Chapter Forty-nine: Xia Needs Help Part II

1157 Words
Chapter Forty-nine: Xia Needs Help Part II                  “Anong nangyari sa inyo?” iyon agad ang bungad ni Mama Natalie sa kanila pagpasok nila ng bahay. Nagulat ang ginang ng makitang basang-basa silang dalawa ni Xia sa ulan at ang dalaga ay nanginginig. Napadako ang tingin niya sa hitman at mukhang nagtataka din ito dahil sa mga nangyayari. “Mamaya na kami magpaliwanag. We need to warm up,” sabi niya at tumango naman ang kanyang ina. Agad niyang dinala sa banyo si Xia. “You should wash up. Jasmin might have extra clothes for you,” sabi niya. Tumango si Xia bago niya tuluyang sinara ang pinto ng banyo. Hinanap niya si Jasmin at nakiusap kung maaari niyang pahiramin ng damit si Xia. “Sure, Xel. My spare clothes and undies naman ako. Kukunin ko lang,” sabi nito sa kanya. “Thank, Jas,” sabi niya at ngumiti lang ang dalaga sa kanya. Umakyat na siya sa kanyang kwarto at naligo. Mabuti na lang at may heater ang bahay nila kaya agad na napawi ang ginaw na nararamdaman niya. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot lang siya ng simpleng sweat shorts at t-shirt.                  Pagbaba niya ay nakita na niya si Xia na nasa dining table at may umuusok na tsaa ang nasa harapan nito. Nakasuot ito ng simpleng black leggings at orange t-shirt na may nakaprint na pusa. Halos nakatulala lang ito sa tasang nasa harapan niya. Napatingin siya kay Renato at mukhang nanghihingi din ito ng paliwanag. “Maiwan ko na muna kayo. Mukhang may pag-uusapan kayo,” sabi ng kanyang ina. Ngumiti siya. “Thank you, Mama Natalie,” sabi niya. Tinapik lang siya sa balikat ng ina. Minsan, napapaisip siya kung may alam ito tungkol sa mafia. Na nagkukunwari lang na walang alam pero sino ba siya para magduda? Mabait at maalagang ina si Natalie para sa kanya at sa lahat. Kung may nalalaman man ang ginang ay mukhang wala itong balak komprontahin sila. Umupo na siya sa tapat ng dalaga at napansin niyang may mga tsaa ang kanyang mga kasama, except kay Renato na as usual ay ang paborito nitong espresso ang sinisimsim. Si Richard naman ay nakaupo sa arm chair hindi kalayuan sa dining table. Halatang curious din sa kwentong hatid ni Xia. “Para sa’yo, Boss Axel,” sabi ni Harold at binigyan siya ng isang tasang tsaa. Sa amoy nito ay alam niyang Earl Grey ang flavor ng tsaa. “Anong nangyari sa’yo, Xia? Bakit nasa bangketa ka?” tanong niya kaagad. Hindi pa man sumasagot ang dalaga sa kanya ay bigla na lamang itong lumuha. Humagulgol na din ito ng husto. Hindi niya mapigilang makaramdama ng awa para sa kaklase. Malayong-malayo ang Xiang nasa harapan niya kaysa sa Xiang kaklase niya. Xia is one of the happiest persons he knew and seeing her like this makes his heart breaks. Binigyan niya ng time si Xia para pakalmahin ang sarili nito. Ramdam niyang naghihintay din ng mga sagot ang kanyang mga kasama. Sino nga ba naman ang hindi magtataka dahil sa hitsura kanina ng babae? “Someone—" humihikbi si Xia. Lumapit si Jasmin at inabutan ang kaklase niya ng isang box ng tissue at mabilis nitong tinanggap. “—kidnap may sister,” pagpapatuloy nito. Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay. “Kidnapped?” tanong niya at tumango si Xia sa kanya. “Papaano?” Huminga ng malalim si Xia bago muling nagsalita. “Kagabi. Habang naghahapunan kami ng family ko bigla na lang may pumasok na mga grupo ng kalalakihan. Lahat sila ay mga nakaitim. They had black bonnets all over their faces. Bigla na lang nila binaril ang mga kasama ko sa bahay. They killed my mom, dad, even our maids and butlers. Tapos bigla nilang hinahanap ang kapatid kong si Lia. Nang makita nila ang kapatid ko ay bigla nila itong hinatak. Pinukpok nila ng baril ang kapatid ko kaya nawalan ng malay. Hinabol ko sila. Wala akong pakialam basta mahabol ko ang kapatid ko pero mabilis sila. Nakasakay sila sa isang puting HiAce na van,” kwento nito. Mas lalo siyang naawa sa babae. Nawalan ng pamilya ito sa isang iglap lang. “Bakit kaya kinuha ang kapatid mo? Bakit hindi ikaw? Bakit pinatay mga magulang niyo?” biglang tanong ni Harold kaya napatingin silang lahat sa kanyang right-hand man. Umiling naman si Xia. “I don’t know. Ang natatandaan kong narinig ko ay may kasunduan daw ang boss nila sa pamilya ko. I don’t know!” Boss. Napaisip siya agad. Nagkatinginan silang lahat ng kanyang inner circle at maging ni Renato. Iisa lang ang nasa isipan nila. Isang bagay lamang. Mafia. “May natatandaan ka bang pagkakakilanlan? I mean may tattoo ba sila? May suot na singsing o kung ano pa man?” tanong ni Renato na lumapit na sa kanila. Ibinaba nito ang tasa sa lamesa. Nag-isip naman si Xia. Mukhang inaalala nito ang mga pangyayari kagabi. “May nakita ako sa kanila. They had pin badge sa kanilang mga damit,” sagot nito. “Natatandaan mo ba kung ano ang hitsura ng pin nila? Maaari tayong makakuha ng impormasyon kung sino sila gamit ang pin na iyon,” sabi niya. “Butterfly. It was abutterfly shaped pin na may espada sa pagitan,” sagot nito sa kanila. “It’s Nero. Nero famiglia.” Napatingin lahat sila kay Renato. “Nero?” tanong niya. “It’s the Nero Famiglia. May alam ka bas a mafia?” tanong nito kay Xia at umiling naman ang dalaga. “Mafia? Does it mean may kinalaman ang kapatid ko sa mafia? Ang pamilya ko?” tanong nito. “Maaari. Maybe your family have ties in mafia na hindi mo nalalaman. Hindi naman din basta-basta dudukot ng tao ang mga miyembro ng mafia kung walang dahilan. Maybe may kasunduan ang pamilya mo sa kanila and it turns hindi nila ito tinupad,” paliwanag ni Renato. “Sir Renats—” “No,” biglang sagot nito. Bigla naman siyang nainis. “What?! Hindi pa ako tapos magsalita!” reklamo niya. “I know kung ano sasabihin mo and I know na tutulungan mo siya.” “That’s what are friends are for!” “Nero is a very deadly famiglia.” “Mas deadly pa sa atin?” tanong niya. “Of course not! As what I’ve always say, we are on the top of the food chain!” “Eh ‘di may kakayahan tayo—” muli na naman siyang pinutol ni Renato. “You’re still not yet the boss. Hindi ka pa dumadaan sa Liderlik. So basically, wala kang kapangyarihan.” “Pero Sir Renato—” napatingin sila kay Richard na nakatayo na sa gilid ng refrigerator. “—hindi ba dapat ipakita natin na hindi basta-basta ang eleventh generation ng Cielo? Kumbaga patikimin natin sila ng appetizer.” And somehow, nagugustuhan na niya ang personality ni Richard. One point for Richard!                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD