Chapter Forty-three: The Poisonous Secret of Old Fart
“Thanks again, Sarah,” sabi niya sa babae. Kumaway naman si Sarah sa kanya bago sila tuluyang lumabas ng computer lab—old computer lab. Paglabas nila ay may ilang students na tumingin sa kanila pero wala na siyang pakialam sa mga iyon. Hindi niya akalain na ang mayabang at walang pusong propesor na iyon ay may itinatagong lihim pala.
“Care to tell me kung ano nahanap niya?” tanong ni Tony habang naglalakad sila pababa ng third floor. Ibinigay naman niya ang papel sa binata. Sabay na binasa ito nila Tony at Harold. At kitang kita niya ang gulat sa mga mukha nito.
“Is this for real?” tanong ni Tony.
“I told you, Sarah is a legit hacker. Halos lahat ng sites and information ay kaya niyang ibigay,” sabi naman ni Harold.
“If ibibigay mo ito kay Dean or kung kanino man, do you think maniniwala sila? This is just a piece of paper,” sabi ni Tony.
“Tama ka. We need evidence,” sabi niya. Kinuha niya ulit ang isa sa limang papel at binasa ito. Paulit-ulit niya itong binabasa hanggang sa may nakita siya.
“Look, hindi ba’t joogle notes ‘to?” tanong niya sa isang picture na nandoon. Isang screen shot ng notes ang nandoon na may title na Secrets.
“Oo. It’s a joogle notes. Maybe kayang i-hack ni Sarah iyan. We can go back,” sabi ni Harold. Umiling naman siya.
“No, ayokong abusuhin ang services ni Sarah. I have an idea,” sabi niya at tuluyan ng bumaba ng palapag.
***
“Umm… boss, what are we doing here?” tanong ni Harold sa kanya. Nilingon niya ito at sumensyas. Inilagay niya ang hintuturo sa kanyang labi. Nasa gilid sila ng faculty room. Sinilip niya ang loob nito at nakita na ang kalahati ng mga professors ay wala. Ang iba ang nagla-lunch, ang iba ay nasa mga klase nito. Nakita niya ang table ni Mr. Diaz dahil sa napakalaking name plate nito sa ibabaw ng lamesa.
“Look out for me, okay?” sabi niya. Tumango naman ang dalawa. Pagapang siyang pumasok sa loob ng faculty room. Maingat na hindi siya makita ng kahit na sinong professors. Paglapit niya sa lamesa ay agad niyang tiningnan ang bag pack nito na nasa swivel chair. Kinuha niya ito at hinanap ang phone. Hindi naman siya nabigong makita ito. Binuksan niya ito and he thank the heavens dahil wala itong password. Mabilis niyang pinuntahan ang joogle notes nito at binuksan. Nakita niya ang note na may file name na Secrets. Binuksan niya ito at agad na kinuhaan ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Pagkatapos ay maingat niya itong ibinalik sa bag. Doing his best to put back the bag on how it looks before. Pagkatapos ay mabilis siyang gumapang palabas ng faculty room.
Ha! Lady luck is on my side!
Mabilis niyang hinatak ang dalawa palayo sa faculty room. Dinala sila ng kanilang mga paa sa science garden ng Universidad.
“May nakuha kang impormasyon, boss?”
“Yeah,” sagot niya. Binuksan niya ang kanyang celllphone at tiningnan ang nakuha niyang impormasyon.
“Ito may nakalagay. ‘My secrets were buried under the poisonous flower’.”
“What does it mean?” tanong ni Tony.
“Ibig sabihin ay nakabaon daw sa isang poisonous flower. Wait, anong poisonous flower? Anong klaseng bulaklak iyon?” sabi naman ni Harold. Napaisip siya. Iniisip niya kung ano-ano ang mga halamang nakakalason. Iniisip niya ang training niya noon tungkol sa mga poisonous plants.
Poisonous flowers. Anong klaseng bulaklak? There thousands of poisonous flowers in Azalea. Ano ang tinutukoy niya?
Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang matinis nap ag-ring ng school bell.
“We need to get back to our classes, boss. Mahirap mahuling nagka-cutting classes. Masususpend tayo kapag nagkataon.” Tumango na lang siya at naghiwa-hiwalay na silang tatlo.
Sa buong maghapon ay naging matiwasay ang mga pangyayari. Inaasahan niyang ipatatawag siya sa dean’s office o kung saan man pero hindi. Nag-uwian na lahat-lahat ay walang patawag ang nangyari sa kanya. Pero alam niyang hindi siya dapat magpakampante. Iba ang karakas ni Mr. Diaz at sisiguraduhin niyang iiyak ito at magmamakaawa sa kanya.
“Tara na, boss let’s go home,” sabi ni Harold noong papunta na sila sa parking area ng school. Malapit na sila sa parking area nang may maalala siya.
Hindi kaya? Sh*t! I saw a wolfsbane kanina sa garden!
“Harold, Tony,” tawag niya sa dalawa. Tumigil naman sa paglalakad ang dalawa at nilingon siya. “I think I know kung saan nakalibing ang secrets niya.”
“Saan?”
“Sa garden kanina.”
“Sa Science Garden?” tanong ni Tony.
“Yeah!”
Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalawa at agad na tumakbo pabalik sa Science Garden. Doon ay nakita ang nag-iisang wolfsbane.
I’m sure nandito sa ilalim nito ang secrets ng matandang iyon!
“Ito na ba ‘yung tinutukoy sa notes niya?” tanong ni Tony. Akmang hahawakan nito ang petals pero agad niya itong pinigilan.
“Stop it, Tony!” sigaw niya. Nabigla naman ang binata sa kanya. “Wolfsbane is a poisonous flower. Nasa petals at roots niyan ang matinding lason,” paliwanag niya. Napakamot na lang ang lalaki sa kanya.
“Sorry.”
Ang Aconitum napellus o ang tinatawag na monkshood o mas kilala sa pangalang Wolfsbane ay isang perinnial herb na madalas gawing pangdekorasyon dahil sa kaakit-akit nitong kulay na asul hanggang sa pagiging kulay lila. Ang lahat ng parte ng halaman na ito ay may taglay na lason, lalo na ang ugat at mga buto nito. Nagtataglay ito ng lason na tinatawag na Aconitine. Madalas na sinisira ng lasong ito ay ang puso at ang mga nerves ng tao.
Ano nga ba ang epekto ng halamang ito sa tao? Mabilis ang magiging epekto sa tao lalo na kung na-ingest ito. ang mga sintomas nito ay pagkamanhid ng buong katawan lalo na ng bibig at dila, panginginig, pagbilis o pagbagal ng t***k ng puso, pagkahilo, pagsusuka, pagsakit ng tiyan at diarrhea.
“I’m pretty sure nasa ilalim niyang ang hinahanap natin,” sabi niya. Lumingon siya sa paligid at nakita ang ilang gardening tools. Mabilis niya itong kinuha. Isinuot niya ang rubber gloves at maingat na binungkal ang lupa. Maingat niyang tinanggal ang halaman at dito na nga niya nakita ang isang plastic box. Kinuha niya ito at maingat na ibinalik ang halaman.
Lumapit siya sa isang faucet at hinugasan ang plastic box. Tinatanggal ang mga natitirang residue ng Wolfsbane. Pagkatapos ay itinapon niya sa trash bin ang ginamit na gloves at gardening tools.
Binuksan na nila ang plastic box at gulat na gulat sila sa mga laman nito. Napangiti siya.
“Ha! May alas na din ako!”