahmik naman ang dalawa. Tumira siya at lumusot sa holes ang ball number 5. Tumingin siya sa kanyang mga kasama at nakitang seryoso itong nakatingin sa kanya. “Naalala mo, Xel? Sa lahat ng pwedeng maalala mo ‘yun pa,” sabi ni Tony at napakamot ng ulo. “Forget that dark past, boss,” sabi naman ni Harold. “Okay, just answer my question.” Tumira siya ngunit kahit isa sa mga bola ay walang lumusot sa hole. Turn na ni Harold kaya kinuha nito ang tisa na sa gilid at tumira na. “Nauna akong makilala mo, boss. Sa mansyon ni Don Timoteo. He adopted me,” sagot ni Harold sa kanya. “Tayo naman when we were third year high school. Noong nagtransfer ka na sa school natin. Bagong lipat lang kayo dito sa Mista,” sagot naman ni Tony. Napatango naman siya. “Hindi ba’t may inner circle tayo? Members kayo doon ‘di ba?” Tumango naman ang dalawa. “Bakit parang hindi ko nakikita ang iba?” “Well, si Richard ay medyo busy kasi internship na niya. He is a medical student. Si Kris naman ay graduate na and busy managing his parent’s business. Ang kambal na sina Michael and Celestine ay busy din sa studies. They’re both third year political science students. Ako naman ay third year conservatory student and that idiot—” sabay turo kay Tony, “—is also a third-year education student.” “Really? Educ ka?” tanong niya kay Tony. Tumango naman si Tony. “Elementary? Highschool? What’s your major?” “Elementary, major in general education.” “Boss, noong wala ka pang malay ay palagi namang nadalaw sa iyo ang mga members ng inner circle mo. Noong welcome party mo ay apat yata kami ang nandoon.” “Talaga? Sorry, hindi ko alam,” sabi niya. “Ako, si Tony, si Celestine tapos si Richard kasama ang girlfriend nitong si Bianca. Oh well, Bianca is my sister.” “Wow! Anyway, I’m looking forward sa pagpasok ko sa school next week. Duguan na naman ng utak!” Natawa na lang ang dalawa sa kanya. Study and dying again!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD