Chapter Forty-four: The Ridiculous Old Fart Professor
“You’re smiling like an idiot,” sabi ni Renato sa kanya. He knows that. Hindi lang niya mapigilan. Kasalukuyan silang kumakain ng agahan at katatapos lang niyang mag-jogging. Alam niyang kanina pa siya pinagmamasdan ng hitman at nagtatataka sa kanyang mga ikinikilos.
“Wala naman. May inaabangan lang ako,” sagot niya sabay higop sa kanyang kape.
“You’re hooking with someone?” tanong ni Renato. Tiningnan niya si Renato at ngumiti.
“How I wish Sir Renats. I want to bang somebody pero too bad hindi iyon ang reason. You see, I have this old fart professor,” sagot niya. Mukha namang nag-aabang si Renato ng susunod niyang sasabihin. Nagdesisyon siyang sabihin ang nangyari sa kanila ni Mr. Diaz.
“And?”
“He told be na I’m better off dead. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin. Sometimes I felt he was mocking me for being asleep for three years. Palagi na lang niya ako pinapahiya.”
“And what did you do?”
“I punched him. Straight in his face!” Sabay pakita ng kanyang kamao. Tinaasan siya ng kilay ng hitma.
“Sinuntok mo siya? Inside the class?”
“In front of the class,” paglilinaw niya. “Sa totoo lang, kahapon ko pa hinihintay na ipatawag ako. I made his lips bled kahapon. Tapos sabi niya hindi matatapos ang araw na iyon na hindi ako ipapatawag. Well, hanggang ngayon hinihintay ko ang patawag niya,” paliwanag niya. Tumayo na siya at inilagay ang ginamit na mug sa lababo.
“Axel, ilagay mo na lang iyan diyan. Ako na maghuhugas,” sabi ng Mama Natalie niya pagkapasok nito sa dining area. Galing ito sa garden at may mga lupa pang kumapit sa damit nito.
“Okay po mama,” sagot niya. Tumingin siya kay Renato. “Hinihintay ko lang patawag niya. He tries to expel me? I have a surprise for him,” sabi niya and he smiles. Hindi na niya hinintay magsalita si Renato at tuluyan ng lumabas ng bahay. Paglabas niya ay hinihintay na siya nina Harold at Tony. Napatigil siya nang makitang may kasama ang mga ito na babae.
“Good morning, boss!”
“Good morning, Xel!”
Lumapit sa kanya ang babae. Pinagmasdan niya ito. May mahaba at itim na buhok. Umaabot lang sa balikat niya ang tangkad nito. May balingkinitang pangangatawan at nakasuot ito ng isang pencil skirt na kulay black at puting long sleeve blouse.
“Good morning, boss!” bati sa kanya ng babae. Napatingin naman siya kay Harold, humihingi ng sagot kung sino nga ba ang babaeng nasa harapan niya.
“Boss, si Celestine. She’s the twin sister of Mykel. She’s also part of your inner circle,” pakilala ni Harold sa babae. Napatango naman siya at ngumiti sa babae.
“I’m sorry if hindi kita maalala,” sabi niya. Ngumiti ang babae at umiling. Ang maamo nitong mukha ay sobrang maaliwalas.
“It’s okay, boss. Alam ko naman ang naging kalagayan ko,” sagot ni Celestine.
“Thank you, Tine,” sabi niya. Mukha namang nagulat ang babae sa paraan ng pagbanggit niya ng pangalan nito. Pero kalaunan ay ngumiti at niyakap siya.
“Glad you, remember my nickname.”
Okay?
“Anyway, tara na. Baka malate tayo or Kris will be hunting our heads,” sabi ni Harold at sabay-sabay na silang sumakay ng kotse nito na naka-park sa tapat ng bahay nila.
Tahimik nilang binabagtas ang daang patungo sa Universidad de Froilandon.
***
“Any news? Nakita mo si Mr. Diaz?” tanong niya kay Xia pagpasok ng kanilang classroom. Umiling ang dalaga sa kanya.
“No. Mula ng tagpo niyo kahapon ay hindi na daw siya sumulpot sa iba pa nitong mga klase,” sagot sa kanya. “Hindi naman kasi tama ang ginawa niya kahapon. That’s too below the belt. Wishing someone to die? He was the worst person I knew! Ever!” Natawa na lang siya.
Hindi nagtagal ay nakumpleto na ang klase nila at hinihintay na lang ang first prof nila sa araw na iyon—si Mr. Nathaniel Diaz.
Napatingin silang lahat ng makitang pumasok si Mr. Diaz na balot ng benda.
“Just what the f*ck?” bulong niya. Naiiling na lang siyang pinagmamasdan ang propesor nila. Mr. Diaz has a bandage in his head, and having a sling arm support. Nagsimula na din ang bulungan sa buong klase.
“That is absurd,” sabi ni Xia na hindi din makapaniwala.
“Silence!” sigaw ni Mr. Diaz. Mabilis siyang hinanap ng guro at nagtama ang kanilang mga paningin.
“Mr. Santos, look what you’ve done to me? I have to suffer to a concussion and elbow sprain!” Dito na siya napatayo.
“That is ridiculous!” sigaw niya. “You’re being over dramatic, Mr. Diaz,” sagot niya. Bigla na lamang pumasok ang isang matandang babae sa loob ng classroom. Sa tingin niya ay nasa sixty years old na ito. Bakas na ang wrinkles sa mukha at braso nito. Her white hair is perfectly tied in a bun, may antipara din itong suot.
“Mr. Axel Santos, I am Dean Agatha Ferrer. I want to talk with your behavior you showed yesterday. In my office. NOW.”
Napatingin siya kay Xia at nagkibit balikat na lamang. Muli niyang tiningnan si Mr. Diaz at nakangiti ito sa kanya ng kakaiba.
T-that old fart! Hindi ko magets kung ano ang trip niya! Wala naman ako kasalanan sa kanya. Hindi kaya si Axe ay may atraso sa taong ito?
Wala na siyang nagawa kaya binitbit na niya ang kanyang bag at lumabas ng classroom. Nauna nang maglakad ang mortal enemy niyang si Mr. Diaz.
Pagdating sa dean’s office at agad siyang pinaupo sa wooden chair na nasa harap lang mismo ng table nito. Nakatayo naman si Mr. Diaz sa tabi ng dean.
“Mr. Santos, I heard what you did to Mr. Diaz and I don’t tolerate violence in our school. Mind to explain?”
“Do I need pa ba? Eh mukhang nahimod na ang pwet mo ni Mr. Diaz,” sagot niya.
“Mr. Santos, I don’t like the words you just used.”
“I’m just stating the facts, Dean—” binasa niya ang pangalan sa name plate nitong nakapatong sa lamesa, “—Agatha Ferrer.”
“I want to speak with your guardian.”
“Then call him,” sagot naman niya. Mabilis na kumilos si Mr. Diaz sa kabila ng “kalagayan” nito. Binuksan nito ang isang clearbook at mukhang hinahanap ang contact ng guardian niya.
Wait, sino ba nakalagay na guardian ko? Si Mama Natalie kaya?